watch now

Author Topic: 2012 Brides *Part 11*  (Read 106691 times)

Marigie

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #500 on: January 31, 2012, 02:08:42 pm »
sis toodee magkano pagawa ng monogram sa fozzy :). Gusto ko din magpagawa sana iniisip ko kung san mura sa kanila o sa monogram hub :). Kailangan ba ang monogram initials lang talaga :) ignorante lang  :D. Gusto ko sana initials then may name :-)

sis katrinac - i love your pre-nup photos ang ganda ;).

sis princeszheng - sorry to hear about your sister. Di kita tinatakot pero kasi ako naniniwala ako duon :(. May pinsan ako ganyan magkapatid na babae kasi nagsukob kasi parehas nabuntis ang napapansin lang namin parang naghahatakan sila sa growth ng kabuhayan nila  :(. Yung sis ko nga dapat sabay kami next year sinabihan ko talaga na magpakasal last year kasi ayoko ng sukob at yun din sabi ng mga relatives namin at palaging sila ang example. Yun lang naman nakita ko sa ganun :(

sis babyhoney - kaya yan start attending the bridal fair, lahat ng kaya mo ibook bayaran mo na kagad ;) and welcome sis  ;)

sis chelle_peachy0524 - ok lang yan sis natawa lang kasi ako kasi malamang ganyan din ako  ;D. Hate ko yung mga ganyan talaga at wala akong tiyaga makinig ng matagal  ;D

sis chubbycheeks17 - Tested ko na kung gano kahaba pasiensya niya  ;). Sinabi mo pa sis ang kulit naming dalawa lolz! Dati ako lang maarte aba ngayon nag-eenjoy na din siya sa mga gusto kong kaartehan ayan lumobo ng lumubo ang budget namin ;D. Yun nga yung iniisip ko yung She&Him na lang kunin kasi 2 photographer na ang back-up tapos 6.5k lang wala nga syang oot  :). Oo sis nagbayad na kami ng half kasi 2010 rate pa binigay niya super love ko naman yung design kaya go na ako may oot ang cake namin pero carry lang mas mura pa din sa Tourist Cakeshop :). Sis, regarding monogram hub yung 500 sa monogram design plus 200 each kung mag-add ako like for menu, table numbers, thank you cards ganun ba? Pano terms of payment nila btw  ;) kasi pinakita ko kay h2b at super like niya din as usual  ;D. Wow! Alex Franco ang cake mo congratulations sis super love ko cake niya at design and masarap nga daw talaga :)

sis blueflame - kukunin namin yung 550 per pax sa 150 pax sis. Parehas din halos nung sayo sis ang nadagdag lang ngayon complete na may beef and pork na plus additional 4 dessert then all tiffany chairs :D. Kaya nga talagang winner na  ;). Sis, nagpa-upgrade kaba ng flowers nila at meron ba sila nun yung para sa guest table  :)

sis faye-tea - mahirap nga yan si FFIL pala ang may gusto hahhaha! Kung ako din naman diko gusto ang ganun parang half of the people ng kasal mo dimo kakilala   :(. Pero ang hirap din kumontra dba? Ang mabuti pa si h2b mo ang kausapin mo na kumausap sa tatay niya  :). Pero kung ok naman sa inyo yan then go  ;)




« Last Edit: January 31, 2012, 02:10:40 pm by Marigie »

cristal28

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #501 on: January 31, 2012, 02:17:05 pm »
hello everyone. musta planning and preps? quite busy sa office eh kaya di masyado maka post lalo naman backread kaya utang muna ha. browse browse lang ako.

