watch now

Author Topic: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)  (Read 175991 times)

CityHunter

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #520 on: May 19, 2015, 06:47:47 pm »
Hi, Ma.Jewel_1987.

One reason why the likes of the Church tells folks to stay away from certain stuff to the point OA na ang dating nila is just like yun nangyari sa iyo by watching a movie.  Maka-influence sa iyo to the point yun chi mo kahit hindi mo gusto ay tuned to that frequency.  This is why on another thread kapag depressed, angry, etc. yun isang tao I tell them to keep away from anything that may heighten that feeling maliban pa with other things.


Hi, momentum.

Approach muna natin ito ng scientific way kung troubleshooting but hahaba lang kasi and hindi naman yun ang coverage ng thread na ito.  Ako kasi  kapag asked to help on such syempre need to negate muna lahat ng possible causes na normal before going sa abnormal even if may clear indicators.  This way kasi makita rin ng subject and mag-cooperate rin yun iba. 

Its not enough yun mirror mo covered.  Pwedeng the very reflection sa window panes mo o even yun glass sa picture frame can already do such.  I had cases wherein dahil lang sa small glasses na nakadikit sa cabinet nila always ends in failure mga relationships kahit sabihin mo rich, mabait, educated, etc.


Hi, Evolet027.

Sa calendar ninyo mark mo dates and time when you remember such happened.  May pattern kasi iyan.  In a way dapat parang sa CSI ka.  Lahat iyan may certain pattern na kapag mapag-aralan mo malaman mo how to counter, etc.  Ika nga forewarned is forearmed.

Hmm.  Tricky ang problem mo.  In a way ay something is actually feeding sa inyo to feed on you.  This is not good.  I usually discuss such on a different thread but for now ay do the salt bath kayong mag-asawa and do reduce red meat intake ninyo as much as you could.

And place a red cloth na hindi synthetic under your mattress.  Kung walang malaking cloth kahit old shirt lang then place it under where your head part will be kapag natutulog kayo.  Ito as in ASAP.

Update us how things fare after doing these.

Evolet027

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #521 on: May 19, 2015, 07:08:53 pm »
Hi CH,

Thanks po! Will do this tonight. And nag keep na nga ko ng notebook sa tabi ko so when I wake up sa ganung oras ulit masulat ko.

Ang hubby ko napapaligo ko na ng salt bath, malinaw naman yung tubig, will do it tonight. Thanks CH. Will update you and this thread. Sobrang thank you. Just want to end this thing.

momentum

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #522 on: May 20, 2015, 10:06:47 am »
Thank you Sir CH

Dami pa naman ibang mirrors din sa ibat ibang parts ng house. Yung windows namin I am not sure ano pwede gawin duon..maybe close ko nalang the curtains? kaso ang init naman haha.

Evolet027

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #523 on: May 20, 2015, 10:38:29 am »
Hello po, Update ko lang po. Ginawa ko na kagabi yung maglagay ng red cloth at salt bath. Nakatulog ako ng 11pm, nagising ng 6am, naka alarm kasi ako. So hindi ako nagising ng 3am ngayon. Pero yung gising ko ng 6am, pagod na pagod pa rin ako. As I remember, ang dami kong panaginip, ang last na napanaginipan ko bago ako magising is, may isang lalake na nakatayo sa harapan ko, I saw his face, and I still remember his face. Fierce and walang expression ang mukha nya, I know, I've seen him, at kung makikita ko ulit sya in real life, I can identify him na sya yung lalake sa dream ko. Then, sa panaginip ko, magkaharap kami na nakatayo sya saken, sa tabi ng lalake may sobrang laking grey na aso, then I have mine too, maliit nga lang. Sa dream ko, we battled and I managed to tie the big dog and yung lalake. He was really chasing me, but I was able to tie his feet. Tapos yun na, nagising na ko. SIguro kaya pagod na pagod ako pag gising ko, kasi nga ganun panaginip ko.

