watch now

Author Topic: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)  (Read 176108 times)

phurple0515

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #40 on: April 30, 2012, 09:44:19 am »
^^ yup, death.  pag sa business naman is bad luck.  kaya usually sa mga buildings na chinese ang me ari o karamihan tenants dito sa amin, walang 4th floor or walang 14th floor.  ayaw nila ng no. 4.

me kwento sister ko naman.  nong sunday daw, mga past 12 na yon, nag-su-surf ata siya, ng biglang umalulong ng sobrang low daw yong isang aso namin sa may likod (2 kasi sila don). e yong bahay kasi namin, we are just renting, tapos yong me ari, kakamatay lang from cancer the other week.  sabi nga niya, baka namasyal don yong me ari.  matagal na kasi namin inaawitan yon na ibenta na lang sa amin yong bahay niya e ng hulugan.  pero we have a good relationship with the owners naman kasi.

totoo ba yong ganon na dogs can sense ghosts?  sana naman yon time lang na yon 'namasyal' yong may ari.

superbubly

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #41 on: April 30, 2012, 06:26:20 pm »
^ow? paano yan ang birthdate ko is 13 di ba 1 + 3 = 4? kaya pala nung nag-aaply ako caregiver pa taiwan, namumukod tanging ako lang ang hindi kinuha sa lahat ng nag-apply ::)


on topic: sa sta.mesa yung mga bahay sa squater daming mga multo, mas maraming multo pala sa Manila kesa dito sa probinsya

mbeeyap

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #42 on: May 12, 2012, 11:47:38 am »
share ko lang experience ng SIL ko. nasa restroom sila ng ofis, kasama nya yung closefriend na katrabaho nya rin. diba usually sa mga restrooms kapag nakaharap ka sa salamin makikita mo mga cubicles sa likod. at nung time na yun eh silang dalawa lang sa loob. nag-uusap sila habang nagreretouch ng biglang nakita ni SIL sarili nya sa salamin na dumungaw sa pinto ng cubicle(kumbaga nasa loob sya ng cubicle), nagtaka sya kasi alam nya na nakatayo lang sya at nakaharap sa salamin. hindi naman sila nag eye-to-eye, tapos lumabas din ng restroom yung doppleganger. tapos biglang nasabi nung friend nya, uy diba ikaw yun? kasi ginaya lahat pati damit na suot nya nung time na yun. diba masama daw na magkasalubong yung doppleganger tsaka yung taong ginagaya? pagkatapos nun, nilagnat si SIL ng isang linggo. 

Marshmallow

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #43 on: May 18, 2012, 07:36:08 pm »
Sa room namin meron ata talagang mumu. Yun baby ko kasi lagi sya nag sasabi yun mumu daw nasa door minsa nag googoodnight pa sya. Kaya ko din nasabing meron kasi ilan beses na may nag whiwhistle kahit helper e narinig yun. May picture din yun baby ko sa iPad mag isa sya tapos nakataas yun dalawa nyang kamay Hindi naman ako nag nag picture nun pero lagi sinasabi ng baby ko ayun daw ang mumu. :/

imyourangel

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #44 on: June 03, 2012, 07:05:06 pm »
Nawindang ako dun sa post ni sis shatz!  :o
Naiimagine ko parang horror movie ang dating. LOL

wastedchiq

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #45 on: June 04, 2012, 02:52:10 am »
Di ko carry magbasa ng ganitong stories dahil tulog na lahat ng tao dito at hindi kaya ng powers ko. LOL

Dito sa apartment namin nagsimula lang sa ilaw. Bumubukas magisa lalo na pag may mga bisita. Yung tipong lahat kayo nasa sala, tas bubukas ang ilaw sa kusina.

Then sumunod washing machine naman. Naglalaba yung mumu! lol, happened when i hired a babysitter for the day.

Natakot nalang talaga ako nung nagmimidnight snack kami ng mga friends ko, at biglang lumipad yun takip nung chocolate ko na nakalagay sa ibabaw ng ref :)) Lumipad talaga, hindi nahulog, then the lights started blinking, that's when we all freaked out.

