watch now

Author Topic: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)  (Read 176158 times)

SakuraBride

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #80 on: August 08, 2012, 12:31:58 pm »
^ nakakabitin naman sis. hehe

flexusob

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #81 on: August 08, 2012, 02:41:24 pm »
Here are my stories regarding our house.  The house we live in is an old (30year old house), relatively big house where my husband grew up.  There is a vacant lot with a big mango tree beside the house that used to be owned by my husband's family.  There were already ghost stories from cousins and former maids even before we got married but my husband never had a direct encounter.  I think our houseguests are nice naman and we aren't scared.

One incident was when we went down to the kitchen one very early morning.  Tulog pa ang mga maids and they never clean up thoroughly at night.  Pagpasok namin sa kitchen, super linis nito and may bleach scent pa.  Napa-joke tuloy kami na mabait ang guest kasi naglilinis pa.

Another incident was when my daughter was just a few months old.  We were sleeping and I suddenly woke up in the middle of the night because I heard someone calling my name.  Pag gising ko I saw my baby girl near the edge of the bed na.  Kung hindi ako nagising (or ginising), baka nahulog na siya. Sabi ko nga may nagbabantay sa baby girl ko kasi she used to stare at a corner of our room and smile and wave sometimes.   The same incident happened a few years after with my baby boy  naman.  Ganun din ang nangyari - nagising ako kasi may tumatawag sa name ko and saw my baby boy na nasa gilid na ng kama. 

The maids always say that they hear footsteps and doors closing coming from the second floor of the house.  Akala nga raw nila nandoon ako sa kuwarto (not knowing na umalis na ako sa house).  They always thought ako iyon movng around kasi naririnig pa nila ang voice ko na tinatawag sila.  I tell them kaibigan ko iyon na binabantayan ang gawain nila  :)

I also hear those footsteps going up the stairs when I am inside the bedroom.  We aren't scared, though.  I tend to think protection namin siya (or sila).
« Last Edit: August 08, 2012, 02:43:28 pm by flexusob »

Dhee-Dhee

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #82 on: August 09, 2012, 09:23:22 pm »
^kinilabutan ako sa story mo sis. pero in fairness, ang bait ng kaibigan mo. :)

SakuraBride

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #83 on: August 13, 2012, 09:50:59 am »
^ ang nice naman ng mga kasama mo sis.

Share ko lang nung isang araw ng tanghali bigla na lang nagtayuan balahibo ko sa buong katawan. Pinicturan ko pa nga eh kase ang weird. Di naman sobrang lamig kase. :)

beatrize zuri

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #84 on: August 16, 2012, 01:26:54 am »
mga sis, pa-share din ako.. hindi ko masasabing "horror" story talaga ito pero natakot din kasi ako. here it goes..

my bestfriend died in 1998 at age 14 due to dengue fever. since then, pinagsisindi ko sya ng kandila during her birthday, death anniversary and all souls' day. basta napapansin ko, tuwing papalapit na yung mga nasabing kong araw na yan, something reminds me of her. lalo na nung kamamatay lang nya, minsan sa dreams pa sya nagpapaalala. july 27 2002, death anniversary nya, i was so busy with my thesis kaya hindi ko sya naipagsindi ng kandila. dumaan ang birthday and all souls' day, naipagsindi ko sya, talagang nung july 2002 ko lang sya hindi naipagsindi. come july 27 2003, at exactly 12am.. may kausap pa ako sa phone nung time na yun, uso pa ang telebabad.. narinig ko may tumawag sa akin, "Dy..". nasa sala ako nun at yung boses parang galing sa may pinto ng bahay namin. nung una, hindi ko pinansin pero tinawag nya ulit ako, "Dy.." nagpaalam ako sa kausap ko tapos tumakbo ako paakyat ng kwarto. the next morning, kinwento ko sa mom ko at kinilabutan sya. pinagsindi ko rin sya ng kandila that day, nagreremind kasi ata dahil nung previous year, hindi ko sya pinagsindi ng kandila. mula noon, hindi na talaga ako nag skip sa pagsindi ng kandila, kahit ngayon na may asawa na ako. it was her 14th death anniversary last july 27 btw, and after ko ipagsindi sya ng kandila sa church, while waiting for a jeep pauwi with my mom, may dumating na jeep which has her name on the sign board (yung mga nasa taas ng jeep, yung may mga pangalan, not sure kung anong tawag dun), samantalang unusual yung name nya. i told my mom while pointing at the jeep, "ayan na ma o, tignan mo yung jeep". sabi ni mama "oo nga no, kinilabutan naman ako". for me, sign yon na nakarating sa kanya yung dasal ko nung pinagsindi ko sya ng kandila..

