watch now

Author Topic: 2012 Brides *Part 11*  (Read 106643 times)

chelle_peachy0524

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #380 on: January 22, 2012, 06:19:34 am »
Ez4gotten- shake away negativity... Breath!

blueflame

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #381 on: January 22, 2012, 06:35:42 am »
Part 2 po -

Videographer: The Rockin' Videographer (now the other half of The Rockin' Duo)
Contact info:  c/o VJ Matias 0922.832.5414  | http://www.therockinduo.com/
Cha-ching! Power: P10k (got VJ's introductory rate)
Rating: ★★★★★
My Kwento: I was supposed to be an Alt-X bride but when I encountered VJ sa GT and discovered that we’ll save more than 50% of the contract price with Alt-X, lumipat kami sa kanya! Sino ba ang ayaw makatipid?! When we booked VJ, feeling ko matinding pakikipagsapalaran ang gagawin namin. That was late March or early April when we met him and signed the contract. What bothers me then is wala pa syang mapakitang sample sa amin dahil wala pa syang nako-cover na wedding that time. His first wedding BTW was May last year lang. But we took a leap of and he didn’t fail! He even exceeded not just my expectations, but everybody else’s! I used to work in TV production so I have keen eye on continuity, editing, details, etc. It amazes me how VJ, at such a young age can create such beautiful videos. It’s an innate talent, that with the help of his kuya Vinz eh lalo pang na-enhance. Once you get to meet these two boys, you will wish that when you have kids, they will grow up just like them. Respectful, talented and passionate. And very professional too! They were always on time, always prepared with ideas and suggestions and they listen to their client’s wants and needs. Ang galing-galing nila talaga! Here is the link to our prenup video [ http://vimeo.com/33156950 ] and SDE [ http://vimeo.com/35313635 ] both by The Rockin' Duo.

Caterer: Patio de Tata Roque
Contact info:  32 Capt. Miyong St. San Roque, Marikina City | 4014781.4014782.5468820 | http://patioroque.multiply.com/
Cha-ching! Power: P520 per head (Diamond Package)
Rating: ★★★
My Kwento: Hubby and I tried at least 12 caterers, yes po. Nakamahigit 12 food tastings kami at ang sakit sa bangs pumili! Dun muna ako sa mga nagging issues naming sa kanila – {1} CONTRACT - ang tagal nilang isend yung contract. As in the night before the wedding na naming nakuha. So come wedding day, di naming alam kung magkano ang kelangan naming iprepare na pambayad sa kanila. Thoffy and I kept on reminding them na isend na para ma-double check na naming ni hubby, like 2wks before the wedding pinapaalala na naming sa kanila. Good thing they keep an open line para kung may changes man kaming gustong gawin, naa-update naman nila. So when we got the contract, wala na kaming revisions. {2} AE – nung nagbook kami with them, si AE1 ang kausap naming. Until nung magbayad kami ng DP, finalize ng menu, sya ang kaharap namin. They informed us naman na AE1 is a working student, wala kaming problem dun ni hubby but we told them na we just want to make sure na magiging maayos ang wedding namin. He said meron naman siyang co-AE who could attend to us if in any case di sya pwede. So here comes AE2 who is super accommodating, wish naming sana sya na lang ang AE namin. Everything went well with detailing without AE1 in picture. I never saw him after we talked to him on August. AE2 assured me naman na AE1 is still updated with what we are talking about. Sana, din a sila kumukuha ng AE na working student or a part-timer. IMO kasi, kawawa naman yung ibang AE na sasalo sa commitments mo kung di mo magagampanan ng mabuti ang role mo. At saka on a client’s perspective, nalilito din ako kung sino ba talaga ang kakausapin ko. Everytime I send emails or text them, I always address it to both AE1 & AE2 and when they reply, di ko alam kung sino ang sumasagot sa akin dahil generic signature lang ng company nila ang nasa dulo ng email. {3} GREEN RICE – ito ang major boooo sa reception namin! As in! Pagpasok naming sa reception, one of our ninangs said, napaka-detailed dawn g wedding namin, ultimo pati rice green. Di ko naman pinansin dahil dapat naman talaga may green yun. Eh nung pag-upo naming ni hubby sa table, nalurkey kami sa nakita naming green rice! Waaaaah! Opo, green ang motif namin pero di naman kami ganung ka-strict sa color scheme na pati rice namin gagawing green! Di naman Pao Tsin supplier ng rice namin! Mosts guests might not notice that, pero si hubby di nya talaga mapalampas! Lahat ng waiters na lumalapit sa table namin, nirereklamo ang rice. Our menu says Parsley rice. Just like garlic rice, it should have been steamed white rice with chopped parsley on top. That’s what we ate during food tasting. Kaso mukhang ginawa nila food color ang parsley. And because of that, hubby said, in his exact words naging “cheap” ang pagkain naming dahil sa rice. It’s our staple food! Pag may mali sa rice, diba affected lahat ng ulam? Kung di lang gustom si hubby, di sya kakain ng rice. He usually consumes 3 cups pero during reception, half cup lang kinain nya. And nasayangan sya dahil nakikita nya sa presidential table na hindi ubos yung rice. AE2 said yun daw talaga ang parsley rice nila, we told her na hindi yan ang pinatikim sa amin ni AE1. Pasensya na lang daw. Anong magagawa pa namin? Nakain na ng mga guests. But then, we have to let go of it! It’s too late to correct that. Kahit papaano nalusutan naman because of the motif! Hahaha!   
Now, the good kwento naman - Patio de Tata is on top of our lists are (1) no Service Charge   – kung magkano ang price per head multiply it by the number of guests plus P1500 delivery charge lang if your wedding is outside Marikina, that’s it! Unlike other caterers na may SC pa 10-15% plus other conditional charges like transportation fee, corkage fee, etc. (2) Pasta Bar!   That’s what we take proud of our food! Hubby and I are pasta lovers so nung nakita naming na may pasta bar sila, it was really an advantage! You usually see dessert bar, but not pasta bar! Hehe! 3 sauces, 3 pastas, you choose! With the package that we for P520 per head, sulit na sulit na yun! (3) impressive set-up maganda ang styling nila. Though di sila masyadong kilala, you can align their set-up with other known caterers. They really follow kung ano ang napag-usapan during detailing. (4) Ang daming food!! when we’re still negotiating with them, ang worry naming is baka tipirin ang food, magtago sila or something (because I’m hearing stories of some caterers na hindi nilalabas lahat ng pagkain). They assured us na hindi mangyayari yun! I think yung buffer nila na 10% daw is more that that! It’s a factor na di naming na-meet yung 150 heads na target naming, pero kahit na! ang dami pa rin talaga! Nakapaguwi na yung family ko, family ni karl, friends ko, friends nya, may naiuwi na rin kami pero ang dami pa ring natira! (5) Attentive & polite staff – all waiters & servers are very polite. Magalang silang lahat sa mga guests, lagging naka-bantay. As in wala akong nakitang guests na paulit-ulit na tumatawag ng waiter dahil hindi agad lumalapit. All glasses are immediately filled with water or iced tea. Thumbs up ako sa service nila talaga!

