watch now

Author Topic: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)  (Read 176126 times)

prix

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #100 on: September 04, 2012, 03:19:38 pm »
^ waaahhh... buti mabait yung "friend" ng kapatid mo.. kasi pag galit ang masasamang ganyan, talagang masama sila.. may magkakasakit or mangyayaring masama..

ganyan din yung pamangkin ko.. sa bahay ng tito ko, nung bata pa siya, madalas siya sa ilalim ng dining table nila at may kalaro.. nakikipag usap pa yung pamangkin ko.. pero ngayong binata na pamangkin ko, pag tinatanong namin siya, wala naman daw siyang kalaro sa ilalim ng table.. as in wala siyang maalala..

oo nga sis eh, buti talaga mabait yung friend nya.. preho pla clang wlang maalala, siguro binantayan lang cla nung mga baby pa cla. :)

ms.messed_up*

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #101 on: September 10, 2012, 12:41:44 am »
hello sisses! :)
nagaayos ako ng things ko and i found my old phone (moto razr), andun pa yung na-receive ko na creepy sms. i was the one who shared before dun sa old old old thread, random ramblings pa yata yung thread na yun.
anyhoo, back story: my experience ko of getting a creepy sms which apparantly sabi ng psychic-- ghost ng "rape victim" from our building. most of the time kasi mag isa lang ako, then heart broken pa that time.(it attracts spirits daw kapag ganyan) then every night, nararamdam ko sumasakit tummy ko. ang sabi sakin ng psychic, kaya daw sumasakit any tummy ko was because hindi ko daw kaya ang presence ng spirit na yun, and malapit lang daw sa akin. sinasamahan daw ako ng ghost ng rape victim kasi lagi daw akong mag-isa and depressed. :o nakuha pa nga namin yung name niya, but thank heavens, nakalimutan ko na..kasi nakakatakot sobra.
student pa lang ako that time, ang super early ng call time so ang aga ko nagbabanyo. nakikita ko na siya dumadaan sa labas ng window, and thing is 3rd floor kame. then one night i came home from duty..i was resting on the couch, til i fell asleep. i received this sms, tumunog ang phone ko so medyo nagising ako, but i didnt check it kasi sobrang pagod. at around 10PM nagising na ako, then i saw this sms.
check out the time and date & unregistered sender but a& appeared. plus theres no number, pero may reply option. empty message.


http://tinypic.com/view.php?pic=4jrqeb&s=6
http://tinypic.com/view.php?pic=2envm13&s=6
twas year 2008-09 yata, im not sure but definitely not 1969! :o
« Last Edit: September 10, 2012, 12:44:04 am by ms.messed_up* »

andylhen

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #102 on: September 10, 2012, 10:47:46 am »
^ creepy nyan sis.. kahit beeper hindi pa uso nung 1969.. but sis, can you share a msg you receive? is she asking for help or tinatakot ka lang talaga? ang weird ng ghost na yan.. marunong ng matext.. have you tried also checking the calendar of your phone? tama ba yung setting ng date?
napansin ko nga bigla na kapag broken hearted ka nga or may away kayo ng bf, medyo down ka, mas malakas ang pakiramdam ko sa mga spirits around me.. at dun ako nakakaramdam ng takot kahit aware ako sa mga nakikita ko..

babykat

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #103 on: September 10, 2012, 12:03:58 pm »
^ sabi nung psychic friend ko, they're attracted to negative energy.

Prunella

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #104 on: September 10, 2012, 12:20:35 pm »
^That's so creepy, sis.