Feeling ko lang ayaw nung mumu samin ng may ibang tao, or maingay. Kasi pag kami kami lang naman wala ako nararamdaman. Then nung nag-earthquake last year, nawala narin yung mumu :)) Natakot ata. lol.

superbubly

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #46 on: June 04, 2012, 05:39:41 am »
^sis ayaw talaga nila ng maingay na tao, ako nga nabato ng box ng papaya soap and tapos lumipat ako ng ibang pwesto yung upuan ko naman ng shake as in (para bang pinapaalis ako haha)

mac0308

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #47 on: June 20, 2012, 12:05:32 pm »
waahhh kaloka kala ko kaya ko basahin mga posts nyo dito pero hindi pala hehe..mag isa lang ako e.
pero gusto ko basahin paisa isa lang hehe
saka na ko magsshare pag andito si hubby hehe :)

geekybride

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #48 on: July 11, 2012, 08:03:38 pm »
joining sises....

napabackread ako ng bongga. super scary ng mga kwento ninyo.

sa amin meron din pero sanay na kami since 22 years na kami sa bahay na ito.  naririnig mo na nag-oopen close yung cabinet sa kitchen pag madaling araw, kahit alam mo na wala nang tao and patay na ilaw sa 1st floor; tapos madalas din na nagoopen magisa yung pinto ng room saka closet, kahit mahigpit yung pagkakasara; tapos mga malakas footsteps sa stairs at saka dun sa tiles ng sala.  pag nagugulat kami, sinasabi na lang namin, "hello!  behave, wag malikot!"  :-\ 

nagdala kasi kami ng friend ng sis ko na bukas ang third eye. madami nga daw presence sa 'min pero ang napansin niya talaga ay yung 2 maliit na batang lalaki at babae daw.  hehe.  mukhang yun yung malikot at mahilig maglaro.  minsan nga kahit 2AM magigising na lang kami na may footsteps na tumatakbo, ang lakas lakas, tapos ang bilis, tapos tumatagos dun sa rooms yung footsteps galing sa kuarto namin ng sis ko papunta sa room ng parents ko. hehe.  tapos nagpepray na lang kami pag ganun. 


ana0416

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #49 on: July 21, 2012, 01:32:05 pm »


ask ko lang may meaning b paa sa gabi mainit kahit malamig naman ang paligid or tama lang ang klima hayzzz....that time around 2006 namatay yung biological father ko ilang weeks kakauwi ko lang ng manila (kasi sa davao siya nakatira at since birth hindi ko siya nakita in person kundi sa burol na niya well,mahabang story sa life ko) back to topic kada gabi na lang mainit paa ko habang natutulog ako bigla na lang ako magigising madaling araw kinakapa ko paa ko mainit kahit ok naman pakiramdam ko,kinuwento ko to sa mama ko(tita) tipong sabi na lang niya may dumalaw lang hindi naman ako naniwala pero madalas un after ah month nawala na yung experience ko na yun eh,wala ako napagkwentohan kasi feeling ko wala naman maniwala sa ganun pero hindi ko makalimutan.. :(

at this naman happen nasa bakasyon kami sa cebu grade 6 ako nasa beach kami dun kami ng stay then nakipag-laro p kami sa big brother namin with my twin sister,eh yung place talagang dulo na ng kawalan,rent namin sa cottage tipong malayo na sa city maganda naman yung beach..nung time na bonding moment namin magkakapatid nakapagtaka lang maingay kami biglang natahimik kuya namin sabi samin: teka wag muna maingay may narinig ako... kami naman si hindi nga kuya kunwari kpa jan...tipong lingon niya sa likod niya...eh sa likod ng cottage mejo bangin na puro puno at isang cottage lang andun sa lugar na un at dun kami nakatira..sabi ni kuya tama na wag na maingay bigla pasok sa cottage,kami naman ni sis nakatinginan na lang at sinundan siya papasok pag-gising sa umaga ask namin anung nangyari kagabi sabi niya may narinig daw siya ng-psst na tipong wala naman kami narinig bigla kami tingin sa mga puno kaya sa gabi hindi na kami maingay maaga kami matulog..then nung pauwi na kami sa manila sinundo na kami ng tito namin para hatid na kami sa airport that time hindi na kasama sis ko tapos kami na lang tatlo with my tito habang bumabaybay kami sa kalsada kahit hindi p naman dahil nga puro puno un at dulo na ata ng cebu sa sobrang walang bahay halos habang tumatakbo itong sinasakyan namin may naririnig akong yabag ng kabayo weird lang eh wala naman sumusunod samin ng yabag ng kabayo syempre lam nio na tunog nun..sabi ko sa kuya ko narinig mo b yung kabayo tumatakbo natawa siya at sabi sakin guni-guni ko lang un pero lam ko hindi kasi lam ko narinig ko eh talagang panay lingon ko nun kaya napagalitan p ko that time para daw akong praning pero nung nasa hi-way na kami wala na ko narinig p hayzzz weird talaga un ah ;)
« Last Edit: July 21, 2012, 03:54:20 pm by ana0416 »

