bilis ng thread ah?!
rio : naging busy busyhan kasi ang lola mo.. at nawalan pa ng FB and GT access sa opisina kaya dito lang sa bahay, kaya eto pagdating lang sa house nakakaonline.. tapos pagdating naman sa bahay gusto ni mister, magpakamisis ako.. handa ng dinner at asikasuhin siya.. minsan kasi nasita niya ko.. laptop daw ako kagad, hindi ko man lang ba daw muna tanungin kung kumain na siya.. oh well, medyo tama naman sya, kaya medyo nagbago din ako ng lifestyle..
ida, kends, 4g : pasasaatin din yang inaasam nating baby hehe.. pray lang ng pray

and stay positive..
carmi, kaice : musta ang ES? wish you more rakets to come
seren : keri lang yan te, kain lang ng kain hehe
re panaginip : nangyayari sakin yan, yung 2nd level.. every time yan tuwing matutulog ako sa hapon.. sa panaginip ko gumising na ko pero panaginip pa din pala.. pero hindi ko pa naman nakikita yung sarili ako, ang alam ko lang bumangon na ko at naglakad, pero naiwan ko daw yung katawan ko, pero hindi ko pa nakikita..
re budget : yan na ang weakness namin magasawa, hindi namin alam kung pano gawin yan hahahaha.. eto yung naging dialogue ng asawa ko last time sakin when we are to buy a car
"okay lang magkabaon baon tayo sa utang, at least nakikita natin na may pinupuntahan, kesa naman na kung saan saan lang nakakarating" oh di ba?! mapapaisip ka... hehe siguro kung may assessment lang ang bagong magaasawa sa pagbubudget, malamang kyogsak kami dyan hehe
may share lang ako mga sis nung last time na nadelayed ako ng 3 weeks then bigla akong nagkaron.. ewan ko ba kung maarte lang talaga ako hehe.. kasi nung first night ko na magkaperiod ako ang sakit sakit sobra ng likod ko, so syempre sabi ko kay Jerry
"Di, pwede mo bang himasin likod ko?" at eto lang ang naging sagot nya
"kita mo na ngang naglalaro ako eh?" so syempre ako medyo nabanas, dinedysmenorrhea ka na nga ganun ang maririnig mong sagot.. alam nyo ang nasabi ko lang sa kanya
"kapag tayo ba hindi nagkaanak, aalagaan mo pa ba ko? promise mga te, sumama talaga loob ko sa kanya nung gabing yun, napaluha din ako.. alam kong nasad din sya kasi after ilang months ng pagtatry ngayon lang ako nadelayed ng halos 3 weeks, and then false alarm din pala.. wala na lang syang nasabi nung sinabi ko yun..

hindi na rin namin napagusapan the next day..