CityHunter

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #524 on: May 20, 2015, 03:06:40 pm »
Hi, Evolet027.

What I suggested was just the start.  To give you the fighting chance.  What about yun prayers mo? 

Evolet027

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #525 on: May 20, 2015, 03:14:45 pm »
Hi Sir CH,

Yup, we prayed ni hubby everytime matutulog na and pag gising. But me, I started to pray the prayer to St. Benedict and St. Michael, since nung nabasa ko na meron ibig sabihin yung pag gising ng 3am, dito ko sa thread na nabasa din yun. Sometimes naman kay St. Therese. We even go to churh every Sunday. :)

CityHunter

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #526 on: May 20, 2015, 04:18:06 pm »
Hi muli, Evolet027.

Lay off sa red meat and start reciting in Latin lang yun Apostles Creed as prayer.  If you prefer yun Aramaic version ng Lord's Prayer.  Use the search function na lang for that as I posted it on a different thread.

phurple0515

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #527 on: May 20, 2015, 04:39:33 pm »
sir CH, just curious, ano ang kinalaman ng red meat on those issues?  kasi si hubby, mahilig sa red meat, not really a prayerful person din, kaya minsan binabangungot siya kaya nagigising ko.

it was years ago din, sa dating bahay na tinirhan namin (we were just renting a room in a condo, the other tenants also not having good vibes), nagising kasi ako bigla ng madaling araw coz hubby is parang binabangungot.  ginigising ko siya, then when nong dumilat siya, I swear, nanlilisik mata niya as if di niya ko kilala kaya niyugyog ko siya ng malakas.  sabi ko tinakot niya ako kasi ang talim ng tingin niya, parang reddish ang mata.  di daw niya matandaan pero alam niya nanaginip siya na me momo daw.

Evolet027

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #528 on: May 20, 2015, 04:43:08 pm »
Hi muli, Evolet027.

Lay off sa red meat and start reciting in Latin lang yun Apostles Creed as prayer.  If you prefer yun Aramaic version ng Lord's Prayer.  Use the search function na lang for that as I posted it on a different thread.

Will do, thanks sir CH. will do it starting tonight. :)

Ma.Jewel_1987

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #529 on: May 20, 2015, 04:59:09 pm »
I have a friend who told me that few months ago, she was very much close to be possessed. It all started when she heard the story about this girl who died, went to hell and heaven and went back to life. I forgot who that girl was. Pero ang sabe nya nakita nya si Pope sa hell kasama si Michael Jackson. Parang na-shaken yung faith nya because of that. Feeling nya lagi syang may kasama then pag nagigising sya sa gabi lagi syang may nakikitang silhoutte ng malaking tao sa room nya, then napansin nya nag iiba hitsura nya pag tumitingin sya sa mirros, scary  :o. Nagpray lang sya ng todo, thank god nawala naman.

Evolet027

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #530 on: May 20, 2015, 05:16:27 pm »
Sis panong nag iiba ang itsura?

Ma.Jewel_1987

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #531 on: May 20, 2015, 05:31:36 pm »
Nung simula maitim yung eyebags mukhang pagod tas nung huli hindi na daw sya yung nakikita nya, parang ibang tao na.

CityHunter

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #532 on: May 20, 2015, 06:43:35 pm »
Red meat distorts one's chi more so if sobrang dami na ng negative energy within us.  Browse na lang sa feng shui thread na current as may detailed explanation.

As for changing yun itsura lalo na sa mirror kasi sa mirror o any reflective surface mas clearer yun true form.

ceejhei

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #533 on: May 25, 2015, 03:13:50 pm »
Last friday, our staff went early in our office so i told him to go upstairs to get the office keys ( we are living in a condo). Sabi niya upon opening the door, he heard something, parang may umiiyak daw and it was loud. He heard it 2 times daw. Patakbo na nga daw dapat siya palabas (he's a he) pero nung dumating na husband ko di na siya nag panic.