Judessec

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #382 on: January 22, 2012, 08:00:04 am »
sis ez sayang nman yung lupa niyo sa antel...kme rin nung una balak i-let go yung lupa nmen dun kasi dagdag sa gastos and may certain issue kaya stressed din ako nun pro we decided na ituloy kasi malaki-laki na rin nahulog nmen don...aun sayang lang sis.

sisses na-sad nman ako bigla kasi dapat divi sked nmen ngaun tsismis lang ng kung ano-ano kaso hindi kame tuloy kasi yung wellmanson na pupuntahan din nmen ay closed kapag sunday...haaaay mg-try kasi ako gumawa ng brooch bouquet gamitin ko sa prenup...arte lang hehe...tom kaya chinese new year sa tingin nio open sila?

update:I already booked serge igonia na as our florist...sa tinagal-tagal ko nag-isip and florist hunt sa kanya din kame nauwi.:)

Marigie

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #383 on: January 22, 2012, 10:05:28 am »
Update: Utang muna back-read ha at talagang naiinis lang ako nag-head count kami kagabi only to find out mas madami pang guest si h2b sa akin as in ???. Ang nakakainis lang ako diko inimbitahan lahat dahil iniisip ko masyadong madami aba siya halos lahat ng kaibigan niya nasa list niya naloka ako :(. Pinigilan ko magsalita kasi once na nagsalita ako mapapahiya siya :-X. Haaay.... di lang ako makapag-react kagabi kasi late na at super antok na ako. Katwiran di naman daw lahat pupunta yun dahil sa date at layo pano kng lahat pumunta parang siya pa ang bride sa dami ng bisita :'(

lanna_dyan

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #384 on: January 22, 2012, 11:34:19 am »
sis ez stress lang yn sa work.. just smile and pray

sis blueflame PANALO videographer mo! astig!

akin_dc

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #385 on: January 22, 2012, 12:57:00 pm »
@ katrinac oo sis, yun din ang sisiguruhin ko, na may 3 sundays ako to post the banns :D kelangan ba 3 weeks prior lang sa wedding date or pwedeng earlier? hihi, ang kulit ko lang.. gusto ko talaga matapos na yung mga ganun ganun.. wahh.. oh diba kaya nagdalawang isip ako kay flowers unli, lalo na after ko magbasa basa dito.. parang nanghinayang ako bigla.. wahh..

@ lanna oo sis, hhinihingi daw sa church :D try ko nga mag email kay sir eli.. tanong ko kung pwede na.. :D pwede na rin kaya humingi ng misalette?

@ kiz_me naisip ko rin yang green apples sis.. :) good idea yan, atleast something different din :D

@ chubbycheeks oh diba sis, ang mahal nga.. huhu kaya try ko maghanap hanap ng masusulit.. kasi feeling ko hindi pa sulit yung price nun flowers unli.. iniisip ko kasi kung ganun ang ibabayad ko eh dapat magmukhang gubat or garden yung venue namin sa dami ng bulaklak at dahon diba.. hahaha! re fitting.. haha, hindi ko nga alam kung nakakaexcite magsukat ng lining.. ;D gusto ko nga sana may konting form na yung damit pag sinukat ko.. kaya mo yan sis! kelan ba ikaw sukatan? :)

@ chelle thanks sis! :)

@ blueflame ganda ng video nyo sis, kinikilig ako nun pinapanood ko, nakakainlove.. wahh..  ;) ramdam hanggang dito sa gitnang silangan ang inyong pagmamahalan! ;D

update: wala pa rin balita sa sketch ko.. huhu, di nagoonline ang couturier ko.. last na sabi nya kasi nagloloko yata ang email nya or ang internet.. but on the other hand, nakausap ko naman ang WC namin.. :D we talked about the florist, then yung tela ng bms ko, dapat kukunin nya from our househelper.. kaso nun nagmeet sila, nagmamadali ang WC ko kasi may event sila.. eh ewan ko ba angulo nila mag usap.. hahaha, anyway, balikan nalang daw nya ulit yung tela.. ipapakita nya daw kasi dun sa couturier para maquote ng price..

