watch now

Author Topic: FRIENDs in WAR.. pahelp naman mga sis!!  (Read 4566 times)

zidane

  • Guest
FRIENDs in WAR.. pahelp naman mga sis!!
« on: January 08, 2012, 02:54:33 pm »
mga sis hindi ko kc alam kung pano ko ihahandle tong situation na to eh...

friend namin tong nakasamaan namin ng loob, pero ayaw ko naman na hndi na kami friends forever... or ano ba dapat ko gawin?

4 couples kc kami..

we have our regular inuman or get togethe session, minsan weekly ganon..
we do out of towns din together..madalas actually.. and to tell u the truth nung naging close kami sa kanila naging super healthy ang married life namin ni hubby... kc first me outlet kami iba.. saka masaya talaga kami pag magkakasama...saka lahat ng probs namin pati nila napag uusapan, pag mag kakasama kami.. tapos parang every ocassion sa mga buhay namin andun kami and sila sa amin...

hindi ko naman sila talaga frens, si hubby ko bff niya yung isang guy lagi niya kasama yun kung san2 nung mga binata pa sila kc mahilig sila mg basketball..
tapos hangan sa nag asawa na at me mga anak na kami.. ayun magkakasama kami...

until this incident...

nagkayayaan mag inom usually kc dun kami nainom sa bahay nung bff ni hubby eh...
dumating yung cousin na guy ni bff, lasing, tapos bigla na lang nagwala..
una inaway niya yung pinsan ni bff, tapos siyempre si bff inawat (yung pinsan niyang to mas bata sa amin ah, college pa lang to) sa pag awat napikon si bff ayun sila na ng away...
si hubby ko naman umawat nalang...
tapos yung pinsan malapit lang yung bahay kila bff, nagwawala as in nagbabasak ng kung anu2 sa bahay nila...
sa takot ata nung mga magulang or mga kapitbahay pinadampot siya sa barangay... (super nakakatakot talaga siya)
sa barangay pumunta si bff kc nirereklamo daw siya, panu claim nung pinsan binugbog daw siya tapos tinutukan daw siya ng gun... eh wala naman gun....

so ok nah...

maya2 dumaan siya ulit sa bahay ni bff, nag sorry sa lahat ng tao except sa akin... sabi sa akin never daw siya mg sosorry.. natawa naman ako, sabi ko naman sa saril ko ano pake ko... tapos umalis...

balik ulit siya sa amin, tapos nag sorry ulit, this time sa akin naman.. sorry daw kung me nagawa siya di maganda... sabi ko naman ok.... pero sabi niya kung hindi ko daw mattangap sorry niya wala na daw siya magagawa.. ako naman, natatwa ako kc, parang [textspeak!] bang ping sasabi nito...alis siya ulit

tapos balik siya ulit sa amin, sorry ulit siya tapos nag mumura na... sabi TI daw namin kung hindi daw namin natangap sorry niya... saka makikita mo parang gigil siya sa akin... (kababae kong tao ah) so nung hindi nako nakapag timpi, sinagot sagot ko na din siya at minura ko na din siya...

tapos pinaalis siya nung wife ni bff, wala kc si bff that time na pa balik balik siya...

yung hubby ko naman nung huli napikon na sinugod na niya, pero inawat siya nung ibang mga frens namin...

tapos sabi nung isa namin fren lipat na lang daw kami sa bahay nila.. so yun na lang ginawa namin para wala ng gulo..

pag lipat, saka ko nalaman, na kaya daw pala galit sa akin yung pinsan eh sinabihan ko daw ng di maganda, ininsulto ko daw...

siyempre sinabi ko na hindi nga natin kainuman yun ni hindi ko nga kilala bakit ko siya kakausapin at worse iinsultuhin... so feeling ko pinag tripan ako..
naiiyak nako, nagulat kc ako na ako pa pala ang sinasabing dahilan kung bakit nagwala yun..

