watch now

Author Topic: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)  (Read 176124 times)

sweetnorina19

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #200 on: April 14, 2013, 01:32:13 am »
I dont know if its creepy for you guys pero lagi akong nawawalan ng gamit. Kahit alam ko kung nasaan, laging nagiiba ng location, parang laging may naglalaro sakin. Tapos every 3am nagigising ako kahit inaantok pako, parang may tumatawag sa pangalan ko , nakakapagtaka kasi laging sakto na 3am, kahit saan ako matulog. Tapos lagi akong nagigising na pawis na pawis kahit di naman ako binangungot. One time nagising ako may dugo yung kamay ko pero paghugas ko wala namang dugo pala

gibberish.

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #201 on: April 14, 2013, 08:06:18 am »
Yung sakin it happened nung bata pa ko. Hindi ko na kwinento sa family ko kasi feeling ko di kapanipaniwala para sa kanila so sa friends nalang. This was during the time na sikat na sikat yung bloody mary. Siyempre takot na takot ako nun. Yung dalawa kong kuya natutulog na sa kuwarto. Ako sa sala ako nakahiga that time inaantay ko si mama. Hindi ko alam kung anong oras na yun pero patay na lahat ng ilaw samin. Malapit lang yung cr samin at dun ko naiimagine si bloody mary kasi nga may salamin sa cr. Hindi ako makatulog that time. Tapos hindi ko mapigilang marecite yung bloody mary sa utak ko. Siguro paidlip idlip rin ako. Then suddenly nagising ako, parang may naaaninag akong papalapit na babae sakin. Alam ko kasi puti yung damit tapos may black na buhok hanggang shoulders. Akala ko si mama yun na galing lang sa may kusina (kung san andun yung cr). Then lumuhod siya (sa floor kasi ako humiga). Tapos ang weird hinawakan niya yung paa ko. Nabigla ako kasi bakit hahawakan ni mama yung paa ko tapos bigla akong hinihila. Buti nalang mahilig akong manipa nung bata ako. Pinagsisipa ko ata yun nagpupumiglas ako. I can't remember what happened na after that. Basta alam ko iyak ako ng iyak pagkatapos nun. Siguro nakatulog na rin ako. Tapos pagkagising ko katabi ko na si mama. Yung totoo kong mama. :) ang tagal na nito. tumataas parin balahibo ko. Hindi ko alam baka hallucination lang or what.

pjiyeon

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #202 on: April 14, 2013, 11:05:11 am »
Ang creepy story sa bahay namin is may alaga daw kaming dwende sabi ng maid namin dati. Kinonfirm to ng Lolo ko since nakita rin nya tuwing nagigising sya sa gabi at naglalaro daw sa kaban kaban ng bigas namin na patong patong. My mom naman saw a girl in white outside our house pero just on the side of her eyes. I think kaya walang bad spirits dito sa bahay namin masyado ay dahil pinoprotektahan nila kami.

jaymejorrol

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #203 on: April 15, 2013, 01:43:47 pm »
may i-share ako.. dati pa to eh..