meandmyhoney

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #386 on: January 22, 2012, 03:26:36 pm »

hello mga sis . thanks po sa mga comments nyo,

@ SIS princeszheng - thanks sis,

@ sis katrinac, thank you. ako lang po gumawa nyan. 55 pesos nagastos ko  :D

@ sis chubbycheeks  - thanks po, sana umabot ang blomming ko sa wedding ko. umitim kasi ako, sobra inet s guimaras

@ sis tboupt27 - maraming salamat  ;D

updates: kakauwe [textspeak!] nmin galing kumpil sa san miguel church, natapos kami sakto 12, sobra dmi tao. tues magaaply na kami ng cenomar.

happy preps  ;D


chelle_peachy0524

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #387 on: January 22, 2012, 07:22:04 pm »
hi sisses,

hows everything? hay naku... LQ kami ni h2b as in maghapon ko ng di kinakausap ng matino... naiinis lang kasi ako... dyahe lang magkwento hahaha kaya sasarilihin ko na lang.


thanks sa ratings sis blueflame... :) medyo um OA ata yung rice ha... anyway, its all worth it naman kaya ayos lang yan... buti nga natapos na kayo...



faye-tea

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #388 on: January 22, 2012, 08:08:02 pm »
I'm back!! haba ng backread.. just an update to our wedding plans. from 100 pax guests, my dad-in-law gusto magpadagdag ng another 100 pax ballooning our guests list to 200 pax!!! he said, siya bahala to that another 100 pax..  good thing we haven't booked our reception venue yet!

blueflame

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #389 on: January 22, 2012, 08:39:30 pm »
lanna_dyan - panalo talaga sis! isang malaking check yan!

akin_dc - yay! salamat sis!

ez4gotten

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #390 on: January 22, 2012, 09:02:39 pm »
chelle stress sa work lang. sumabay pa ang monthly period. haist.

judessec nanghihinayang nga din ako. kahit si h2b ayaw niya. di lang nakikipagtalo sakin yun kasi alam niytang stressed ako. hehe. congrats sa florist sis! :)

marigie excited lang siguro si h2b mo sa wedding. :)

lanna thanks sis.

chubbycheeks17

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #391 on: January 23, 2012, 12:49:43 pm »
kung hei fat choi, my lovely sissies!

tboupt – OMG sis! ang bongga ng sketch! i love it! for 28K, go na! grabe ang emotions ko di ba? puro exclamation marks. hahahaha.  ;D re your wc, at least she is proving she is worth your every hard-earned cent. re our drawing, thanks so much sis! natuwa ako sobra! sabi ko nga kay cerenity, ang finesse ko jan sa drawing na yan. hahahaha.  ;D

blueflame – thanks for sharing your suppliers’ ratings sis! love love your wedding. may comments na ako sa suppliers’ ratings thread. hehe.  ;)

lanna_dyan – tmu pix shared! hahaha.  ;D gumawa na rin ako ng review sa tmu mo. nag-email rin pala ako about the not-so-good comments na nabasa ko. sharing lang yun ha. nabasa ko lang while searching for reviews kasi i did consider them after mo mag-tmu since you seemed to have a good experience.  ;) oo sis pagisipan mo muna yun sa strings kasi parang ang konti ng songs. repertoire na ba nila yun and ikaw na lang ang pipili ng 10 songs? imo, with only 10 songs, lugi.

chelle_peachy – congrats sa fitting, sis! yupz, start na slowly sa diet mode para hindi mabigla ang system kung paunti-unti ng nababawasan ang food intake. goodluck!  :D

kiz_me – never ko pa natry sa paint. tee hee!. :D  nashare ko nga sa fb thread, ang gamit ko ngayon are photoscape and picnic. ang cute lang. shux, hindi ko pa nada-download ang gimp. hmmm… gawin ko nga yan sa work later. hahaha.  ;D ako din sis, we plan to have an avp na nakaloop lang while the guests are waiting then childhood + significant highlights of the relationship then 3rd na yun prenup pix namin. may concept video din kami as part of our prenup with myphotato. ang dami pero iiklian ko na lang yun mga avp na ako na ang gagawa. hahahaha! :D

princeszheng – got your email, sis! thanks! congrats sa divi trip! yaan mo na si mother dear, gusto nya talaga maging involved as mother of the bride without neglecting her grandma role.  ;) mukhang maganda sa prestige paper. hmmmm… for now, wala ako naiisip na paggagamitan kasi magpapa-print na lang kami ng invites sa fansdigital. yey! at least, decided na kami ni h2b this time.

ez4gotten – sis, i love our chika sa cab on our way to blueflame’s reception. tee hee!.  ;D sobrang tawa talaga. re stag party, yes sis, hindi talaga. dapat kasama ako. ako na lang kaya ang lumabas sa cake? wahahaha.  ;D re our drawing, thanks sis! i so love it! yes, ang galing galing ni chichi. she did ask me kung okie lang na i-post nya sa website nya yun drawing and i said, YES. hahahaha. :D awwww sis! stress, stress go away. same goes with me sis pero i try to fight it kasi baka pag-awayan pa namin ni h2b. hopefully, soon enough, everything goes well for you. *hugs*

judessec – congrats sa booking, sis! tito boy will be happy to know about it. ni-refer nya sken si serge pero naguluhan ako sa usap namin. will you get the sampaguita bouquet from him. that’s just so lovely!  ;)

