Ikwento ko yung ilang hiwaga sa compound namin (boarding house type)..
kay papa and manong pinong: (magkaiba sila ng date at time, pero same lang yung nangyari sa kanila)
may nakita girl na naka white, long hair.. then sinundan kasi baka bisita daw ng ka-boarder namin.. (my gosh 1am may bisita?) then umakyat daw 'to ng hagdan.. and pag-akyat nila, wala naman yung inaakala nilang 'bsista'.
kapit bahay:
mga 3-4am daw yun.. nagwawalis sya ng harapan nila, and may nakita syang girl na naka-white, and sinilip nya sa 1st floor.. lumusot daw ito sa ilalim ng hagdan.. hinintay nya daw lumabas.. pero wala na syang nakita..
cousin ric:
lasing, wala sa katinuan.. umihi ba naman sa hagdan! kinabukasan, halos pula ang mata, namimikit and mainit daw.. nagpatawag kami ng mangagamot.. bago sya umakyat, lumingon din sya sa hagdan and nakaramdam na may entities dun.. habang ginagamot si kuya, nakita naming hindi pantay ang daliri nya.. sintomas na naparusahan nga sya.. and sinabi ng mangagamot na nakagambala nga sya.. so kinagabihan 12mn, pinag-alay sya.. pagkain ata yun or latik.. and naging ok na sya kinabukasan..
manang ayds:
kinuha yung walis tingting sa ilalim ng hagdan and may nakita syang nakakatakot na bakas ng mukha ng girl.. sya lang nakakita.. kami walang nakita..
kuya matt:
maaga lagi bumili ng almusal kasi may work sya.. 4:30am.. nakakita na may batang naglalaro sa ilalim ng hagdan
kay kuya rommel:
there's a big mirror facing sa stair namin sa baba (shet kaya ayuko talaga sa mga big mirrors, creepy!) hinihintay nya daw umuwi gf nya, and balak nya takutin, so pinatay nya lahat ng ilaw sa 1st floor.. and hinintay nya gf nya.. nasa tabi sya ng mirror naghihintay.. then paglingon nya sa mirror, may nakatayo sa reflection, nasa likod nya.. ! kitang-kita nya yung mahabang puting damit kahit madilim..
lola aida (bukas ang 3rd eye.. sya halos maraming naeencounter sa amin sa compound)
1.) 2am, gumising para magtapon ng basura sa labas.. pagbukas nya ng pinto, may napansin daw syang babaeng nakatayo at nakaharap sa pinto namin! creepy!.. pero di nya pinansin.. so nagtapon sya ng basura.. then pagbalik nya.. nakatayo pa rin daw sa door namin, pero sa kanya na nakaharap!! wew.. kinikilabutan talaga ako..
2.) as usual, gigising ng madaling araw, magtatapon ng basura, pag open nya ng door.. nakita nya.. nasa gilid mismo ng door nila.. then nakatingin sa kanya! ang ginawa nya daw, kinausap nya 'ano ba kelangan mo sa akin, wag mo naman kami gambalain' then bigla na lang daw nawala pag blink nya ng eyes..
3.) nagising sya ng madaling araw kasi nakarinig sya ng weird sounds sa window nila.. then dahan-dahan nyang sinilip baka kasi may magnanakaw, pero iba nakita nya.. malaking asong itim sa itaas ng bubong ng kapitbahay namin.. pula daw ang mata.. and hindi normal yung aso sa bubong.. kasi takot sa heights yun!
4.) gagamit sya ng cr.. 4am na daw ata yun.. bababa sana sya ng 1st floor.. kaso dun palang sa hagdan, may nakita syang itim na kambing.. pula din daw ulit mata.. wew! so hindi na sya tumuloy pababa..
and ako..
bata pa ako that time.. malikot and salbahe kasi ako nun.. gabi na, 11pm nasa labas pa rin ako.. so pinauwi ako ni mama (si mama naiwan sa labas kasi nakipagshismisan).. syempre ayoko pa sana umuwi so nagdabog ako.. hanggang pauwi sa kwarto padabog ako maglakad.. and pati sa hagdan, as in dabog talaga! inis talaga kasi ako nun.. ginawa ko umupo ako then nanood nalang ako ng TV.. siguro mga paglipat ko ng 3 channels, parang nakaramdam ako na may hanging dumadaplis sa tenga ko (yung parang pinipitik ka sa tenga pero hindi tumatama yung pitik and hangin lang yung umaabot) then ilang segundo lang, natanggal sa saksakan yung TV! (creepy! kasi mahigpit yung saksakan nun, unless talaga may huhugot dun!) then syempre namatay yung tv, and kitang-kita ko.. sa reflection ng tv screen.. putakte yan.. may katabi ako! nakatingin sya and halos nakadikit na yung mukha nya sakin!

malamang nagambala ko sya sa pagdadabog ko..