Same day, something happened to me naman. around 4pm i went upstairs to change clothes then pababa na ako, dala ko yung trash namin ilalagay ko na sa garbage chute. i am waiting for the elevator. so dumating na siya, may 3 guy nakasakay, isang gay (kabatian ko) old man and a binatilyo. i closed the elevetor's door na. so ineexpect namin baba na siya, pero after 5 seconds it opened again na akala ko may hahabol sasakay pero ang tagal na niyang naka stuck lang dun, then sinara ko ulit, tapos ayun nanaman nag open nanaman after nagsara. for the third time! it happened again! hanggang sa sabi ko na WTF! nagtinginan nalang kaming mga nakasakay. parang may naglalaro ata sa elevator.

sugardrop

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #534 on: May 25, 2015, 04:29:10 pm »
Kaninang around 3am, nagising ako kasi parang may nakahawak na malamig sa hita ko and parang may humahaplos sa braso and pisngi ko. Malamig yung parts na parang may nakahawak and humahaplos. Then yung aso ko, nakatitig sa akin and I can't make her stop barking. It went on for a while then sabi ko na lang, "may sakit ako, wag mo ako guluhin, magpatulog ka".

Maya-maya, wala na. Nakatulog na ulit ako.

Iniisip ko kung tita ko ba yun kasi libing nya kahapon and hindi ako naka-attend dahil sa trangkaso.

reezlemazzle

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #535 on: May 27, 2015, 09:08:01 am »
Mga sis, counted ba ang aswang as horror stories? Haha. I have the ability to see paranormal things so medyo sanay na ako pag may times na may makikita nalang akong nakatayo sa sulok pero never ako naniwala sa aswang kasi hindi pa ako nakakakita.

I was 3 months pregnant with my daughter noon, tas we live in a very probinsya place, sa Alabang kami but far from civilization ika nga, lol. So ayun nung una kasi never akong naniwala sa mga aswang kasi how can you explain yung kukuhanin ang baby mo sa tiyan mo habang tulog ka ngayon sa siyudad? Parang unbelievable. Tas my friends kept on saying na "Nako maglagay ka ng bawang sa kwarto mo" "Wag ka titingin sa matatandang nakikita mo at wag mo ipapahawak ang tiyan mo".. I also have this friend na willing ibigay ang buntot ng pagi nya sa akin para daw may "proteksyon" ako but I laughed it all off kasi nga nasa city kami, walang aswang. Pero lahat yun, nabago nung palapit na ako sa 2nd trimester ng pregnancy ko.

3 months going on 4 ako noon. During my pregnancy, gusto ng mommy ko na sa amin ako magstay dahil wala lagi si hubby para mabantayan ako, so dun ako sa bahay ng parents ko na malayo nga sa sibilasasyon. So one night, medyo late na ako nakatulog, nanonood kasi ako ng mga Korean series noon, siguro mga 1am na ako nakatulog. And as we all know, pag buntis ka hindi madali makahanap ng pwesto sa pagtulog. Inabot ako ng almost 3 hindi pa ako tulog, tas meron nalang akong narinig na kaluskos sa ibabaw ng room ko. Una, naisip ko, pusa.. Pero narealize ko "Teka lang, mataas ang bahay naming, imposibleng makaakyat ang pusa sa bubong namin" At continuous talaga ang pagkuskos sa bubong namin as if naghuhukay, nagpapanic na ako kasi bakit ganun tinry ko pang isipin na manok yun pero sino bang niloloko ko. Tumayo ako at binuksan ang ilaw sa kwarto, and for a while, nawala yung kuskos. Tas akala ko nawala na talaga pero nung papatayin ko na ulit yung ilaw, ayun na naman sya. So I decided na iwanang nakabukas ang ilaw at naupo ako sa kama, inaantay kong mawala yung pagkuskos pero continuous talaga sya. Hindi ako natulog kasi may kutob na akong baka aswang yun or kung ano mang nilalang... Nagpatuloy sya hanggang 5am tas nung unti-unti nang lumalabas yung araw, nawala sya.