sis chubbycheeks: finally! i met tito boy na last sunday. ang layo ng house nila! eng eng pa naman ako sa mga daan and never been to cavite :(. anyway, ako ang last cleint niya for the day kasi 630 na ako dumating eh. grabe super duper busy talaga pala but in fairness ha hindi nauubusan ng kwento si tito boy and ng energy. ako nga daw ang last sketch niya for the day eh. he did just 1 sketch and i love it. as in i love it. lahat ng gusto ko okay agad kay tito boy, i mean when i say eto gusto ko design ganito ganyan gets niya agad. sabi pa niya sige lahat yan sasama ko sa costing mo noh! may kasabay na ako na june 9 but okay pa daw kasi sabi ko naman morning ako. i also mentioned kasi di na niya ako maremember sabi ko tito boy ako yung kay joyce. di ba nagtext po ata siya sa inyo na hindi nyo po nakita yung email ko. tapos naalala na niya kaya super duper thank you ako sis sa iyo. went home happy di nga ako makatulog eh. its all worth the traffic and the ligaw ligaw moments. sis mag PM ako sayo may ask lang ako ha. thanks

update: met joe san antonio yesterday, i was expecting na mejo old siya, yun parang mga mommy na pero stylish pa rin but to my surprise she is young ha! and very lively kausap. not intimidating at all and bubbly din siya. she did 2 sketches for me and then gave me quote kaya lang i find it too expensive dun sa design na ginawa nya. wala pa naman ako final na designer eh but need to decide within the week na talaga.

yun lang muna mga sis.

michiness

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #502 on: January 31, 2012, 02:32:03 pm »
Hello BBBs! Nagbabalik ako... hehe. Hirap makahabol sa thread ah.

Maguupdate na lang po muna ako regarding preps:

- Agenda namin last Thursday was to pickup my shoes sa Abbylyn's (pang-apat na rescheduling na po ito), but to my dismay, di pa rin tapos yung shoes. Tapos, since ibang sapatero na daw yung naghandle nung shoes ko, dahil masikip yung unang gawa, okay na ang fit pero i have seen some deformation dun sa kanang sapatos. The flowers (na hindi pa din nakakabit), na supposedly ay chiffon, ginawa nilang organza dahil mas madali daw i-cut, di rin maganda. Mas okay talaga ang chiffon. Maluha-luha na talaga ako. Kasi, that was 7PM na tapos noon pa lang nila ikakabit yung padding, flowers, at tag. Super sad talaga. Pasalamat nga sila at mejo kalmado pa ako nung araw na yun. Si h2b, mukhang inis na din talaga. Kaya i asked ate jing kung magkano pa ang mairerefund ko. She told me na pwede pang makuha lahat ng DP. Sabi ko, kunin ko na lang to avoid further problems. Sobrang hassle talaga. :( Naiyak ako paglabas namin ng shop. Pinaghirapan ko pa namang idesign, tapos di rin pala magagawa ng maayos. And I need to look for another shoes sa mall, which I dreaded to do kasi nga, super hirap humanap. So para ma appease ang damdamin ko, kahit mejo late na eh dumerecho pa kami ni h2b sa trinoma. Pumunta sa Payless to look for shoes, kaya lang, wala namang red shoes dun na swak sa gusto ko. Di na rin kami masyado nakapaglibot dahil malapit na mag-close ang mall. Natuwa naman ako kay h2b kasi, kahit daw anong shoes na magustuhan ko, kahit pricey, bibilhin daw niya. :) Yun nga lang, ang hirap talaga maghanap. :(

- Friday is Divisoria day. Namili kami ng materials for our wine packaging at nuptial candles. Then sa afternoon naman, Ms. Ven went to h2b's abode para ideliver yung mga gowns na inadjust, including my bridal gown, at mga accessories (pillows, garter, arrhae, pouches, etc). May mga nakalimutan siyang dalahin (as usual, hehe) pero ipapa-lbc na lang daw niya, and minor lang naman. Yung detachable flowers lang for the entourage gowns. So far, super smooth ang naging transaction namin sa kanya! Wee! So exactly 2 weeks before the wedding, nasa amin na lahat ng gowns. :) Paid in full na din kaya less alalahanin na.

