watch now

Author Topic: 2012 Brides *Part 11*  (Read 106446 times)

carmichael18

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #140 on: January 12, 2012, 10:27:43 am »
^ sis juice!!! ang ganda ng wedding mo and ng pics... you guys look so happy... congrats and best wishes ulit.. :0

lucky_m+d

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #141 on: January 12, 2012, 10:53:29 am »
hello sa lahat!! (sorry kwento lang... haba..)

waaahhhhh ang haba na ng thread, hindi na ko mkapagbackread. hindi ko na kayo mahabol, sabagay nakikibasa lang naman ako before thread 3 or 4 pa lang ata un nung sumisingit singit me sa usapan.  ;D
hindi pa kase sure kung tuloy wedding that time eh, plan before december 2012, pero ngayun moved sya ng june!! waaahhhh wala pa ko nauumpisahan... tight budget din. penge naman check list, yung madali lang intindihin, naloloka na ko, overwhelming, parang hindi ko ata matatapos ang prep dadating na june  :'(


so far eto pa lang nagagawa ko:
1. reserved na church (pero wala pa docs kase sa province kukunin), wala pang time puro OT..hay!
2. venue reserved na din pero since inside camp eh 2 months before the event pa maaopproved (take risk kami dito)
3. dahil sobrang nastress ako may P/V na  ;D hinabol ko yung promo ng MYHOTATO kahit hindi ko pa nacompute ang effect sa overall budget hahaha ayun lagas ang 50k namin (basic p/v promo nila) pero happy naman  ;D
4. nakapamanhikan na (at supportive naman, sa sobrang supportive madaming comments at  suggestions!!! waaahhh)
5. may sked meeting kami next week sa PV para sa pre-nup at STD kaso wala ako maisip na concept!! hindi kaya ng powers ko na mag-isip, parang blanko... bakit ganun? nawawala pagiging creative ko.
6. attend ng bridal fair this weekend (bahala na kung ano makikita dun) ang worry ko lang baka sa sobrang kaba ko dahil super behind ako eh magbook ako ng magbook ng hindi narereview tapos magsisisi ako sa huli... :(
7. nabablanko na ko sa kung ano dapat ko gawin, pahingi naman ng checklist, yung super simple kase nalilito na ko sa mga checklist na nakikita ko..

wala pa ko OTD, ang mamahal kase yung mga pasok sa budget ko hindi na available, hanggang 10k lang kaya ko.

sorry ang haba.... HELP... TIA! HAPPY PREPS

lucky_m+d

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #142 on: January 12, 2012, 11:11:10 am »
sis juice!!

ganda ng wedding mo, ganda lahat! CONGRATS! CONGRATS!!  ;D

chelle_peachy0524

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #143 on: January 12, 2012, 11:15:00 am »
^ sis pm sent... kuha ka na lang muna ng leaflets sa fair... try to  think it over lunch tapos magpabook ka :) be careful sa pagpili ng suppliers...

cerenity_18

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #144 on: January 12, 2012, 11:19:07 am »
sisjuice sis ganda ganda naman ng mga pics nyo :) congrats

cristal28

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #145 on: January 12, 2012, 03:12:36 pm »
hello BBB's ang haba haba bigla 2 days lang ata ako nawala. focus sa scouting eh pero wala pa din nabook. hehe

sis lucky_m+d: attend din ako ng fair 1st time din but let's try yung suggestion ng mga sisses natin, kuha lang muna ako ng mga flyers im sure naman almost all nung kasali ngayon sali ulit. meron pa naman sa jan 28-29 and then sa feb 17-19. pareho tayo na june na pero naku wala pa ata sa 10 ang booked ko na supplier.

meet with eloquente tom sana okay. ay kahapon pala meet kami ng josiah's para di ko feel kasi ayaw waive ang VAT sayang din yun kasi daw ask ng venue namin yung contract so di pwede wala VAT sabi ko eh di gawa tayo ng 2 na contract yun isa meron yun isa wala. hehe.

princeszheng

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #146 on: January 12, 2012, 04:05:56 pm »
yang tboupt27 dianneloraine - welcome sa house sis!

dianneloraine
for videographer, baka gusto mo icheck gian and fidji, sila p/v namin ni sis ez.