ang kinasasama ko ng loob yung mga frens namin, hindi man lang ako pinag tanggol since mg kakasama kami at halos mag kakatabi lang, dapat alam nila kung kinausap ko nga yung gagong yun o hindi... siyempre kung insulto yun dapt malakas yun boses ko nun diba... dapat maririnig nila..

ang sinasabi nila, hindi daw nila narining na ininsulto ko at hindi din daw nila narinig na hindi ko ininsulto... labo db...

dec to nanyari eh, then sabi namin ni hubby wag na lang muna kami pupunta dun at hndi muna namin sila kinausap... pero today hindi ko na kinaya, kc love k naman sila and it hurts me na hindi kami ok.. lalo na si bff sobrang close kami dun sa family nila.. (yung cousin pala na nagwala, bale, ang mag cousin eh yung tatay ni bff at yung tatay nung nagwala, so medyo malayong relative na din nila bff, pero kapitbahay sila eh)

eto sagot sa akin nung wife ni bff nung tinatnung ko bakit parang hindi sila naniniwala sa akin...

hndi naman kmi maka pg 1 sided dhil perho kaung meron cnsb sa isat isa... sb mo wala kang cnsb.. sb nman niya meron daw,.. kaya naninimbang kmi...kht dn cla gnun kc parehas merong cnsb.. ngbbintang yung isa yung isa nman itinatanggi...
pano ba yan!!
sa tingin mo ako ikw... ano ba dpt ang nging reaction mo at ng mga kaibgan mo..
..

eto pa..

mas gusto nmin n pumagitna lalo sa part ng asawa ko..

bsta ngusap cl... lalaki sa lalaki.. tungkol sa issue bsta sb nya pnagsbhan nya..


eto pa sabi...


d n nmin pnrating nun sau n knausp na namin....pro sb mo kc dating prang d nmin inisip ikw.. eh un un eh.. ngawa lang namin kausapin cy....d nman pwdeng gulpihin ulet.. sb lang namin.. wg ng maulet.. cla mag ama my pglalagyan..
pero andyan n yan kung anong mging kahinatnat ok lang...
kaya nga ayaw ng pagusapan yan.. kasi ngusp n cla.. kya kng meron ngttanong no comment n lang kmi parehas...
ako sinubukan ko minsan na aluin ka dhil nhhya dn kmi n dto pa sa bhay ngyri yan... pro nun nkita kong d kpa ready hinayaan n muna kita..



hindi ko kinaya yung sinabi niyang kung ano kahihinatnan ok lang, ano sa tingin niyo mga sis? sa totoo lang ang sakit kc s akin nito eh...


« Last Edit: January 08, 2012, 02:59:09 pm by zidane »

k_heart

  • Guest
Re: FRIENDs in WAR.. pahelp naman mga sis!!
« Reply #1 on: January 09, 2012, 10:20:26 pm »
Medyo naguguluhan ako sa haba ng kwento sis. So in short, yung pagawala daw,ikaw anh may kasalanan????

k_heart

  • Guest
Re: FRIENDs in WAR.. pahelp naman mga sis!!
« Reply #2 on: January 09, 2012, 10:22:59 pm »
Hindi mo sila tottong friends sis, kasi kung totoong mga kaibigan yan, papakinggan mo na nila ang side mo.
Pero sis, medyo magulo pa rin yung kwento ng slight,lalo na yung sa paending.

zidane

  • Guest
Re: FRIENDs in WAR.. pahelp naman mga sis!!
« Reply #3 on: January 09, 2012, 11:36:36 pm »
gulo ba? sorry, nung ginagawa ko kc yan, sama talaga ng loob ko sa kanila.

bale in short lang..

yung pagwawala daw nung cousin dahil daw sa akin...dahil daw ininsulto ko dw...

nung nag usap usap kami.. sabi nung bff ng hubby ko (pinsan ny yung nagwala) at nung asawa niya...

hindi daw nila alam kung may sinabi akong masama o wala dun sa pinsan kc daw wala naman daw sila nadinig....