- Saturday, we went sa bridal fair sa Megamall. Pero di na para mag-search ng suppliers. hehe... Isa kasi sa mga exhibitors yung aming P/V, kaya dun na lang kami nag-pay. 80% paid na. Wee! The remaining 20% will be paid upon CD pickup pa. :) Bumili din pala kami ng coins. 13 different types of foreign currency daw kasi ang nilalagay sa arrhae. Tapos, punta ng Ideal Vision to buy contact lenses. First time ko at ang hirap pala ikabit at tanggalin. LOL! Antagal ko atang tinuruan. Then afterwards, lunch date with college friends, at the same time eh nagdistribute na din ng invitation. The rest of the day, ginugol namin ni h2b sa paghahanap ng shoes. Halos mawalan na ako ng pag-asa kasi nalibot na namin ang buong shoe section ng department store, pati boutique sa mall, pero wala akong magustuhan. :( Nalulungkot na talaga ako. Then sabi ni h2b, dumerecho na daw kaming MOA. Alam ko na pagod na pagod na din siya dahil alay lakad ang drama namin nitong buong weekend. Pero gora pa din kami dun. After ikutin ang lahat ng shoe boutique sa directory listing ng MOA at ang department store, sa wakas, nakabili din kami. Sa Figlia po. Malayong malayo sa gusto kong design but still, sa lahat ng nakita kong shoes, yun na ang pinaka-nagustuhan ko. :) P1800 ang price pero may less pa kaya nasa P1400 na lang siya. Eto nga lang, ang dilemma ko sa shoes, wala silang half sizes. Masikip ang size 7, maluwag naman ang size 8. So i need to put cork pa. Sana lang makatagal ako sa shoes na to, kasi 3 inches ang heels. Bihira kasi ang wedge na formal looking. Lahat halos, pang casual lang. So ayun. Good bye dream bridal shoes.

- Finished printing our missalette na yesterday dito sa office. hehe. :) For free lang diba naman. With blessing pa from our division head's executive secretary, kaya legal. LOL! Kami na ang close. :D Next up is to staple the booklet in the middle. Kayang kaya na yun ng jowa ko. hehe. Ang mahal kasi ng long reach stapler eh. Magtityaga na lang siyang magpukpok. LOL. :)

- My ninang got a musician for us! Wee! Duo lang daw. 1 vocalist at 1 keyboardist. Anyways, ako pa ba ang choosy eh libre naman. hehe... Pag okay ang performance nila, babalitaan ko kayo. ;)

- Found HMUA na for our entourage! Siya yung dating nag-ayos sa akin nung umabay ako sa kasal ng cousin ko way back 2010. Super like ko naman yung gawa niya. Nawala siya sa sirkulasyon dahil nag-Dubai pala siya. So glad at nakabalik na pala. For 7heads, 500/person lang ang singil niya! Not bad na diba? :)

- Dami pang need tapusin - Guest tracker, RSVP, Program, Song List, DIYs, Meeting next week with caterer to discuss the floor plan, Table assignments, etc... Sis blueflame is doing the layout for our table names, escort cards, place cards, menu cards, etc. Sis mahal na mahal na mahal talaga kita. LOL! Halabshue! :) Di ko pa nasend yung table names. Gawin ko later. hehe... Pati yung list ng names na ilalagay sa place cards for our presidential tables. Salamuch!

- Due to budget restrictions pa din, postponed na muna ang aming OOT hoheymoon. Di na nakaabot sa Cebu Pac promo eh. Tapos ang mamahal din ng mga packages sa Bohol at sa Palawan. Kaya we have decided na sa napakalayong lalawigan ng.... Tagaytay na lang muna mag-honeymoon. :) We saw a hotel na super romantic ng ambiance. Wee! Kinikilig ako!!! :) Check this out po: www.joaquinsbedandbreakfast.com

- Very sad news pa ang natanggap namin yesterday. Di na makakaabay yung 3 kong pinsan (2 bearers and 1 FG). Yung dad nila, na kapitan ng barko, died due to heart attack. Nasa laot pa nung mangyari. Di pa alam kung kelan darating yung labi niya that's why di na sila makakapunta. :( Ang babata pa naman nila. :( Super sad talaga kasi yung tita ko na yun, gustong gusto niyang umabay yung mga kids niya. :( So hahanap pa kami ngayon ng pwedeng pumalit.