I'll share my story next time. Mag-isa kasi ako sa house ngayon and I'm a bit of a chicken. :D

Dhee-Dhee

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #105 on: September 10, 2012, 04:58:20 pm »
ms. messed_up: kinilabutan ako nung nakita ko pics ng fone mo sis. abangan ko yung pag post mo ng message nung ghost sayo..
« Last Edit: September 12, 2012, 09:23:27 pm by Dhee-Dhee »

ms.messed_up*

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #106 on: September 12, 2012, 08:15:59 pm »
super creepy di ba?! :o empty message, and wala din number pero may reply option. sender, time and date lang ang andun as shown in the photo.
yes, ive checked the time & date settings, ok naman. hinanapan ko nga talaga ng explanation kung paano nangyari yun. then ayun, naiyak na lang ako sa takot and called up my brother..he just tried to pacify me and magisip din ng explanation. few minutes later, to the rescue na tita and cousin ko, my brother asked them na puntahan ako but he didnt tell them why. pag pasok nila ng unit, yung cousin ko whose third eye is active din, was drawn to the cr..and she shut the door. hindi ko pa sinasabi na may nakikita ako dun. :o so there, i showed them the sms and di din makapaniwala how it happened. i asked my cousin kung may nakikita siya, and hindi niya ako sinagot, prolly because para hindi na din ako matakot. ang tagal din niya bago sinabi sakin na may naramdaman nga daw siya sa hallway pa lang, and dun nga sa cr. sinabi lang niya nung nakalipat na ako ng condo.
that weekend din, may bisita mom ko. i didnt know that shes a psychic. i was doing my thing lang palakad lakad around the house, until pinatawag niya ako. she started asking me questions. out of the blue bigla niya ako tinanong na: sumasakit lagi ang tyan mo? i said yes. dun, tuloy tuloy na siya. she told me that yung spirit nga ng rape victim sinasamahan daw ako, kapag daw malapit lang siya sumasakit tyan ko kasi hindi ko kaya presence niya. kinuwento pa niya what happened and paano siya namatay. noong araw daw, yung location ng building namin talahiban daw yun..then yung manliligaw daw niya raped her tapos pinatay dun sa location ng building namin. nakita daw niya na lagi akong mag-isa, sad kaya daw sinasamahan niya ako. :o sinabi pa niya name niya, buti na lang nakalimutan ko na. we offered mass and prayers for her.
pinakita ko din sa friends ko, yung isa nagbiro na try ko daw mag reply.. but yung isang friend ko pinigilan siya and told him to not mess around with spirits. dati, sobrang tempting to google her name, date and time, takot lang talaga ako. :o

edit: yung psychic expalined din kung bakit tummy ang sumasakit, basta related daw yun sa chakras. i forgot lang her explanation.




« Last Edit: September 12, 2012, 08:22:09 pm by ms.messed_up* »

queendi

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #107 on: September 12, 2012, 09:06:55 pm »
^omg! napaka creepy! kinilabutan ako

babythug28

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #108 on: September 12, 2012, 09:25:38 pm »
mejo OT: has anyone seen yung video (from china ata un) na parang may epilepsy yung guy. tapos when he went down, may figure na nag appear sa may fridge door (this was a CCTV from a convenience store) na parang soul siguro nya.

@messed up, ako sis i don't see ghosts pero sometimes i can feel and hear their footsteps. walang masakit sa kin pero parang lumalaki yung tenga ko, lumalaki yung ulo ko to the point na parang sasabog. ganun din kaya yun? i mean pag may ibang entity, kaya ko nararamdaman?

Dhee-Dhee

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #109 on: September 12, 2012, 09:32:11 pm »
ms.messed_up: nakakatakoooot sis! ayoko na malungkot, mahirap na baka may sumama rin sa akin. sana matahimik na yung rape victim at makapunta na sya sa heaven.

babythug: nararamdaman ko rin yung ganun sis. nung bata pa ako, nakakita ako ng white lady sa bahay namin. tapos matandang babae sa kwarto mismo namin. sabi nga ng mama ko, sigaw ako ng sigaw noon ng "ayan sya o, nakatingin sa akin". i was 5 yrs old then tapos nung pinatawas nila ako, nakita nga na matandang babae raw. pero nung lumaki na ako, thank God at hindi na ako nakakakita, pero nakakaramdam pa rin ako. yung biglang tatayo balahibo ko sa tenga tapos titingin ako sa side ko kasi alam kong may something sa tabi ko..

