Hello BBBs! Nagbabalik ako... hehe. Hirap makahabol sa thread ah.
Maguupdate na lang po muna ako regarding preps:
- Agenda namin last Thursday was to pickup my shoes sa Abbylyn's (pang-apat na rescheduling na po ito), but to my dismay, di pa rin tapos yung shoes. Tapos, since ibang sapatero na daw yung naghandle nung shoes ko, dahil masikip yung unang gawa, okay na ang fit pero i have seen some deformation dun sa kanang sapatos. The flowers (na hindi pa din nakakabit), na supposedly ay chiffon, ginawa nilang organza dahil mas madali daw i-cut, di rin maganda. Mas okay talaga ang chiffon. Maluha-luha na talaga ako. Kasi, that was 7PM na tapos noon pa lang nila ikakabit yung padding, flowers, at tag. Super sad talaga. Pasalamat nga sila at mejo kalmado pa ako nung araw na yun. Si h2b, mukhang inis na din talaga. Kaya i asked ate jing kung magkano pa ang mairerefund ko. She told me na pwede pang makuha lahat ng DP. Sabi ko, kunin ko na lang to avoid further problems. Sobrang hassle talaga.

Naiyak ako paglabas namin ng shop. Pinaghirapan ko pa namang idesign, tapos di rin pala magagawa ng maayos. And I need to look for another shoes sa mall, which I dreaded to do kasi nga, super hirap humanap. So para ma appease ang damdamin ko, kahit mejo late na eh dumerecho pa kami ni h2b sa trinoma. Pumunta sa Payless to look for shoes, kaya lang, wala namang red shoes dun na swak sa gusto ko. Di na rin kami masyado nakapaglibot dahil malapit na mag-close ang mall. Natuwa naman ako kay h2b kasi, kahit daw anong shoes na magustuhan ko, kahit pricey, bibilhin daw niya.

Yun nga lang, ang hirap talaga maghanap.

- Friday is Divisoria day. Namili kami ng materials for our wine packaging at nuptial candles. Then sa afternoon naman, Ms. Ven went to h2b's abode para ideliver yung mga gowns na inadjust, including my bridal gown, at mga accessories (pillows, garter, arrhae, pouches, etc). May mga nakalimutan siyang dalahin (as usual, hehe) pero ipapa-lbc na lang daw niya, and minor lang naman. Yung detachable flowers lang for the entourage gowns. So far, super smooth ang naging transaction namin sa kanya! Wee! So exactly 2 weeks before the wedding, nasa amin na lahat ng gowns.

Paid in full na din kaya less alalahanin na.
- Saturday, we went sa bridal fair sa Megamall. Pero di na para mag-search ng suppliers. hehe... Isa kasi sa mga exhibitors yung aming P/V, kaya dun na lang kami nag-pay. 80% paid na. Wee! The remaining 20% will be paid upon CD pickup pa.

Bumili din pala kami ng coins. 13 different types of foreign currency daw kasi ang nilalagay sa arrhae. Tapos, punta ng Ideal Vision to buy contact lenses. First time ko at ang hirap pala ikabit at tanggalin. LOL! Antagal ko atang tinuruan. Then afterwards, lunch date with college friends, at the same time eh nagdistribute na din ng invitation. The rest of the day, ginugol namin ni h2b sa paghahanap ng shoes. Halos mawalan na ako ng pag-asa kasi nalibot na namin ang buong shoe section ng department store, pati boutique sa mall, pero wala akong magustuhan.

Nalulungkot na talaga ako. Then sabi ni h2b, dumerecho na daw kaming MOA. Alam ko na pagod na pagod na din siya dahil alay lakad ang drama namin nitong buong weekend. Pero gora pa din kami dun. After ikutin ang lahat ng shoe boutique sa directory listing ng MOA at ang department store, sa wakas, nakabili din kami. Sa Figlia po. Malayong malayo sa gusto kong design but still, sa lahat ng nakita kong shoes, yun na ang pinaka-nagustuhan ko.

P1800 ang price pero may less pa kaya nasa P1400 na lang siya. Eto nga lang, ang dilemma ko sa shoes, wala silang half sizes. Masikip ang size 7, maluwag naman ang size 8. So i need to put cork pa. Sana lang makatagal ako sa shoes na to, kasi 3 inches ang heels. Bihira kasi ang wedge na formal looking. Lahat halos, pang casual lang. So ayun. Good bye dream bridal shoes.
- Finished printing our missalette na yesterday dito sa office. hehe.

For free lang diba naman. With blessing pa from our division head's executive secretary, kaya legal. LOL! Kami na ang close.

Next up is to staple the booklet in the middle. Kayang kaya na yun ng jowa ko. hehe. Ang mahal kasi ng long reach stapler eh. Magtityaga na lang siyang magpukpok. LOL.

- My ninang got a musician for us! Wee! Duo lang daw. 1 vocalist at 1 keyboardist. Anyways, ako pa ba ang choosy eh libre naman. hehe... Pag okay ang performance nila, babalitaan ko kayo.

- Found HMUA na for our entourage! Siya yung dating nag-ayos sa akin nung umabay ako sa kasal ng cousin ko way back 2010. Super like ko naman yung gawa niya. Nawala siya sa sirkulasyon dahil nag-Dubai pala siya. So glad at nakabalik na pala. For 7heads, 500/person lang ang singil niya! Not bad na diba?
- Dami pang need tapusin - Guest tracker, RSVP, Program, Song List, DIYs, Meeting next week with caterer to discuss the floor plan, Table assignments, etc... Sis
blueflame is doing the layout for our table names, escort cards, place cards, menu cards, etc. Sis mahal na mahal na mahal talaga kita. LOL! Halabshue!

Di ko pa nasend yung table names. Gawin ko later. hehe... Pati yung list ng names na ilalagay sa place cards for our presidential tables. Salamuch!
- Due to budget restrictions pa din, postponed na muna ang aming OOT hoheymoon. Di na nakaabot sa Cebu Pac promo eh. Tapos ang mamahal din ng mga packages sa Bohol at sa Palawan. Kaya we have decided na sa napakalayong lalawigan ng.... Tagaytay na lang muna mag-honeymoon.

We saw a hotel na super romantic ng ambiance. Wee! Kinikilig ako!!!

Check this out po:
www.joaquinsbedandbreakfast.com- Very sad news pa ang natanggap namin yesterday. Di na makakaabay yung 3 kong pinsan (2 bearers and 1 FG). Yung dad nila, na kapitan ng barko, died due to heart attack. Nasa laot pa nung mangyari. Di pa alam kung kelan darating yung labi niya that's why di na sila makakapunta.

Ang babata pa naman nila.

Super sad talaga kasi yung tita ko na yun, gustong gusto niyang umabay yung mga kids niya.

So hahanap pa kami ngayon ng pwedeng pumalit.
That's all for now guys. Utang po muna ang backread huh. Happy preps to everyone! 2 weeks to go na lang for us. Nate-tense ako! :S