pero dahil wala sila nadinig, hindi nila alam malaman kung ano ang totoo... ang labo db..

pero halos mag kakatabi lang kami the whole time...

parang para naman sa akin since wala kayong nadinig o nakitang nag uusap kami nung pinsan, hindi pa ba sapat yun para sabihin hindi ko talaga ginawa yun...

yung sa last part... mga reply yun sa akin nung wife ni bff nung mag ka chat kami..

in short ulit ayaw nila me kampihan sa amin, una dahil pinsan daw ng asawa niya yun(cgr ayaw nila ng ayaw between relatives nila) mas gusto nila gitna lang sila, pero wag lang daw uulitin ulit kc daw papalag na daw sila.. so parang pinalampas nila yung ginawang pang gugulo...

zidane

  • Guest
Re: FRIENDs in WAR.. pahelp naman mga sis!!
« Reply #4 on: January 09, 2012, 11:47:09 pm »
ang sa akin lang naman, sana naman lumabas lang yung totoo, malinis lang sana name ko... sobrang bastos naman kc nung dating ko kung ginawa ko yun... grabe...

gets ko naman sila, hirap ng may kaaway na relatives lalo na sa part nila magkakapit bahay pa sila... kami kc malayo bahay namin sa kanila...

sabi naman nila pinag sabihan daw nila yung cousin kinabukasan kc daw ng sorry daw sa ginawa niya..

nung tinanong ko yung wife ni bff, kung naniniwala siya na ininsulto ko talaga yung pinsan nila.. hindi daw niya masabi... nalulungkot lang ako kc parang kahit pag balik baliktarin mo nangyari, obvious naman na hindi ko ginawa... hindi ko maintindihan bakit ayaw nila tanggapin... (siguro nga kc kamag anak kaya kinakampihan)

na sasad lang talaga ako...

pero for the record, hindi naman sila galit sa amin... parang ang gusto nila kalimutan ang nangyari at ibalik sa dati ang lahat like parang walang nangyari..

acceptable ba yun mga sis?

k_heart

  • Guest
Re: FRIENDs in WAR.. pahelp naman mga sis!!
« Reply #5 on: January 10, 2012, 12:00:59 am »
^For me sis, hindi yun acceptable. Kasi sa pag gitna nila, ang dating wala silang mga balls. Ang dapat dyan kung talaga sila ang nasa gitna, ay mag usap-usap kaying lahat para magkalinawan. Kasi kung ako ang nasa kalagayan mo, hindi ako papayag na sasabihin lang nila na ako ang may kasalanan. Dapat pag usapan ng harapan para masabi mo din ang side mo. Hindi kasi pwedeng, parang wala lang nangyari lalo na at ang nagggulo ay yung cousin na nanggulo daw  ng dahil sa yo.
Kasi parang, ano ba naman ang ginawa mo di ba, para magwala na kang bigla kung pwedemg kinonfront or tinanong ka na lang or kinausap.

Kasi kahit ngayon sis, di mo rin alam kung ano yung sinabi mo daw na pang iinsulto. At least kung malaman mo at feeling mo talaga ay mali ka pala, you can apologize. Pero its hard to apologize kung hindi mo alam ang issue.

And hindi sila ok na mga kaibigan kung ang stand nila ay balewalain ang nangyari. Or maybe,they think ba sis,na its not yet the right time? May sister ka ba sis or ibang group of friends?

Kasi kung ako, kung ayaw nyo sa akin eh di ayaw ko din sa inyo! he!he!

zidane

  • Guest
Re: FRIENDs in WAR.. pahelp naman mga sis!!
« Reply #6 on: January 10, 2012, 12:18:01 am »
hindi naman nila sinasabi sis na AKO ang may kasalanan, more on parang hayaan mo na palampasin na natin, ayaw na nilang pagusapan...

nung after nung incident nag sorry talaga yung bff sa hubby ko kc nga daw nabastos ako... ganon din si wifey ni bff..
marami ng incident na nag wala daw yun... ewan ko ba.. grabe pagtatakip nila dun...

