^sa mga nauna naming vets, 5in1 and 6in1 lang ang binigay sa kanila. Pero sa latest may 8in1 na, iba-iba kasi ang protocol ng mga vets. But based on my research, sapat na ang 5in1 or 6in1, kasi core vaccines naman talaga ang important like distemper, parvo, hepatitis and rabies. May mga studies saying that lepto, parainfluenza and corona vaccines are not needed kasi maraming factors ang pwedeng magcause nito. Ang sabi pa nila, yung lepto vaccine is not 100% guaranteed kasi sa humans nga daw wala pang vaccine, pero bat sa dogs meron na?
Research ka lang sis about vaccines:core and dangers para mas maging clear sayo. Kailangan kasi natin malaman ano yung core sa noncore para malaman ano ang difference ng 6in1 sa 8in1. Sabihin mo rin kay Doc na uncomfortable ka sa 8in1, baka pwede kamong 6in1 na lang.
Sinagot ko yung pinsan ko, sabi ko, "Sana pag nagkasaket ka, hindi ka rin sabihan ng kapamilya mo na bakit ka pa ipapagamot, mamamatay ka din naman.." natahimik sya..
^aylaveeeeet!

kung ganyan lahat ng pet owners, tignan ko lang kung may magsalita pa against sa mga alaga natin!
Ang hirap isipin at tanggapin na kahit 2013 na, eh ang dami pa ring makikitid ang pagiisip. Biruin nyo, sobrang advanced na ng technology natin pero kamusta naman ang mga brain cells ng iba, mala-jurassic pa rin! Ako personally, ayos lang kung hindi magets ng iba yung relationship ko with my dogs, pero ang pinakamasakit at hindi ko kayang palagpasin is pag nakakarinig ako ng mga ganyang statements. Wala akong pake kahit sino pa sya, makakatikim sya sakin at yuyurakin ko rin ang pagkatao nya hanggang sa tubuan sya ng balahibo at buntot hahaha!
Minsan iniisip ko, may sayad ata talaga yung mga hindi mahilig at walang awa sa mga hayop eh. Hello, kung talagang matino kang tao, alam mo ang limitations mo, at kaya mong intindihin ang mga mas mababang uri sayo. Pero ang dami talagang mas masahol pa sa hayop umasta eh, ang sarap ikulong at pagulungin sa sarili nilang dumi hanggang matauhan!
I know that some people won't understand our bond with our dogs, matagal ko ng tinanggap yan. pero sana manamihik na lang sila kung wala rin silang sasabihing maganda. Kasi everytime makakarinig ako, para na ring kiniskis sa asin yung sugat na ginawa nila satin. Ang hirap talaga pag devoted ka sa isang bagay pero hindi ka naman maintindihan ng iba. Sabi ko nga wala tayong magagawa kung sarado talaga utak nila, ituloy na lang natin kung anong sinisigaw ng puso natin. Anyway, ang sabi nga nila there's a special place in hell for animal abusers!