nagbakasyon sa amin si pinsan (girl, 18yo.) at lolo ko.. then one night sa house namin, sa 2nd floor, 9pm, biglang umiyak si pinsan (as in nanonood lang sya tapos biglang iyak alaga).. ang sakit daw ng ulo nya.. mainit yung mata.. at parang may mahigpit daw na humahawak daw sa paa nya.. grabe iba yung pag-iyak nya.. parang malamig.. nakatakip yung kamay nya sa mukha nya.. and malalim humagulgol.. lumapit ako at kinausap ko sya sabi ko inom sya ng gamot.. maya-maya.. tumigil iyak nya.. (pero nakatakip parin kamay nya sa mukha..) tapos may binubulong sya.. as in creepy yung pagbulong nya.. hindi ko maintindihan.. so nilapit ko tenga ko para marinig ko sya.. then nun dahan-dahan kong inikot ulo ko sa mukha nya.. napansin ko na nakatingin na pala sya sakin.. tirik yung mata.. and sige pa rin ang pagbulong nya.. kinilabutan ako kaya tinawag namin si lolo.. nung padating na si lolo.. nakita nalang namin sya na nakahiga at parang nangingisay.. hinawakan namin yung kamay at paa nya.. saka nagpatawag ng albularyo.. mga 20mins yung paghawak namin.. as in ang lakas! parang hindi tao, tapos paiba-iba ang boses nya.. then pagdating ng albularyo, pinakalma sya.. tapos pinaupo sya at pinausukan.. then pinahiran ng langis.. maya-maya.. pinakita sa amin ni manong yung papel na may langis na pinahid kay cuz.. and kitang kita namin na may mukha ng tao.. lalaki yung tao sa papel (matandang lalaki na matapang ang mukha, may balbas yung sumanib).. creepy! kinilabutan kami.. and hindi pa pala yon..  (ako kasi may hawak ng papel na may langis) sabi ni manong, baliktarin ko raw yung papel para mas makita namin yung tunay na anyo ng lalaki sa papel.. nung time na yon, nabitawan ko papel ko sa sobrang takot sa nakita ko! sa maniwala kayo't sa hindi.. demonyo po ang nakita ko.. may sungay, mahabang dila at nakanganga.. totoo to.. demonyo yung sumanib.. marami kaming nakakita sa papel.. then binigyan ng pangontra si cuz para itaboy yung sapi..

whew..! first part pa lang yan.. saka na yung last part.. and it all happened in 1 night.. oras lang pagitan.. watch out.. :) work muna ko hehe..

ceejhei

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #204 on: April 15, 2013, 01:54:22 pm »
^sis ang super creepy niyan. meron ngang ganyan, yung neighbor namin noon nasapian din siya, na-news pa nga kasi grabe talaga siya
nagtawag din ng pari ata yun or albularyo, pero sobrang tagal na nito mga 15 years ago, pag tinatanong kung sino siya
siya daw si king demon. nakakatakot ang lakas at ang lalim ng boses. abangan ko pa yung second part ha?

jaymejorrol

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #205 on: April 15, 2013, 03:02:56 pm »
^ouch.. guy po ako.. :D haha!! anyway since mejo hindi pa busy.. ituloy ko na rin..

last part..

so.. napakalma yung cuz ko mula sa pagsanib, bumalik na sya sa katinuan after nun dinasalan namin.. nakausap na namin sya pero wala syang alam sa nangyari.. umuwi na si manong.. pero nakabantay pa rin kaming lahat sa kanya.. then 12 midnight.. gusto nya daw umihi.. (nasa 1st floor yung cr) so sinamahan namin sya.. nun nasa hagdanan na kami pababa (last step na ng hagdan) bigla sya umupo dun.. sabi namin 'bakit?' ..at bigla nanaman syang  umiyak at bumulong! creepy!! nanginginig mga paa nya! ayan panic nanaman kami.. at iba na ngayon.. mas grabe! lumalaban! ang laki ng voice nya and lisik yung mata! hinawakan namin sya papunta sa sofa sa tabi ng pinto.. at kinakausap sya ni tito.. isa lang sinasabi nya..'sinusundo KO na sya' ..grabe nakakatakot.. pintawag ulit namin si manong.. pero habang wala, hinawakan ng tito ko yung ulo nya.. and gusto kagatin ni cuz yung daliri ni tito na may gold ring (takot daw kasi sa pure gold yung sanib, idk pero yun yung napansin namin..) pagdating ni manong, una nyang hiningi samin is asin.. at pinakain kay cuz.. at nilagyan din sa ulo.. and grabe lalo syang nagwala! (pangontra din daw kasi yon sabi nya) and malakas parin.. parang iba.. mas malakas kesa dati.. tapos kinausap ni manong.. sino ka at ano kaylangan mo sa bata? sabay sagot ng: 'sinusundo na NAMIN sya!' take note: NAMIN na daw! kanina 'KO' lang.. watdapak! ibig sabihin, hindi lang 1 ang espiritong nandun! grabe tumayo talaga balahibo ko.. tapos tinanong ulit ni manong.. 'bakit sino ba kayo?' sumagot sya.. 'albert!'.. tinanong ulit ni manong panigurado.. 'sino ka gtalaga, yung totoo?!' ..at ang sunod na sagot nya ay.. 'alfred!' lalo tumayo balahibo ko kasi 2 names ng boy yung binanggit nya! kaya pala ang lakas (2 boy spirits daw talaga yung nandun, sumusundon, and remember.. demons sila).. and ito ang mas nakakakilabot.. sabi ni manong.. 'bakit nyo sa sinusundo?!' ang sagot nya.. 'pinapasundo sya ng nanay nya!' owmaygad! grabe! matagal na kasing patay ang mama nya.. and sa pagkakaalam ko.. hawig na hiawg nya mama nya.. and eto pa ang pinakakinilabutan ko.. sabi ni manong.. 'nasaan ang nanay nya?!' potek yan, tumingin sa kin pinsan ko sabay turo sakin!! nagulat ako sabi ko 'ba't ako?!' yun pala.. nakatayo daw sa likod ko yung mama nya.. grabe as in super nanigas sa takot buong katawan ko! 3 spirits ang nandun sa bahay namin that time! since nanay nya ang kalaban namin.. mejo nahirapan si manong.. hanggang sa abutan kami ng 3am.. saka dumating papa nya.. and papa nya kumausap sa mama nya na tigilan na ang anak nila.. and ayun.. kumalma nanaman.. hindi lang maintindihan ni manong bakit hindi tumalab yung pangontra nya.. may pangontra daw talaga kasi yung cuz ko, yung mabisa talaga.. kaso naiwan sa bicol.. kaya from there hanggang dito, nasusundan sya ng spirit ng mama nya.. creepy..!