menggay16 hi sis sa saudi nakabased si H2b.

kat congrats sa pamamanhikan sis! Jan21 naman kami nakasked ng aking lola dear with ate to buy tela for my gown sa Divi rin kaso hirap naman pag kasama ang lola you know mabagal hehe.. Ganon katagal sis yung pila to get cenomar? :( Hay yung samin kasi expired na, kukuha ako ulet. di ko kasi alam na naeexpire yun, sobrang excited ko kasi ikasal yun unang una ko kinuha lols

ez4gotten galing2 nakapag DIY na rin ng map hehe. Ako indi pa, sana makagawa na rin next week :)

lanna_dyan sige sis, super nice rin si sir lorenz at yung bridal march ko iaarrange pa nya for free kasi first time din nila yun ipplay, kaya excited nko.

chelle_peachy0524 kelan ka punta bridal fair sis? Parehas tayo sis, di ko alam ang 7 sacraments and their meanings haha! Oo i'm trying not to be sad :( kaso magiging empty nanaman ang bed ko, nakakamiss lang yung gigising ka sa umaga may kayakap haha, drama! waah... ilan oras na lang, paalis na :(

carmichael18 nice sis ang kwento ng pamamahikan. Samin rin wala lang modern at casual lang haha.

cerenity_18 sis florist ko si mang boy mahusay, gusto mo contact number? hehe

kiz_me1109 naku ganyan rin ako sis, kahit maglakad na lang basta alam na malapit gora na :D  Galing mo naman sis magedit :) Inggit ako hehe. Pakiusapan mo na lang muna si yaya sis hehe. Maiintindihan ka nun :)

chubbycheeks17 hugs sis :( Oo kakalungkot pero ayun kailangan eh kaya dapat tanggap ko na, in less than 5mos naman uuwi na sya ulet for the wedding. Maarte lang ata ako masyado hehe.

kiz_me1109 oo sis collect ka ng mga hairstyles ako mejo madami ng napupusuan hehe.

juice406 sis super like your wedding pics :) Wow kkaiyak naman yung tribute with your father. Super touching naman yun.

lucky_m+d re OTD pag may fair sis try mo magtingin2 baka may magpromo na pasok sa budget mo :)

michiness

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #147 on: January 12, 2012, 04:22:45 pm »
Hello BBBs! Grabe, 1 day lang ba akong di nakadalaw, 4 pages backread na. hehe. Kaya hirap makahabol eh. Buhay na buhay ang bahay! :)

Sis ez4gotten, tenchu sa pag-appreciate ng invites namin. Yung map ba na ginawa ko is mahirap basahin? :( Actually, kaya ko siya nilagyan ng mga icon/clip arts is para nga hindi na need pang basahin. Pag nakita nila yung sign ng Shell gasoline station, or SM or Robinson's eh alam na agad. hehe. Anyways, we wanted kasi na mejo modern at colorful para bumagay sa theme nung invitation. Since mas preferred ni Papa P ang formal, then go lang. ;)

Sis cerenity, PM mo lang me if may questions ka about our invitation suppliers. ;) At nagulat naman ako sa kwento mo na pati PS eh may bayad per head in excess of 1 pair. Sa church naman namin, walang ganun na charges. Hanggat maari daw is i-limit sa 6pairs. Then choose 1 pari na pinaka-ninong at ninang. :)

Thanks sis akin_dc! Yung layout was done by a good friend. Digital printing lang kasi ang specialization ng FansDigital. Pero parang meroon din silang customized envelopes pero mahal. Kaya gora kami sa divi to find something affordable. ;) Pero yung sa Recto, complete set na yun for P70/pc. Need kasi talaga naming pagkasyahin yung pledge ng kuya ni h2b na 5k for the invitations kaya we opted for 2 sets na lang, bukod sa VIPs and entou, at bukod din sa guest. Re PS, ask your church din if may limit sila sa number of pairs. Baka kasi super dami ng ininvite ni mommy po, yun pala the Church only allows up to 12 pairs lang. ;) Pero siyempre, more PS means more "support" LOL.   

