watch now

Author Topic: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)  (Read 176340 times)

CityHunter

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #300 on: September 12, 2013, 08:06:02 am »
Hi, donya dyosa.

The third eye is actually a generic term.  It actually means sensing the unseen which means it can be any of your 5 senses ang maka-sense sa kanila.  It is good you shared this as ma-enlighten ang marami here :)

The reason you get sick is because you imbibed a lot of energy of the dead.  Buhay ka pa kasi so hindi tugma yun energy na nasagap mo.  You simply need to purge those.

It would be interesting if you can hone this gift as it can help solve a lot of questions. 

What is making bulong sa iyo are your angels - I do hope you believe in that.  Prayers to help these get peace is basically what is meant on those bulong. 

And yes, namana ng anak mo ability mo to sense this.  That makes it even more pressing that you learn as much as you could on this to help guide your child.


Hi, Curious Ava.

Bawang and asin does help keep them out - in that area.  Pero the reason why it appeared is it has need.  Try to ask if your mom could recite prayers as she have your child sleep. 

And yes, on that area shielded ka until such time that bawang and asin have exhausted their defensive capabilities.  Pwede rin iyon magparamdam sa other areas and worse it may take offense.

Nhetskii

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #301 on: September 12, 2013, 01:46:27 pm »
nung nasa 2nd trimester ako ng pagbubuntis, kinailangan ni hubby na mag out of town. Ayaw sana nya kasi wala akong kasama sa bahay kundi isang aso. Maliit lang ang bahay namin at simula ng nagbuntis ako, dun kami natutulog sa baba, sa sofa bed dahil walang CR sa taas at the same time mahirap umakyat baba. Ayaw sana nyang umalis dahil nga wala akong kasama at buntis ako. Pero sabi ko, ok naman ako dahil di na ko masyadong hirap di gaya nung 1st trimester ko.

So, pag alis nya, yung aspin na alaga ko ang bantay ko. usually sa labas ng bahay sya natutulog pero dahil wala akong kasama, pinapasok ko sya sa loob. tuwing gigising ako, gumigising din yung alaga ko tapos lagi syang nakatingin sakin basta gumalaw lang ako, pag pupunta ako ng CR, nag eeffort talaga sya na sumusunod sakin at nagbabantay sa pinto nang CR then balik sa sala. Talagang super bantay sya.

The creepy part is, nung madaling araw na yun nagising ako na may parang kumakatok o pumupukpok sa pader sa may bintana namin. Akala ko naman may mga nagiinuman sa labas ng bahay, at baka yung pukpok eh parang nagbabasag sila ng ice (ewan ko mga sis kung nakita nyo na yung mga tao na bumibili ng ice at para madurog eh ipupukpok sa pader--- i hope na gets nyo ibig kong sabihin). So bumangon ako at yung bintana kasi where i heard yung pukpok eh nasa paanan ko lang... hinawi ko yung curtain at sumilip ako. May nakita akong tao na parang sumisilip sya at biglang lumayo ang mukha sa bintana pagsilip ko pero nakatingin pa din sya sakin.  Wala na akong ginawa after nun at bumalik na din ako sa pagtulog...

after few weeks nakabalik na si hubby, may isang ka officemate akong nagkwento about sa mga aswang at mga buntis... pag alis nung nagkwento tsaka ko naalala yung nangyari sakin, kinuwento ko dun sa isang ka office mate ko, nagulat sya.. sabi nya bakit ko daw sinilip pa. Tsaka ko lang napagisipan, napaka unlikely na may tumambay dun dahil pababa yung sahig sa labas at mataas yung bahay namin...  sa takot nung officemate ko binigyan ako ng holy water


mhy_pie03

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #302 on: September 12, 2013, 02:07:03 pm »
^Ano raw ibig sabihin nun pagsilip nung nakita mo?

Nhetskii

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #303 on: September 12, 2013, 02:25:41 pm »
sabi kasi nung unang officemate ko na nagkwento.. na thank God nangyari muna before nya naikwento... nung buntis daw sya, super dami daw ng pamahiin nung asawa nya dahil naniniwala sa mga aswang ang mister nya dahil galing sya somewhere sa visaya.. everynight pag natutulog tinatakpan ng itim na tela or kumot yung tyan nya. Nakaka-attract daw kasi sa aswang  talaga kapag nalaman o naamoy na may buntis. Pumupunta daw talaga sa bahay ng buntis. Mas marami nga daw aswang dito sa metro manila dahil mas maraming tao dito na galing sa ibat ibang probinsya.

yung isang officemate ko na nagbigay ng holy water, nung buntis daw yung SIL nya, one time wala yung kuya nya, bigla daw nagtatakbo sa kanila (magkadikit kasi sila ng bahay) dahil nagising sya na may parang gumagapang sa bandang dibdib nya.. 2x na nangyari sa kanya..  sabi nila, ang mga aswang daw, nagmamatyag lang sa buntis at di naman daw actually kakainin or wawakwakin ang tyan nang buntis (unlike sa pelikula) but they will do something para ma stress yung buntis at makunan.