That's all for now guys. Utang po muna ang backread huh. Happy preps to everyone! 2 weeks to go na lang for us. Nate-tense ako! :S
« Last Edit: January 31, 2012, 06:41:14 pm by michiness »

akin_dc

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #503 on: January 31, 2012, 04:09:37 pm »
@ katrinac sis anganda ng pics! :) gusto ko yung nagbubulungan kayo sa stairs.. ang cute! :D

@ chubbycheeks march sis, uwi kami.. hihi.. nalilimutan ko magpaalam tungkol sa budoir shoot! Wahaha! dadasalan ko muna ng matindi.. hahaha! ;D re bohemia cakes, ayun nagreply nga after ko mag inquire.. i sent our wedding details na, pero wala na ulit reply. haha! one time lang pala yun.. re being fickle, oo sis grabe.. lumabas yung pagka fickle minded ko. sobrang ewan ko, di ako mapakali sa dress ko at sa ibang details! wahaha! pero nun nafinalize ko na yun dress ko, si couturier naman ang nagpropose ng ibang design, kaso wala pa rin ako sketch so I still have no idea..

@ michi plan din namin magbakasyon noon sa bed and breakfast na yan.. :) sana mapuntahan din namin.. :D

@ princeszheng ang hirap kasi magbigay ng budget eh.. feeling ko kasi, baka instead na presyuhan nila ng mas mura, baka pag narinig nila yung budget na parang "uy ang laki pala ng budget nila" baka taasan nila ang rates kahit hindi naman talaga. hahaha, makapag duda lang ako eh noh.. :p

updates: I requested for misalette from Mt. Carmel, I got it this morning. ;D wee, kinilig ako in fairness.. ang cute pa ng message ni sir Jonas, "practice the wedding vows with your heart." naexcite naman ako lalo.. ;D hihi.. sis lanna nicheck ko yung misalettes natin, magkaiba.. magkakaiba ba talaga mga misalettes? depende sa date ng wedding?

Photo booth: ambilis talaga magdecide ni h2b ever! pinakita ko sa kanya yung list, nicheck nya yung websites, agad agad, Fabfoto ang nagustuhan.. at ang dahilan.. nagustuhan nya ang backdrop! hahaha! ;D wala na syang ibang nagustuhan talaga, kahit na may mas murang rates, mas gusto nya yung Fabfoto.. abah shempre sakin okay yun kasi hindi sya mashado concerned sa cost! hahaha! ;D I sent an email to Fabfoto already, pero wala pa reply.. as usual.. hintay ulit..

Maloloka na ko sa kakaayos ng itinerary namin for March. Since our plan is dadaan ako ng Sg so we can scout for rings, ang problema namin kelan kami uuwi. Initial plan was sabay kami uwi ng Saturday early morning, kaso lang sa kasipagan namin kahapon ng tanghali.. hindi pa kami nagbook ng ticket at naubos na ang promo tickets sa time slot na gusto namin. huhu.. kaya tuloy last night, pinag uusapan namin kung mauuna na lang ba ako umuwi or what.. i listed all the things we need to do sa march. I guess 6-7 days are enough, pero knowing how time gets wasted sa traffic, i'm doubtful. Hanggang ngayon wala pa kami ticket. Haha! ;D

faye-tea

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #504 on: January 31, 2012, 04:32:33 pm »
sis faye-tea - mahirap nga yan si FFIL pala ang may gusto hahhaha! Kung ako din naman diko gusto ang ganun parang half of the people ng kasal mo dimo kakilala   :(. Pero ang hirap din kumontra dba? Ang mabuti pa si h2b mo ang kausapin mo na kumausap sa tatay niya  :). Pero kung ok naman sa inyo yan then go  ;)


wala na nga din ako magawa. I'll leave all the talking to the husband. Quota na ko sa stress sa month pa lang na 'to.. Still looking for the venue.. Ito talaga uunahin namin..