babythug28

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #110 on: September 12, 2012, 09:39:06 pm »
^ uu sis yung ganun nga. although di pa ko nakakakita kahit 1 beses. meron lang mga shadows, mga biglang dadaan. biglang kakatok sa door. mga mild lang ba hehe. yung 5 yr old ko nakakarinig din ata. minsan bigla na lang magbubukas ng pinto kasi may tumatawag daw sa labas ng room namin

Dhee-Dhee

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #111 on: September 12, 2012, 09:47:36 pm »
^yikes! madalas talaga rin sa mga bata.. yung bestfriend ko (not sure kung nabasa mo yung previous post ko dito), kinatok ako nun sa kwarto the other year during her death anniversary. pinapaalalahanan akong magsindi ng kandila for her which i do every year. pagbukas ko ng pinto sabi ko sa mama ko "ma, baket?" sabi ni mama "ha?" sabi ko "bakit ka kumatok?" aba eh hindi raw sya kumakatok.. ang lakas nung katok e, 3x pa nga kako. Tapos sabi ko nalang "asan na ba yung kandila??" ;D

babythug28

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #112 on: September 12, 2012, 09:50:19 pm »
^uu sis nabasa ko din yun. ganyan din minsan dito sa bahay kaya napapaisip na lang kami bigla "sino ba may death anniversary?" or "sino ba yung malapit na mag bday (sa mga dead relatives namin)?"..nagpapaalala talaga sila :Dq

1choi_ko9

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #113 on: September 13, 2012, 11:09:12 am »
mejo OT: has anyone seen yung video (from china ata un) na parang may epilepsy yung guy. tapos when he went down, may figure na nag appear sa may fridge door (this was a CCTV from a convenience store) na parang soul siguro nya.


saw this video sis...kaso parang edited naman...

geekybride

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #114 on: September 13, 2012, 02:43:09 pm »
^^saw this video, too!  nabother ako kasi napaka-common nung place kung san niya na-experience. kung baga, ang dating, it could be anyone anywhere. 

prix

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #115 on: September 14, 2012, 10:43:52 am »
Mga sis i just want to ask lang something, nung burol kasi ng mommy ko (lola ko) i dont know kung first day or second day ng pagkakaburol sa kanya habang naglalaro kami ng cards ng mga cousin & auntie ko bigla na lang tumayo yung mga balahibo ko sa right side part ng body ko (wala kasi akong katabi don then sa left ko katabi ko yung isang cousin ko) & then biglang parang nanlalaki yung ulo ko, is there a possibility kaya na nandun yung lola ko or someone na hindi ko kilala (pero sana si mommy na nga lang) ang nandon sa tabi ko? ako kasi yung malapit sa kabaong nya & may konting space sa pagitan namin.? The night kasi b4 she died kinukulit ko pa sya & kahit na tinatawag na ako ni hubby para umuwi sabi ko mauna na sila ni baby, ewan ko ba parang ang gusto kasi that night is titigan lang si mommy & lambingin sya. :( I miss her so much.. :'(

prix

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #116 on: September 14, 2012, 12:54:40 pm »
meron pa mga sis, before kasi nung single pa ako ang katabi ko sa pagtulog is yung cousin ko na girl & everytime na matutulog kami nakapatay ang ilaw. One night i know bangungot yun basta meron akong tinititigan sa may closet ko hindi naman sya luma, alam nyo ba yung closet ng orocan na nasa isang side lang yung zipper? ganun sya.. parang may nakatingin sa akin & so ang ginawa kasi is tinitigan ko lang sya &  gumalaw sya! isa syang black entity "looks like casper" pero itim, na biglang pumasok dun sa closet ko tapos lumabas ulet.. galit na galit daw sya sa akin & marami syang sinasabi na hindi ko maintindihan hanggang sa ginising ko daw yung cousin ko & tinuro ko daw yung black entity at sinabi "kong tingnan mo sya sinisigawan nya ako" & to my surprise ang ginawa ng cousin ko is sinigawan din nya & then ang sabi nya "bakit mo ba sinisigawan ang ate ko hah!?" tapos ang alam ko na lang na sinagot nung black entity "basta!" sabay pasok dun sa closet ko.. nung pinilit kong makagalaw nahihirapan ako tipong parang may pumipigil sa akin pero lumaban ako hanggang sa maigalaw ko yung paa ko tapos kamay ko, nagising yung cousin ko siguro dahil nalikutan sa ginawa ko.. ang sabi ko sa kanya "ginising ba kita?" sagot nya "hindi ate". :o Actually kaya ko sya pinatatabi sa akin matulog kasi madalas ako bangungutin sabi ko gigisingin nya ako pag di ako napapakali or pag parang umuungol ako kasi mababaw lang sya matulog, konting likot mo lang nagigising na sya. Kapag sinasabi ko kay mama yung mga ngyayari sa akin pag gabi hindi sya naniniwala hanggang sa may nangyari na parang pareho yung napanaginipan namin.. ;) hehe.. :) kailangan mapanaginipan nya muna yung mga napapanaginipan ko bago sya maniwala.. ;D kwento ko next time..

