watch now

Author Topic: When to Vaccinate your pets?  (Read 86099 times)

minnie99

  • Guest
Re: When to Vaccinate your pets?
« Reply #60 on: February 13, 2013, 02:08:25 pm »
^Grabe sis. :( Saang area ka ba at para ma-aware naman kami na may vet na ganyan? :( Buti na pala yung vet namin imbis na gamot agad ibibigay eh parang iilang meds lang... wala masyado inject. Kami pa magwoworry na bakit ito lang bibigay sa dog namin.

Pero anong sakit daw ba yun sis? :( Na-diagnose ba? Sayang, sana nilipat mo na lang ng vet. So far, okay naman vet namin at hindi naman sila imposing... Pero syempre di rin maiaalis sa kanila yun... :(

twelve5

  • Guest
Re: When to Vaccinate your pets?
« Reply #61 on: February 13, 2013, 03:26:41 pm »
^^ sweetylicious, grabe nga ginawa sa inyo. tsk.

sa totoo lang mejo takot sa private practice na vet, yung tipong sya lang yung nasa clinic, kasi parang ang hirap pa check if totoong vet ba talaga or hindi.


girls, ituloy ko na pag vax ng kennelc cough and heartworm para may protection maski paano. thanks sa mga inputs nyo.

Kady_14

  • Guest
Re: When to Vaccinate your pets?
« Reply #62 on: February 13, 2013, 05:25:18 pm »
minnie99 - Oo, sad talaga. Halos lahat ng aso ko lalake maski nuong bata pa ako. 2nd female dog ko lang yun. Bale mini pin/pom yun, kahit half breed yun and mongrel na, yun na ata ang pinaka mabait and sweet na aso ko.

Canine distemper virus. Yung parang nauuubo/natinik/sinisipon ang symptoms. Nahawa siya sa isang aso namin na walang vaccine kundi rabies. (Yung isang aso hindi ko aso yun, aso ng pinsan ng asawa ko. We left our house kasi and sila na ang tumira pagbalik namin me mga aso na sila. Yun nga, aso lang for the sake of bantay. Ako din nagpa vaccine dun ng anti-rabies)

Ayun, naunahan ako nun virus even before completing the shots. Kaya ngayon kada bagong aso naku, nilalagay ko sa ref ang sched ng vaccines. Para maalala ko. 

:(

alcien

  • Guest
Re: When to Vaccinate your pets?
« Reply #63 on: February 21, 2013, 02:24:32 am »
Sa totoo lang di ko rin nga alam kung ano dapat sundin. Kasi may puppy kami na nagkasakit kaya pinatingnan namin, tapos sabi ng vet di daw kas binakunahan. E nagkataon 3 sila, kaya yun 2 nilagyan tapos to follow na lang yung isa, kasi masama raw bakunahan ang aso pag may sakit.

Di bumuti yung asong pinagamot namin, tapos nun nagtatanong ako kung bakit etc parang walang kapaki pakialam, basta dalhin na lang daw at i-coconfine. E anlaki ng gastos pag ganun kaya nagpatingin ako sa ibang vet. Dun sa isang vet, may binigay din gamot, etc pero nakita ko na bumuti yun lagay nun puppy. Pero after nun healthy na sya papabakunahan na namin dun sa ok na vet, sabi 5 in 1 daw at kelangan ng ilang balik. Pinashot namin 1 time tapos di na kami bumalik. Tataka ako bakit dun sa una wala ng balikan, pero dun sa isa multiple shots.