Naikwento ko din yun sa isa ding officemate at sabi nya totoo daw yun dahil nung buntis din sya (sa pasig lang nakatira) may naglalakad daw sa bubong nila at parang ikot nang ikot lang... ginawa ng mister nya lumabas ng bahay at sinilip tapos parang may tumalon daw ..

Yung nakita ko daw, eh sa tingin nila eh aswang na nagmamatyag... hay naku kinikilabutan ako pag naalalala ko. Naalala ko pa expression ng mukha.  Maitim sya .. super creepy kahit until now di pa din ako naniniwala na aswang yun (para di na din ako matakot) sabi nga nila ang tapang ko daw, bakit daw sinilip ko pa, bukod daw sa madaling araw na eh super dilim pa sa labas...  i guess kahit yung aso ko, mukhang nararamdaman nya kaya super bantay sya sakin hanggang sa CR. Nung buntis kasi ako pag medyo matagal ako sa CR or ang lakas ng duwal ko, talagang tinutulak nya yung pinto ng CR namin (sira kasi ang lock kaya madaling buksan) para silipin lang ako. Pero nitong nakapanganak na ko at may kasambahay na din at nandito na hubby ko. Ni hindi man lang gumalaw, didilat lang ang titingin sakin pag tatayo ako...

mhy_pie03

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #304 on: September 12, 2013, 03:16:46 pm »
^Grabe ang galing naman ng aso mo. Baka nagseselos na siya ngayon kaya ganyan.

Nhetskii

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #305 on: September 12, 2013, 03:55:16 pm »
oo nga sis super lambing and protective aso ko....  ;)

Kady_14

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #306 on: September 12, 2013, 07:50:24 pm »
Sa music room, may nag Cymbals... and I was home alone. LOL sabi ko out loud "lul" hahahaha....

AVIDGOLFER

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #307 on: September 19, 2013, 12:10:13 am »
last week lang my mom called me sa work. night shift kase ako so naiiwan sa house is my mom and my 23 month old daughter. they stay sa master's bedroom kase andun ang cable tv  ;D

then sabi ng mom ko while pinapatulog niya daughter ko turo daw ng turo anak ko sa door ng balcony saying "bata, bata!"

so my mom asked, kung nasan yung bata, tuturo daw ulit sa door ng balcony sabay sabi ng anak ko, "dun!"

so freak out mom ko. pag-uwi ko may bawang at asin sa bintana beside the balcony door. :P

Guytalker here just less post..kinilabutan naman ako sa story mo Ava habang binabasa ko...lol

donzski_doinks

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #308 on: September 19, 2013, 08:30:41 am »
this happened last night sa school. yung last subject ko kasi (Educ1) is 6pm ang tapos. nag extend konti yung instructor kaya almost 6:30 na kami na-dismiss. dun sa floor na yun, kami nalang ang nagka-klase ng ganung oras.. eh alam nyo na, BER month na kasi kaya madilim na yung ganung oras..yung hallway na dadaanan namin e madilim (nagtitipid ata yung school kaya pinapatay ang ilaw) tapos malakas pa ulan. kasabay ko maglakad yung classmate ko. habang naglalakad, I felt that there was someone behind my back blowing air sa batok ko. i thought it's my brother (classmate ko sya dun sa Educ1) kaya sasawayin ko sana kasi tumatayo balahibo ko sa ginagawa nya (numero unong matatakutin ako). nung lilingunin ko na sana, pinigilan ako nung classmate ko na kasabay ko. sabi nya "wag ka lumingon bhe. mas magandang di mo nalang makita.bilisan nalang natin" yun. na-gets ko na ibig nya sabihin kaya sinundod ko nalang sya (na-kuwento na sa akin nung classmate ko na occassionally, nakakakita talaga sya ng mga entities). nung nasa gate na kami, i asked her kung anong meron sa likod ko. [textspeak!] nya, may babae daw wearing school uniform na nakasunod sa akin. I asked her kung anong itsura ng uniform and her description matches dun sa dating uniform ko nung HS pa ako dun sa school na yun (I spent HS there and graduated 2001 pa and since then, twice na nagpalit ng HS uniform yung school).
hanggang ngayon kinikilabutan pa ako. as i've said numero unong duwag ako.

mhy_pie03

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #309 on: September 19, 2013, 12:17:50 pm »
^wahuhuhu. to the nth level ang experience!