Marigie – awwww sis! baka naman super excited lang si h2b mo to put all of his friends sa guestlist.  ;) yeah, mahirap mag-assume na hindi pupunta and what if magpunta lahat, that will really be oh no! sis, why don’t you try showing h2b yun matrix shared by ez4gotten (if my memory serves me right) re coming up with your guestlist? afaik, meron din available online to help you decide who to invite. involve mo si h2b about it so he gets a taste of pag-iisip kung sino ang deserving i-invite. while preparing our draft of guestlist, hinayaan lang ako ni h2b to list everyone na gusto ko i-invite but you know what, as we get through the wedding preps, we realize that not all should be invited. those that deserve to be invited are people really close to the couple and so much happy that the 2 are tying the knot and not just because they are your friends. i know you know what i mean. *hugs* sissy. magiging okie din yan!  ;)

akin_dc – oo sis, sa price nya, dapat talaga na super puno na ng flowers ang reception venue. hahaha. exag yes, pero ang mahal naman kasi.  ::) lagi atang first fitting is lining lang pero yes, maganda nga pa gang isusukat na is yun may form. yun fitting ko naman, around march daw or april. kaka-pressure! boudoir shoot ko pa that time so talaga dapat bonggang paglose ng weight ito. hahahaha.  ;D re your wc, basta sis for as long as reminded mo rin siya ng mga gusto mo ma-accomplish and since nagbibigay din naman siya ng feedback sayo, trust her that she will do her job. hopefully soon magkita na sila ng couturier mo para maayos na ang mga details about your gown. goodluck sissy!

meandmyhoney – of course, sis! blooming ka pa rin surely on your wedding day! :D kung nafeel mo na naging tan ka sobra, kahit for now, magpapaya soap ka na lang, unless feel mo magpaderma… tee hee!. i’m personally not a fan pero baka for the wedding, may i-visit din ako. bahala na. gusto ko nga i-try yun mosbeau products, sis santita (2011 bride) used it at least for her ua and effective daw naman. i know meron nun for whole body so i might check it out soon.

faye-tea – hello sis! bongga naman si ffil so you now need to hunt for a bigger venue.  ;) buti kami, additional 50 (pa lang) ang request ni fmil, from 100 to 150. ayoko na ng additional pa. hahahaha. :D

wedding update: so done na with my tmu last saturday with Ten Franco. so i'll make a little kwento. we met in c5 then si boyfie nya ang nagdrive for us hanggang sa house namin. once we're home, she immediately get on with her job.  i'd say perfectionist siya and very detailed specially sa eyes. magaling din siya mag-contour. kahit paano, i feel na napapayat nya ako. wahahaha.  ;D over-all, magaan ang kamay nya and she knows what she's doing. it was so easy for me to get comfy with her kasi chikadora siya. after ng tmu, my mom prepared our merienda kaya bonggang chika kami until sunduin na siya ni boyfie nya from our house.  :D i wanna go go for Ten na sana kasi may rapport na kami plus very affordable ang rates nya + oot charge but knowing how fickle i am, i wanna have more tmus para talaga todo-compare. tee hee!. :D

ciao homies!  :-*

michiness

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #392 on: January 23, 2012, 01:12:44 pm »
Tagal ko na namang di nakadalaw. Tambak na naman ang backread. LOL. I miss you guys ng bonggang bongga! :D Kung Hei Fat Choi! :D

Sis akin_dc, LOL. Sabi na nga ba kaya walang nagpe-pledge. Pero ako kasi, makapal ang fezlalu. LOL. Yung kapatid ko, sinabi ko talaga na yun na lang wedding gift nya sa amin. Tapos, yung mga college friends naman, sinabihan ko na, huy, mag-ambag ambag naman kayo for souvenirs. LOL. Then sila nagdecide na photobooth ang ibigay. hehe. Pero sa mga ka-close ko lang to ginagawa. Nilalambing lang. hehe. Yung iba naman, nagprisinta talaga. ;) And yes naman, it's okay to ask your friends pag talagang need mo na ng help. Yung ibang mga friends ko nga, sila pa yung excited na tumulong. ;) Re banns, you mean to say yung form po ba? If pwede ng kumuha ng maaaga, then tsaka na lang isubmit sa parish for posting? In our case kasi, nung nagpa-reserve kami, we got all the necessary forms na, including the banns. Pero nag-submit kami sa kanya kanyang parish, two months before the wedding. ;)

Sis Marigie,ang bonggabels naman ng gift ng friend mo! hehe. Pakilala mo nga sa amin para maging friends din namin siya. LOL. Re Patio, may ratings na si sis blueflame sa kanila eh. Okay talaga ang setup nila! ;) Good luck sa caterer hunting dear. ;) Re guests, ito ang major stress sa akin ngayon. Nagkakasamaan na kami ng loob dahil dito. Haaayyy... :( Pero hopefully, masettle din natin ang problems. Pero, in our case pala, mas maraming guests sa side ko. Di na namin maimbitahan ni h2b yung mga gusto naming iinvite dahil sa dami ng guests na gustong imbitahan ng parents ko. :(

Sis kiz_me, 2k ang basic nila pero may special package din sila na mas mahal. Itong Imus Cathedral talaga ang first choice namin since very significant to sa akin. Dito kinasal ang lolo't lola ko, pati mom and dad ko. Dito ako bininyagan at kinumpilan. Kaya dapat sana, dito rin ako ikakasal. Pero, kakajinis yung church admin nila. Nagpapabook kami last Feb 2011 for our Feb 2012 wedding. Ayaw tanggapin dahil wala pa daw silang 2012 Calendar. Biruin mo, mago-open daw sila ng booking for 2012 weddings ng Nov 2011 pa. Eh musta naman yun diba? Idagdag mo pa na super less accommodating nila. Samantalang sa Fatima, kahit wala pang calendar, inilalagay lang nila sa notebook yung bookings. At super love namin ni Ms. Lani! Super walang ka-hassle hassle sa Church na to. Mababait mga staff. ;) Na-excite naman ako sa first dance nyo sis. Kami, wala ng practice practice. LOL. Kahit anong moves na lang. hehe... Tutal, di naman kami talaga sumasayaw. LOL. How's the seminar?