marami pa po ako kwento sa house/kapitbahay namin.. isa pa lang po yan sa mga creepy encounters ko.. marami ding kwento sa mga kapitbahay.. pero yung mga ne-encounter ko talaga is yung ayan sanib, white lady, mga paramdam and doppelganger.. lahat yan sa house namin nangyari..

ceejhei

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #206 on: April 15, 2013, 03:36:44 pm »
^sorry bro pala. nakakatakot naman yan. pero can't help but to giggle dun sa "nasaan ang mama niya" part na tumingin sayo
kasi parang nagulat ka din na bakit ikaw tinuturo yun pala nasa likod mo. i've heard also stories na ganyan binabalikan ng
mama niya kinukuha din siya.

scary!

mllapina

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #207 on: April 15, 2013, 03:43:33 pm »
grabe bro jaymejorrol para akong nagbabasa ng comics, may comedy and actions, can't wait to read more hahaha  :) naniniwala ako sa sanib kase [textspeak!] kasambahay nila mommy dati ganyan daw, babae sya ha pero nung nagwala sya at nagsisigaw, 6 na lalake ang humahawak sa kanyan kasi nagpupumiglas sya, pero super lakas daw talaga, di normal sa isang tao ang lakas, minsan ayoko maniwala pero ayoko naman saka ako maniniwala kung kelan na experience ko na (scary kaya yun)  ::)


CityHunter

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #208 on: April 15, 2013, 04:21:46 pm »
Hi, jaymejorrol.

It would be interesting if we can study the circumstances and such then when that experience happened.  Those will provide clues kasi as to what triggered it. 

Take note na sa narration mo it happened at around 9pm and sa 2nd floor ng place ninyo.  Sunset to before sunrise is usually when such things heighten in activity.  There is a strong possibility that something that generates negative energy is situated sa area where it happened more so 2nd floor siya.

Yup.  When subjects become victims ay they exhibit unusual traits like extra-ordinary strength and reciting weird things.  More often rin the victim recalls very little or none at all during the incident.  May cases naman wherein they are like observers lang but cannot do anything.

True rin that remedies used on the subject will show clues as to what the threats are.  And yes, they never work alone not unless, just as with some humans, ay bent to do something to benefit solely itself or magpabida.

