I want to share and probably get tip for CityHunter
- yung bahay ng parents ko, as far as I remember grade 6 pa lang ako madalas na ko binabangungot same thing with my 2 other sisters. Yung madalas na scene was there is thing black shadow na nasa side ng bed or nasa paanan. then I can no longer move, madalas ko i-pray nun was "Our Father" na medyo nakakalimutan ko along the way.
-bday ng pamangkin ko, so after ng children's party, binihisan na ng pambahay ni ate yung pamangkin ko after maligo. nasa room kami nun, while my other sis is sleepy sa bed, mayamaya pa naririnig na namin sya umuungol, so ginising namin sya pero di sya agad nagising, niyugyog pa talaga namin sya. tas pagmulat nya, sabi nya may nagbuhat daw sa kanya 1 guy and 1 girl , parang black shadows lang sila, palabas ng room. she said that she can see us as if she's awake pero di sya makagalaw kasi buhat na sya. ilang ulit din nangyari yung incident same black shadows.
- another incident naman nasa bahay kami lahat nung, parang fiesta yata or what bast may okasyon ulit, sa sala natulog yung isang sis ko and her hubby, then nung madaling araw, bumangon ako at pumunta ng CR, nakita ko may katabi yung BIL ko aside from my sis, i thought it was my niece, medyo madilim kase. the next morning, I saw my niece na natutulog sa tabi ng mom ko. i asked my Mom kung katabi nya ba natulog yung niece ko, sabi nya Ou daw. sabi ko naman i thought tumabi kay BIL kasi nakita ko may katabi si BIL aside kay ate, dun ko lang narealize na yung katabi ni BIL na nakita ko has the same haba ng binti ni BIL. nung natanong ko kay BIL, nabanggit nya na parang may sumasakal daw sa kanya.
- i think there is another thing living sa bahay namin, this unknown guy madalas magpakita sa dining, biglang dadaan palabas ng backdoor, or minsan papasok ng CR, minsan nagpa-flush yung toilet, no one is there naman.