Sis katrinac, same here. So happy to see you again. Pero sana ma-meet na din namin si Papa Mark mo. Biruin mo, schoolmates pa pala sila ng Papa Denmark ko nung highschool, at classmate naman niya yung sister ng h2b mo. Small world indeed! hehe... Re missalette, super kaka-stress talaga to sis! Pinalitan ko kasi yung font and everything. Kaya ang hirap i-edit. Luwa mata ko sa harap ng PC. LOL. Pero so far, nakapagtrial printing na ako. Wee! Kaya keri na ang back to back printing ng booklet type misalette! :D Super thank you talaga sa yo! Very helpful pa rin yung sinend mo (kahit madugo ang pag-edit). hehe... Re shoes, as of now, di pa rin nagagawa! Waaahhhh... See my kwento na lang below. :( Congrats naman at okay na mga documents nyo dear! :) Super excited na din ako sa prenup nyo. Gusto ko sana sumilip pero super hectic na ng weekends namin. Sa dami ng need pang asikasuhin. tee hee!... :) Ay wow! Ang galing naman! Winner talaga ang blog mo dear! :)

sis tboupt, ang mahal nga sa Bizu. But since you have the budget naman, you'll never go wrong with them. :D Super classy and elegant at masarap ang food. Okay din ang Passion Cooks! :D Kung may bigger budget kami ni h2b, sila ang kukunin namin. hehe. :D

Sis cristal, good luck sa pagkumpleto ng mga docs nyo. Isa ito sa pinaka-tedious na part ng preps. Ang document processing. hehe. ;)

Sis blueflame, paulit ulit kong pinapanood ang AVP at SDE nyo! Winner talaga! Soooo happy for you dear. Natawa naman ako ng madami sa motmot hopping! LOL. Di pa din ako nakakapasok sa mga ganun. LOL. Thanks sa suppliers rating! At super thanks sa mga tips mo. :) Aabalahin kita pag may mga questions pa ako huh. hehe... Re green rice, LOL! Mukha ngang pao tsin sis! Pero don't worry, masarap pa din naman lahat ng foodness! :D

Sis lucky_m+d, weee!!!! Congrats naman sa proposal! *kilig* At wow, dami na ring accomplishments. Happy preps dear. :D

Sis cerenity, awww.... Uber stressful nga yang pag-change ng date. But surely, everything will fall into places. Kaya yan! ;)

Sis lanna, mukhang sapat naman ang two weeks. If booked na naman lahat, and may WC ka naman to handle everything, keri na yun. :)

Sis zheng, tohmoh! Pray lang talaga ang katapat. :) Congrats pala sa mga DIYs and accomplishments mo dear! :)

Sis chubbycheeks, naku, naiinis na ko sa Abbylyn's. :( Di pa rin gawa yung shoes ko. Sadness ever... See my kwento na lang below. Re makeup, oo akala ko talaga ikaw lang. hehe... Ang galing nga at timing pa sa event ang TMU mo. LOL. Tama si h2b mo dear, try ka muna ng mga prospective suppliers tsaka ka na lang magpa-book. Para talagang no regrets. ;) At tohmoh, yung OOT talaga ang malaking dagdag sa expenses. Pero basta happy tayo, at may pagkukunan naman, why not naman diba? Pero syempre, hangga't maari, nagse-search pa din kami ng local suppliers to get rid of the charges. ;) Super cute nung drawing sis! Hongonda!!!! :D

Sis ez4gotten, thanks dear! At oo sis, super mura lang nun. Yun yung invitation na pina-print namin sa FansDigital. P18.50/pc, back-to-back printing with folding na. hehe... :) Pwede pa naman kayo magpagawa tutal magaling naman mag-layout si Papa P! At within a week, makukuha na agad yun. Yung envelope, sa Binondo lang namin binili. Monograms and maps, sa office ko lang pinrint. LOL. At naalala ko si MOH mo. Napapataas tuloy kilay ko. LOL. Buti naman at nagkasundo na sila ni Ms.Ven! hehe... And sis, good investment na yung sa Antel huh. Wag mo ng ibenta dear. Kahit ako, super daming emotional stress lately. :( Di nga ako masyadong stressed sa suppliers, ang dami namang drama nowadays sa bahay. Haaayyy...... :( Negative vibes, go away talaga!

Sis judessec, congrats sa booking dear! :D

Sis faye-tea, ballooning guests? Been there! LOL. Good thing sa yo, sagot na ng FFIL mo. Sa amin, kami pa rin ang gagastos. :(

Update sa preps:

-- Super sadness ako nung Friday. Naka-sched na kasi for pick-up yung shoes ko sa Abbylyn's. Pero pagdating dun, walang maibigay sa amin. Di pa daw tapos dahil nagkasakit at na-confine yung sapatero nila. Ito pa naman ang pinaka-ayaw kong reason from a supplier. Yung parang ikaw pa ang kinukunsensiya. Kasi if they are professionals, they should deliver kahit pa anong personal problems yung ma-encounter ng staff nila. Diba? Pangalawang change of date na to kaya sumama na talaga loob ko. Yung una, okay pa. Pero the second time, sumama na talaga loob ko. Buti na nga lang at di ko pa sila sinungitan. Sabi ko na lang, dapat may free na akong bag dahil sa effort ng pagpapabalik balik sa shop nila. Nagdemand ako ng exact pickup date sa kanila. Sabi, today daw. Since di ko mapupuntahan ngayon, sa thursday na lang. Pag hindi pa din okay, I'll demand for a refund na at bibili na lang ako sa mall. Hmp!
-- Saturday is second fitting day with Ms. Ven! So far, everything went well. Morning, nasa QC kami. Nakuha na ng mga SS at FGs yung gowns nila. Wala namang adjustments. :) Yung kay FMIL lang (masikip pa din sa arms) at yung sa isang FG (hindi nasukatan personally) yung meron. After lunch, pa-Cavite naman ang drama namin. Nakuha na din yung sa SS, Little Bride, at yung kay MOH
(na ina-adjust nya before eh swak na swak na din). Yung mom ko eh namayat (buti pa siya, LOL) kaya maga-adjust pa. Yung sa akin..... WEEEE!!!! Akala ko tumaba pa ako. Subalit hindi!!! Kasya pa din ang gown! May caught up style and belt na din. 90% done na! I love it!!! Super simple nga daw sabi ni Ms.Ven. Dadagdagan na lang daw niya ng accents. Ayoko naman kasi ng masyadong beaded. hehe...:D Magbabawas pa pala ng tig-1 inch sa chest. Next schedule namin for meet up is sa Jan27. Hopefully, okay na lahat ng gowns. :)
-- Sunday naman, meetup with Church Choir, Cantico de San Jose. We met Johann, the founder and conductor, to discuss the songs that they will sing during the ceremony. So far, wala namang naging problem. We paid 50% DP na din. :) Kasama din namin si Thoffy during that day to discuss our pending payments, suppliers call time, schedule, program, guest tracker, etc, etc... Nabawasan na ang tensyon ko dahil finally, nakapagmeet na kami. hehe... Next meet up is pag ayos na ang guest list. Afterwards, we went to Island Cove para magpabook ng rooms. No choice talaga, mag-2 nights kami. We booked a Veranda Suite and a Cabana. Ongmohol ng rooms... :( Pero maganda naman ang facade kaya okay na din. Wala rin naman kaming ibang options eh. Puro motel lang ang madami dun sa Kawit. hehe...

Ayan, masyado na mahaba ang post ko. Dami ko pa ring need gawin. Buti na lang at walang pasok today. Di pa na-out lahat ng invitations namin at we are still looking for HMUA for our mothers and entou, musicians, at apartment within Makati area. Baka may suggestions kayo? ;)

faye-tea

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #393 on: January 23, 2012, 01:41:45 pm »
kung hei fat choi, my lovely sissies!

faye-tea – hello sis! bongga naman si ffil so you now need to hunt for a bigger venue.  ;) buti kami, additional 50 (pa lang) ang request ni fmil, from 100 to 150. ayoko na ng additional pa. hahahaha. :D
ciao homies!  :-*

ang saya ni dad-in-law, na-highblood naman si fiance ko, at nadagdagan stress ko! lol! dad-in-law is the happiest! sabi ng hubby ko, "nako saan naman kaya tayo maghahanap ng bigger venue" reply ko, "alam ko na sweetheart, mag-ARANETA Coliseum tayo! Ewan ko lang kung di pa tayo magkasya dun!"

Sis faye-tea, ballooning guests? Been there! LOL. Good thing sa yo, sagot na ng FFIL mo. Sa amin, kami pa rin ang gagastos. :(

hay sis michi! just imagine the reaction of my hubby. dad-in-law called yesterday just to ask how many guests we are targeting. Hubby said, just around 100. Then my dad-in-law said, "'Nak, dagdag ka pa ng 100 ha!" Sabi ng hubby ko, "Papa, sosobra kami sa budget kapag nagdagdag ng 100. at ano ka naman, 100 agad-agad gusto mo ipadagdag. sino-sino ba yung 100 na yun. mamaya di na namin kilala yun." Ang sagot ng dad-in-law, "Ako bahala sa 100"

Naku sana sis last na yang 100 pax na yan! I can't imagine na gagastos kami more than half a million. Next thing we knew baka sa ilalim na kami ng tulay nakatira.

akin_dc

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #394 on: January 23, 2012, 02:21:04 pm »
Sis akin_dc, LOL. Sabi na nga ba kaya walang nagpe-pledge. Pero ako kasi, makapal ang fezlalu. LOL. Yung kapatid ko, sinabi ko talaga na yun na lang wedding gift nya sa amin. Tapos, yung mga college friends naman, sinabihan ko na, huy, mag-ambag ambag naman kayo for souvenirs. LOL. Then sila nagdecide na photobooth ang ibigay. hehe. Pero sa mga ka-close ko lang to ginagawa. Nilalambing lang. hehe. Yung iba naman, nagprisinta talaga. ;) And yes naman, it's okay to ask your friends pag talagang need mo na ng help. Yung ibang mga friends ko nga, sila pa yung excited na tumulong. ;) Re banns, you mean to say yung form po ba? If pwede ng kumuha ng maaaga, then tsaka na lang isubmit sa parish for posting? In our case kasi, nung nagpa-reserve kami, we got all the necessary forms na, including the banns. Pero nag-submit kami sa kanya kanyang parish, two months before the wedding. ;)

hahaha pinagiisipan ko nga minsan kung hihiritan ko mga friends ko eh, kaso nahihiya ako. ;D although umaasa ako na sagot na nga ng parents ko ang honeymoon namin. hahaha! nabanggit kasi sakin ng mommy ko yun nalang daw bigay nila.. kaso once lang nabanggit, wala na ulit sinabi!  ::) kaya nagpapatulong nalang ako sa DIY saka pag shoulder ng mga abay ko ng dress expenses nila.. :p re banns, oo sis, yun mga forms saka yung mismong banns.. para kung malalakad na sana namin sa March, hindi na kelangan umuwi ulit.. I mean uuwi nalang ulit ng 1 month before ng wedding.. magastos sa pamasahe.. (well ako lang pala, haha!) lugi ako eh! ;D nakakaexcite naman! almost ready na ang dress mo.. wee! :D