The thing here is there is a very strong possibility that whatever controlled your cousin wasn't really your aunt.  Such is the norm kasi - to mislead.  That way one unknowing with such things will always effect the wrong countermeasure leaving then an open door to it anytime it wants to take hold again - or when opportunity presents itself once more.

True rin yun bit about the gold - now you know why such is the material used for religious materials used sa mass.  Science plays a major part here rin but its beyond my abilities na and uber OT na rin yun.

Salt - the non-iodized kind syempre - is the cheapest yet effective tool against such.  Rice grains rin will work and I've heard some even use sugar cane but that hindi ko pa nasubukan - heaven forbid that I never have such a need to test it! - or documented.

The good thing here is that malakas ang desire ninyo to save your cousin as else it would've taken her soul.  Yun ang habol here as that is the only commodity that is of value there.  There is also a reason why it is often females ang nagiging victim. 

Yup, there is a strong possibility that whatever it was being pointed as cause was behind you.  However, as with everything associated with these things it is best to always consider it first as a lie.

The key here is that reinforce yun positive energy niya that way no matter may dala man siya na pangontra or not ay she can lead a normal life.  Another is to avail the sacrament of confession but that is dependent na sa ano ba religion niya and how strong ba yun faith niya in Him.

Yun doppelganger hindi ko lang pa ma-figure out why they copy others save mislead people. 

jaymejorrol

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #209 on: April 15, 2013, 04:38:20 pm »
@ceejhei: uo kahit ako grabe.. kinilabutan talaga ako.. kahit kanina nga eh habang tinatype ko to haha! hindi ako makapg-cr sa takot hehe.. naaalala ko kasi.. high school palang ako that time.. actually yung part na 'nasaan yung mama nya' ang katabi ko is yung kapitbahay namin.. then nakakagulat talaga kasi kaming dalawa yung tinuro, pero sa akin talaga sya nakatingin! tumakbo sa takot yung katabi ko.. and ako hindi nakaalis sa sobrang takot.. and talagang sa akin parin nakaturo and nakatingin.. i can still remember her creepy face habang nakatitig sya sakin :( nakakatakot..

@mllapina: maniwala ka.. ganyan din ako dati like you.. hindi naniniwala unless maranasan ko.. minsan inisip ko scripted o sadya yung mga ganun.. haha! utak bata pa kasi ako nun.. pero nun nangyari sa pinsan ko yun.. dun ako talaga naniwala.. pati yung papel na may mukha (super impossible to pero ako mismo nakasaksi, ako mismo may hawak.. ) ..and pati yung spirits.. then mga sunod na pinaniwalaan ko (as in naranasan ko talaga) is yung mga pagpaparamdam ng close relatives, whitelady, doppelganger (yung nangongopya ng ibang tao) and lastly.. kulam..

@CityHunter.. wow.. thanks sa info.. halos tumutugma lahat.. at least alam nyo po na true ang na-experience ko :) ..pati pala yung sa gold ang salt, wow.. and siguro nga po may kinalaman sa mga places that creates negative energies.. pero the root po talaga nito.. according to tito, is sa bicol daw po talaga nangyari.. talagang gusto kunin yung cuz ko ng mama nya.. wew creepy talaga.. idk why..

and regarding sa doppelganger.. nangyari sa akin yun dati.. ginaya yung mukha ng kapitbahay namin.. hindi ko naman masabing multo kasi buhay pa kaya kapitbahay namin.. as in nanggaya talaga.. di ko rin alam yung reason why.. siguro pag may time ikwento ko yung sa doppel..

« Last Edit: April 16, 2013, 09:02:50 am by jaymejorrol »

CityHunter

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #210 on: April 15, 2013, 05:12:03 pm »
Hi muli, jaymejorrol :)

Yup.  All of our provinces here do have their own brand of magic.  Even my late friend has his own "pet" then. 

The thing is not unless yun mom had made a deal with the devil ay the possibility of it, yun mom, being what is behind this ay very low.  More often kasi gagamitin yun someone we trust or have deep affection or respect on.  Well, its a discussion that would be better answered by a deeper study of things na beyond our present means and uber OT na for this thread.