Hanggang ngayon naman okay pa rin at healthy ang puppies at 1 year na sila. Yung isa kong 3 year old na aso, isang bes lang din namin pinabakunhan at napakahealthy pa rin hanggang ngayon. May mga posts na rin sa kaibigan ng kapatid ko na namatay yung aso kasi binakunahan. Kaya medyo di na rin ako tiwala na bigyan sila ng kung [textspeak!]-anong gamot kung healthy naman sila.

cassidy02

  • Guest
Re: When to Vaccinate your pets?
« Reply #64 on: February 24, 2013, 10:01:54 pm »
hello. Just want to ask the following sana may makasagot re vaccination kasi first time namin pa-vaccine nakuha lang kasi namin last yr yung baby namin and first time dog owner rin. So here are my questions:

meron bang specific brand ang vaccines na ok? Or any naman ay ok?

Totoo ba na for older dogs, like 4 above, kahit sabay na yung 6in1 (with anti-rabies na daw to) at deworm injection (injected sa may batok)? Nagkaka-trauma lang daw pag sabay sabay if puppies pa. Kasi we had our dog vaccinated earlier. Sabi ng vet na pinuntahan namin, ok lang daw na sabay yun wag lang daw papaliguan for 5 days. Tapos nag-inject rin ng vit B sa may before ng tail at im not sure if new injection or needle yung ginamit. Tapos di ba talaga ina-alcohol yung needle or yung area before mag-inject? We paid 900 all in all :/

lastly, for older dogs, annual na ang vaccines tapos every 3 months naman for deworming?

Advice please. Thanks.

abuanddiego

  • Guest
Re: When to Vaccinate your pets?
« Reply #65 on: April 05, 2013, 12:56:34 am »
^you're welcome sis!
here's another helpful link:
http://www.dogsnaturallymagazine.com/ten-vaccine-myths/

abuanddiego

  • Guest
Re: When to Vaccinate your pets?
« Reply #66 on: April 13, 2013, 10:58:48 pm »

abuanddiego

  • Guest
Re: When to Vaccinate your pets?
« Reply #67 on: June 02, 2013, 10:10:24 pm »

iamNehj

  • Guest
Re: When to Vaccinate your pets?
« Reply #68 on: June 04, 2013, 04:09:16 pm »
^Yan ang nakakainis especially sa mga taong seryoso sa mga alaga nila, others kasi treat dogs as objects or business, some people just don't see any worth in them. Sa iba pwedeng wala lang ang aso, pero sa iba they are part of the family, they are treated like our own kids and we are willing to provide for them just to make sure that they get the best life that they can get. It's hard pag ang kalaban ay yung exact opposite, no matter how hard we try to change their mindset, they just won't listen and we can't convince them and sometimes all we can do is to pity these poor dogs. I just wish that someday, marealize nila that these dogs will forever be loyal to us,no matter what happens or whatever kind of treatment we give them, they won't ever complain and continue to love and treat us like Gods, and it's very rare to find a treasure who does that so it is best to take good care of them.

Teary-eyed naman ako dito sis, sorry I was scrolling topics kase, and I read this.. Recently lang kase, actually nung saturday lang, nagkasaket bigla yung baby ko, biglang hindi na kumaen, and rapid yung pagpayat nya, then pinacheck up ko agad sa vet nya, then nakwento ko yun sa pinsan ko, na I shed 500 sa checkup, then he said "Sus! papadoktor pa yan, gagastos ka pa, mamamatay din naman yan.." and I was like, nasaktan talaga ko,  :'( parang ganun lang ba yun sa kanila? Nung may saket sya binabantayan ko lang sya matulog hanggang 2am, kahit nilalamok ako, baka kase magising sya and magsuka, or kung anuman mangyari ng tulog ako,  :'( tapos sa kanila ganun lang kadali sabihin na mamamatay din naman yun..

Akala ko dati naku-kyutan lang ako sa mga aso, sa mga tuta, pero ngayon na nagkaron ako, hindi lang pala ako natutuwa kase cute sila, para akong nagkaanak na galing talaga saken..  :)

Sinagot ko yung pinsan ko, sabi ko, "Sana pag nagkasaket ka, hindi ka rin sabihan ng kapamilya mo na bakit ka pa ipapagamot, mamamatay ka din naman.." natahimik sya..