queendi

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #50 on: July 21, 2012, 02:48:37 pm »
hindi ko inasahan na makakapagpost ako dito kasi hindi naman ako litawin. but naalala ko, kapag nasa Pinas ako, madalas inuumaga kami ng mga pinsan ko na magmajong or tong its, way na rin ng pagtambay nila sa amin. habang naglalaro kami, syempre buhos din ang pagkain para hindi nakakaantok. syempre kapag kuha ng pagkain or magtatabi ng pinagkainan, punta sa kitchen kung saan may CR na maliit. dinig na dinig ko ang paglagaslas ng tubig na parang may naliligo. dali dali akong umalis kasi na experience na rin yun ng mama ko bago pa ako.

pero mabait yung naka stay sa bahay na yun, kasi may pangyayari rin naman pala na nakalimutan nila mama na may sinaing pala. naalala lang nila nung nangangamoy sunog na, pero pagpunta nila sa kalan, naka off na ang gas range. wala naman ibang tao sa bahay na pwede mag off nun.

magmula noon, kapag may nararamdaman, dedma na lang kami kasi alam namin na mabait yung kasama na iyon at binabantayan lang ang bahay.

ana0416

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #51 on: July 21, 2012, 03:07:00 pm »
i wanna shared this experience ng mga ka-office mate ko dati..


ng-work ako last year sa balintawak warehouse encoder ako dun then yung mga kasamahan namin araw-araw sinasabi samin na mag-ingat kami sa work then kami oo na lang apat p kaming bagong pasok that time..

1st:one time my incident na tipong 7 pm hindi p tapos ang deliveries kaya naiwan kaming encoder at mis para sa process of papers then iilan nalang  warehouse man gamit p namin yung malaking warehouse (dalawa kasi yung warehouse isang malaki at isang maliit) dun p kami sa malaki at dalawa lang kami sa office busy ako sa paper work then  sound trip p kami kasi nakakabingi yung katahimikan ng office dahil naiisip p namin yung kwento about 2nd floor..kwento samin ng regular dun kada gabi daw may babae nagpaparamdam sa taas at bata nakikipaglaro that time tipong hindi p kami naniwala pero nung natapos na kami around 8 or 9 sinara na namin yung office nagtataka kami bakit malamig yung paglabas namin tipong patay na naman lahat ng aircon at hindi naman mahangin mainit p that time..yung m.i.s at guard ng routine sa office nagtataka kung bakit ganun tipong nagsilabas na lang kami agad sinara ang office after that takbohan na kami papuntang hi-way pero yung warehouse kasi malayo sa hi-way dadaanan p namin ang malaking puno ng balete na sabi-sabi nila may nakikita daw sila lalaki dun or puting babae..nakakatakot talaga mag-lakad dun lalo na wala pang ilaw kundi galing lang sa buwan kaya pag-maglalakad na kami diretso lang tingin at ako nag-sound trip para hindi marinig yung mga naririnig nila pag-dadaan sila ng pssttt or may hahawak daw sa balikat bigla kaya pala kung bakit ayaw nila magpaabot ng gabi dun kahit boss namin uuwi bago mag-6 at yung iba bilis maglakad..