Sis marigie, naku di na niya nabanggit. Pero siguro, masarap naman since yun ang napili nila na caterer. Yun nga lang, pagdating mismo ng event, wala talagang iced tea na nai-serve. :( Re Tamayo's, wala pala akong soft copy ng packages nila. Maybe yung ibang sisses natin meron ng latest rate. ;) Aaayyy.... May update na pala re Verleo. Don't worry sis, makakahanap din kayo. ;) Yung caterer na talagang meant to be.

Sis meandmyhoney, goodluck sa prenup shoot! :) Share your pics huh.

Sis chubbycheeks, salamuch! You have enough time pa naman to decide kung anong layout ng invites ang gusto nyo ni h2b mo. Keep searching for ideas at pasasaan ba, mapapa-this is really is it ka. hehe... ;) Dapat nga kay sis simplyme din kami. Kasi mas cheaper yung quote niya. Kaya lang, di sila pumayag ng mock print. Eh very important sa amin ni h2b na makita muna yung printed layout ng invitations before mass production. And yes, re suppliers, okay lang na ngayon ka maging undecided. Kasi once na nai-book mo na, mahirap na talagang mag-backout. Yung dad ko, di naman masyado. Pero wala kasi kaming car ni h2b. So pag may lakad kami na mahirap talaga mag-commute, nagpapasama kami sa kanya. Ginawa daw bang driver si daddy. LOL. Basta wag lang siya gugutumin. Kaya kahit saan niya gustong resto na kumain, pinagbibigyan namin. hehe... Pero nalulungkot naman ako sa kwento mo about your dad. :( At least you were kind enough to introduce your fiance to him. Let go na lang friend para less stress. Pero If I were you, bibigyan ko pa rin ng invitation. Aba! magregalo man lang siya no kahit di siya umattend. LOL. Just joking. Pero half-meant. hehe... :D

Sis katrinac, wow! Congrats naman sa super successful na pamamanhikan! :) And oo, half day lang ang pre-cana. hehe. Dun daw sa Imus Cathedral, 2 days pa nga. Pero so far, okay naman kasi magagaling yung speakers. Wala na nga lang mga activities. purely discussion. Good luck din pala sa upcoming prenup shoot! Re entou's gown, the earlier, the better sis. Para less hassle na. ;) Re replacement for pillows, si sis blueflame gumawa siya ng flower bed. Hangkyut! Gusto ko nga din sana pero since 1 month to go na lang kami, keri na ang unan. LOL.

Sis lanna, so glad to hear na madami ka ng naibook. Congrats sa mga accomplishments. Tenchuness din sa pag-appreciate ng invites namin. Yung layout was done lang by a good friend of ours. Re passport and boarding pass type ng invitation, wag mo naman sabihing corny. LOL. Common, oo. Pero baka naman kasi super deep ang meaning nun kay h2b mo. Naks!Tsaka minsan talaga, need ding pagbigyan ang mga jowa natin. sa min kasi, ang gusto kong flavor is carrot-walnut. Pero nag-insist si h2b na belgian choco. O siya, pagbigyan na at almost sa lahat naman eh ako ang nasusunod sa preps. tee hee!... Btw, we got Eloquente po. Minus the styling. Pero I gave them pegs of my preferred arrangement for the PS tables, couple's and guests' table at pasok naman sa standard nila. :) Wala naman kasi kaming specific theme. Color motif lang. ;)

Welcome sa thread sis dianneloraine!

Sis mameejhy, we actually pencil booked Totally mesmerized. Magagaling sila. They are more of a band/choir. Sixtet sila and ang binigay na rate sa amin is 12k for Church and Reception na. Cavite-based sila kaya no OOT fee na sana for us. Kaya lang, we have to let go kasi mago-over budget na kami ng bongga coz we have to pay for their meals pa. So we opted na lang for a Church Choir, Cantico de San Jose, then we're still looking for a wedding singer na lang sa reception. ;)

Re pamamanhikan, formality lang din to sa amin. Kasi matagal na din namang magkakilala ang parents namin ni h2b eh. hehe... Yung first meeting nila is when we graduated in college. Tsaka dami na din naming naibook, before kami nag-set ng pamamanhikan. LOL. Parang naging get together lang yung event.