Just sharing mga sis! Nakarelate ako sa post mo! hehe  ;)
« Last Edit: June 04, 2013, 04:14:41 pm by iamNehj »

yyaaddzz

  • Guest
Re: When to Vaccinate your pets?
« Reply #69 on: June 04, 2013, 07:19:00 pm »
Sis im confused. Due na kasi sa saturday ng 3rd vaccine ni Chuck and 8in1 daw ang ibibigay sa kanya.
Parvo, distemper, Leptos(4 strains of leptos daw un included sa 8in1), parainfluenza, hepatitis, and corona daw un kasali dito,
Kailangan ba un lahat or mas ok na 6in1 na lang ulit ang ibigay? Nadadamihan kasi ako sa 8in1, baka hindi lahat ng kasama kailangan.
Sabi naman ni Dra. Un sa leptospirosis lang naman ang nadagdag. Thanks mga sis! Sana maenlighten nyo ako. Hehe!:)

abuanddiego

  • Guest
Re: When to Vaccinate your pets?
« Reply #70 on: June 04, 2013, 10:35:18 pm »
^sa mga nauna naming vets, 5in1 and 6in1 lang ang binigay sa kanila. Pero sa latest may 8in1 na, iba-iba kasi ang protocol ng mga vets. But based on my research, sapat na ang 5in1 or 6in1, kasi core vaccines naman talaga ang important like distemper, parvo, hepatitis and rabies. May mga studies saying that lepto, parainfluenza and corona vaccines are not needed kasi maraming factors ang pwedeng magcause nito. Ang sabi pa nila, yung lepto vaccine is not 100% guaranteed kasi sa humans nga daw wala pang vaccine, pero bat sa dogs meron na?

Research ka lang sis about vaccines:core and dangers para mas maging clear sayo. Kailangan kasi natin malaman ano yung core sa noncore para malaman ano ang difference ng 6in1 sa 8in1. Sabihin mo rin kay Doc na uncomfortable ka sa 8in1, baka pwede kamong 6in1 na lang.

Sinagot ko yung pinsan ko, sabi ko, "Sana pag nagkasaket ka, hindi ka rin sabihan ng kapamilya mo na bakit ka pa ipapagamot, mamamatay ka din naman.." natahimik sya..

^aylaveeeeet! ;D kung ganyan lahat ng pet owners, tignan ko lang kung may magsalita pa against sa mga alaga natin!

Ang hirap isipin at tanggapin na kahit 2013 na, eh ang dami pa ring makikitid ang pagiisip. Biruin nyo, sobrang advanced na ng technology natin pero kamusta naman ang mga brain cells ng iba, mala-jurassic pa rin! Ako personally, ayos lang kung hindi magets ng iba yung relationship ko with my dogs, pero ang pinakamasakit at hindi ko kayang palagpasin is pag nakakarinig ako ng mga ganyang statements. Wala akong pake kahit sino pa sya, makakatikim sya sakin at yuyurakin ko rin ang pagkatao nya hanggang sa tubuan sya ng balahibo at buntot hahaha!

Minsan iniisip ko, may sayad ata talaga yung mga hindi mahilig at walang awa sa mga hayop eh. Hello, kung talagang matino kang tao, alam mo ang limitations mo, at kaya mong intindihin ang mga mas mababang uri sayo. Pero ang dami talagang mas masahol pa sa hayop umasta eh, ang sarap ikulong at pagulungin sa sarili nilang dumi hanggang matauhan!