2nd:kwento p ng regulat namin dati daw yong gamit p ang 2nd floor lagi may nagpapalakas ng radyo kahit mahina ang volume then minsan mamatay na lang bigla...at kapag mag-isa lang sila nagpapaalam sila na huwag sila gulatin or takotin kaya that time pag-may kelangan kami sa 2nd floor lagi kami may kasama kasi nga kung ano p makita namin eh...one afternoon naglilinis mag-isa yung janitor sa taas hindi p niya alam sa multo dahil ayaw ng boss namin mag-kwento ng mga ganun dahil madami na daw naalis na janitor hindi tumatagal at habang naglilinis siya bandang meeting room ng picture-picture siya may na aninag siyang babae na puti sa cellphone cam after that bumaba siya agad at namutla kinabukasan hindi na nakapasok dahil nilagnat siya tapos after the day pinakita niya sa cp at nakita namin meron p kami copy bluetooth ko agad kasi mahilig nga ako sa mga ghost stories at isa p na experience niya sa warehouse nung lumilipat na kami sa maliit na warehouse bec. of financial issue naglilinis sila sa malaking warehouse ng-try ulit siya mag-picture may nakadungaw sa dulo ng chocolate room na white lady again feeling niya iisa lang sa taas na encounter niya at cyempre may copy ulit ako nun pinakita niya yun sa boss namin at si boss ayaw p din maniwala wag na ilabas ang ganung kwento at bago p umalis ang janitor try niya magtapon ng bola sa warehouse pero bumalik sa kanya kaya that time hindi na siya pumasok at ayaw na niya mag-extend ng work...


3rd:habang nalinis na mga warehouse namin nun pati mga gamit inaayos na, yung IT namin nagpipicture para sa mga gamit ng kelangan ibebenta p..that time sa bodega siya lang mag-isa at yung iba may ginagawa p daw sa labas picturan daw niya ang cabinet ng tignan niya meron daw buhok sa tabi ng cabinet ng ilipat niya eto sa computer nakita nga namin ang buhok ng bata,nag-katinginan p kami sa mga buhok ng mga lalaki samin baka may nag-trip lang pero imposble kasi ang height ng cabinet is 4 feet lang at mga lalaki samin that time matatangkad as if yuko p sila pero alam daw niya siya lang mag-isa sa bodega kaya sabi niya agad wala yan wag niyo takotin kasi mag-isa lang ako mamayang gabi,lagi kasi naiiwan ang IT samin para sa back-up ng files sa computer,at binura niya agad yong pic sa computer sayang hindi namin nakuha yung copy :P.


4th:after ng week end work again pero bago p kami ng-start may napansin agad kaming foot print sa sahig na iisa lang tinawag lahat ng warehouse man imposible daw sila dahil hindi maputik at naka-sapatos sila that time nag-sabi na naman regular namin na may dumalaw na naman siguro,then mag-start na kami ng work yung OIC namin nagaayos ng gamit sa mesa niya bigla na lang natumba yung system unit niya sa ilalim ng mesa na tipong palabas p ang pag-katumba nagtataka kami paano natumba palabas kung ang mesa niya may harang sa likod at pati hindi niya natulak ng paa niya dahil nakita ko p na malayo sa unit kahit IT namin nagtaka kaya tagal p niya matayo eh napaisip kami bat ganun?..kaya kami puro pakiramdam na lang at pag-magradyo kami bigla na lang lalakas sabi na lang OIC namin huwag muna kami takotin...

5th:work again pagpasok ng OIC namin nag-wento agad experience nila nung naiwan sila nung gabi dahil sa dami p nga pinagawa si boss nag-over time sila at iba pang warehouse man nung mag-uwian na sila wait nila mag 7pm eh nakitawag daw yung isang warehouse sa office then sabi niya sino yung babae sa reception area?..sabi naman ng OIC namin sinong babae dalawa lang kami dito ni carol (name nung OIC ng IT) sabi ng warehouse man may babae kanina nakaupo sa reception long hair (si warehouse may third eye)..after nung sinabi daw ni kuya yon ng sigawan sila palabas at nagpasama pabalik para mag-out na lang ng 7 kakawento ni OIC un na tulala na lang kami sa paligid...