cerenity_18

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #505 on: January 31, 2012, 04:53:09 pm »
sdee -welcome here sis!  :)

blueflame - waaaaah talga sis!haha super excited lang si hubby mo :) malay mo nga sis honeymoon baby....go!  ;) re:boudoir shoot- why not sis pwede naman ang post nup boudoir shoot hehe and yes in case mapreggy ka go rin with ur bump and hubby....and then use it for your very own coffee table book  ;)

marigie - sis thanks .....gusto ko yan! search... ;D

zheng - sis ganon pala kya di natuloy hehe....nauna divi....ako nga rin haha nauna ko pa yung favors....  ;)

chubby cheeks naku sis na-inlove talaga ako sa pens made of clay favors namin....hahaha ang cucute....sige sis pipicturan ko para makita mo....:) thanks sis siguro nga ok na yung local supplier for L/S want ko lang talaga si elmer dahil nung effect churva nya...re:tequila sombrero- iniisip ko nga rin yun sis kase ayoko na kase ng normal display lang yung favors kya nga naisip ko yung pen eh..useful na cute pa...and according to mga SS ko na kasama ko nung bumili for them daw keribels na nga daw na yung pens nalang ang favors kase maganda naman..pa pintahan ko nalang  ng name namin and date sa neighborhood na painter para mura haha...yung pen kase isama ko sya sa decor sa table rin kase,useful sya, iribbon ko sya on top of table napkin.And for sombrero bili na lang ako ng few for decors and i want corona na beer nalang kesa tequila hehe baka dagdagan ko nalang ng post it/notepad na personalize yung favors namin para match pen and paper
re:business-research research muna nga ako....pero i think kya naman....di kase ako sanay na tambay lang hehe...
re:cake -naku sis natetempt nga talaga ako kay alex franco  :'( waaah over budget na naman ako pag nagkataon...wait ko muna quote nung local if konti lang ang difference bahala na si batman...pigilan ako ng asawa ko.....lol mapapa alex ako...
re:florist-sis nag email uli ako kay tita blessie and nagreply na finally....naku 20k quote nya church at ento ko.wala nang buttonieres at corsage yun ha. ...mahal ba??all inn yun walang oot fee at gas allowance yun daw pinakadiscount ko hehe....medyo wait ko pa ibang quote if pinakamura sya go nako...hehe re boudoir- naku sis sinabi mo ang sexy men natin tee hee pero sis silent type lang si hubby pero go sya..hmmm i love it!!sasali muna ako dun kay sis sheena malay mo maging lucky ako...yey
pasensya kana nun nawala ako sa fb nun sunday bigla nawala connection ko  ;D

michiness-wow sis super productive/busy ng week mo!congrats....sad nga lang about dun sa shoes....sayang naman ang design mo...anyways good thing narin nakabili kana sana lang ok mo syang magamit kahit me cork lang...wag ka na masad....im sure everything will be fine... :)

updates

florist - im still waiting sa mga quotes pa pero si everlasting flowers sumagot na and if pinaka mura na yung quote nyang 20k for church and ento....go na siguro ako sa kanya...

cake- wait ko pa rin yung quote nung local supplier...magpapaquote na  nga rin ako kay alex haha...tempting

[[/b]photobooth[/b] mga sis me nkita akong local supplier 4800 for 3 hours plus 1500 oot fee....mahal ba yun or sakto lang?

HMUA- me nkuha na ako kaso di ko pa kase alam ang rate nya if airbrush make up ba how much normal rate pag bride lang plus 2moms? kase yung friend ko na kakakasal lang same HMUA din kami kaso ang binayad nya all in 25k for like 25 people kasama daw kase whole ento..ako kase sakin lang sana and 2 moms..kase me pledge na hmu yung gay cousin ni dad ko...iniisip ko lang if mahal ba yung nakuha ko....ayun lang....pero in fairness  Hair asia overall champion sya and tested ko na kase ang talent nya...go parin ako in case mahal lol

emcee - yung highschool barkada ko/kumpare ang kinukuha ko...hehe  isa syang DJ sa radio station sa manila...sya rin kase naghost sa wedding ng isa naming friend.pero i will pay him kase sa december wedding ko so maraming raket dahil ng mga party nakakahiya naman pag libre diba...yun nga lang by oct pa sya mkakapag commit kya sana swak sa sched nya...hehe...

