watch now

Author Topic: frustrations sa mga kapatid.  (Read 42500 times)

lonelymiss28

  • Guest
frustrations sa mga kapatid.
« on: December 16, 2011, 09:38:52 pm »


i just want to share my frustrations sa mga sibings ko. i have 4 siblings na puro lalaki 3 are older than me and one 14 years younger (23 yrs old). nakaka frustrate lang mga sis kasi 3 sa kanila tinulungan ko na makapag abroad (Canada), may employer na, LMO (labor market opinion), then ako pa gumagastos sa lahat pati pamilya nila kasi nga pag naglakad ng papel di muna nag work para maayos paper nila so kung magkano sinusweldo nila yun din pinapadala ko plus yung gastos sa paperworks, pamasahe, miryenda etc. iba pa yun. kasi kung di ko papadalahan ng pera para doon ang idadahilan walang pamasahe kaya di nalakad yung papel etc.

Nakaka frustrate mga sis kasi sasabihing kumpleto na sila ng paperworks at LMO na lang ang kelangan para maipasa sa embassy yung docs then pagkatapos kong ipadala LMO, saka sasabihing lalakarin pa nila yung ganito ganyan kasi di pa kumpleto samantalang they have all the time to do that while waiting for the LMO na galing Canada.

Once maipadala ko na LMO (at nagkukumahog akong ipadala yun), wala ng update samantalang mayroon naman kaming magic jack, fb, e-mail ako pa tatawag tru landline dahil di nag oonline, at yun ang sasabihin na marami pang aayusing papeles, at di maayos ayos dahil may sakit anak, or umuulan, masyadong mainit sa labas etc. after 3-4 months malalaman ko na lang na di nagpasa ng papel sa embassy dahil di na lang daw aalis (3rd brother) and yung isa (eldest) talagang di nagpasa ng papel at sinabing nagpasa ng papel at ito yung latest (bunso)na di pa kumpleto ng papel (kakausap ko lang sa kanya 30 mins ago) dahil i e-mailed him the LMO yesterday.

I was very upset when he told me na di pa pala kumpleto mga papeles nya samantalang di na nga sya nagwo-work para may time syang asikasuhin docs nya, and sinabi lang nya sa akin kanina samantalang sabi nya last time kaming nag-usap na LMO na lang hinihintay nya and kumpleto na papeles nya. He even told me na di daw ba ako nag-iisip na baka one of this day ay magbago isip nya at ayaw na nyang mag-abroad, so I told him na walang mawawala sa akin kung di sya mag-abroad pero sa kanya meron at yun ay opportunity.

Kaya nya sinabi iyon dahil upset akong kausap sya dahil di pa ayos papel nya.

Mga sis, ang di ko maintindihan, na sobrang dali na sa kanila ng opportunity di pa nila maisip mag abroad samantalang mahirap lang kami sa pilipinas. nakikitira lang mga siblings ko sa apartment ng parents ko na one bedroom at marami silang anak. Kaya sobrang naaawa ako sa mga pamangkin ko na di man lang nakaranas ng maginhawang buhay. All of them nga pala ay working sa call center sa makati at taga valenzuela kami so pamasahe na lang magkano na, pagkain pa.

2 sa kanila ang papel ay caregiver (ako ang employer) at yung isa ay provincial nominee (buong pamilya ang pwedeng pumunta dito). Yun lang kasi ang kaya kong itulong na papel sa kanila dahil mahirap talagang makapaghanap ng employer dito na kukuha sa ibang bansa ng tao. So kung ano lang ang magagawa ko to help them ay yun lang makakaya ko. Yung mga time na ayaw pa nilang pumunta dito ay kinuha ko friend ko as caregiver at ngayon ay inaayos na nya resident status nya dito pati family nya.