Sis kiz_me, yes po. Open yung altar niya tapos may waterfalls. :D Taga-Imus din ako sis. Saan kayo sa Imus? Bakit pala mahirap sa guest sis? I think it's very accessible naman, kahit commute or may car ang guest. ;) Saan ba ang Church nyo dear? So glad at okay na si baby mo. hehe. Mas okay na ang makulit kaysa maysakit. LOL. ;) Ay, ayun! Sa Malate Church pala kayo. So meaning, majority ba ng guests nyo is from Manila, kaya mahirap sa kanila na magbyahe pa sa Cavite? hehe... Ako kasi, majority ng guests eh taga-Cavite. ;)

Sis juice, CONGRATULATIONS and BEST WISHES ng bonggang bongga! :D I love the pics! Blooming na blooming ka! You both look so happy and super in love!

Sis lucky m+d, welcome back! Congrats sa mga accomplishments! :D

Sis cristal, we got eloquente po. ;) Our wedding is this coming Feb na. If sila ang maibu-book mo, babalitaan kita. ;) Pero so far, happy kami ni h2b that we got them. AE is Ms.Bheng. Super bait. Na-customize namin yung packages depending on our needs. Waived din ang VAT.

Sorry gurls at di ko na nagawang basahin lahat. Hi to all of you na lang! *Wave*

princeszheng

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #148 on: January 12, 2012, 04:23:25 pm »
Mga sis, patulong.. Saang part na ba ako dapat ng wedding preps? Less than 6 months na lang. Parang I'm lost na though booked na lahat. Help sis, I don't know what's the next step  :-\ nappressure nako siguro dahil emo pa ko ngayon at ngayon na flight ni h2b  :-[

cristal28

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #149 on: January 12, 2012, 04:41:00 pm »
^^ sige sis wait namin supplier's rating mo specially eloquente. AE ko grace kasi siya ang sumagot sa email ko and siya din ang tumatawag na sa akin. lapit na pala wedding mo sis. :)

akin_dc

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #150 on: January 12, 2012, 04:54:24 pm »
hala, page 8 na agad! haha! ;D

@ katrinac and chubbycheeks17, kamusta naman ang 140 pairs ng PS! :o buong probinsya yata yun ah! :o tama ka sis katrinac, dapat talaga yung ninongs and ninangs ay significant para sa inyo ni h2b. someone who knows you, saka para sakin kasi ang mga PS dapat halos sila ang role models ng newly weds, someone they can ask for advice other than parents.. :)

@ lanna_dyan alam mo ba sis, hindi namin naiisip yung about sa styling nung nagbook kami ng caterer. Pagkain alng ang concern namin sa caterer noon. hahaha! ngayon ko lang narealize na may importance din ang styling. at ang styling ng Hizon's ay hindi ko type.. dami pa palang options sana na caterer.. science!

@ juice, congrats! anganda ng mga pics! ang ganda ng white dress mo sa engagement shoot ;)

@ michiness wahh.. ako nangangarap pa na may magpledge or support ng kahit na ano! hahaha! so far.. wala pa kahit ano! hahaha! actually sis, si h2b ayaw din pagkagastusan na ang invites, kasi after naman daw ng wedding hindi naman na itatago ng mga guests yun.. re PS, wala naman ako maalala na sinabi na limit.. double check ko nalang ulit sa March. hihi! ;D

kiz_me1109

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #151 on: January 12, 2012, 08:46:03 pm »
juice406

- Congrats sis! :-) Nice pics. You look so very happy. :-)

princeszheng

- Mahilig kasi talaga ako mag edit ng pics. Sana nga bumagal ang araw sis. Hindi ko pa nasisimulan yung AVP. 2 pa naman gagawin ko. :-(

michiness

- Sa ALapan kami sis. Sa Phase 9. :-) Yes, most of our guests will come from Manila. How much yung church na yun sa BInakayan sis?