omg! nakakatakot yung story mo sis..

jenie0519

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #85 on: August 17, 2012, 10:12:18 am »
Sa house din namin merong area na hindi ako comfortable at laging tumataas ang buhok ko sa batok pag andun ako.. Sa room ng parents ko...

One time when i was in HS, yung maid namin nagulat nung nakita ako na umuwi ako from school, kasi nakita na daw niya ako earlier that afternoon na nasa bahay na, suot ko pa daw yung red shorts and white shirt ko.  Sabi ko kakauwi ko lang, obvious naman kako at naka uniform pa ko.  Pero pinipilit niya na nakita na niya ako, naiiyak pa siya pagkukwento siguro dahil natatakot na din.

Then siguro a few months ago lang, nagcocomputer ang sister ko sa sala at ang mom ko eh nasa room niya tulog.  Galing ako CR and papunta ako ng kitchen, may nadinig akong babaeng umiiyak.  Tinanong ko sister ko kung anong pinapanuod niya, hindi daw siya nanunuod ng tv, so di ko pinansin baka guni guni ko lang.  Nadinig ko na naman, this time louder, tumingin ako sa sister ko, sabi ko nadinig mo yun? Oo daw napatakbo siya sa tabi ko, sinilip namin mom ko baka jinojoke time kami, pero she was really fast asleep.  And ang sound is from the dining area kaya ayun, kinilabutan kaming magkapatid.

Minsan naman while i was on the computer nakita ko yung pusa namin, mabilis na tumakbo papunta sa room naming magasawa.  Hinabol ko kasi baka umakyat sa bed, walang pusa.  Pag tingin ko sa terrace, andun ang pusa namin.

And my daughter when she was about to turn 2, minsan bigla na lang siya iiyak na parang may nanakot sa kanya, pag tinatanong namin kung ano nangyari bat natakot, may tuturo siya pero wala naman tao.

Madami ng nagsabi na meron silang nakikita sa house namin na matandang babae, lalake at 1 batang lalake.  I guess mga dating nakatira sa lupa na yun.   

babythug28

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #86 on: August 17, 2012, 09:11:46 pm »
^ creepy stories pero ang hirap tigilang basahin..parang ayoko na muna tuloy maligo :D

FOURever

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #87 on: August 18, 2012, 03:16:33 pm »
Sana mabasa ni sir cityhunter to. 3rd time ko na ata makakita ng doppelganger dito sa bahay namin. Dati si daddy ginagaya. Ngayon, kapatid ko. Ano pwede gawin pag ganito?

geekybride

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #88 on: August 22, 2012, 08:56:51 pm »
^^ mama ko din may doppelganger. one time pagkababa ko ng hagdan, umupo ako sa sala, nakita ko mama ko pumasok sa kitchen. kwento ako nang kwento kasi alam mo nandun lang cia.  tapos nagulat ako nung biglang pumasok mama ko galing sa labas.  natakot ako!  tipong, "kung nanjan ka, sino yung pumasok sa kusina na kamukha mo?"  :o dinobol chek ko pa sa kanya kung nagpunta cia ng kitchen bago cia lumabas, hindi naman daw, dahil galing cia sa neighbor's house.  ngiiiiii!   :o


babythug28

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #89 on: August 22, 2012, 09:16:16 pm »
^ ganyan din nangyari sa mom ko. bro ko naman yung ginaya. nung dito pa nakatira bro ko, galing sa grocery si mommy. pagkabukas kasi ng pinto, kita yung way papuntang kusina. so nagbuhat si mommy ng groceries, nakita nyang sumilip ulo ng bro ko tinignan sya. tapos bumalik na ulit sa pagkakaupo. nagalit pa si mommy kasi bakit hindi nga naman sya tulungan bitibitin yung mga pinamili. pagdating nya sa kusina, walang tao. tapos utol ko kakababa lang galing sa room nya.