Mga sis pasensya na po kayo sa mahaba kong sulat dito. Siguro ang lesson sa sulat ko na ito ay kung mayroon mang tumutulong sa atin in one way or another, ang pinakamagandang sukli natin sa kanila ay pagandahin natin ang buhay natin para naman masabi natin na di sila nagkamali na tinulungan tayo.

ysa.belle

  • Guest
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #1 on: December 17, 2011, 09:34:46 pm »
ang hirap ng tulong ka ng tulong but yung mga tinutulungan mo wala naman atang care sa ginagawa mo for them.

angel_babyteen

  • Guest
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #2 on: December 17, 2011, 10:59:52 pm »
Sayang,ang swerte swerte sana ng mga kapatid mo :-( sana marealize nila opportunity na pinapakawalan nila,dami dami nagpapakahirap sa mundo makarating lang sa ibang bansa at magkaron ng magandang buhay :-( isa na ako dun.try mo ulit sila kausapin,sabihin last chance na yun,di ka na tutulong ever pag pinakawalan pa nila yun.

lonelymiss28

  • Guest
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #3 on: December 19, 2011, 01:58:51 am »
thanks sisses sa pag read ng mahaba kong message. Ang hindi ko maintindihan ay bakit di nila maisip ang opportunidad. Napaka hirap mag abroad malaking pera ang kakailanganin, samantalang sila di na nila iisipin san kukuha ng panggastos, employer, ang gagawin na lang nila magpasa ng papel sa embassy dahil direct hire sila.

Kung katulad lang dati ang pagkuha ng tao sa pilipinas like 4 years ago marami pa akong matutulungan kaso bukod sa mahirap na ngayon ay magastos pa. and it takes time dahil processing ay 1 year then contract ay 2 yrs so every 3 years ako pwede mag hire ulit.

About sa pagbibibgay ng chance sis at kakausapin sila ng masinsinan, ginawa ko na rin yun yung isa sa kanila 2 papel na ang nakuha ko para lang makapunta dito. Yung una direct hire sa fishery as contract worker then umayaw dahil gusto daw nya lahat silang pamilya so naghanap na naman ako ng way so naisip ko provincial nominee then pinasok ko papel with employer sa carehome na walking distance lang sa amin para di na sila mamamasahe at malaki naman ang sweldo.

Yung pinapakuha ko na docs including their 2 kids, nakupo picture lang di pa makapag pakuha sa studio it took them 2 months para lang mabigay pics sa akin and another 2 months for passport dahil wala raw silang time samantalang sis-in-law ko ay wala naman work pero di raw makaalis dahil gusto kasama si brother ko. Ang hinihingi ko na lang sa kanila time to work on their docs di pa nila magawa ako na gumastos lahat dahil pag di ko gagawin yun sasabihin nila kaya sila di makaalis ay walang pera...grabe talaga as in grabeh ... kulang na lang ako pa aayos ng papel nila sa pinas kaso di ko magagawa yun dahil andito ako.

Iniisip ko baka ako ang may problema pero sa totoo lang nakakarinig sila ng di magandang salita sa akin pag sinabi na nilang di sila tutuloy sino ba naman ang di makakapag salita ng masakit eh sayang yung opportunidad na papakawalan nila yung pera mapapalitan iyon pero yung opportunidad napaka hirap hanapin yun.

Minsan nga may nababasa akong gusto talagang mag abroad yung mga sisses nating naghahanap ng opportunidad para lang gumanda ang buhay sa ibang bansa, naiisip ko tuloy kung ganyan lang sana kapatid ko matagal na silang andito or kung kapatid lang sana kita andito ka na. kaso minsan unfair talaga.

angel_babyteen

  • Guest
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #4 on: December 19, 2011, 07:26:22 am »
^hindi sila interesado,ginawa mo na part mo,wala na silang masusumbat sayo,bawas bawasan mo na rin padala sa kanila para di sila umasa,bayaan mo silang panindigan choice nila,kung sumbatan ka sumbatan mo din,hehe :-P sana ate na lang kita para di ako nagpapakahirap dito makapunta lang dyan :-)

ldrwifey

  • Guest
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #5 on: December 19, 2011, 08:28:56 am »
di maayos ayos dahil may sakit anak, or umuulan, masyadong mainit sa labas etc.

dito ako inis n inis... ang daming dahilan, para talaga sakin katamaran lang ang ibig sabihin ng ganyan klaseng rason.

lonelymiss28

  • Guest
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #6 on: December 19, 2011, 09:49:11 am »
Angel Babyteen: malamang nga na hindi sila interesado. Saka pinag-iisipan ko na rin na bawasan padala ko sa kanila. Unfair minsan ang life di ba? kaw tong nag-iisip ng paraan makapag abroad compared sa kanila na andyan na lahat nakahain na kakainin na lang, isusubo na lang di pa magawa.

