mga sis hindi ko kc alam kung pano ko ihahandle tong situation na to eh...
friend namin tong nakasamaan namin ng loob, pero ayaw ko naman na hndi na kami friends forever... or ano ba dapat ko gawin?
4 couples kc kami..
we have our regular inuman or get togethe session, minsan weekly ganon..
we do out of towns din together..madalas actually.. and to tell u the truth nung naging close kami sa kanila naging super healthy ang married life namin ni hubby... kc first me outlet kami iba.. saka masaya talaga kami pag magkakasama...saka lahat ng probs namin pati nila napag uusapan, pag mag kakasama kami.. tapos parang every ocassion sa mga buhay namin andun kami and sila sa amin...
hindi ko naman sila talaga frens, si hubby ko bff niya yung isang guy lagi niya kasama yun kung san2 nung mga binata pa sila kc mahilig sila mg basketball..
tapos hangan sa nag asawa na at me mga anak na kami.. ayun magkakasama kami...
until this incident...
nagkayayaan mag inom usually kc dun kami nainom sa bahay nung bff ni hubby eh...
dumating yung cousin na guy ni bff, lasing, tapos bigla na lang nagwala..
una inaway niya yung pinsan ni bff, tapos siyempre si bff inawat (yung pinsan niyang to mas bata sa amin ah, college pa lang to) sa pag awat napikon si bff ayun sila na ng away...
si hubby ko naman umawat nalang...
tapos yung pinsan malapit lang yung bahay kila bff, nagwawala as in nagbabasak ng kung anu2 sa bahay nila...
sa takot ata nung mga magulang or mga kapitbahay pinadampot siya sa barangay... (super nakakatakot talaga siya)
sa barangay pumunta si bff kc nirereklamo daw siya, panu claim nung pinsan binugbog daw siya tapos tinutukan daw siya ng gun... eh wala naman gun....
so ok nah...
maya2 dumaan siya ulit sa bahay ni bff, nag sorry sa lahat ng tao except sa akin... sabi sa akin never daw siya mg sosorry.. natawa naman ako, sabi ko naman sa saril ko ano pake ko... tapos umalis...
balik ulit siya sa amin, tapos nag sorry ulit, this time sa akin naman.. sorry daw kung me nagawa siya di maganda... sabi ko naman ok.... pero sabi niya kung hindi ko daw mattangap sorry niya wala na daw siya magagawa.. ako naman, natatwa ako kc, parang [textspeak!] bang ping sasabi nito...alis siya ulit
tapos balik siya ulit sa amin, sorry ulit siya tapos nag mumura na... sabi TI daw namin kung hindi daw namin natangap sorry niya... saka makikita mo parang gigil siya sa akin... (kababae kong tao ah) so nung hindi nako nakapag timpi, sinagot sagot ko na din siya at minura ko na din siya...
tapos pinaalis siya nung wife ni bff, wala kc si bff that time na pa balik balik siya...
yung hubby ko naman nung huli napikon na sinugod na niya, pero inawat siya nung ibang mga frens namin...
tapos sabi nung isa namin fren lipat na lang daw kami sa bahay nila.. so yun na lang ginawa namin para wala ng gulo..
pag lipat, saka ko nalaman, na kaya daw pala galit sa akin yung pinsan eh sinabihan ko daw ng di maganda, ininsulto ko daw...
siyempre sinabi ko na hindi nga natin kainuman yun ni hindi ko nga kilala bakit ko siya kakausapin at worse iinsultuhin... so feeling ko pinag tripan ako..
naiiyak nako, nagulat kc ako na ako pa pala ang sinasabing dahilan kung bakit nagwala yun..
ang kinasasama ko ng loob yung mga frens namin, hindi man lang ako pinag tanggol since mg kakasama kami at halos mag kakatabi lang, dapat alam nila kung kinausap ko nga yung gagong yun o hindi... siyempre kung insulto yun dapt malakas yun boses ko nun diba... dapat maririnig nila..
ang sinasabi nila, hindi daw nila narining na ininsulto ko at hindi din daw nila narinig na hindi ko ininsulto... labo db...
dec to nanyari eh, then sabi namin ni hubby wag na lang muna kami pupunta dun at hndi muna namin sila kinausap... pero today hindi ko na kinaya, kc love k naman sila and it hurts me na hindi kami ok.. lalo na si bff sobrang close kami dun sa family nila.. (yung cousin pala na nagwala, bale, ang mag cousin eh yung tatay ni bff at yung tatay nung nagwala, so medyo malayong relative na din nila bff, pero kapitbahay sila eh)
eto sagot sa akin nung wife ni bff nung tinatnung ko bakit parang hindi sila naniniwala sa akin...
hndi naman kmi maka pg 1 sided dhil perho kaung meron cnsb sa isat isa... sb mo wala kang cnsb.. sb nman niya meron daw,.. kaya naninimbang kmi...kht dn cla gnun kc parehas merong cnsb.. ngbbintang yung isa yung isa nman itinatanggi...
pano ba yan!!
sa tingin mo ako ikw... ano ba dpt ang nging reaction mo at ng mga kaibgan mo..
..
eto pa..
mas gusto nmin n pumagitna lalo sa part ng asawa ko..
bsta ngusap cl... lalaki sa lalaki.. tungkol sa issue bsta sb nya pnagsbhan nya..
eto pa sabi...
d n nmin pnrating nun sau n knausp na namin....pro sb mo kc dating prang d nmin inisip ikw.. eh un un eh.. ngawa lang namin kausapin cy....d nman pwdeng gulpihin ulet.. sb lang namin.. wg ng maulet.. cla mag ama my pglalagyan..
pero andyan n yan kung anong mging kahinatnat ok lang...
kaya nga ayaw ng pagusapan yan.. kasi ngusp n cla.. kya kng meron ngttanong no comment n lang kmi parehas...
ako sinubukan ko minsan na aluin ka dhil nhhya dn kmi n dto pa sa bhay ngyri yan... pro nun nkita kong d kpa ready hinayaan n muna kita..
hindi ko kinaya yung sinabi niyang kung ano kahihinatnan ok lang, ano sa tingin niyo mga sis? sa totoo lang ang sakit kc s akin nito eh...