Hello BBBs! Grabe, 1 day lang ba akong di nakadalaw, 4 pages backread na. hehe. Kaya hirap makahabol eh. Buhay na buhay ang bahay!
Sis
ez4gotten, tenchu sa pag-appreciate ng invites namin. Yung map ba na ginawa ko is mahirap basahin?

Actually, kaya ko siya nilagyan ng mga icon/clip arts is para nga hindi na need pang basahin. Pag nakita nila yung sign ng Shell gasoline station, or SM or Robinson's eh alam na agad. hehe. Anyways, we wanted kasi na mejo modern at colorful para bumagay sa theme nung invitation. Since mas preferred ni Papa P ang formal, then go lang.
Sis
cerenity, PM mo lang me if may questions ka about our invitation suppliers.

At nagulat naman ako sa kwento mo na pati PS eh may bayad per head in excess of 1 pair. Sa church naman namin, walang ganun na charges. Hanggat maari daw is i-limit sa 6pairs. Then choose 1 pari na pinaka-ninong at ninang.
Thanks sis
akin_dc! Yung layout was done by a good friend. Digital printing lang kasi ang specialization ng FansDigital. Pero parang meroon din silang customized envelopes pero mahal. Kaya gora kami sa divi to find something affordable.

Pero yung sa Recto, complete set na yun for P70/pc. Need kasi talaga naming pagkasyahin yung pledge ng kuya ni h2b na 5k for the invitations kaya we opted for 2 sets na lang, bukod sa VIPs and entou, at bukod din sa guest. Re PS, ask your church din if may limit sila sa number of pairs. Baka kasi super dami ng ininvite ni mommy po, yun pala the Church only allows up to 12 pairs lang.

Pero siyempre, more PS means more "support" LOL.
Sis
marigie, naku di na niya nabanggit. Pero siguro, masarap naman since yun ang napili nila na caterer. Yun nga lang, pagdating mismo ng event, wala talagang iced tea na nai-serve.

Re Tamayo's, wala pala akong soft copy ng packages nila. Maybe yung ibang sisses natin meron ng latest rate.

Aaayyy.... May update na pala re Verleo. Don't worry sis, makakahanap din kayo.

Yung caterer na talagang meant to be.
Sis
meandmyhoney, goodluck sa prenup shoot!

Share your pics huh.
Sis
chubbycheeks, salamuch! You have enough time pa naman to decide kung anong layout ng invites ang gusto nyo ni h2b mo. Keep searching for ideas at pasasaan ba, mapapa-this is really is it ka. hehe...

Dapat nga kay sis simplyme din kami. Kasi mas cheaper yung quote niya. Kaya lang, di sila pumayag ng mock print. Eh very important sa amin ni h2b na makita muna yung printed layout ng invitations before mass production. And yes, re suppliers, okay lang na ngayon ka maging undecided. Kasi once na nai-book mo na, mahirap na talagang mag-backout. Yung dad ko, di naman masyado. Pero wala kasi kaming car ni h2b. So pag may lakad kami na mahirap talaga mag-commute, nagpapasama kami sa kanya. Ginawa daw bang driver si daddy. LOL. Basta wag lang siya gugutumin. Kaya kahit saan niya gustong resto na kumain, pinagbibigyan namin. hehe... Pero nalulungkot naman ako sa kwento mo about your dad.

At least you were kind enough to introduce your fiance to him. Let go na lang friend para less stress. Pero If I were you, bibigyan ko pa rin ng invitation. Aba! magregalo man lang siya no kahit di siya umattend. LOL. Just joking. Pero half-meant. hehe...

Sis
katrinac, wow! Congrats naman sa super successful na pamamanhikan!

And oo, half day lang ang pre-cana. hehe. Dun daw sa Imus Cathedral, 2 days pa nga. Pero so far, okay naman kasi magagaling yung speakers. Wala na nga lang mga activities. purely discussion. Good luck din pala sa upcoming prenup shoot! Re entou's gown, the earlier, the better sis. Para less hassle na.

Re replacement for pillows, si sis blueflame gumawa siya ng flower bed. Hangkyut! Gusto ko nga din sana pero since 1 month to go na lang kami, keri na ang unan. LOL.
Sis
lanna, so glad to hear na madami ka ng naibook. Congrats sa mga accomplishments. Tenchuness din sa pag-appreciate ng invites namin. Yung layout was done lang by a good friend of ours. Re passport and boarding pass type ng invitation, wag mo naman sabihing corny. LOL. Common, oo. Pero baka naman kasi super deep ang meaning nun kay h2b mo. Naks!Tsaka minsan talaga, need ding pagbigyan ang mga jowa natin. sa min kasi, ang gusto kong flavor is carrot-walnut. Pero nag-insist si h2b na belgian choco. O siya, pagbigyan na at almost sa lahat naman eh ako ang nasusunod sa preps. tee hee!... Btw, we got Eloquente po. Minus the styling. Pero I gave them pegs of my preferred arrangement for the PS tables, couple's and guests' table at pasok naman sa standard nila.

Wala naman kasi kaming specific theme. Color motif lang.

Welcome sa thread sis
dianneloraine!
Sis
mameejhy, we actually pencil booked Totally mesmerized. Magagaling sila. They are more of a band/choir. Sixtet sila and ang binigay na rate sa amin is 12k for Church and Reception na. Cavite-based sila kaya no OOT fee na sana for us. Kaya lang, we have to let go kasi mago-over budget na kami ng bongga coz we have to pay for their meals pa. So we opted na lang for a Church Choir, Cantico de San Jose, then we're still looking for a wedding singer na lang sa reception.
Re
pamamanhikan, formality lang din to sa amin. Kasi matagal na din namang magkakilala ang parents namin ni h2b eh. hehe... Yung first meeting nila is when we graduated in college. Tsaka dami na din naming naibook, before kami nag-set ng pamamanhikan. LOL. Parang naging get together lang yung event.
Sis
kiz_me, yes po. Open yung altar niya tapos may waterfalls.

Taga-Imus din ako sis. Saan kayo sa Imus? Bakit pala mahirap sa guest sis? I think it's very accessible naman, kahit commute or may car ang guest.

Saan ba ang Church nyo dear? So glad at okay na si baby mo. hehe. Mas okay na ang makulit kaysa maysakit. LOL.

Ay, ayun! Sa Malate Church pala kayo. So meaning, majority ba ng guests nyo is from Manila, kaya mahirap sa kanila na magbyahe pa sa Cavite? hehe... Ako kasi, majority ng guests eh taga-Cavite.

Sis
juice, CONGRATULATIONS and BEST WISHES ng bonggang bongga!

I love the pics! Blooming na blooming ka! You both look so happy and super in love!
Sis
lucky m+d, welcome back! Congrats sa mga accomplishments!

Sis
cristal, we got eloquente po.

Our wedding is this coming Feb na. If sila ang maibu-book mo, babalitaan kita.

Pero so far, happy kami ni h2b that we got them. AE is Ms.Bheng. Super bait. Na-customize namin yung packages depending on our needs. Waived din ang VAT.
Sorry gurls at di ko na nagawang basahin lahat. Hi to all of you na lang! *Wave*