andylhen

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #90 on: August 23, 2012, 03:04:57 pm »
share ko pa ang experience ko na nangyari last Oct. 10, 2010.. lahat ng tao sa bahay namin may sore eyes.. so I decided to spend the weekend sa bahay nila bf.. usually naman kasi fri night dun ako natutulog tapos sat morning uwi na ako sa amin.. nung 10-10-10, sat yun.. maaga akong nakatulog.. mga 7pm natutulog na ako.. mga 3am, nagising ako kasi may narinig akong mga batang nagtatawan at naglalaro.. ginising ko si bf, sabi ko bakit gabi na may mga naglalarong bata.. nung medyo nahimasmasan ako, napansin ko yung tawa nanggagaling sa hukay..kinabahan na ako.. si bf walang masabi.. kinumutan lang niya ako.. paggising namin, nagkwento siya sa nanay at tita niya.. natawa lang sila.. mukhang nagpapakilala na daw ang mga nakatira sa kanila sa akin.. dahil 2 consecutive days na daw akong nakikitulog.. medyo kinilabutan ako.. tinanong ko kung mga dwende yun kasi nga mga bata, oo daw..

sun night, habang naliligo ako sa banyo, parang may mga matang nakatingin sa akin.. ang banyo nila bf is yung sinaunang style. may butas talaga ang bintana.. walang screen or harang.. biglang may nababato sa akin ng putik galing sa labas.. binilisan ko nalang ang paliligo ko.. nagkwento ako kay bf, pero wag ko na daw pansinin.. mukhang takot lang siya.. :'(

Dhee-Dhee

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #91 on: August 24, 2012, 10:45:18 pm »
^yikes!!!

beatrize zuri: creepy talaga sis pero nung tumagal, parang nasanay na rin ako. basta nung dinalaw ko sya nung burol nya, sabi ko wag syang magpapakita sa akin. tinutupad naman nya, kaya nagpapaalala at paramdam nalang.

prix

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #92 on: August 31, 2012, 03:28:43 pm »
Nakakatakot naman mga kwento nyo mga sis, sa akin ang kwento ko ay yung sa kapatid ko..

Nung baby pa yung kapatid ko may kaibigan syang duwende na ibinigay daw skanya nung parang albularyo, kabirthday daw niya yun at yung month kung kelan ipinanganak ang brother ko iyon ang ipinangalan sa duwende. One time daw na paggising nila mama nakita nila yung kapatid ko na nasa kama, nagulat sila dahil di pa daw marunong umakyat yung kapatid ko or nakita nila na nasa lapag natutulog yung brother ko pero hindi pa sya marunong bumaba noon.. hehe.. hindi ko na maalala kung alin sa dalawa yung tama kasi ang tagal na!

 2nd naman is paggising nila nakita nila na sobrang dungis ng kapatid ko samantalang nilinisan daw sya ni mama nung gabi bgo matulog, sabi ni mama siguro isinamang maglaro ng kaibigan nya (yung duwende).

Pangatlo naman is mejo malaki na yung brother ko.. magbibirthday sya non gumagawa ng pabitin sila mama sa labas katulong yung mga kapitbahay namin pag pasok nya sa house nakita nya yung kapatid ko na nasa ilalim ng dining table namin na may kausap at hagikgik daw ito ng hagikgik, akala ni mama ako yung kalaro kaya tinawag nya daw ako pero walang sumasagot kaya kinuha nya yung kapatid ko at inilabas ng bahay. Sinabi nya sa mga kapitbahay namin na kasama nyang gumagawa ng pabitin yung nangyari & sabi nga nila na bka may kalaro daw yung kapatid ko na di namin nakikita.

