Tagal ko na namang di nakadalaw. Tambak na naman ang backread. LOL. I miss you guys ng bonggang bongga!

Kung Hei Fat Choi!

Sis
akin_dc, LOL. Sabi na nga ba kaya walang nagpe-pledge. Pero ako kasi, makapal ang fezlalu. LOL. Yung kapatid ko, sinabi ko talaga na yun na lang wedding gift nya sa amin. Tapos, yung mga college friends naman, sinabihan ko na, huy, mag-ambag ambag naman kayo for souvenirs. LOL. Then sila nagdecide na photobooth ang ibigay. hehe. Pero sa mga ka-close ko lang to ginagawa. Nilalambing lang. hehe. Yung iba naman, nagprisinta talaga.

And yes naman, it's okay to ask your friends pag talagang need mo na ng help. Yung ibang mga friends ko nga, sila pa yung excited na tumulong.

Re banns, you mean to say yung form po ba? If pwede ng kumuha ng maaaga, then tsaka na lang isubmit sa parish for posting? In our case kasi, nung nagpa-reserve kami, we got all the necessary forms na, including the banns. Pero nag-submit kami sa kanya kanyang parish, two months before the wedding.

Sis
Marigie,ang bonggabels naman ng gift ng friend mo! hehe. Pakilala mo nga sa amin para maging friends din namin siya. LOL. Re Patio, may ratings na si sis blueflame sa kanila eh. Okay talaga ang setup nila!

Good luck sa caterer hunting dear.

Re guests, ito ang major stress sa akin ngayon. Nagkakasamaan na kami ng loob dahil dito. Haaayyy...

Pero hopefully, masettle din natin ang problems. Pero, in our case pala, mas maraming guests sa side ko. Di na namin maimbitahan ni h2b yung mga gusto naming iinvite dahil sa dami ng guests na gustong imbitahan ng parents ko.

Sis
kiz_me, 2k ang basic nila pero may special package din sila na mas mahal. Itong Imus Cathedral talaga ang first choice namin since very significant to sa akin. Dito kinasal ang lolo't lola ko, pati mom and dad ko. Dito ako bininyagan at kinumpilan. Kaya dapat sana, dito rin ako ikakasal. Pero, kakajinis yung church admin nila. Nagpapabook kami last Feb 2011 for our Feb 2012 wedding. Ayaw tanggapin dahil wala pa daw silang 2012 Calendar. Biruin mo, mago-open daw sila ng booking for 2012 weddings ng Nov 2011 pa. Eh musta naman yun diba? Idagdag mo pa na super less accommodating nila. Samantalang sa Fatima, kahit wala pang calendar, inilalagay lang nila sa notebook yung bookings. At super love namin ni Ms. Lani! Super walang ka-hassle hassle sa Church na to. Mababait mga staff.

Na-excite naman ako sa first dance nyo sis. Kami, wala ng practice practice. LOL. Kahit anong moves na lang. hehe... Tutal, di naman kami talaga sumasayaw. LOL. How's the seminar?
Sis
katrinac, same here. So happy to see you again. Pero sana ma-meet na din namin si Papa Mark mo. Biruin mo, schoolmates pa pala sila ng Papa Denmark ko nung highschool, at classmate naman niya yung sister ng h2b mo. Small world indeed! hehe... Re missalette, super kaka-stress talaga to sis! Pinalitan ko kasi yung font and everything. Kaya ang hirap i-edit. Luwa mata ko sa harap ng PC. LOL. Pero so far, nakapagtrial printing na ako. Wee! Kaya keri na ang back to back printing ng booklet type misalette!

Super thank you talaga sa yo! Very helpful pa rin yung sinend mo (kahit madugo ang pag-edit). hehe... Re shoes, as of now, di pa rin nagagawa! Waaahhhh... See my kwento na lang below.

Congrats naman at okay na mga documents nyo dear!

Super excited na din ako sa prenup nyo. Gusto ko sana sumilip pero super hectic na ng weekends namin. Sa dami ng need pang asikasuhin. tee hee!...

Ay wow! Ang galing naman! Winner talaga ang blog mo dear!

sis
tboupt, ang mahal nga sa Bizu. But since you have the budget naman, you'll never go wrong with them.

Super classy and elegant at masarap ang food. Okay din ang Passion Cooks!

Kung may bigger budget kami ni h2b, sila ang kukunin namin. hehe.

Sis
cristal, good luck sa pagkumpleto ng mga docs nyo. Isa ito sa pinaka-tedious na part ng preps. Ang document processing. hehe.

Sis
blueflame, paulit ulit kong pinapanood ang AVP at SDE nyo! Winner talaga! Soooo happy for you dear. Natawa naman ako ng madami sa motmot hopping! LOL. Di pa din ako nakakapasok sa mga ganun. LOL. Thanks sa suppliers rating! At super thanks sa mga tips mo.

Aabalahin kita pag may mga questions pa ako huh. hehe... Re green rice, LOL! Mukha ngang pao tsin sis! Pero don't worry, masarap pa din naman lahat ng foodness!

Sis
lucky_m+d, weee!!!! Congrats naman sa proposal! *kilig* At wow, dami na ring accomplishments. Happy preps dear.

Sis
cerenity, awww.... Uber stressful nga yang pag-change ng date. But surely, everything will fall into places. Kaya yan!
Sis
lanna, mukhang sapat naman ang two weeks. If booked na naman lahat, and may WC ka naman to handle everything, keri na yun.