yun pa isa, nung paglipat namin ng venue right after malaman ko na ako pala yung sinasabing reason ng pag wawala niya, i ask them na pag harapin kami... pero sabi nila wag na daw, lalo lang daw gugulo... nasabi ko na ng ilang beses yung side ko b4 we part ways.. pero ayun eto pa din...

meron naman akong ibang frens pero napamahal na din kc sila sa amin... saka bff ni hubby yun eh... since nga i mentioned 4 sets of couple kami... pati tuloy yung 2 set hindi na namin kinibo kc medyo mag kakalapit sila ng bahay kami lang tlg yung malayo ng konti...

hindi naman nila ayaw na kami maging fren sis, text nga sila at message ng message sa fb na SHOT na daw, parang inuman daw kami. parang gusto na nila kalimutan namin nangyari... ayaw na nila balikan at pagusapan pa parang ganon... kaya lang makulit ako eh...hehe... susme naman sila kaya mabastos ano kaya mafefeel nila...

zidane

  • Guest
Re: FRIENDs in WAR.. pahelp naman mga sis!!
« Reply #7 on: January 10, 2012, 12:22:38 am »
eh sis what's ur take on this...

feeling nila binastos ko talaga pinsan nila pero ok lang gusto nila kalimutan na lang at palampasin nangyari... (sana binastos ko na lang noh)   :(
« Last Edit: January 10, 2012, 01:54:13 am by zidane »

justin3

  • Guest
Re: FRIENDs in WAR.. pahelp naman mga sis!!
« Reply #8 on: January 15, 2012, 06:50:41 am »
WAR? wala naman ah?  meron ba? ::)

di ka naman NAKAINOM when you posted here sis? ;D ;D ;D

yan kasing alak na yan, pahamak talaga yan eh. marami nang winasak na tahanan yan at buhay na kinitil. ;D
kahit na isang bote lang ang natungga mo, at kahit na ipagkalandakan mo na di ka lasing... nakaINOM ka pa rin.
sa sunod, magkape na lang kayo o mag tsibugan bonding ha? makapag-usap pa kayo ng matino.


pero sis, tuloy nyo pa rin ang SHOT, but do it somewhere else, wag na dun sa house ni bff nyo.
at saka, NEVER ever talk about that incident again.

greyzie

  • Guest
Re: FRIENDs in WAR.. pahelp naman mga sis!!
« Reply #9 on: January 15, 2012, 08:07:25 am »
Nag-sorry na pala yun bff couple, what more do you want them to do? Ibig sabihin nakita na nila na nabastos ka. [textspeak!] just let it go if your friendship is important to you gaya ng sabi mo. [textspeak!] ayaw na lang pag-usapan kasi they are embarassed na rin.

zidane

  • Guest
Re: FRIENDs in WAR.. pahelp naman mga sis!!
« Reply #10 on: January 17, 2012, 05:18:28 pm »
WAR? wala naman ah?  meron ba? ::)

di ka naman NAKAINOM when you posted here sis? ;D ;D ;D

yan kasing alak na yan, pahamak talaga yan eh. marami nang winasak na tahanan yan at buhay na kinitil. ;D
kahit na isang bote lang ang natungga mo, at kahit na ipagkalandakan mo na di ka lasing... nakaINOM ka pa rin.
sa sunod, magkape na lang kayo o mag tsibugan bonding ha? makapag-usap pa kayo ng matino.


pero sis, tuloy nyo pa rin ang SHOT, but do it somewhere else, wag na dun sa house ni bff nyo.
at saka, NEVER ever talk about that incident again.

hindi naman ako umiinom sis, actually yung mga husband lang namin yung mga imiinom... nakikijoin lang kami mga babae sa mesa...
yung mga husband naman namin matitino naman kahit nakainom, si bff lang yung pede todo ang inom kase bahay niya yon, the rest hindi kc mag drdrive pa pauwi...

tlg sis? you think so walang war?