ldrwifey: sinabi mo pa. nakakainis di ba pero i still keep my cool dahil nga pag may masabi akong di maganda baka magbago na naman isip pero nong sinabi nila na di na lang sila pupunta (dahil ang dahilan nila ay baka sa US na lang sila pupunta) dun ako nakapag salita ng di maganda sa kanilang mag-asawa. I told them na hwag silang magsasabi ng isang bagay na di naman pala sila seryoso dahil may mga tao akong pinakiusapan para lang sila makapunta rito.

ldrwifey

  • Guest
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #7 on: December 19, 2011, 11:13:35 am »
ikaw n nga yung nakakabata ikaw pa ang umiintindi sa kanila... para sakin lang talaga we always have responsibility to our parents, pero s mga kapatid WALA!!! once n bumuo n sila ng mga sarili nilang pamilya dapat maging responsable n sila sa buhay nila.

pandalicious

  • Guest
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #8 on: December 19, 2011, 11:40:59 am »
first thing first sis, gusto ba nila mag-abroad? baka naman kaya wala  silang kagana-gana mag ayos ng papers nila kasi wala naman silang interes. kahit sabihin pa na mas maganda opportunity sa abroad, may mga tao talaga na ayaw umalis ng pilipinas kahit gano pa sila kahirap dito. sa totoo lang ako nanghihinayang sa tulong mo sa kanila, sana ako na lang kapatid mo! LOL! i agree with our other sis here, bawasan mo padala sa kanila, or tigilan mo totally, kung tutuusin wala ka namang obligasyon padalan sila, may sari-sarili na silang pamilya right? para naman panghinayangan nila yung mga itinulong mo noon.

enelym

  • Guest
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #9 on: December 19, 2011, 01:46:32 pm »
sis lonelymiss28, tanungin mo sila kung gusto nila magwork dyan. yes or no lang naman ang sagot. no ifs and buts. sa tingin ko kasi ayaw talaga nila. kung gusto kasi, magkukumahog mga yan sa pag aayos ng papers. i-adopt mo na lang ako sis. lol :)

whitelady17

  • Guest
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #10 on: December 19, 2011, 02:30:12 pm »
sis, sayang naman ang effort mo kung ganyang response ang nakuha mo. Maybe next time eh pag may tinulungan ka na kamag-anak or friend, ask them kung talagang desidido silang umalis ng Pinas, and siguro dapat sila na rin ang gumastos ng mga processing, kasi diyan pa lang makikita mo na kung pursigido ang taong tutulungan mo eh, or another way eh hingin mo na muna lahat ng requirements bago ka maglabas ng pera. Nakakapanghinayang ang time, effort at expense na nilabas mo, and yet in the end ayaw pala nila umalis kaya daming dahilan.

Kaya siguro hindi sila masyado nag eefort kasi iyong gastos eh hindi naman sa kanila galing, then sustentado sila kahit walang work, basta kunyari completo na ang documents nila. Hopefully pati ikaw sis maging firm sa decision mo na bawasan ang padala nila, para in a way maramdaman nila na seryoso ko sa sinasabi mo.

lonelymiss28

  • Guest
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #11 on: December 19, 2011, 09:48:41 pm »
ldr wifey: Sis, korek ka na wala tayong responsibilidad sa mga kapatid natin dahil di ko naman talaga sila pinadadalhan ng pera kundi yung mga gastusin nila sa applications and docs and everything that goes with it lang dahil kung hindi di nila talaga kakayanin ang gastos dahil talagang mahirap lang mga kapatid ko at maraming anak. Di nga ako nagpapautang sa kanila dahil kung gagawin ko sa isa dapat gawin ko sa lahat dahil magkakaroon ng inggitan.

pandalicious and enelym: Dati ko pa sila encourage mag-abroad like libre schooling dito up to highschool, libre hospital etc. madaling maghanap ng work basta masipag ka lang. I even told them I will give them my car may bahay na silang matitirhan ng libre hanggang wala pa silang bahay. maisipan lang magpunta dito eh pero I never pressure them na pumunta dito hanggang encouragement lang ang ginagawa ko.

Ganon pa man, wala rin ayaw pa rin. Saka sabi ko yun lang itutulong ko sa kanila na ako bahala sa lahat pag maisipan nilang mag abroad then yun hanggang sila na nagsabi sa akin na gusto nga nila and that was 2006 then inayos ko na docs nila here.