4th eh nung  elementary na ata sya non tinanong ko sya kung nakikita pa din nya yung friend nya ang sabi nya oo daw sabi ko saan sya nakatira (baka kasi maapakan ko.. hehe) ang sagot nya sa cabinet daw namin (wow ha! dun pa naman ako lagi nagtatago pag naglalaro kaming dalawa ng taguan at pag alam kong pagagalitan ako nila mama.. :o)) tapos a month after tinanong ko sya ulet kung don pa din ba nakatira yung friend nya, ang sagot nya hindi na! dun na ate (sabay turo sa kisame namin na may butas). Everytime tuloy na matutulog kami di ko maiwasang mapatingin sa kisame.. & nung last time na tinanong na ko sya i think grade 5 or grade 6 na sya, ask ko kung nagkikita pa sila nung friend nya sabi nya hindi na daw kasi magkaaway daw sila (huh!?) sabi ko bakit? kasi daw pinukol sya ng friend nya ng stick kaya nainis daw sya.. :o parang gusto kong matawa sa sagot nung kapatid ko.. & yung last nung high school na sya.. tinanong ko kung nakikita nya pa yung kaibigan nya, ang sagot ba naman sa akin "sinong kaibigan?" sabi ko yung duwende, sabi ba naman sa akin "hah!?" hindi na, wala naman akong nakikita. Tapos nung sinabi ko na may kaibigan syang duwende, yung expression ng mukha nya is parang "weh!?" hehe.. ngayon college na ang kapatid ko & wala na talaga syang nakikita.. ;)

andylhen

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #93 on: August 31, 2012, 05:07:42 pm »
^ waaahhh... buti mabait yung "friend" ng kapatid mo.. kasi pag galit ang masasamang ganyan, talagang masama sila.. may magkakasakit or mangyayaring masama..

ganyan din yung pamangkin ko.. sa bahay ng tito ko, nung bata pa siya, madalas siya sa ilalim ng dining table nila at may kalaro.. nakikipag usap pa yung pamangkin ko.. pero ngayong binata na pamangkin ko, pag tinatanong namin siya, wala naman daw siyang kalaro sa ilalim ng table.. as in wala siyang maalala..

Dhee-Dhee

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #94 on: September 01, 2012, 01:27:05 am »
Add ko lang dun previous kong kwento.. Today, or should I say yesterday was my birthday (August 31). Nung morning ng August 30 , habang nakapila ako sa terminal ng van, nakita ko nanaman yung jeep na may pangalan ng bestfriend ko (i'd like to reiterate that her name is unusual para ilagay sa jeep). Naisip ko na baka this time eh concidence nalang talaga kasi parang wala naman okasyon na related sa kanya para magpaalala sya sa akin. Yun kasi yung same jeep na nakita ko nung birthday nya last year at nung death anniversary nya nung July at alam kong during those times, nagparamdam at nagpaalala sya. After seeing the jeep, cool lang ako. Pagdating ko sa office, bigla kong naalala.. na nung buhay pa bestfriend ko, lagi nyang napagkakamalang August 30 ang birthday ko instead na August 31. Natawa nalang ako, nagdasal ako at sabi ko sa kanya, "Ikaw talaga, hanggang ngayon akala mo August 30 ang birthday ko." Pag uwi ko ng house, kinwento ko sa mom ko at kinilabutan nanaman sya, haha.

andylhen

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #95 on: September 01, 2012, 10:21:53 am »
happy birthday. as usual nagkamali nnman ang bertfriend mo s bday mo. atleast hndi ka nya nkakalimutan batiin.

Dhee-Dhee

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #96 on: September 01, 2012, 11:25:18 pm »
^thank you, sis. oo nga eh, walang skip yun. thankful nga ako dahil alam kong she's watching over me.

beatrize zuri

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #97 on: September 01, 2012, 11:30:56 pm »
^ang sweet naman ng bestfriend mo sis, di ka niya nakakalimutan kahit pa na mali ang pagkakaalam niya sa date ng birthday mo,. btw, belated happy birthday  :)

Dhee-Dhee

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #98 on: September 01, 2012, 11:50:29 pm »
^hehe, oo nga eh. kahit nung buhay pa yun, lagi rin nakakaalala. thank you, sis! :)

itcha123

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #99 on: September 02, 2012, 12:03:33 pm »
yesterday around 6pm, i heard footsteps sa second floor, yun bang tipo na may naglalakad talaga, eh our second floor eh tabla (malalalapad) yung aming sahig... hwaaa, me & my youngest daughter are watching tv downstairs and our 2 dogs are with us, napalabas tuloy kami ng bahay.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close