6th:this is my own experience naman sunday pinag-o.t kami dahil sa special delivery ng unilever dahil sa 10 wheeler na un nkakainis,dahil pahinga na namin nun tatlo kami ako,yung IT at isa pang encoder for outcoming deliveries...then mga bandang tanghali nag-lunch break na kami sa office dahil may baon kami isa lang lumabas para bumili ng pagkain that time may tumawag sa phone at hindi namin pinapansin dahil break nga namin pero ang pinagtataka namin that is sunday walang opisina ang mga client ng company namin at tipong kung outlet store un eh alam nilang walang office ang sunday nka-apat na ring na hindi namin pinapansin hanggang dumating yung isa namin ka-work nag-ring ulit siya na sumagot pero walang nagsasalita that time pumunta ako sa warehouse kung may nag-trip lang eh sabi nila wala daw sila linya sabi ko sa guard eh kuya may tumatawag sa office eh sabi nila baka minumulto na naman daw kami kaya balik na lang ulit ako sa office at nag-ring na naman sinagot ulit niya wala naman nasagot may narinig lang siya maingay na hindi daw maintindihan kaya nung nag-ring ulit ako na sumagot hello ako ng hello ingay lang siya pero hindi tulad ng may sira sa linya kaya binababa ko na dahil iba pakiramdam ko at napatingala ako sa 2nd floor grabe hindi ko un makalimutan,kinuwento namin sa mga regular yon meron daw ganun talaga dati p pag-sunday pinapapasok sila bigla na lang mag-riring yong phone at kagulat p dun hindi daw open ang local calls namin kaloka talaga....

7th:lagi ako maaga sa work mga 5 or 6 andun na ko sa warehouse ayaw ko kasi matrapik eh,dahil hindi p bukas ang office dun muna ako tambay kasama mga guard nagwewentohan meron lang daw dati na regular nung pauwi na daw yun gamit p ang 2nd floor..(hindi na nagamit yung 2nd floor since 2000 nagsimula ang company 1996) may mga times daw patay na ang aircon at baba na siya makikita niya ulit bukas na naman ang aircon eh hindi pede umuwi hindi patay ang mga appliances kundi lagot kay boss at nung pinatay na niya nagbukas naman daw ang radyo kaya that time bumaba na daw siya at tinawag ang guard na namumutla daw kinuwento sa kanila yun kaya sila na nagsara at nag-lock ng office eh..then meron p driver ng truck namin sa company namatay sa truck habang natutulong binangungot daw pero kung na open daw agad yung pintuan mag-survive p daw yon after daw mangyari un bigla na lang daw umaandar sa madaling araw yung truck na yun kahit wala gumagamit,halos lahat na daw naging empleyado sa company na yun hindi daw mawawalan ng kwento about multo kahit ang warehouse man sa warehouse meron sabi nila dati daw kasi sementeryo yun or bukid p,ngayon nagsara na ang company dahil sa mga cooperative issue this year...
« Last Edit: July 21, 2012, 03:48:50 pm by ana0416 »

glitterysugar

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #52 on: July 22, 2012, 12:34:47 pm »

we were packing our things kase lilipat na kami ng house when all of a sudden, our 3 dogs started barking, then all the doors, as in pati mga pinto sa baba(we were in the room on the 3rd flr), slammed. kinilabutan talaga kami kase yung tahol ng mga dogs, yung may kasama pang growl eh.

geekybride

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #53 on: July 22, 2012, 12:52:17 pm »
sis glitterysugar, baka ayaw kayo paalisin or baka gusto sumama.. hehe.. either way, scary, kasi ang lakas ng energy niya.