ewan ko ba feeling ko kc meron

zidane

  • Guest
Re: FRIENDs in WAR.. pahelp naman mga sis!!
« Reply #11 on: January 17, 2012, 05:24:54 pm »
Nag-sorry na pala yun bff couple, what more do you want them to do? Ibig sabihin nakita na nila na nabastos ka. [textspeak!] just let it go if your friendship is important to you gaya ng sabi mo. [textspeak!] ayaw na lang pag-usapan kasi they are embarassed na rin.

sis gets ko naman yun, kaso nga lang gusto ko lang naman malinis name ko dun... pag tinatanong ko kc sila if naniniwala ba sila na me sinabi ako masama sa pinsan nila... ang sagot nila ang labo, gitna daw... wala daw kc sila narinig so hindi nila alam...

alam ko naman ibang usapan na pag relatives, pero wala na bang justice for me? kahit man lang ma clear name ko...

mas matatangap ko pa siguro kung sabihin nila:

sorry na pasensya na sa ginawa ng pinsan ko lasing lang yun, alam naman namin wala kang ginawang masama

kesa sa:

sorry na pasensya na sa ginawa ng pinsan ko lasing lang yun, hindi namin alam kung me ginawa kang masama tlg pero palagpasin na natin...
« Last Edit: January 17, 2012, 05:29:35 pm by zidane »

zidane

  • Guest
Re: FRIENDs in WAR.. pahelp naman mga sis!!
« Reply #12 on: January 17, 2012, 05:33:28 pm »
saka parang kc ang sakit2 naman yung mga kaibigan mo pa mismo parang hindi naniniwala sayo.... dun lang naman ako asar at hindi tlg maka pag move on...

si hubby naman, hindi ko naman alam yung reason niya kung bakit ayaw niya na din kibuin mga yon, iniisip ko nga baka dahil lang sa akin kaya niya gingawa yon... pag ganon iniisip ko naaawa ako ke hubby, para kc brother na turingan nila ni bff eh..

chirochan

  • Guest
Re: FRIENDs in WAR.. pahelp naman mga sis!!
« Reply #13 on: January 21, 2012, 02:25:17 am »
kaibigan ba talaga yan ? walang trust ? i understand you sis pangit naman na hindi lilinawin baka plastikin ka pa or baka mangyari ulit, iba iba kasi tayo ng point of view

zidane

  • Guest
Re: FRIENDs in WAR.. pahelp naman mga sis!!
« Reply #14 on: January 23, 2012, 03:42:05 pm »
kaibigan ba talaga yan ? walang trust ? i understand you sis pangit naman na hindi lilinawin baka plastikin ka pa or baka mangyari ulit, iba iba kasi tayo ng point of view

tnx sis!
parang yun na nga nangyayari... hindi ko nga rin sila nagets, ngayon parang lahat ng mga post ni wife ni bff sa fb parang patungkol sa akin (o feeling ko lang yun) pero kc ako [textspeak!] naman ang medyo ka war niya ngayon eh... saka post sila ng post (silang 3 couples) ng mga picturs nila together... kc nga di na kami sumasali... like parang nang iingit...
nakaka tawa lang... parang sa amin naman, kayo na nga nakasakit kayo pa mang iinis... hindi ko nga magets kung bakit sila nang aasar eh, isip ko na lang baka way nila yun para ma miss namin yung samahan namin b4 at pr makipag ayos na kami sa kanila....
madalas pa pag online kami ipapa chat nila kami sa mga ibang (hindi super close) na frens namin na cousin or kapitbahay din nila... alam namin andun sila kc hindi naman kami ni chat nun before...

anyway we are moving on na ni hubby... (parang break up lang noh haha)

yndy

  • Guest
Re: FRIENDs in WAR.. pahelp naman mga sis!!
« Reply #15 on: January 30, 2012, 11:53:25 am »
^ tama yan sis.. move on... mag out of town na lang kayong 2 ni hubby at magpost din kayo ng sandamakmak na pics nyo ng makita naman nila na you can have fun kahit kayo lang ni hubby...

tsaka nakita mo na tunay na kulay nila... move on. ika nga choose your friends well. :)

aquacharly

  • Guest
Re: FRIENDs in WAR.. pahelp naman mga sis!!
« Reply #16 on: January 30, 2012, 01:53:26 pm »
IF I were you, ZIDANE, I'd let it go.  Baket mo pipilitin chew repeatedly on something unpleasant like ampalaya?