so far yun lang muna...busy busyhan pa ko sa wedsite naming diko masimulan simulan jaja...happy preps mga BBBs.



sdee

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #506 on: January 31, 2012, 04:59:55 pm »
blueflame: oo nga both busy kasi kmi ni h2b, and ipapafeng shui nmin ang date ng kasal haha kayo ba nagpacheck din ng date?:) one prep kaya nman na cgro bka kasi hindi nko mag hire ng coordinator. and any suggestion cnu ok sa photo and video si smartshot ba ok? :)

cerenity_18: sakto na cya sa 4800 :) yung sa bicapture 8k for 2hrs plang cya so i think mura na yan sis :)

babyhoney

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #507 on: January 31, 2012, 05:06:33 pm »
stress.. still looking for HMUA na affordable and video and photog..super tight tight budget sana may makapagrefer na mura lang sakit na ulo ko :(

toodee

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #508 on: January 31, 2012, 05:11:07 pm »
stress.. still looking for HMUA na affordable and video and photog..super tight tight budget sana may makapagrefer na mura lang sakit na ulo ko :(

have you tried contacting rae venturanza, jasmine mendiola and shin chua? :)

for video treehouse story? :)

ishi90210

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #509 on: January 31, 2012, 05:25:26 pm »
Hi BBBs! How are you ladies? Everyone must be pretty excited and a lil stressed na with wedding preps ha. Go girls!

Gusto ko din magpagawa sana iniisip ko kung san mura sa kanila o sa monogram hub :). Kailangan ba ang monogram initials lang talaga :) ignorante lang  :D. Gusto ko sana initials then may name :-)


Hi sis. Last year her rate was 1500/monogram. Pwede naman to have both like what we did. One initials and 1 full name. Hth

babyhoney

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #510 on: January 31, 2012, 05:41:51 pm »
have you tried contacting rae venturanza, jasmine mendiola and shin chua? :)

for video treehouse story? :)

hindi ba sila pricey sis? penge contacts nila..alam mo ba?

akin_dc

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #511 on: January 31, 2012, 06:31:23 pm »
^ sis babyhoney try mo rin makeupbytracie.weebly.com :) nirefer sya ng friend ko kaso may hmua na ko nakuha eh..

androidk

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #512 on: January 31, 2012, 07:18:17 pm »
hello to the beautiful bride to be's of 2012! nagbabalik po ang alibughang member hihi! dami ko na na-miss. :(

anyway im praying that everyone has smooth-sailing preps now! papalapit na ng papalapit! yung sa iba nating mga sisses tapos na pala hehe! :)

btw, kanina nagpractice lang ako ng paglalakad nang mabagal for my wedding march while singing inside my head. grabe!!! baha na luha ko! to think na 11 months to go pa ako at di pa booked lahat ng suppliers! hihi.. what more sa mga sisses nating malapit na! hihi. wedding jitters, i know we all feel it now! :) happy preps and God bless mga sis! :)

Marigie

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #513 on: January 31, 2012, 07:22:45 pm »
stress.. still looking for HMUA na affordable and video and photog..super tight tight budget sana may makapagrefer na mura lang sakit na ulo ko :(
For photo & video try extremedetails sis sa hmua try http://pamelaabuan.multiply.com/photos/album/56/Alpen_#photo=4

mafiapenguins

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #514 on: January 31, 2012, 07:37:53 pm »
for HMUA you can try Alex of Alessandra. meron din photog services sa suede room. here's her fb page:

https://www.facebook.com/?ref=tn_tnmn#!/AlessandraHMUA

or you can also try Lito of Art of Make-Up team. he was my HMUA.

akin_dc

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #515 on: January 31, 2012, 07:56:27 pm »
By the way mga sis, I received an email from Packed Gourmet, they provide food for supplier crews sa wedding for at least Php.150 daw. Mukhang okay yung food, may 2 cups of rice and water yata.. I checked their FB page, from Cavite sila.. Not sure where they got my email add, pero I figured baka dito.. hehe.. May nakatry na ba sa inyo nun? Or has anyone heard of them? Would like to hear some feedback. :) TY!

