We use cookies to ensure you get the best experience on FemaleNetwork.com. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.
Remember Me
Oops! Sorry!
A message has been sent to
johnjones@gmail.com
Click on the link in the email to set a new password.
Click on the link to activate your account.
mga sis, gusto ko lang maglabas ng sama ng loob ko ulit....since mawala mama ko, wala naman na masyadong problema sa bahay...tahimik...then eto, kakausap lang namin ng bro ko sa fb, sinabi sa akin na isa kong bro 3rd, yung sinundan ko may tb. nagpadoctor sya dahil ilang linggo na ubo nya hindi gumagaling. sabi nya gusto nya magpa doctor kaso nga walang pera, sabi ko sa baranggay center libre padoctor pati gamot libre or kung di man kahit ako na bibili ng gamot. eh gsuto daw nya private para sure na gagaling sya at gsuto nya magaling na doctor ang problema nya wala syang pera...so ako pagagastusin nya sa kanya at buo nyang pamilya pero private....samantalang may libre naman....napaka kuripot kong tao pero mga katapid ko sosyal wala naman pera...haaaayyyy!!!papa ko naman may ubo din. ayaw naman magpatingin sa doctor.si bunso kong kapatid naman di naman daw sya tinatablan ng tb dahil healthy daw sya eh in 2 months kung pumasa sya ng speak test magpapa medical na sya. sabi ko magpa doctor to make sure and umalis na sa bahay at mag apartment na lang muna sya habang naghihintay sa papel nya just to make sure na wala syang prob pagdating dito.yun po ang problema sa bahay...at ito po ang pinagmulan ng problema ngayon:mama ko nagkaroon ng tb bago sya pumanaw. ilang buwan syang inuubo di nagpa doctor, yung sobra ng malala at nagpa doctor saka nalaman na tb after ilang araw after magpa doctor pumanaw mama.after ng libing sabi ko lahat ng gamit ni mama tanggalin na at yung room nya linisin maigi at i dis-infect ng klorox. walang ginawa. nilinis nga walis lang ni hindi nag dusting. mga beddings, unan, lahat andun pa rin. tapos dun natutulog yung bro ko na may tb ngayon. sabi ko linisin na room ni mama. alisin lahat ng gamit....ayaw....gamit daw ni mama yun. alam nyo mga sis, marami siguro sa inyo sasabihin masama akong anak , ganito ganyan....ang sa akin lang at sinabi ko ito sa mga kapatid ko we have to be practical ang memories ng isang tao ang importante hidni yung gamit. tama na magtago tayo ng isang bagay na magpapa alala sa atin ng mahal natin sa buhay pero yung lahat ng gamit na maaring maging hazzard sa health natin dapat isipin din ng mga kapatid ko yun hindi puro emosyon pinapairal nila. katulad ngayon hidni makakapag trabaho kapatid ko dahil sa tb nya then maaaring pamilya nya mahawa rin.ewan ko ba. pasensya na kayo at gusto ko lang maglabas ng sama ng loob.