During those time, sobrang dali lang makapag sponsor at dami akong kilalang willing to help kaso ngayon ang hirap na at mas malaki at maraming babayaran ngayon .

whitelady: Alam mo sis as much as I would like to help others di ko na magagawa pa yun. Bukod sa ang hirap kumuha ng LMO ngayon, maraming requirements ang dami pa nilang ni add na gastusin.

Before to get an LMO it would only take me 1 month then may LMO na, ngayon 4 months, dati kung 10 pages lang ang fill-up mo, ngayon 50. may doctors certificate, lawyer etc.... dati ang gastos lang namin yung sweldo at tax na about $1,700+, ngayon may med and dental insurance, at may worksafe fee pa na at least $150+. wala pa dun yung pagkain. Magkano sa peso yung isang buwan at least P80K. ok lang sana kung mayaman kami eh simpleng buhay din kami dito, nagkataon lang na sobrang matipid kami kaya nakakaipon kaming mag-asawa kahit papaano.

So yung hassle nung gagawin ko para lang to help Im gonna have to ask myself talaga na its worth it ba??? Kung kapatid ko I would say talagang worth it kaso pag ganon-ganon lang sa kanila ang pag ayaw nakakapanghina talaga as in....haaaaaayyyyy!!!!

Amphitrite

  • Guest
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #12 on: December 20, 2011, 01:44:09 am »
Sis kapag gusto madami paraan, kapag ayaw madami dahilan.

Kaya sa tingin ko AYAW naman ng kapatid mo na umalis ng pilipinas at pumunta dyan sa iyo. Sa tingin ko kailangan mo na tigilan ang pagtulong sa kanila kasi wala naman sila balak tulungan ang sarili nila eh.

leelou

  • Guest
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #13 on: December 20, 2011, 02:18:43 am »
hi sis! as mentioned ng iba natin sissses, baka nga ayaw talaga nila mag-abroad in the first place. nahiya lang sila siguro aminin sayo nung simula. maraming dahilan kase ang mga taong ayaw or di interesado. kainggit naman yang mga siblings mo. yun iba katakot-takot ang paghihirap makapag-abroad lang samantalang sila may ate na tumutulong sa kanila. sana naging ate din kita :D

lonelymiss28

  • Guest
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #14 on: December 20, 2011, 05:15:49 am »
Amphitrite: Sis, last na yung bunso kong kapatid. Pag di pa sya nag seryoso talagang titigilan ko na ang umasa pang may kapatid akong mag aabroad. Di na rin ako magpapadala ng pera sa pinas. Kung talagang ayaw nila malamang na komportable ang buhay nila dun sabagay dito nga naman di pwedeng patambay-tambay ka lang dahil wala kang kakainin at pambayad ng bills. Package na lang ang ipapadala ko sa kanila.

leelou: Di ko lang alam kung nahihiya sila kasi mas nakakahiya ang magpaasa sa wala. Totoong nakakainggit sila pati nga ako naiinggit sa kanila dahil nagpunta ako dito walang tumulong sa akin lahat sarili kong gastos.

Marami akong kilalang nagpupunta dito na nag agency, ang bayad US$3,500. Pagdating dito wala pang trabaho, walang matuluyan, walang kilala. kawawa talaga!

3 sa siblings ko mga KUYA ko.

whitelady17

  • Guest
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #15 on: December 20, 2011, 10:49:11 am »
anyway sis, I ready mo na lang ang sarili mo, sa magiging outcome sa bunso ninyo. Hopefully eh maging successful ka na jan.

dimplesgon

  • Guest
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #16 on: December 20, 2011, 05:40:45 pm »
sis lonelymiss28,

Mukhang ikaw lang naman talaga ang may gusto na pumunta sila dyan. Have you really ever asked them if gusto nga ba nila mag abroad? Sumagot ba sila ng OO, gusto namin?

Kasi it really shows na ayaw talaga nila eh, so why bother and waste your energy and effort?

Ok tapos na yung sa iba mong mga kapatid, nagawa mo na yun eh, then hindi sila naki-cooperate.

Eto na lang yung sa youngest brother mo... parang ikaw ang naka mindset na gusto nga nya mag abroad sabi mo kasi
last na yung bunso kong kapatid. Pag di pa sya nag seryoso talagang titigilan ko na ang umasa pang may kapatid akong mag aabroad.