xxmiakaxx

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #54 on: July 22, 2012, 12:56:11 pm »
Un  sa hause ng friend ko sa may marikina ...  minsan nag sleep over ako   madalas na nood kami ng mga movie sa gabi  .... madalas lagi lang kami sa 2nd flor at di kami nag stay sa baba dahil sa mga creepy stories na  nararanasan nila  ...  mga white noise , mga nag lalakad sa hallway ng hagdan  at kung ano ano pa sabi ko i dont mind  hindi naman ako masyadong matatakutin...  and then pag katapos namin manood  mag prepare na kami matulog  nun  bumaba lang ako para uminum ng tubig .. ...nakapatay na un ilaw sa ibaba pero  aninag mo naman un  dadaanan pag pag open ko ng ref medyo nag liwanag dahil sa ilaw nito iniwan ko lang bukas kasi kukuha ako ng baso malapit sa may lababo  may na aninag ako sa  tile sa wall ng lababo parang may tumutulo galing taas  na black liquid  , hinawakan ko tapos inamoy ko kung ano un malansa  sya  binuksan ko un ilaw napaka dami na pla nag kalat katas  sa wall ng lababo at sa boung sink  na kulay itim  na liquid dali dali kong tinawag  sila at sa takot  nag takbuhan kami pa akyat sa taas ....   nakaka pag taka lang dahil nun dinner ay nag hugas kami ng plato  wala naman un  ...   parang exena sa mga korean horror movie na umiiyak ng dugo ang wall   ( waaaa )     di kami naka tulog at  kina bukasan  tuyo un at kitang kita parin un mga marka  hindi naman umulan nun gabing un at summer  ...pinakita nila sa landlady ng bahay  ni check naman  nila  weird  lang dahil un explainable din

wanna_be_mom

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #55 on: July 23, 2012, 01:11:38 pm »
wooh nakaktakot naman mga kwento nyo sis.. nag babasa lang ako dito kasi so far kahit meron ako nararamdaman, hindi ko naman ma explain..

klengmorales

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #56 on: July 23, 2012, 01:35:31 pm »
Share ko lang. Eto kasi yung pinaka naalala ko from my mother.

Namatay kasi yung lady boss ng mother ko, Senora ang tawag sa kanya. Nakatira sila sa isang mansion sa antipolo, ginagamit pa nga minsan na shooting location ang house kasi sobrang ganda, lalo na ang garden. Medyo strikta si Senora, OC ba. ayaw na magugulo ang gamit, etc.

Few days after ng libing, nagising ang mga katulong sa house na may putik ng paa sa may dirty kitchen tiles, to think na hindi umulan. lahat sila natakot, kasi si Senora pala eh every madaling araw nag gagarden ng nakayapak. Siya lang ang gumagawa nun. Imposible daw na ibang tao since sila lang ang nandoon (nasa labas ang security guards at ang mga katulong nasa loob tulog) at wala naman daw nawala, nakalock pa din ang mga doors. Inisip na lang nila until nung time na  yun, inaalagaan pa din nya ang mga beloved plants nya

Ilang days pa, marami ng nawawalang gamit. Kasi puro branded ang mga gamit ni Senora, so pinaghati hatian ng mga anak nya at mga asawa nito ang mga bags, clothes, some small stuffs. So kinuha ni isa yung bag... inuwi sa bahay nila.... after ilang days... hinahanap nya yung bag, wala daw sa lalagyan. Nalaman na lang na bumalik sa dating lalagyan sa antipolo ang bag. Mukhang ayaw ipagamit.

Given na siguro ang pagbubukas ng pinto, air con, tubig sa bath tub simula ng mawala sya....

andylhen

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #57 on: July 23, 2012, 01:52:10 pm »
walang creepy sa bahay.. pero share ako paisa isa.. dami ko na kasing experience about ghosts...
masyado akong matatakuting bata.. lahat ng sounds sa gabi, ginagawan ng ko issue..

until 2001. freshman ako sa college.. nagdorm ako sa intramuros sa isa sa pinakamatandang dorm.. i find it simple, ok sa mga students, complete ang cabinet at study table..

canteen sa ilalim at dorm nga sa itaas.. sa tabi lang kami ng letran...
the story started nung 2nd sem, may class ako na ended 9:00 pm.. so from my school lakad lang ako.. as usual, nakaka takot kasi madilim na sa wall pauwing dorm.. nakasara na ang canteen so diretcho ako sa taas.. after maibaba ang gamit ko sa room namin, bumaba ako sa canteen para kunin ang dinner ko.. sinamahan ako ng yaya ng mga apo ng landlady namin pababa.. may third eye siya at marunong mangkulam ang lolo niya.. ewan ko lang if its true.. habang nakatok ako sa pinto, nangawit akong nakatayo, umupo ako sa 3rd step ng stairs.. sinabihan ako ng kasama ko na na tumayo, ayaw ko.. sabi ko hindi ko na isusuot yung pants kong suot kahit madumihan... ayun, sabi niya, wag daw akong magagalit na hindi niya ako sinabihan na tumayo...