I know that some people won't understand our bond with our dogs, matagal ko ng tinanggap yan. pero sana manamihik na lang sila kung wala rin silang sasabihing maganda. Kasi everytime makakarinig ako, para na ring kiniskis sa asin yung sugat na ginawa nila satin. Ang hirap talaga pag devoted ka sa isang bagay pero hindi ka naman maintindihan ng iba. Sabi ko nga wala tayong magagawa kung sarado talaga utak nila, ituloy na lang natin kung anong sinisigaw ng puso natin. Anyway, ang sabi nga nila there's a special place in hell for animal abusers!

yyaaddzz

  • Guest
Re: When to Vaccinate your pets?
« Reply #71 on: June 04, 2013, 11:54:47 pm »
Sis abu: kaya nga e, nabasa ko kasi na un lepto should not be given sa small breeds lalo pag indoor,
di naman daw talaga kailangan.. Hay sige, research pa ako then sabihin ko sa vet na kung ok lang kahit yung 6in1 na lang ilagay kaya lang may corona din yun.
Haha na,ilito ako.. Sige sis abu super thank you! You never fail to inform us. Salamat ulit!:)

littlemisschievous

  • Guest
Re: When to Vaccinate your pets?
« Reply #72 on: June 05, 2013, 11:37:50 am »
Hi sissies and bros, maybe someone can provide a timeline for vaccines needed for our fur babies? I keep track of mine by their vaccination record. I would suggest this timeline for first time pet owners. I remember a friend of mine's pet passed away since they missed a particular vaccine for their pet. Guess just for everyone's update and information :)

I think sis abuanddiego would be knowledgeable of this!

yyaaddzz

  • Guest
Re: When to Vaccinate your pets?
« Reply #73 on: June 05, 2013, 06:33:47 pm »
^I agree sis!:) para may idea tayo and we will be guided kung dapat nga ba or hindi yun ibibigay nila Vet sa ating mga babies.:)

abuanddiego

  • Guest
Re: When to Vaccinate your pets?
« Reply #74 on: June 05, 2013, 07:15:19 pm »
Here are some helpful links:
http://www.k9instinct.com/1/post/2013/01/minimal-vaccine-protocol-for-dogs.html?
http://www.news.wisc.edu/8413

I have a theory on why most vets are giving yearly vaccines haha! Kaya siguro ginagawang yearly kasi iba-iba ang duration per live virus. some vaccines can only last for about a year (non-core vaccines like lepto, corona,kennel cough) but some can last for years and these are the core vaccines:distemper, parvo, rabies) So para makasiguro at mas madali para sa mga vets, annual na lang gagawin nila, kumbaga "one time big shot" na lang instead of isa-isahin ang paginject. At dito very useful ang titer testing coz it can detect the antibodies, meaning malalaman natin kung san high or low ang immunity nila. Ang downside lang nito is that it's not cheap, nasa 750up ang magagastos, compared sa annual booster na nasa 450up lang.

sis yyaaddzz, walang anuman! naku, most of my knowledge came from the net, i follow holistic vets and owners' advice then bridge nyo lang ako for the info ;D
« Last Edit: June 05, 2013, 07:25:02 pm by abuanddiego »

yyaaddzz

  • Guest
Re: When to Vaccinate your pets?
« Reply #75 on: June 05, 2013, 08:32:12 pm »
I have read the articles sis.. Lalo ako naconfused kung dapat kko nga ba ipalagay yun 8in1 or kahit 6in1 na lang.
Baka kasi biglang tamaan si Chuck ng virus na kasama sa 8in1 tapos sisihin ko ng sobra ang sarili ko kasi hindi ko pinalagay yun kahit sinabi na ng doc.
Pero ayoko din naman masobrahan siya ng vaccine kasi baka mas magkadiperensya siya dahil sa side effects.

abuanddiego

  • Guest
Re: When to Vaccinate your pets?
« Reply #76 on: June 06, 2013, 12:39:36 am »
^^naku sorry sis, i didn't mean to confuse you.
kung ako tatanungin, it will depend sa lifestyle ng dog. kung indoor lang sya, okay na ang 6in1. kasi yung inadd sa 8in1 is more on lepto lang naman diba? so kung hindi kayo palalabas at wala namang rodents sa house, safe na kayo dyan. Pero iniisip ko, pwede rin naman siguro kung 1 shot lang ang 8in1, for initial protection. yan din binigay sa mga alaga ko. Pero this year, baka magskip muna kami kasi minsan may nakakapa akong bumps sa area ng shots :P