akin_dc – oo sis, sa price nya, dapat talaga na super puno na ng flowers ang reception venue. hahaha. exag yes, pero ang mahal naman kasi.  ::) lagi atang first fitting is lining lang pero yes, maganda nga pa gang isusukat na is yun may form. yun fitting ko naman, around march daw or april. kaka-pressure! boudoir shoot ko pa that time so talaga dapat bonggang paglose ng weight ito. hahahaha.  ;D re your wc, basta sis for as long as reminded mo rin siya ng mga gusto mo ma-accomplish and since nagbibigay din naman siya ng feedback sayo, trust her that she will do her job. hopefully soon magkita na sila ng couturier mo para maayos na ang mga details about your gown. goodluck sissy!

Ang mahal nga sis.. LOL, bahala na si batman.. sana magkausap kami ng Ysabela, pero sabi ni WC ko, try nya daw kausapin si Flowers Unli kung pwede makuha yung gusto namin sa budget ceiling na binigay namin.. re WC, oo naman, I trust her naman :) gusto ko lang yung updated ako, kasi baka mamaya sa sobrang kampante ko eh, tas pag dating ng big day sablay.. nakaw.. lagot ako. haha! Sabi ko nga kay h2b, feeling ko kapag hindi nangyari yung naiimagine ko na wedding namin, baka umiyak ako.. hahaha! ;D re dress, malapit na rin pala fitting mo sis! at wow! budoir shoot! bongga! :D payagan kaya ako ni h2b mag ganyan? hahaha! ;D

@ faye-tea sis, doble ang dagdag ng FFIL mo sa guest list nyo ah.. wow! :o
« Last Edit: January 23, 2012, 03:24:43 pm by akin_dc »

ez4gotten

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #395 on: January 23, 2012, 04:58:16 pm »
chubbycheeks napa-isip ako ano bang chika natin sa cab. hehe. haha, na-isuggest ko na din kay h2b yan. :P sabi ko wag na maghanap ng lalabas sa cake at ako na lang lalabas sa cake sa honemoon namin. lol! sana nga lumayas na si stress, start na ng year of the dragon. ;) re matrix, yep, ako nga nag-share nun. :D re TMU, hmmm, siguro pag i-consolidate mo magagastos mo sa TMU mas malaki pa compared sa TMU package ko kay ate toni. lol!

michiness kung hei fat choi din sis! hay naku, malay ko ba naman kasi na gusto niya pala ng ganun noh. may pinakita kasi ako sa kanya na sample ng digital print pero ayaw niya. lol. pero dun kami papa-print ng table numbers, menu at kung anik-anik pa. salamat sa pag-share sis. muah. haha, yep ok na ok na sila ni ms ven. happy na siya sa gon niya. ;) no to stress sis!, super lapit mo na. :D wee! re apartment within makati area, baka you want to check dun sa ni-rerent ng sis ko. it's 10k per month for a 2-bedroom apartment. bale 5-floors building siya. :D

updates we're done sa table numbers, menu at photobooth layouts. next in line will be namecards and tags for the favors tsaka sa candy bar. :)

faye-tea

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #396 on: January 23, 2012, 06:01:25 pm »
@akin_dc oo nga sis! agad-agad 100 pax ang dagdag.. Naisip ko nga e, pwedeng tumakbong politiko itong FFIL ko sa dami ng kakilala. Kung hindi lang talaga ako kinagigiliwan ng FFIL ko, I won't give in to his request.

katrinac

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #397 on: January 23, 2012, 09:51:11 pm »
Happy Chinese New Year! Nag celebrate kami ng kaunti sa bahay, pero namiss namin yung ibang ginagawa sa bahay pag andun si papa, like yung pag sindi ng insenso. hehe!

kiz_me1109 - naku sis, for sure maraming mura nun dun. kasi sa SM, dun kami nabili, parang 20 plus lang ata yun. pero pihado, mas mura sa divi yun. :) kahit maliit lang yung buy nyo. (pero mas maganda parin yung apple) hehe :D

chubbycheeks17 - at nakapag TMU ka nananaman ba sis? how much iteywa? hihi! in fairness, matagal mawala talaga kapag bonggang make apan ang gagawin ano? kasi yun din napansin ko nung nag TMU ako with MV. kulang nalang, hanggang sa pagtulog di ko tanggalin, para pagpasok ko sa office meron pa eh. kaso di naman pwede. lol! maganda naman kasi talaga sa liliw diba sis? ang dami pang shoes. once palang ako nakapunta dun, nung pumunta kami sa San pablo nina kuya. ayun, correct, super sa pag ka giddy ako. can't make up my mind sa mga damit na gagamitin. ang daming pinahiram na damit ng officemate ko! ahahah! kamusta naman ang prenup ko sis, puro improvise. hihi. actually, pati si sis michiness, game na game sa pag pulot ng petals eh. hihi! sayang kaya yun! ang dami kasi. na curious naman ako kung gaano kadami ang loose petals na bibibigay samin ng Ysabela. hay naku, ang wedding gown, malaki sya sis sakin. buti nalang, pwede i adjust. sinukat ko sya, and damang dama ko. more rampa ako sa bahay, at si Mark, tuwang tuwa sya. more pa picture ako sa kanya ng nakaupo, bumababa kunwari ng stairs, and in fairness huh, bagay yung fascinator na nabili ko sa SM! yung nipost ko dati sa blog ko. hihi! na excite ako. sa tingin mo sis, ano dapat unahin ko na attire sa prenup?> yung wedding gown na ba kagad? Or yung mga ibang dresses muna? pero promise, ang ganda nya talaga. :( sabi nga sakin ni h2b, with all conviction "WAG Na wag mong sasabihin na mas maganda yang gown na yan, kumpara sa wedding gown mo baby! mas maganda ang gown mo, mas simple, mas maganda" oh diba? :D (pero i know, deep inside, nagandahan din sya dun sa gown) ahha! bongga kasi ang bead works!