pag balik ko ulit sa room namin, sinundan niya ako.. sabi niya, bakit daw ako umupo? eh natawa lang ako.. seryoso siyang nagsabi na naupuan mo yung dwende.. kinabahan ako.. kasi nabalitaan ko na nga na may alagang dwende yung landlady namin kaya malakas yung dorm at canteen niya.. simula noon.. nagsimula na akong makakita, makarinig at makaramdam ng kung ano ano sa paligid ko.. sa dorm, sa school, sa tulay pauwi sa amin sa province.. at kahit saan.. ang sabi sa akin, naka bukas na ang third eye ko.. naisip ko na dahil kaya sa pagkakaupo ko sa dwende?

unang kwento ko is sa dorm pa din.. ang paliguan ng dorm is nasa baba... ang 2 cr sa taas na may toilet bowl.. everytime na papasok ako sa cr, pagsara ko ng pinto, makikita ko ang black lady sa loob.. ayun habang nakaupo ako sa bowl, nakatayo siya sa harap ko.. sa una natatakot ako.. pero nsanay nadin ako.. creepy nga kasi samahan ka ba naman ng black lady sa loob ng cr? hehe.. ewan ko lang kung makapagconcentrate ka..

second story, maglalaba ako one afternoon kasi tapos na ang klase ko for the day.. nasa baba din ang labahan.. dadaanan mo ang mga cubicle ng paliguhan pag pupunta ka sa labahan.. pag daan ko, may white lady sa 2nd cubicle... binalikan ko pa at andun nga siya.. ewan ko ba at natakot ako.. tumakbo ako at pumunta sa mga rooms sa baba.. kunwari makikinood ako ng tv.. kasi ayaw kong magkwento baka pagalitan ako ng landlady..  may isa akong roomate na nagconfirm na nakakita din siya ng white lady sa 2nd cubicle.. creepy talaga ang dorm namin...

post pa ako ng iba kong stories.. mahaba na kasi ang post ko...
« Last Edit: July 23, 2012, 02:09:43 pm by andylhen »

geekybride

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #58 on: July 23, 2012, 08:13:34 pm »
sis andylhen,

OMG, close encounters yan ah! lalo na yung sa CR!!! siguro kung ako yan, baka tumakbo ako with my pants down.  ;D

dehmn!  dami mo utang na kwento!!! dali dali!   ;D

andylhen

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 3)
« Reply #59 on: July 23, 2012, 10:50:32 pm »
next story ko, sa dorm pa din... every 3am nagigising kami ng roomate ko dahil sa paglalakad sa hallway na parang may bakal sa paa.. simula noon, nagpupuyat nalang kami sa gabi para magreview kesa naman gumising kami ng 3am-4am para magreview kesa makarinig nanaman yung nalalakad na may tanikala..

next experience sa dorm ulit.. since pampanga lang ang province ko, every friday nauwi ako tapos ang balik ko monday morning na... pag finals, hindi nauuwi para magreview nalang over the weekends.. yung isang room mate ko ang usually naiiwan sa dorm kasi sem break lang talaga siya nauwi... sunday noon, habang nagtutupi kami ng mga nilabhan namin, kumakanta ako.. ewan ko kung sintunado... maya maya may isang magandang tinig na sumabay.. ewan ko ba pero hindi nakakatakot yung voice, refreshing pa.. parang yung mga boses ng sirena sa mga movies.. hindi ako umiimik kasi ayaw kong matakot yung room mate ko.. pero hindi humihinto... sabi ko sa kanya, baba kami para magmerienda.. dun ko sinabi at sa gulat ko, naririnig din daw niya kaso ayaw din daw niya akong takutin.. hindi namin alam kung ano yun.. kasi hindi namin maintindihan yung laguage ng kanta... :-X
 

 

Latest Stories

Load More Stories
Close