Tiyak rin when the subject got back her consciousness ay may mga naikwento na strange siya.  I forgot to add rin na there is a reason why ang stairs were designed in such a way then and not just like that - and its more than simply feng shui or what. 

Ang mahirap lang here is that not unless ma-stop ito soon ay the "curse" will be passed on to future generations.  Kaya measures must be effected as soon as possible more so this is a karma year hence the perfect opportunity to be rid of this forever.

Yup.  Had some encounters with that rin though its uber weird why they do that.  It happens more often rin during the day as versus yun ibang weird things that happen when the sun has set.

jaymejorrol

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #211 on: April 15, 2013, 05:27:14 pm »
^ ou nga! doppel happened to me in the morning.. maliligo sana ako sa cr.. i think around 7am.. maliwanag na yun.. but yung sa kapidbahay ko, nagkwento sya.. na-doppel din sya pero gabi talaga.. na-copy yung kapatid nya.. ang kwento kasi nun nanganak kapatid nya.. hirap na hirap manganak pero hindi man lang sya dumalaw, parang may samaan sila ng loob.. ayun kinagabihan.. nakita nya daw kapatid nya pumasok sa bahay nila, may hawak-hawak na baby.. then  sinundan nya kasi akala nya nakalabas na ng hospital.. pagpasok nya wala naman sa loob! weew.. nakakatakot.. then after nun mga 2 mins lang daw, tumawag kapatid nya na nanganak, at binalitang patay yung bata pag labas pa lang.. creepy right? na-doppel na, masamang paramdam pa nangyari.. not like sakin.. wala namang bad thing happened..

CityHunter

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #212 on: April 16, 2013, 07:56:47 am »
Hi, jaymejorrol.

Hmm.  Could it be na kapag late na yun hours ma-encounter ang doppelganger connected with something grim or bad.  When I had my experiences of such na during the day parang wala lang.  As in more of nanloloko.

brandi

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #213 on: April 16, 2013, 08:48:31 am »
@jaymejorrol scary!ibig sabihin yung mom nya  doon napunta sa hell ganun?  :o

jaymejorrol

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #214 on: April 16, 2013, 08:52:24 am »
@CityHunter:
well siguro nga.. yun palang din kasi na experience ko.. sa umaga nangyari yung doppel sa akin sa house namin, and wala namang nangyaring masama dun sa ginaya nya.. unlike sa kapitbahay ko nga.. gabi nangyari.. and may bad news na kasunod.. since kapatid nya and the baby yung ginaya.. it means may mangyayaring hindi maganda sa kanila.. yun nga, namatay yung baby pagkapanganak.. creepy nga eh..


and sabi sa wiki:
"Doppelgängers often are perceived as a sinister form of bilocation and are regarded by some to be harbingers of bad luck. In some traditions, a doppelganger seen by a person's friends or relatives portends illness or danger, while seeing one's own doppelganger is said to be an omen of death."

nakakatakot.. and may mga pangyayari talagang ganito:
http://paranormal.about.com/od/Doppelgangers/a/doppelgangers.htm

but sa link na yan, parang wala naman din atang kinalaman yung day or night kung kelan nagpakita yung doppel.. mostly caused harm (even death) sa ginaya nila.. and others is ginaya sila sa future nila (last story sa link).. 2nd story sa link ay tulad sa nangyari sa kapitbahay namin.. a girl with a baby yung doppel.. wew, creepy!

til now mejo natatakot parin ako sa house namin.. baka kasi maulit yung doppel.. sa mga nabasa ko sa link na yan para tuloy lalo ako natakot.. wag naman sana.. kahit umaga o gabi pa, mas ok pang wag nalang sya magpakita.. kasi wala naman daw goodluck na dala ang doppel.. dalawa lang ang dala nyan.. pananakot.. or harm sa ginaya nya (even death).. wew, nakakatakot!

