haller good morning!!!
late na ako nagising at gumimik kami ni bff michelle kagabi... pinayagan naman ako ni rj kasi dun lang naman ako nagpunta sa bar ng isa pang friend na malapit dito.. pagdating dun, andun din pala isa pang high school friend kaya super chismisan!!!
usapang emotion - naku ang dami ko na ring moments na ganyan... yung tipong hindi ko nagugustuhan yung mga sagot niya sa akin, nakakainis lang...
usapang jitters - may bobongga pa ba sa jitters ng asawa ko.. 2 months before our wedding, natapat pa sa birthday ko, eh nagyayang manuod ng sine kasama ang ibang babae!!! may goodnight kiss pa sa text!! anyway, everything's fine naman na ngayon.. laging diretso uwi from work, unless may basketball sila.. ang cellphone hindi ko na rin regularly chine-check hindi katulad dati na praningerzee lang ako... ngayon kahit biglaang cell check, wala namang kahina-hinala...
usapang budget pa rin hinayaan ko siyang maghawak ng pera niya... para kung may kailangan siya makabili siya.. pero minsan inaabot niya atm niya sa akin... minsan paubos na, kaya niya binibigay para budgetin ko na yung natitira... kaso pareho kami ni rj mahilig sa abubot.. ang weird lang si rj mahilig sa mga saksakan.. as in extension cords, at kung ano-anong cords.. laging nakatambay yan sa ACE hardware.. minsan uuwi yan dito may dalang kung ano-anong sabitan daw, tapos octopus socket, pang lock daw ng laptop, pang ganito... nakakaubos siya ng 500 isang bilihan.. eh kasi naman ang dami ring anik-anik ni rj, isang durabox na maliit, puro kurdon lang yun!!! ako naman, pag nasa mall at naghihintay sa client sa NBS naman ako nakatambay, bili lang ng kung ano-anong school supplies, kahit meron pa ako sa bahay.. haha, ilang set ng lapis, pantasa, post its, color pens, cardstock basta anything na ma-typan ko.. haha so far eto lang ang luho ko... adik lang diba? pero yung madalas naming bili ng paunti-unti eh malaki rin ang nababawas sa pera pag pinagsama-sama.. hay... kailangan yata namin umatend ng BUDGETING 101.. hehe
yung dice na yan, hehe meron kami ng ex ko niyan, pero kami ni hubby wala.. hmmm... makapunta nga sa pleasure store... kay gary lising meron ba niyan sa store niya?