Hello BBB's! *wave* !!! NAkabuo din ako ng tulog. Naka 8 hrs ako today. :-) Since naka restday si hubby e siya na muna in charge sa Wedding preps. hehe Sana hindi ako ma imbyerna bukas. Bukas ko na kasi kukunin sa hospital yung cheque ng refund ko from Philhealth. Naku... dapat ibigay na yun bukas kasi ayoko na magwala sa hospital. hehe

lanna_dyan

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #152 on: January 12, 2012, 10:42:22 pm »
sis chubbycheeks.. pwede itanong why ka go sa eloquente? wala kasi ako mabasang supplier rating. waa sis your post na 11++ months to go seems like parang ang lapit na natin at natataranta na naman ako haha

ylronchar magproxy ka na lang? yung MOH ko din delikadong mag-abroad. alangan naman pigilan ko diba? tapos ang masama, syempre nakakahiya sa ibang friends na sabihin o ikaw na MOH.. isipin nila 2nd choice sila. kaya most likely, kamag-anak na lang siguro para madali kausap.

sis faye-tea. yes, weekday is a bit better. but still, vatel manila is fully booked for december, glass garden is booked as well di magtugma sa church, and K by C is booked on my wedding day :( umpisa pa lang ng preps ko, di ko na nakuha lahat ng gusto ko :(

sis cerenity and all.. sa VIP table ba kasama pa yung mga asawa ng PS?

sis juice.. i love the prenup photos and of course the wedding photos.. congrats! nasstress ako how can i make my wedding unique and natatakot ako na di maganda kalabasan.. tapos di ko pa nakuha K by C, so di ko na alam how :(

lucky_md wow ang bilis. nice. ok na yang rate mo sa p/v. ok ang mga photos ng myphotato.. sis may website yung bridal fair tapos nakalist dun yung mga participants ng fair so pwede mo na sila iresearch isa isa.. congrats sa pamamanhikan.

sis cristal, kausap ko kanina josiah. yung 20k styling upgrade pumayag sila na walang VAT. provisional receipt lang daw mabibigay nila. required ba ng venue mo ang official receipt? bakit sa email ko di sumasagot ang eloquente? may email ad ka sis?

sis zheng, nag ask na pala ako sa kanila ng quote wala silang reply :( wow. ayus yun. kasi yung bridal march song na gusto ko hindi rin kasama sa normal list of songs ng mga strings eh


sis michinesssss
.. nagfood taste ka na sa eloquente? malamang kasi feb ka na pala yihee lapit na. how was it? ok naman sila ka-deal? ang isa kasing option ko is getting them tapos yun nga styling since tied-up sila with amaranthus, pwedeng amaranthus na rin kunin ko., kasi ok naman yung quote nya sa styling na gusto ko.

sis zheng, requirements?

sis akin_dc, ako ever since styling na talaga. wala ako care sa food hahaha. pero naisip ko importante din ang food kasi nakakihiya sa mga bisita. 2nd option ko is hizon tapos mag-add ng a bit more for styling kaya lang ang upgrade nila ay whopping 1500 per table, di kaya. di ko rin type styling nila although nagustuhan ko nung makita ko in person yung calla lilys na centerpiece pero tent kasi yun tapos may mood lights. ganda talaga nakakaexcite. and i called them up earlier, grabe 25 events per day pala sila. may naconfirm ka na na stylist? grabe ang quote ni teddy manuel nakakalula.

sis cerenity.. dagdag ko pa pala ang hiphop abs sa tips haha. regarding sukob, i keep on reminding my brother na baka unahan nya pa ako. haha. wala naman mawawala kung maniniwala tayo. speaking of paniniwalam what about ang wedding gown? naniniwala pa rin ba kayo na bawal isukat? kasi nakikita ko sa mga fittings yun na mismo yun e

updates: wala pa rin akong caterer :( what about manila catering may nakarinig na ba? wala rin ako makita supplier review. pero ok yung package nila, may kasamang bar at bartender service so alak na lang ang dadalhin ko. tapos yung upgrade for styling is 500 per table lang. di na masama.

chelle_peachy0524

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #153 on: January 12, 2012, 10:51:14 pm »
Sis lanna- have you tried madel's cuisine? Affordable na masarap pa yung food n
nila.