jaymejorrol

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #215 on: April 16, 2013, 08:56:39 am »
@brandi:
uhmm.. di ko po alam sis.. wala po kasi ako syado alam sa paranormal.. pero it could be.. kasi bakit demons ang ginamit na taga-sundo di ba? pero idk.. mahirap naman mag conclude basta-basta.. basta ang alam ko lang.. ayon sa sinabi ng cuz ko while she's possesed dun sa bahay namin.. pinapasundo daw sya ng mama nya.. and 2 guys yung sumanib sa kanya para sumundo.. and ayon sa images na bumakat na nakita namin sa papel na may langis, they are demons.. wew.. nakakatakot talaga..

and sa bicol daw talaga nagumpisa ang lahat.. sinundan lang daw si cuz ko dito ng sipirits kasi hindi nadala yung pangontra.. marami na rin daw nangyari sa bicol like tumatakbo na nakatingkayad and bent yung daliri sa paa, malakas daw tumalon and mabilis tumakbo.. mga ganun.. yun lang ang alam ko.. hindi ko na napakinggan yung ibang kwento kasi natatakot ako..

CityHunter

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #216 on: April 16, 2013, 01:33:34 pm »
Hi, jaymejorrol.

Yup.  Isa daw sa mga sabi with doppelgangers ay warning of some impending kamalasan or even doom.  Well, yun isang distant relative namin who is uber mukhang money ilang beses na kinokopya in various places even sa wake ng lola namin then pero buhay na buhay pa rin hanggang ngayon. 

Demons are mga dating tao who have chosen the dark side.  The only way they can "bargain" for some reprieve from the torment of hell is by taking a soul.  Dahil the soul is the only commodity that is of worth nga.  Iba ang devil which are fallen angels.  Elementals are considered as fallen angels.

It would be great sana if a photo or copy of that oiled paper showing the faces of the demons can be shared.  Anyhow, the positive thing to note here is that the situation was resolved successfully.

Yup.  I had a case wherein nagsimula noong bata pa siya somewhere in Cebu area then they moved here sa Manila area and nakasunod pa rin.  Moved to USA and kasama pa rin nila so I had to give her instructions via Email as to how to stop it - reminds me to find if I still have those Emails saved as magandang i-study muli.

OT: Actually, what was caught on that oiled paper were minor ones.  Maswerte as it was just demons.  The nasty ones are usually what will require major help and that by a working group pa. 
« Last Edit: April 16, 2013, 01:36:55 pm by CityHunter »

jaymejorrol

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #217 on: April 16, 2013, 02:18:11 pm »
^ matagal nang wala yung paper (sing laki lang sya ng 1/4 size na bond paper, and correction po pala.. si cuZ po ang nilagyan ng langis.. nasabi kong oiled yung paper kasi nilagay yun sa noo ni cuz.. and oily na sya pag-tanggal) and hindi narin pinakalat ng family namin.. ang alam ko pinilas tapos sinunog na..

ang ginawa is.. pina-upo si cuz sa chair tapos sa ilalim nun is parang may ginawa silang pampausok.. tapos nagtirik ng candles.. then ayun kumuha ng piece ng bond paper.. pinahiran ng oil si cuz.. then nilagay yung paper sa noo nya habang dinadasalan.. then pagtanggal nun paper.. nilagay 'to sa ibabaw ng candle.. as in hindi sya nasusunog.. tapos syempre nagccreate yun ng black smokes.. then habang ginagalaw-galaw yung paper dinadasalan din ni manong.. after nun.. ayun na.. pinahawak sakin and tingan daw namin yung ichura nung sumanib.. naproduce yung image dahil sa smoke.. parang sa charcaol yung pagkakagawa..

honestly.. mukha talaga ng guy ang unang nakita namin.. matapang yung mukha.. mejo mahaba yung bibig.. may balbas, mejo malaki yung ilong.. then nun binaliktad ko.. lahat kami witness.. na demon yung image na lumabas.. ano sya eh, kalbo, may 2 sungay.. parang nakangiti or nakanganga.. matulis ipin at tenga and dilang ahas.. sa sobrang takot ko nabitawan ko talaga.. para syang ambigram.. pero magkaiba ng image kapag binaliktad.. a boy and a demon..