Dhee-Dhee

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #117 on: September 14, 2012, 03:29:26 pm »
^sis, feeling ko lola mo yung katabi mo nung tumayo balahibo mo. ganyan din ako, at parang nasanay na rin ng konti pero minsan nakakatakot pa rin.

kwento ko lang din, nung namatay yung ninong ko (hindi ito nangyari sa house namin).. family friend namin sya and ex sya ng tita ko. he committed suicide. he hung himself using a telephone cord, second attempt yun kasi yung first was unsuccessful, bumitaw daw yung tali. going back to my story, july 7 2002 sunday morning nung umakyat tita ko na ex ng ninong ko sa kwarto saying na nasa ospital daw ninong ko kasi nagbigti raw at patay na raw. bago yun, parang nauulinigan ko na mga tao sa bahay na may nangyari nga kaso hindi ko masyado pa maabsorb kasi grabe ako matulog. that day, nagpunta agad kami sa burol nya sa funeraria nacional sa may araneta ave. pagdating namin sa room, wala pa yung bangkay, so umupo ako sa pinakalikod na seat, at sa pinakasulok din. hindi ko maintindihan kung bakit lingon ako ng lingon sa likod ko, basta pakiramdam ko may tao. maraming beses ako lumingon until nakita kong bumagsak yung parang cardboard na may name ng ninong ko (mass card ba tawag dun? hindi ko kasi alam), nakapost yun sa parang board sa loob nung room. dinampot ng tito ko tapos kinabit nya ulit. wala namang hangin sa loob ng room kasi closed and airconditioned sya pero nagtaka ako kung bakit bumagsak yung cardboard. just seconds after that, may nagbukas na ng pinto ng room at pinasok na yung coffin ni ninong. ayun, parang he was saying na "hello, im here na!" naalala ko kasi nung buhay pa yun, lagi akong binibiro kaya alam kong siya nung nasa likod ko that day.

jenie0519

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #118 on: September 17, 2012, 01:58:18 pm »
Last sunday ng madaling araw, umuusok ang ilong ko kay hubby kasi nagsabi siya na 12 midnight uuwi na siya, woke up at 3 am, wala siya sa tabi ko at di pa umuuwi.  I was calling him but he was not answering.  After a few minutes may kumatok sa screen door namin, 5 na katok, i thought it was hubby na, naisip ko na di niya sinasagot tawag ko kasi pauwi na.  Pero narealize ko na di ko nadinig bumukas ang gate namin na maingay pag inoopen, at may susi si hubby so walang reason para kumatok siya... Tumayo na lahat ng buhok ko sa katawan, lumabas pa ko ng sala pero di ako sumilip sa labas, takot ako eh... Pagkagising ng mom ko, kinuwento ko and sabi niya madalas nga daw may kumakatok sa screen door namin kahit walang tao... Yung sis ko naman ang sabi sakin, buti daw hindi ako sinisitsitan, kasi pag daw siya sitsit ang ginagawa...

Dhee-Dhee

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #119 on: September 17, 2012, 05:52:11 pm »
^yikes!!! kinilabutan ako sis!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close