Have you really asked your yongest brother if interested sya at all?
Kasi hindi naman talaga pare-pareho ang mga goals ng bawat isa,
hindi same ang way how each one of us wants to live our life.

If you felt (before) na ang pag a-abroad ang solution to live comfortably,
baka sa mga kapatid mo hindi naman ganun ang pakiramdam nila.
Baka they really wanted to stay here sa pinas.
Kasi kahit anong pag convince mo sa kanila - if talagang ayaw nila - wala din talaga.

Kasi in your post, sinasabi na pala mismo na ayaw nila eh...

Yung una direct hire sa fishery as contract worker then umayaw dahil gusto daw nya lahat silang pamilya

sa totoo lang nakakarinig sila ng di magandang salita sa akin pag sinabi na nilang di sila tutuloy 


I was thinking nga baka in the end pag nagalit at na fed up ka na dahil ayaw nila gawin ang part nila para makapunta dyan - baka ikaw pa ang masabihan na "ikaw lang naman ang may gusto na pumunta kami dyan, or ikaw lang naman ang nag volunteer na gumastos nang lahat ng yan"

- which sana huwag naman mangyari, pero alam mo yun, may possibility na ganun.

So siguro, tama na talaga, stop na...Now if bigla silang nag change nang mind nila at napag isip isip nila na gusto nila mag abroad - wait for them to ask for your help, para clear na sila mismo ang may gusto.

lonelymiss28

  • Guest
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #17 on: December 20, 2011, 09:53:10 pm »

whitelady17: Ni ready ko na nga rin sarili ko if ever umayaw man sya.

dimplesgon: Lam mo sis, before noong bago pa lang ako dito sinasabi ko sa kanila mga perks dito pero di ko sila sinasabihan or pinipilit na pumunta na sila dito at ako bahala sa lahat wala kayong po-problemahin.

after 4 yrs, saka sila nagsabi sa akin na tulungan ko silang makapunta dito dahil hirap na hirap na sila sa pilipinas. Wala raw asenso buhay nila etc. Then saka ko pa lang sasabihin sa kanila na sige ako na bahala then yun na!

Tama yung sinabi mo na once na sabihin nila sa kin na gusto nila mag-abroad naka mind set agad sa akin na seryoso sila kaya ginagawa ko yung mga ginagawa ko at ganon na lang din ang frustrations ko.

Tama rin yung sinabi mo na I really do feel na comportable life ko dito kumpara sa pilipinas and sa mga kapatid ko I dont know if they realize that kasi nakikitira silang lahat sa parents ko and may trabaho man sila or wala nakakakain sila ng 3 times araw-araw dahil syempre di sila matitiis ng magulang ko. At alam nila na dito ay di nila magagawa iyon, wala ditong pwedeng utangan pag kinulang budget mo etc.

Isa pa sis sa iniisip ko about sponsorship ay yung requirements namin dito. Im not getting any younger, and so as my husband.

To sponsor somebody sa pilipinas it takes time (2 yrs) from the time na umpisahan ang papel dito hanngang makarating dito yung tao. and another 2-3 yrs para maka apply ng resident status so that is 4-5 yrs.

In 10 to 15 yrs mag re-retire na asawa ko and ako mag early retirement na rin so di na namin ma-meet ang requirements financially (dahil na rin sa laki  ng bayarin to have somebody here). So kung someday ma-realize nila na magpunta dito kung di na namin kaya wala na rin. Kaya ganon na lang ako kung magkumahog sa pag-asikaso ng papel nila. (literally)











ayeex

  • Guest
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #18 on: December 21, 2011, 02:48:43 pm »
Habang binabasa ko ang "hinaing" ng mod, nararamdaman ko ang frustration nya at hinanakit. Ganyang-ganyan kasi ang dinaranas ko sa bunso kong kapatid ngayon. Bakit ganun, tayo na tumutulong parang tayo pa may utang na loob sa kanila, na parang obligasyon nating tumulong komo tayo ang mas nakakaginhawa. Masama lang talaga loob ko ngayon at sana naman umayos na ang mga kapatid natin ano.

lonelymiss28

  • Guest
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #19 on: December 22, 2011, 10:28:00 pm »
Korek sis, if you dont mind me asking. ano ginawa ng kapatid mo na nakaka frustrate???

At totoo na sana umayos buhay nila. Sana dumating ang araw na di na sila aasa sa mga magulang namin at maging successful sila pati na mga anak nila.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close