minor case pa lang pala sya.. pero still nakakakilabot na.. what if major case na.. wew! :o
kapag working group parang naaalala ko yung movie na insidious! scary!

heaven_charm

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #218 on: April 16, 2013, 02:21:36 pm »
pinagtripan na naman ako ng doppel ko ata sa opis. yung favorite lipstick ko nawala for the second time around. ang weird part pa dun is in less than a minute napalitan niya.

not sure of they are capable of doing this pero ang story kasi, meron ako super red lipstick before na mala-anne curtis na shade na ginagamit, all of a sudden nawala yun mga 1 month na ata. next may nawala ako another lipstick na favorite ko tapos buimili ako ng bago. 2 weeks after nagkwekwentuhan kame opismate ko habang nagma-makeup tapos paghawak ko sa lipstick ko yung super red lipstick na siya. nagpalit yung shade! last friday lang nangyare tong switching of lipstick.

super kinilabutan kami lahat sa opis kasi nawala yung bago, bumalik yung luma. for sure, di ako pinagtritripan ng opismates ko. sabi nila baka yung doppel ko daw ang kumuha. how do i make her return it? ayoko pa naman nun red lipstick kasi whenever i wear it, it makes me look more like her the way i see her in my dreams. yung fave shade ko kasi is very light lang yung shade.

yung doppel ko sa opis lang siya lage nagpaparamdam. minsan inaayos ko yung table ko before i go home tapos pagbalik ko magulo naman. meron din ako nawalang ring before na bigay ng bf ko. kitang kita sa cctv na bigla lang talaga siya naglaho as in walang lumapit sa table ko para kunin siya.

my doppel or kung sino man siya is not violent. trip niya lang pinaglalaruan ako by getting my things saka  magpakita sa opismates ko. sabi nga ng opismates ko she looks even better than me.

CityHunter

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #219 on: April 16, 2013, 03:12:06 pm »
Hi, heaven charm.

Could it be a poltergeist considering its doing naughty things.  Its best na itabi mo muna yan ibinalik na lipstick as it can be used against it.  Do note that preternatural creatures can manipulate reality turning what is something to another.  It may be na yan ang new one mo but transformed into what the old one was.

If you could, pa-detail yun nakita ninyo sa CCTV na nawala na lang bigla yun item. 

Ha ha.  Its weird that your copycat looks better than you.  That strengthens my observation that those can never fully duplicate the original.


Hi, jaymejorrol.

Noted.  Sinusunog indeed ang mga yan after though some of those truly masters of the art can use it to get back at those.  Well, that may be lang na may different school of thought sila so let's leave it at that.

Having the subject seated as incense is applied is a good method as it limits the effect of whatever it is binding her.  Candles can help guide it out as well as channel the good ones to assist.  Yun pag-detect sa kanila is one of the various forms. 

Whatever it was caught in that oiled paper were indeed 2 different forms.  One would be of higher status than the other which would be its alalay until such time it can reverse the situation. 

Indeed minor ones pa ito as else hindi kakayanin ng method na yan to contain it. 

What would I like to know is what was the material ng upuan your cousin was seated on, clothing, program being watched or listened on then, how close sa CR, did the lights flicker, animals give weird sound or simply no sound at all, breeze suddenly felt chilly or hot, etc. 

As in with everything in our plane of existence even itong mga ito have to obey the laws of physics.  Hindi pwede bigla na lang mangyayari ang mga yan though noticing the signs takes an expert eye nga. 

Again, kaya interesting to study ito ay dahil this is a very weird year such things can and will happen to those who let their guard down more so kung may history na.  If you are to analyze things really deeply ay several events point gives warning.

For example.  When I got a call to assist someone sa Olongapo ay for some reason yun DVD namin ng Mirrors na movie ay that was only when we bothered to watch it.  Know what, a taste of that was what our case was there.  Mabuti I had my wife along to assist as it was one difficult case. 

True rin yun makakita ka ng tao na walang ulo for some reason and later mabalitaan mo patay na siya or pinatay.  That is because yun energy level niya has waned and death is hounding him or her na.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close