lanna_dyan

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #154 on: January 12, 2012, 11:15:38 pm »
^ang tinatarget ko kasi sis yung food and venue package na sa LOL para wala nang 12% VAT at 10% service charge. maganda ba setup ng madel's sis? kasi baka carry naman ng budget, go ako. hanapin ko sis. thanks :D

chelle_peachy0524

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #155 on: January 13, 2012, 12:07:31 am »
^wait sis... Di ba me venue ka na? Or pinagpipilian mong caterer yung Ka tie up ng venue? Check www.madelscuisine.multiply.com and see for yourself.

for me kasi maganda yung setup Nila. Mas madami ring samples ng venue nung ibinook namin sila. Wala silang vat at service charge tapos me freebies pa...

katrinac

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #156 on: January 13, 2012, 12:32:07 am »
chelle_peachy0524 - kaunti lang pala ang difference ng price sis, 20 pesos. hehe! 215 sa SM eh. may kalayuan kasi kami talaga sa NSO, tsaka mahaba ba ang pila dun? okay okay na si h2b sis, buti nalang talaga! hhhm, i assume na nag meet na parents nyo ni h2b. kung nag meet i think di na need ng pamamanhikan sis. siguro kahit simple get together nalang, or reunion ba. not the typical pamamanhikan na

kiz_me1109 - i agree with you sis. hay naku, if only maganda ang boses ko sis, gagawin ko talaga yun. pero who knows, baka makapalan ko ang mukha ko sa wedding day at kumanta ako ng bonggang bongga! sana maayos na yung dilemma mo about the seating arrangements. there are people who can be very pasaway talaga. i'm hoping walang mang ganyan sakin, kasi kung meron man, i'll immediately cross them out sa list ko. mean na kung mean, pero hindi madali mag ayos ng guest list! (galit lang?) haha! sige, ako na magaling mang pressure! haha! ramdam ko nga sis, relax ako a month before the wedding. pero maigi nga yun eh. pero i'm hoping na wala akong mamiss. madami naman akong timeline dito, and i have a great feeling na i'm on the right track. hihi! feel ko lang ngaragin ang sarili ko. hehe. siguro advantage din nito is yung hotel, andun na sa kanila lahat. so less na ang iisipin ko. i don't have to get an individual supplier diba? like sa cake, sound system, lights and the like ;)

lanna_dyan - i agree sis, maganda talaga ang set up ng K by C. pero yung nag attend kami ng bridal fair ni h2b and nakikain sa FT ng Josiah's, very impressive din ang set up nila sis. maganda yung manila catering sis. madalas ko rin nakikita yan sa mga wedding magazines eh. Eto pa mga ibang caterers sis, you might want to check them. bigyan din kita ng list tomorrow. may mga listahan ako ng caterer dun sa bahay. eto yung iba. research ka muna, then check mo kung ano suit sa taste mo.

DXC
Juan Carlo
Quidos
Goblet Catering Services
Jenny Rei's
Panache
Silver Table Catering
Verleo
Kusina ni kambal
Tamayo's
Avengoza
Albergus
Cravings
Dulcinea
Kusina ni Maria
Old Swiss Inn
Swann Catering
Via Mare


about sa VIP table, di kasama ang asawa dun. (AFAIK) yan ang ginawa ko. yung magkakapartner lang talaga.

chubbycheeks17 - sis, get well soon!oki doki? na excite ako magpatahi ng ento gowns. need ba talaga ako sumama sa ento ko pag magpapasukat sis? di kasi ako masyado trusted sa rosy's pag di ako kasama eh. kaso kasi sabi ni MIL, kahit sila nalang daw ang pumunta dun on Feb, para di na namin isipin ang sched ni h2b. sis, very important ang good relationship with your suppliers. if you hear negative reviews about them, talk with them, para alam mo rin yung side nila. good thing, maganda and mabait ang PV mo. di tulad yung PV na tinutukoy dun sa isang thread. hehe. difference sa 100pax? 1500 din. so 3k for 100pax. dun lang ako sa 1500 sis. haha! the guests wouldn't know naman na it's only for 50 guests. paunahan nalang. kung maubos, sorry nalang. lol. gang dun lang ang budget ko. hahah! ang sama. yup! for printing na ang invites, and i might get it next week! minadali din ako ni h2b, kasi yung ibang set of invites pala, i ship pa sa US. Mark's feeling better na sis. alive and kicking na ulit! haha! it's nice to know that you are taking advantage sa pag prepare ng maaga. it's a good thing sis. and don't mind people na nag sasabi na bakit ang aga mo nag prepare. hands on b2b tayo eh! and okay fine, ako na ang magaling mangpressure!!! bwahahaha!!!