Kinwento ko sa kapitbahay namin yun na meron nang 3 anak. At sinabi nya sakin nung pinagbuntis nya yung bunso nya, she had the same experience. Pero pakpak ang narinig nya.. Tumatama daw sa water tank nila yung pakpak at malakas ang hangin sa kanila. Pinalabas nya hubby nya para paalisin at minura daw para matakot. Bigla talaga ako nanghina kasi what if pinabayaan ko yung kuskos na yun at natulog ako. Simula nun ang daming bawang sa kwarto ko at everytime aalis ako, meron din akong tatlong malalaking bawang sa bag. Lol ang weird nga pag chinicheck yung bag ko sa malls kaya nilagay ko nalang sila sa pouch. Hahahaha!

Mukhang marami pa akong mapopost sa thread na to. Next time nalang yung iba. Hihi.  ;)

Ma.Jewel_1987

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #536 on: May 27, 2015, 03:05:13 pm »
^may ganyang experience yung SIL ko sis nung nagbubuntis sya sa panganay nya, dati kasi sa shop sila natutulog. Nung siguro mga 4 or 5 mos na syang pregnant may kumakaluskos every night sa tapat nya pagmatutulog na sya as in sa loob pa ng kisame. Iniisip nila daga lang, pero kahit anung kalampag nila sa kisama since mejo mababa lang sya nawawala tas maya maya bumabalik na naman.

Then laging may matandang nakasilip sa shop pag pagabi na pag nilalapitan ng kuya ko umaalis naman tumatawid pero nakatingin pa din sa shop. Ang ginawa nila binuksan yung maliit na part ng kisame nilagyan ng ilaw sa loob, sinabuyan ng asin at bawang simula nun wala ng kumakaluskos. Hindi na din nila nakita yung matanda.

argento

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #537 on: May 28, 2015, 01:31:13 am »
May report kanina sa cotabato inatake daw ng aswang malaking pusa. Sabi ng isang victim may naamoy siyang mabaho bago umatake yung pusa.

Sana may makakuha ng video ng aswang pero sobrang tapang nun hehe.

heartfortress

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #538 on: May 28, 2015, 10:32:36 am »
Dati sa nirerentahan nameng bahay at nearly 12 midnight habang gumagawa ako school papers at nanonood na din ng tv may narinig akong iyak ng batang babae na kahit tinakpan ko na tenga ko naririnig ko pa din. Inignore ko lang nung umpisa pero palakas ng palakas yung iyak. I think it lasted for about a minute. Simula nun di na ko nagpuyat kakatakot lang. Pero naisip ko baka pusa lang kasi minsan may naririnig akong pusa na parang umiiyak na parang pangtao ang tunog.

donya_dyosa

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #539 on: May 30, 2015, 11:43:28 pm »
Share lang..

training palang ako sa new company ko, my trainer was making kwento about the ghosts in our building. we are in glorietta corporate center.. sabi niya may white lady nga daw sa wash room ng 6th floor.. i was like.. nakikinig lang naman didnt bother it... nung lunch time
i was on the 8th floor sa locker ko at nagwiwi narin ako sa floor nayun..

pagpasok ko ako lang magisa... why i am sure? 8 cubicles yun.. 7 cubicle doors were slightly opened...
yung 1st door, its super wide open kita ko agad na may patak ng wiwi yung upuan di nako pumasok so next door nalang ako...
ayun pagupo ko.. nagflush yung toilet ng 1st door... (sensor toilet) hahahaha kakaloka.. ang goosebumps ko at nerbyos... ramdam ko na talaga na may something na doon.. takbo nako.. sa labas na ko nagzipper at nagsinturon...

pagbalik ko sa training room hindi ko sinabi sa mga kawave ko ang nangyare sabihin nakikiuso ako..  ;D

pero iniisip ko parin pwede toilet malfunction or something pampalubag ayaw kong matakot magc.r. doon.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close