Ano ba issue mo talaga?  That you did not do it?  Somewhere  after your initial post, you mentioned na you feel they know hindi a  talaga nambastos. 

So what's your issue?  Na baket ganon lang reaction ng friends mo  sa pambasto  sa yo ng topak
 na pinsan?  What will satisfy you? Barilin nila si pinsan?

May mga taong hindi pinapatulan, kasi --   not worth it. Like this topak who has a rep for violent tantrums... Para syang tao naghahanap  ng basag-ulo or damay, per your cuento.  That's why the  BFF couples just  want to forget the incident...  Acting on it some more is counter-productive  since yung topak will not change  anyway -- he just  may be the barangay basagulero waiting for someone   to off him.  Their saying pagitna sila is 1 way to tell you to drop it.

Real friends will not agree with you all the time --  friends with vested interests will.  If you are a real friend to your friends -- you will respect their take on this incident where you were in the wrong place at the wrong time, kesa you build a mountain out of a molehill and put yourself in a corner you think you have no option but to  kill the friendship. 

Eh hindi nga nila  narinig - so what if magkakatabi kayo?  Feeling insulted is a very personal matter. Meron nga dyan Nagbabatian  nang - PIna mo!  Tapos magyayakapan.  Who can say?  Your friends say wala narinig kasi yon ang totoo.  It's the topak's walang cuentang disruptive behavior on the line -- not your character.  Let it go. 


zidane

  • Guest
Re: FRIENDs in WAR.. pahelp naman mga sis!!
« Reply #17 on: January 30, 2012, 06:26:09 pm »
IF I were you, ZIDANE, I'd let it go.  Baket mo pipilitin chew repeatedly on something unpleasant like ampalaya?

Ano ba issue mo talaga?  That you did not do it?  Somewhere  after your initial post, you mentioned na you feel they know hindi a  talaga nambastos. 

So what's your issue?  Na baket ganon lang reaction ng friends mo  sa pambasto  sa yo ng topak
 na pinsan?  What will satisfy you? Barilin nila si pinsan?

May mga taong hindi pinapatulan, kasi --   not worth it. Like this topak who has a rep for violent tantrums... Para syang tao naghahanap  ng basag-ulo or damay, per your cuento.  That's why the  BFF couples just  want to forget the incident...  Acting on it some more is counter-productive  since yung topak will not change  anyway -- he just  may be the barangay basagulero waiting for someone   to off him.  Their saying pagitna sila is 1 way to tell you to drop it.

Real friends will not agree with you all the time --  friends with vested interests will.  If you are a real friend to your friends -- you will respect their take on this incident where you were in the wrong place at the wrong time, kesa you build a mountain out of a molehill and put yourself in a corner you think you have no option but to  kill the friendship. 

Eh hindi nga nila  narinig - so what if magkakatabi kayo?  Feeling insulted is a very personal matter. Meron nga dyan Nagbabatian  nang - PIna mo!  Tapos magyayakapan.  Who can say?  Your friends say wala narinig kasi yon ang totoo.  It's the topak's walang cuentang disruptive behavior on the line -- not your character.  Let it go.

i get u sis... tnx...

my issue when i inititlay posted this is to know if i need to let go of our frenship... but of course sis, that time i was truly hurt.. kaya medyo iba pa thinking ko... saka i need comfort din naman, buti nga me ngrereply kaya nahihimasmasan ako pakonti konti..