ylronchar - bro, i salute you :) and happy ako for your brothers. maganda opportunity nga yung ganon. are you willing to get a proxy ba? if not naman, pwede parin naman kahit wala. ang kinasanayan lang naman kasi natin na norm is may best man talaga sa wedding diba? if it's okay to ask, how about si daddy? pwede daddy ang bestman. ang talagang ginagawa ni bestman sa wedding ceremony is to keep the ring and assist sa pag sign ng marriage contract. but i believe, someone can do it in lieu of your best man. sa pag tago ng ring, pwede ikaw nalang :) samin ganon eh, si h2b ang magtatago ng ring. nasa pocket lang nya.

cerenity_18 - yes sis, mahirap. pero sanayan lang talaga. hehe. at ako talaga ang nakakapresure! haha! i don't know sis, i'm enjoying talaga sa pag plan ng wedding namin. ang dami kong naiisip. kahit alam ko na super limited ang budget namin, go go lang ako. ayaw ko mag paka stress sa wedding preps. dapat yung mga gantong pag pa plan, ineenjoy natin. minsan lang to manyayari diba? :) hhhm, siguro isa sa mga reason kung bakit inspire ako is atat na atat akong magpakasal. ahah!(parang ang landi lang pakinggan ano) lol. hilig ko kasi mag bsa ng wedding magazines dati, siguro na inspire ako dahil dun. isa pa, i started with the wedding preps last quarter ng 2010. biruin mo kung gano ko katagal naghintay!!! good thing, di pa ako nag sasawa. super excited parin ako. hihi! abotu sa kumpil sis, pwede yun before the wedding. pero make sure makuha nyo yung certificate a before submission ng mga documents sa church. may mga churches dito satin na madali lang ang confirmation process. yung iba kasi, may mga seminar pa. ako as far as i can remember, parang 3 sundays ang seminar ko nun. hehe. di ko nga lang sure if may extra requirements if non-citizen. about sukob, yup naniniwala ako dun. pero di sukob sa wedding, but rather sukob sa patay. hehe. :D pero sa case mo sis, half sister naman pala eh. kebs na yun! ;)

juice406 - sis, isang bonggang malaking congratulations ulit! i am so happy for you! parang kailan lang!!! ;) and nakakatouch yung father daughter dance nyo. yung nabasa ko tong post mo, parang naluluha ako. namiss ko bigla papa ko. tagal ko narin di sya nakikita. (nasa ibang bansa kasi, andun sa family nya. hehe) grabe, iba talaga ang bloom ng girl pag kinakasal! i love your wedding pics sis!!! mwah!

lucky_m+d - sis, namiss kita! naku na move kagad. ang lapit na kagad! sis, penge ako ng email address mo. i'll send you the checklist na ginagamit ko. big help yun.

cristal28 - hi sis! correct, during bridal fairs, halos sila sila lang din ang nandun. hihi.

princeszheng - natawa naman ako sa banat mo na mabagal. hehe. January 21, what time yun sis? pag maaga, i might go there after my shift. i'm looking for ribbons kasi na mura eh. yun lang naman ang bibilihin ko dun. ayaw ko talaga pumunta dun dahil i know madami ako makikita at baka may mabili ako na kung ano ano, kaso ang mahal nman kasi ng ribbons sa NBS eh. medyo marami kasi ang bibilihin ko. omg, ilan days lang ba validity ng cenomar sis? we're planning to get one kasi this weekend sa SM. di naman super nakakainip yung pila sis, kasi sa loob naman ng mall. actually pang 5 kami sa pila, and naka upo naman kami. kaso nga lang, yung nauna sa line, for registration ng business kaya super tagal. pero usually, mga less than 5 minutes tapos na yun dapat. ;) re: weddign preps. ano ano na ba ang nabook mo sis? may planner ka ba? as in planner na sinusulat or thru PC lang (like spreadsheet) kasi ako i never use a planner talaga, lahat ng to do's ko, sinusulat ko lang sa piece of paper na laging nawawala. so i decided to get a planner (buti nalang suki card holder ako, kaya may free planner ako sa mercury drug) haha! and dun ko nilagay lahat ng sched ko. tipong when to get the invites, when to distribute, print the misalette, meet up with emcee, etc etc. kasi mag online ka tumingin ng mga to do's mo, minsan incomplete yun eh. wag na masad sis ha.