tboupt27 - yup sis! pwede naman sa munisipyo. pero confirm mo kung yung binibigay talaga nila, yung may nakalagay na NSO ha? kasi yung iba "ata" parang yung sakin dati, walang nakatatak na NSo haha! kaya super worried ako na baka wala akong records sa NSO. hehe! pero mas okay nalang sa SM sis, kasi una di mahaba ang pila (unless nalang may nauna sayo na nag poprocess ng DTI registration tulad ng nanyari samin) , and nasa loob ka pa ng mall. and di malaki ang price difference unlike pag tumawag ka sa E-census. ;)

blueflame - sis, question pala ;) hihi! yung mga suppliers ba na sa mismong event ang payment, WC ba ang nag aasikaso nun? when nila binibigay kaya? before mag start ang even? or as in after nila gawin ang role nila? :) btw, sa CCME nairn pala kami magpapadeliver ng food on Friday para sa ipapakain namin sa PV para sa prenup. hihi!

lanna_dyan - haha! regarding PV, yung isang ka team nya ang kinausap ko. tinanong ko kung okay lang ba na di na food from hotel ang pakain ko. pumayag naman sis, and walang prob! hihi! pero kausapin ko narin si main PV regarding this. ;) sis, anong wall ng LOL? hehe

chelle_peachy0524 - congrats sa meet up with Rei sis! :)

princeszheng - sis, di nirent yung gown. pinahiram sakin ng officemate ko. eto yung wedding gown na ginamit nya sa indi film na shinoot nila kamakailan lang. hehe! ;)  (tapos yung director ay yung PV ko) at naloka namana ako na sinama ang pamangkin mo sa divi. buti nalang sis, di madami ang tao nun. sis, san banda itong prestige paper?

ez4gotten - sis, di ako nakapgreply sayo. haha! text nalang kita pag what time tayo on Sat. sure ka di ba hassle yun sayo? nakakahiya naman :(what time kayo alis papunta kay ms. anj on Saturday? nahihiya ako eh. kasi dadayuhin mo pa yun, para lang idaan yung dress and props :(
sis, tanggalin ang negativity! bawal yan. :(

Marigie - awww, much better sis pagusapan nyo ng maigi yan. mas okay din na 50 -50 kayo sa guests sana. ganyan ginawa namin ni h2b, pero good thing, 8 lang na barkada ininvite nya. hehe!

akin_dc - actually sis, yana ng di ko naitanong! haha! kasi May pa kami, pero as early as now, nakuha na namin yung reply banns ni h2b. naku po! baka mamaya, sabihin eh dapat at least 1 month before the wedding ang date sa reply banns. makatwag nga ako bukas ng church namin.

meandmyhoney - wow sis! ang galing mo naman!!! very creative talaga ang mga BBB's! ;)

michiness - super, super , small world talaga sis! nakakatuwa, pati nga si h2b na amaze eh. soon, ma me meet nyo rin si h2b. haha! busy kasi sya sa work (chos!) actually, di kasi sya mahilig sa mga ganyan, kaya ang hirap din yayain eh. :( gusto nya, ako lang ang kasama. hahah! speaking of misalette, okay narin yung samin sis! ni approve nadin ng church, kaya go narin sa back to back. pero hindi printing (photocopy lang) haha! so sad naman about sa shoes sis. :(  pero hopefully, they would be able to deliver na on time this week. if not, tama, hanap nalang ng ibang option. lalo na't malapit na ang wedding mo sis.

Happy preps satin lahat!

ava_camille

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #398 on: January 23, 2012, 09:55:32 pm »
Mga sis share ko lang to nakita kong Groupon site for wedding preps http://grandweddingdeals.com/ though di ko sure kung legit tong groupon site.

lanna_dyan

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #399 on: January 24, 2012, 12:41:13 am »
sis akin_dc okies thanks.. regarding missalette, meron ako from WC, you want? alhthough mas maganda updated para sure. may isa na naman akong problema (haha walang katapusan), may kasama ba sound system sa church natin? kasi pag nagbook ako ng strings, kailangan ko din magdagdag ng sound system sa church?

sis faye-tea.. sagot naman pala ni dad-in-law e. ayos lang yan hehe

sis bluefalem, pati yung icebox galing, inggitera lang yata ako talaga haha. sis naghire ka ng sound system sa church for velvet mood?

sis chubbycheeks.. yay super thanks sa comprehensive review sa tmu ko hihi.. regarding sa not so good comments, yun nga, wala na ako magagawa kasi nabook ko na. nyay. i have a habit kasi of booking before researching lol. re strings, yun lang lugi. tapos may review yung frend ko na nag-aaral ng music, di daw kagandahan yung libante. may mga mali daw ek ek na too technical na. hehe. serenata is 20-25 songs, yung velvet and leggiero unlimited. haha. ayaw pa ni h2b book ng strings too early pa dw and di importante. pero yung cake topper gusto na bumili. ako din sis, i wanna go for ten hihi

sis michiness, thanks. and i trust wc din. :D grabe ang daming accomplishments.. kaunti na lang sis..

sis katrinac.. yung carricature mo pala gawa din ni p/v. pakain mo na ng masarap haha. wall ng fb page ng Light of Love (LOL) sis hehe.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close