^hi sis! ang rule sa pinas is annual anti-rabies, but based on latest studies, it can last for up to 3 years. Yung bulldog ko, dapat nung march pa ang annual shots nya, pero nagskip muna ako hehe kasi nasa bahay lang naman sya lagi.

yung 5in1, annual din ang usual protocol, pero kung babasahin mo mga links, ang sabi, core vaccines like parvo and distemper could last up to 7 years, pwede pa ngang lifetime immunity as long as tama yung first sets of administration.

kung nacomplete mo yung vaccines nya nung puppy pa sya, safe naman kayo. pero kung gusto mo macheck ang anti-bodies nya, ask ka about titer testing. sana meron ang vet nyo nito, kasi kung mataas pa immunity nya, no need na for unnecessary vaccines.

yyaaddzz

  • Guest
Re: When to Vaccinate your pets?
« Reply #77 on: June 06, 2013, 06:40:22 am »
Yung nakakapang bump sa shot location naranasan namin last vaccination nya. ano ba meaning nun? I massaged
It lang and it was gone pero ang tagal,mga 1week na ganon and kapag nakaupo siya, yun parang half sit lang nanginginig yunnpaa nya na may malapit na bump.
After  it was gone nawala din yun nginig. I know cause un ng gamot and hindi agad nag penetrate sa katawan nya, super delikado ba yun sis?

Half indoor, half semi outdoor si chuck hehe kasi minsan nasa loob siya ng bahay pero natutulog siya the whole night sa terrace, covered naman and tiled so parang indoor pa din.
Feeling ko, ang masasabing outdoor lang niya is kapag iwo-walk ko na siya sa neighborhood namin kapag natapos na niya yung shots nya. Para naman may socialization and real outdoor experience siya.:)

Sa ganung case, mas advisable kaya na ituloy yung 8in1 or go na lang sa 6in1?:) thanks thanks!

abuanddiego

  • Guest
Re: When to Vaccinate your pets?
« Reply #78 on: June 07, 2013, 01:50:07 am »
^ang alam ko as much as possible, wala daw dapat yung mga bumps na yan or in few days dapat wala na sila. pero yung samin kahit ilang months na nakalipas, may nakakapa pa rin ako. Sa mga nabasa ko, iba-iba ang level ng sensitivity/reaction nila. Merong matibay sa vaccines at meron ding hindi. Katakot naman yung shaking na nangyare, anong sinabi ng vet na cause daw nun?

Naku sis, hindi ata ako ang dapat magsuggest about vaccines. katakot magkamali, pet mo ang nakasalalay dito. Pero naalala ko yung kwento ni doc about a case of lepto. Parang nacontaminate ng rodents yung food ng mga pasyente nya, 2-3 dogs ata yung naging victim at nadeds. Alam ko yun ang naging rason at hindi yung paglalakad sa labas. Ang belief ko kasi when it comes to diseases, is nakadepende sya sa immunity ng dog. Kung malakas sya, di sya basta-basta tatamaan ng sakit at makakasurvive. pero pag sadyang mahina resistensya, kahit complete vaccines, hindi sya 100% safe.

yyaaddzz

  • Guest
Re: When to Vaccinate your pets?
« Reply #79 on: June 07, 2013, 08:50:05 am »
Ai sige, ask ko na din si dr. Although wala naman kaming nakikitang rodents sa place nya since mataas un terrace (2nd floor) mas sure pa din un may pangontra.
Nakakatakot naman na bigla na lang siya matsugi..

Bukas na un vaccination sched nya and bukas ko pa lang din masasabi kay dr na nag shshake siya. Di naman kalakasan and hindi rin naman masakit pag hinahawakan
baka lang din ngawit pero parang imposible hehe.:)


 

Latest Stories

Load More Stories
Close