michiness - sis, IMY! ang lapit na rin ng wedding mo sis. nakaisip na din ako ng alternative sis for the pillow. buy ako ng box sa papemelroti then i pa customize ko nalang sya. 20pesos lang naman ang additional fee eh. para maiba naman. hehe. i hope di ka na stress ngayon sis! bawal ma stress lalo na pag papalapit na ang wedding. ;)

akin_dc - yung isa kong ninang sis, yun ang kamag anak namin na nagpautang samin para lang makapag march ako nung graduation. hahaha! so sabi ko, pinag march nya ako nung graduation ko, so ngayon, ako naman mag papa march sa kanya. hehe :D

akin_dc

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #157 on: January 13, 2012, 01:00:09 am »
@ lanna_dyan ako hindi ko talaga naisip ang styling, wala akong kamuwang muwang tungkol dun. haha! tas ang pinagdecide kasi namin sa caterer ay ang mommy ko, mama ni h2b at sister nya.. hihi. ;D kasi hindi namin alam pano pipili eh.. Wala pa rin kami stylist, Flowers Unlimited palang ang nameet namin ang ambigat na sa bulsa.. Buti nga willing naman si h2b na gumastos sa styling. Gusto kasi nya ng magandang styling, mabulaklak saka madahon. :D pero ang nicheck ko nuon online, 4th Wall (I inquired sa Multiply site nila, but no response), Eve & Co. (mukhang ekpensib).. I forgot ano pa yung nilist ko noon. Pero ayun nga, based sa mga research ko dati inexpect ko na na 50k minimum sa styling na.. nun nagpaquote kami, almost 90k pa pala! ack! :o pero yung 2nd option na style, 65k yata... *sigh* kaya naman daw yata ng Hizon's ang styling na gusto ng client. Ang lagi kasi sinasabi ng AE namin, yung planner na daw ang bahala sa aspect na yun.. So kahit anong tanong namin sa kanya about sa styling or sa upgrades blahblah, pag nakausap nalang daw namin ang planner. :)

@ katrinac ngayon ko lang nafigure out kung ano yung AFAIK. hahaha! ang slow ko lang! hahaha! ;D

May konti akong chika.. Nagmessage na sakin kanina ang WC namin, pero sobrang saglit ko lang din sya nakausap.. well at least it was good to hear from her. Couture ko rin nagmessage kanina sa YM. haha! sabay pa silang online kanina.. At least assured ako na hindi nila nalilimutan na may client sila dito na nagaabang ng balita from them. :p

katrinac

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #158 on: January 13, 2012, 01:08:32 am »
akin_dc mahal talaga styling sis, lalo na kapag may theme kayo sa wedding nyo. kaya if gusto makatipid, try nyo nalang kuha ng florist na magaling mag ayos ng venue, for sure, mapapaganda yun nag sobra! :) nakakatuwa if we get to hear from our suppliers ano? yung assurance na binibigay nila satin, super laking help talaga!

akin_dc

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #159 on: January 13, 2012, 01:18:49 am »
^ yun nga eh, parang gusto ko tuloy maghagilap ng magaling na florist sa Dangwa.. Kasi mommy ko rin nagrereklamo parang ang mahal daw ng charge samin for styling.. eh nagustuhan naman namin ni h2b pareho. Sabi tuloy ni h2b, wag ko nalang daw kasi sabihin sa mom ko yung mga presyo para walang reklamo. Hihi.  :P eh pano si h2b tamaditis din maghagilap, kaya okay na sa kanya yun. Haha! hay nako talaga.. oo sis, tama, malaking tulong ang simple message from suppliers. :) okay na ko sa simpleng update kasi mejo matagal pa naman.. pero pag malapit lapit na, bonggang kulitan na dapat. ;D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close