mawchan

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #516 on: January 31, 2012, 08:27:15 pm »
hello BBBs!

i'm so sad na di na ko regular magka pag-update dito sa gt..  :( dami ko ng na miss, wala narin time mag backread..

help naman sa mga kumuha ng marriage license sa manila city hall pano po ang procedure and ano-ano mga requirements? tia!  :)

kiz_me1109

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #517 on: January 31, 2012, 08:29:32 pm »
^^ Sis, pwede pahingi ng menu nila sis? Thanks!


Kamusta na ang lahat? :-) Utang muna ang back read at medyo bangang pa ako. hahaha First day at work kasi and wala akong tulog. :-( Tapos na ang Pre Cana Seminar namin. :-) Busy din ako over the weekend. Buong araw kaming namasyal ng anak ko. Na print ko na yung thank you cards, wish tree sign and table numbers. :-)

Nakabili narin ako ng shoes. Actually nanghinayang ako nung binabayaran ko siya sa cashier. 1700 original price niya and nabili ko siya 1k nalang. But yet, mabigat parin sakin yun. hehe Hindi naman kasi ako maarte sa shoes. Kaso yun lang ang sakto yung fit and size 4. hahaha Normal sandals na nga lang siya e. Hindi siya bridal shoes talaga. Pero kanina, I tried to wear it again sa harap ng mirror and ang ganda pala. :-) Sana talaga worth it ang 1k ko. hehe

Nagawa ko narin yung 2nd AVP namin. :-) Pero hindi ko na pinakita kay Mike. Prenuo AVP kasi namin yun and I'm planning to give it as my wedding anniversary gift. :-) So surprise na yun sa kanya. hehe

princessrio

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #518 on: January 31, 2012, 09:23:26 pm »

help naman sa mga kumuha ng marriage license sa manila city hall pano po ang procedure and ano-ano mga requirements? tia!  :)

sa pagkakatanda ko, ang kailangan lang eh NSO birth certificate at dapat ang isa sa inyo ay may ID na merong address ng Manila (plus xerox copy nito). Hindi kami hiningan non ng Cenomar. At shempre, pera for payment (120 php). Not sure sa schedule ng seminar pero kasi ang ginawa namin non, nagpunta kami early Monday morning, tapos binigay namin yung requirements tapos diretso na agad sa seminar. Took us only 2 hours ata. sorry.. blurry na memory ko  ;D

blueflame

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #519 on: February 01, 2012, 08:22:16 am »
Marigie - di na kami nag-upgrade ng centerpiece sis. pambulag na sa reception namin nun yung ceiling drapes by arlene manlangit! hehe!

michiness - love yah too sissy! ganda ng bed & breakfast na yan sa tagaytay! kami ni karl sa batangas muna kasi may schedule oot na kami ng april, we agreed na once every quarte lang ang slightly expensive trips hahaha! lolo ko na ang kuripot! we're torn between Stilts (http://www.stiltscalataganbeachresort.net) & Virgin Beach Resort (http://virginbeachresort.com/).

androidk - ahahaha! ganyan din ako sis nung namimili ako ng bridal march ko! my one and only requirement, hindi ako dapat mapaiyak ng song na yun! kaso, wala akong mapili dahil lahat iniyakan ko. so i asked hubby to pick what he thinks is the best. he picked Two Words by Lea Salonga. Advantage for me na maigsi lang yung aisle ko, iniisip ko sayang naman ang moment kung hahagulgol ako habang naglalakad. pero muntik pa rin akong maiyak after kong i-hug daddy ko nung sinalubong nila ako ni mama sa aisle. tee hee!! sorry haba reply ko, senti mode pa rin kasi! hehe!

mawchan - sis, tama si sis rio. yun nga mga requirements for marriage license sa manila city hall. be carefull langh sa pagsusulat sa form ha. kasi may charge yun na P30 pag kukuha ka ng kapalit.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close