i know hindi naman ako dapat nagalit sa bff couple, pero that time hindi ko naman kc kaya na after what happen ok na ulit kami, parang ang hirap... lalo na kung makikita kong ok sila nung cuz na bastos, not saying na dapat galit sila, pero somehow me pain talaga di ko mapigilan...siguro nga gusto ko barilin nila si cuz for me (medyo)..kidding..

oo nga pala just recently, nabasa ko msg nung isa pang couple ke hubby right after the incident, ewan ko bakit hindi sinabi ni hubby sa akin...  sabi niya alam niya naman daw na pinag tripan lang ako... instantly nawala inis ko sa couple na yun... kahit di niya din na dinig na me sinabi ako o wala at least deep inside them they know na pag trip-an ako...
kung eto na lang sana sinabi ni bff wifey sa akin baka mas napadali yung recovery ko... parang kc the last time we chat pinag pipilitan niya na meron ako sinabi that triggered the cuz..

and now parang si wifey pa ni bff ang galit, kung maka post sa fb parang ng aasar lang puro pasaring... parang siya pa ang gigil na gigil... i dont do fb fight by the way, silent lang ako... so pano na ang friendship wala na talaga db, at least hindi na ako yung ng decide... pero kaka sad pa din...

Thanks sa lahat ng ng reply!

Hindi niyo lang alam, how it help me... i appreciate it talaga... *hugs*

london

  • Guest
Re: FRIENDs in WAR.. pahelp naman mga sis!!
« Reply #18 on: January 30, 2012, 10:23:01 pm »
^ honestly, ako din naguguluhan sa yo sis. ano bang isyu? nag sorry na sila sa yo di ba? and naghihinanakit ka dahil di sila kumampi sa yo. so if sa yo sila kumampi, okay na? the way i see it, tama naman sila. di sila kakampi kahit na kanino dahil di nila alam totoo. for me, mas ok to kasi friends tell the truth. di nila naisip na i appease ka para lang maging okay lahat. na dahil lang kaibigan kita e sa yo na ako kakampi. and unfair naman siguro yung gusto mo nadahil galit ka sa cuz e galit na rin sila dun sa tao. sabi mo nga kinausap na di ba. and sa tingin ko, they thought na maiintindihan mo rin sila bakit ganun ang naging decision nila. for me ha, parang pinalaki mo lang ang isyu. they acknowledged na may nangyari nga, they said sorry kahit di nila lam sino talaga may kasalanan. the mere fact na nag sorry sila, and kinausap na nila yung cuz, for me enough na yun. tingin ko ngayon, medyo "naaartehan" na sila sa yo. parang ano pa bang kelangan naming gawin?!? lumuhod? magmakaawa? so now, they are in the stage na kung ayaw mo e di wag. posting pics in fb? dati ba di nila to ginagawa? or affected ka lang kasi di na kayo kasama? they reached out to you. remember, ikaw ang umayaw di sila. what if yung gusto mo e di nila kayang sabihin because di talaga nila alam di ba? parang paikot ikot e. you want them to say na alam nilang wala kang kasalanan BUT pano naman nila sasabihin yun if di nga talaga nila alam. pero it would be a different story if kinampihan nila ang cousin nila.

"nung after nung incident nag sorry talaga yung bff sa hubby ko kc nga daw nabastos ako... ganon din si wifey ni bff.." - sis, is this not enough?

"hindi naman nila ayaw na kami maging fren sis, text nga sila at message ng message sa fb na SHOT na daw, parang inuman daw kami. parang gusto na nila kalimutan namin nangyari... ayaw na nila balikan at pagusapan pa parang ganon... kaya lang makulit ako eh..." - makulit ka talaga sis to the point na nakakairita na.

you also said, pano na ang friendship? sila na ang nag decide. no sis, they were not the ones who decided. you refused to acknowledge the efforts they did. i mean hanggange kelan mo ba ini expect tong "suyuan" na to?

sis, wag ka ma offend sa sinabi ko pero yan kasi naiisip ko. and baka yan din naiisip ng kabila?
« Last Edit: January 30, 2012, 10:56:24 pm by london »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close