Beng01

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #310 on: September 19, 2013, 12:55:50 pm »
this happened last night sa school. yung last subject ko kasi (Educ1) is 6pm ang tapos. nag extend konti yung instructor kaya almost 6:30 na kami na-dismiss. dun sa floor na yun, kami nalang ang nagka-klase ng ganung oras.. eh alam nyo na, BER month na kasi kaya madilim na yung ganung oras..yung hallway na dadaanan namin e madilim (nagtitipid ata yung school kaya pinapatay ang ilaw) tapos malakas pa ulan. kasabay ko maglakad yung classmate ko. habang naglalakad, I felt that there was someone behind my back blowing air sa batok ko. i thought it's my brother (classmate ko sya dun sa Educ1) kaya sasawayin ko sana kasi tumatayo balahibo ko sa ginagawa nya (numero unong matatakutin ako). nung lilingunin ko na sana, pinigilan ako nung classmate ko na kasabay ko. sabi nya "wag ka lumingon bhe. mas magandang di mo nalang makita.bilisan nalang natin" yun. na-gets ko na ibig nya sabihin kaya sinundod ko nalang sya (na-kuwento na sa akin nung classmate ko na occassionally, nakakakita talaga sya ng mga entities). nung nasa gate na kami, i asked her kung anong meron sa likod ko. [textspeak!] nya, may babae daw wearing school uniform na nakasunod sa akin. I asked her kung anong itsura ng uniform and her description matches dun sa dating uniform ko nung HS pa ako dun sa school na yun (I spent HS there and graduated 2001 pa and since then, twice na nagpalit ng HS uniform yung school).
hanggang ngayon kinikilabutan pa ako. as i've said numero unong duwag ako.
sis saan iyang school mo?

Nhetskii

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #311 on: September 19, 2013, 01:51:50 pm »
hayy.. naalala ko tuloy mga kwento dito sa school where im working.

1. sa field namin, gabi na, wala nang estudyante.. yung roaming guard pagdaan nya sa isang puno, may biglang gumulong na bola... wala namang tao at di rin nya alam kung san galing ang bola.

2. Same area... naglalakad 2 parent coming from PTA meeting.. while walking may nakita silang batang humabol at sumunod na naglakad sa kanila... then... biglang nawala..

3.  recently may namatay na student.. after a month may isang parent umattend ng meeting sa isang building namin at inabot ng 9pm. Pagkatapos ng meeting 2 parent magkasabay lumakad palabas kasama yung anak nung isa na classmate nung namatay.... biglang sabi ng bata.. Mommy mommy! nandito si A! (referring dun sa classmate na namatay.) Tapos sabi nung anak nung parent.. sabi daw sa kanya ni A -- V....! V.....! bakit di pa ko sinusundo ng daddy ko?!


hayy dami pa ko naririnig na story, buti na lang so far wala pa akong experience dito.. pero hindi talaga ako nagpapaabot ng gabi.. takot ko lang! hehe

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #312 on: September 19, 2013, 04:40:33 pm »
jaymejorrol: di ko alam eh, oo nga bakit nga ba wala silang gawin actions dun? samantalang kilala naman pala nila, baka naaawa, but more on natatakot din  :-\...

actually nung nagpahilot ako dati, yung manghihilot e marunong din sya magpa anak, habang hinihilot nya ako, todo kwento sya sa mga na eencounter nya sa mga pinapa anak nya, meron nga daw one night na sinundan sya nung babae na ewan ba, sabi nya tiktik din daw, siguro mga 2years ago pa yun, kase kilala sya sa bayan namin na magpapa anak or komadrona ba yun? tapos ayaw syang tantanan hanggang dun sa bahay nung babaeng manganganak, ang ginawa nga minura daw nya at nagpausok ng gomang gulong, kase ayaw daw talaga nila sa masyado maamoy na bagay or spices, ayun umalis daw, saka pag normal na tao daw sila sa umaga, hilig nila yung hawak ng hawak sa tiyan ng buntis, tapos ayun, mamaya aborted na para yung baby nila  :-\

Naku naniniwala talaga ko sa spices or luya to ward off tiktik. Yung garlic wa epek yan kasi yung kapitbahay ng bayaw ko sa province na known aswang eh ang hanapbuhay eh magtinda ng bawang :D. Naka experience din ako nito nung unang visit ko sa side ng husband ko sa province. As in rinig na rinig ko talaga yung tiktik at napanaginipan ko pa na nasa likod ng pintuan ng bahay ng bayaw ko pero di sya makapasok.