Sis
zheng, tohmoh! Pray lang talaga ang katapat.

Congrats pala sa mga DIYs and accomplishments mo dear!

Sis
chubbycheeks, naku, naiinis na ko sa Abbylyn's.

Di pa rin gawa yung shoes ko. Sadness ever... See my kwento na lang below. Re makeup, oo akala ko talaga ikaw lang. hehe... Ang galing nga at timing pa sa event ang TMU mo. LOL. Tama si h2b mo dear, try ka muna ng mga prospective suppliers tsaka ka na lang magpa-book. Para talagang no regrets.

At tohmoh, yung OOT talaga ang malaking dagdag sa expenses. Pero basta happy tayo, at may pagkukunan naman, why not naman diba? Pero syempre, hangga't maari, nagse-search pa din kami ng local suppliers to get rid of the charges.

Super cute nung drawing sis! Hongonda!!!!

Sis
ez4gotten, thanks dear! At oo sis, super mura lang nun. Yun yung invitation na pina-print namin sa FansDigital. P18.50/pc, back-to-back printing with folding na. hehe...

Pwede pa naman kayo magpagawa tutal magaling naman mag-layout si Papa P! At within a week, makukuha na agad yun. Yung envelope, sa Binondo lang namin binili. Monograms and maps, sa office ko lang pinrint. LOL. At naalala ko si MOH mo. Napapataas tuloy kilay ko. LOL. Buti naman at nagkasundo na sila ni Ms.Ven! hehe... And sis, good investment na yung sa Antel huh. Wag mo ng ibenta dear. Kahit ako, super daming emotional stress lately.

Di nga ako masyadong stressed sa suppliers, ang dami namang drama nowadays sa bahay. Haaayyy......

Negative vibes, go away talaga!
Sis
judessec, congrats sa booking dear!

Sis
faye-tea, ballooning guests? Been there! LOL. Good thing sa yo, sagot na ng FFIL mo. Sa amin, kami pa rin ang gagastos.
Update sa preps: -- Super sadness ako nung Friday. Naka-sched na kasi for pick-up yung shoes ko sa Abbylyn's. Pero pagdating dun, walang maibigay sa amin. Di pa daw tapos dahil nagkasakit at na-confine yung sapatero nila. Ito pa naman ang pinaka-ayaw kong reason from a supplier. Yung parang ikaw pa ang kinukunsensiya. Kasi if they are professionals, they should deliver kahit pa anong personal problems yung ma-encounter ng staff nila. Diba? Pangalawang change of date na to kaya sumama na talaga loob ko. Yung una, okay pa. Pero the second time, sumama na talaga loob ko. Buti na nga lang at di ko pa sila sinungitan. Sabi ko na lang, dapat may free na akong bag dahil sa effort ng pagpapabalik balik sa shop nila. Nagdemand ako ng exact pickup date sa kanila. Sabi, today daw. Since di ko mapupuntahan ngayon, sa thursday na lang. Pag hindi pa din okay, I'll demand for a refund na at bibili na lang ako sa mall. Hmp!
-- Saturday is second fitting day with Ms. Ven! So far, everything went well. Morning, nasa QC kami. Nakuha na ng mga SS at FGs yung gowns nila. Wala namang adjustments.

Yung kay FMIL lang (masikip pa din sa arms) at yung sa isang FG (hindi nasukatan personally) yung meron. After lunch, pa-Cavite naman ang drama namin. Nakuha na din yung sa SS, Little Bride, at yung kay MOH
(na ina-adjust nya before eh swak na swak na din). Yung mom ko eh namayat (buti pa siya, LOL) kaya maga-adjust pa. Yung sa akin..... WEEEE!!!! Akala ko tumaba pa ako. Subalit hindi!!! Kasya pa din ang gown! May caught up style and belt na din. 90% done na! I love it!!! Super simple nga daw sabi ni Ms.Ven. Dadagdagan na lang daw niya ng accents. Ayoko naman kasi ng masyadong beaded. hehe...

Magbabawas pa pala ng tig-1 inch sa chest. Next schedule namin for meet up is sa Jan27. Hopefully, okay na lahat ng gowns.

-- Sunday naman, meetup with Church Choir, Cantico de San Jose. We met Johann, the founder and conductor, to discuss the songs that they will sing during the ceremony. So far, wala namang naging problem. We paid 50% DP na din.

Kasama din namin si Thoffy during that day to discuss our pending payments, suppliers call time, schedule, program, guest tracker, etc, etc... Nabawasan na ang tensyon ko dahil finally, nakapagmeet na kami. hehe... Next meet up is pag ayos na ang guest list. Afterwards, we went to Island Cove para magpabook ng rooms. No choice talaga, mag-2 nights kami. We booked a Veranda Suite and a Cabana. Ongmohol ng rooms...

Pero maganda naman ang facade kaya okay na din. Wala rin naman kaming ibang options eh. Puro motel lang ang madami dun sa Kawit. hehe...
Ayan, masyado na mahaba ang post ko. Dami ko pa ring need gawin. Buti na lang at walang pasok today. Di pa na-out lahat ng invitations namin at we are still looking for HMUA for our mothers and entou, musicians, at apartment within Makati area. Baka may suggestions kayo?