Nung 2nd time na umuwi kami ng province na kasama baby ko bago kami lumipad papunta province eh pinabaunan ako ng red pouch ni MIL na may luya sa loob para sa baby ko. During our whole stay sa bahay ng bayaw ko eh nothing unusual naman ang nangyari. Di naman kami natiktik (thank God) at partida pa na naiwan namin bukas yung window dun sa room kung san kami nag stay. Saka never encountered anything creepy during our vacation naman except dun naman sa side ng tita ko though hindi naman sa loob ng bahay pero may something sa likuran nila where our room is located na may nararamdaman yung baby ko.

donzski_doinks

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #313 on: September 22, 2013, 02:13:22 pm »
^wahuhuhu. to the nth level ang experience!
^sinabi mo pa sis. napaka-matatakutin ko pa naman. di ako nakatulog that night.

eyorro

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #314 on: September 22, 2013, 04:23:56 pm »
Nakakatakot naman mga stories niyo sisters. Matagal na akong silent reader sa thread na ito. Ngayon lang ako magshashare. This happened years ago. Ang house namin ay nakatayo sa tabi ng puno ng mangga. One night, nagtapon ako ng trash, sinabit ko lang s puno. Pagkasabit na pagkasabit ko may narinig akong boses babae ang sabi sakin ingat! Eh wala namang tao dun ako lang at ang katabi na nung puno creek na so wala talagang tao dun :o

eyorro

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #315 on: September 22, 2013, 04:32:54 pm »
Di ko alam kung may third eye ako. Kasi ang nangyayari sa akin wala naman akong nakikita pero marami akong naririnig. Minsan in the middle of the night magigising ako sa sobrang ingay. Ang washing machine nagbubukas sara ang takip, ang mga chairs parang hinihila, pag tinitignan ko wala naman. So matutulog ulit ako, tapos ganun na naman. Minsan sa sobrang ingay nagtatakip na [textspeak!] ako ng unan. At minsan sumasakit na talaga ang ulo ko sa puyat. Nagsalita na talaga ako ng Magpatulog naman kayo! Tapos tatahimik na.

sweetpreppy

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #316 on: September 22, 2013, 04:46:27 pm »
there was this one incident when the autie of my officemate died, our team leader saw a silhouette/shadow beside our officemate and the shadow is trying to reach my officemate's shoulders. our team leader told her that she saw a shadow beside her and to pray that nothng bad happens. then she related to us that her aunt just died the same day.

mhy_pie03

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #317 on: September 23, 2013, 11:02:42 am »
Naalala ko pala nung nagpunta ng Australia yung pamilya ko, nagstay sila sa isang apartment style hotel. Eh tatlo lang sila tas aalog-alog sila doon. Maaga raw nagsasara mga mall at tindahan kaya maaga rin sila natutulog. Sa kwarto ang magkasama, mami at kuya ko. Tas sa sala dadi ko kasi malakas siyang maghilik. Nung nasa kalagitnaan na ng mahimbing na tulog yung mami at kuya parehas silang nakarinig ng "Go home" sa mga tenga nila. Eh kuya ko OA pag ganun dahil matatakutin. Pero naconfirm nga niya kasi maski raw nanay ko may narinig. Sabi ko nalang sa kanila at least inglisera. Eh paano kung tagalog. Ibig sabihin sinundan kayo mula Pinas. HAHAHA!

wittyjen

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #318 on: September 27, 2013, 02:24:39 am »
joining.. madame din ako experiences sa mga entities

share ko lang, this happened when i was still in elementary,
we are renting a house sa 1st floor may 3 doors na pinaparent, then yung buong second floor
ang nakatira yung may ari, it was a big house, yung nirerent namen , pahaba siya,
like living room then, may divider na wall then our room, tapos divider ulit then kitchen,
yung next door yung 2 aunt ko naman nakatira, tapos we share the washing area and bathroom/cr as well, so yung back door ng parehong kitchen namen leads to that washing area and BR/CR

when i was in grade2, im doing my homework sa room at our bed, it was around 6pm nun
then may kumatok sa door sa may kitchen, it was the voice of my aunt, sabe "jeng pahiram naman ng planggana niyo" e syempre ako pinuntahan ko agad, di ko na binuksan ilaw sa kitchen kase kung tita ko yun at dun siya sa may washing area eh probably bukas yung door din nila so may ilaw na, e ugali ko sumilip muna dun sa butas sa may tabi ng doorknob bago ko buksan pinto, pag silip ko it was a white lady na i cant see her face at super haba ng hair, para siyang nka spotlight nung sinilip ko, madilim kase walang ilaw tapos siya puting puti then parang mdyo nakayuko ayun, sa takot ko takbo ako palabas hanggang labas ng gate, then to my surprise nandun yung aunt ko nasa may gate kausap mga friends niya. so wala ako napagsabihan , nakita lang ako ng papa ko na namumutla, at since then, di na ko sumisilip sa butas na yun pag may kumakatok dun at paulit ulit ako magtanong kung sino bago ko pagbuksan...


:)
meron pang iba, next time ulit.. work mode muna

eyorro

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #319 on: September 29, 2013, 02:41:30 pm »
^ kakatakot naman yun!! Pano kung nakasilip din sayo yung white lady? :o :o :o

 

Latest Stories

Load More Stories
Close