watch now

Author Topic: Baby Due in January, February, & March 2012 - Part 5  (Read 110945 times)

ladylucille

  • Guest
Re: Baby Due in January, February, & March 2012 - Part 5
« Reply #340 on: December 28, 2011, 05:20:18 pm »
mga sis,

nakabili na kayo diapers ni baby? 

i'm trying to look sa multiply sites and there are imported brands pero cheaper.  parang overruns.  may naka try na sa inyo nun? ay question ko po 'to sa mga may baby na.  first time mom kasi ko.

simplyshao

  • Guest
Re: Baby Due in January, February, & March 2012 - Part 5
« Reply #341 on: December 28, 2011, 06:44:24 pm »

^ sis, nakabili na kami ng diapers ni baby kaso sa mall kami bumili. 2 packs na tig 30 pcs. p lang ang nabili namin. Try searching sa multiply madaming nagsell ng diapers dun pero mukhang hindi naman overruns.

sis iristacey - gusto ko din bumili ng maternity belt...nabibigatan n din ako kay baby. san mo nabili yung sayo?

sis jp and sis rio - help sisses...nawala ko ang contact number ni tophealth...baka naitago nyo pa...pahingi naman. thanks. ;)

jp_jameop

  • Guest
Re: Baby Due in January, February, & March 2012 - Part 5
« Reply #342 on: December 28, 2011, 06:58:40 pm »
^sis here's the link :
http://www.tophealthmed.com/ourclinics.php

goodluck! :)

simplyshao

  • Guest
Re: Baby Due in January, February, & March 2012 - Part 5
« Reply #343 on: December 28, 2011, 07:03:49 pm »
^thanks sis.  :)

den.nica

  • Guest
Re: Baby Due in January, February, & March 2012 - Part 5
« Reply #344 on: December 28, 2011, 07:52:03 pm »
konti pa lang na back read ko... sinok ba yun yung parang tumitibok yung tummy? tinanong ko kase sa OB ko before akala ko kase heart beat ni baby. sabi nya ugat ko daw yun na nagsusupply ng nutrients kay baby... naguluhan tuloy ako...

bumili ako kanina ng bottle organizer and farlin breast pump sa SM. naka sale kase :D nagkakagulo yung mga SLs lahat nag aalok. avent, chicco, first years etc. ang mamahal ng iba wala sa budget :D kaya nag go na lang ako sa farlin :D

aiz08

  • Guest
Re: Baby Due in January, February, & March 2012 - Part 5
« Reply #345 on: December 28, 2011, 08:39:09 pm »
mga sis, posible ba na magkamali sa ultrasound? sa last ultrasound ko kasi sabi girl.pero sabi ng tita ko feeling niya boy daw.minsan daw kasi parang nakaipit lang yung tutoy ng baby kaya akala girl.. sana di naman nagkamali sakin. "|

ladylucille

  • Guest
Re: Baby Due in January, February, & March 2012 - Part 5
« Reply #346 on: December 28, 2011, 08:56:46 pm »
konti pa lang na back read ko... sinok ba yun yung parang tumitibok yung tummy? tinanong ko kase sa OB ko before akala ko kase heart beat ni baby. sabi nya ugat ko daw yun na nagsusupply ng nutrients kay baby... naguluhan tuloy ako...

ako ba yun?! hehe..  yung sakin sis tumitibok sa left side ng puson ko.  sabi ni ob hiccups daw ni baby yun kasi nagdedevelop na ang lungs nya at nagppractice na sya huminga.

naguluhan din tuloy ako sa comment ni ob mo. 

pina ultrasound ako ob ko yesterday para daw makampante ako.  ang result naman, A-OK si baby girl. 

anyway sis ang impt naman OK at walang negative na comment ang pag tibok ng tummy.  ;)


trizhee

  • Guest
Re: Baby Due in January, February, & March 2012 - Part 5
« Reply #347 on: December 28, 2011, 09:51:30 pm »
pa-add naman sa group mga sis addicted.morena@yahoo.com

den.nica

  • Guest
Re: Baby Due in January, February, & March 2012 - Part 5
« Reply #348 on: December 28, 2011, 10:59:55 pm »
@ladylucille sis laging dun lang sa part na yun may tumitibok? sakin kase paiba iba... pag nagiba ako ng position nawawala sya... hhhmmm maitanong nga ulit. :D thanks sis!

princessrio

  • Guest
Re: Baby Due in January, February, & March 2012 - Part 5
« Reply #349 on: December 28, 2011, 11:01:29 pm »
hey mommies! medyo busy busyhan ang beauty ko ngayon.
mon-tues - nasa laguna ako. tapos gabi ng tuesday, pagdating na pagdating ko, road trip sa star city.
wed - checkup
thursday - will go to quezon province. balikan lang
friday - moa
sat-sun - sa marikina ako magstay.

anyway, nagpacheckup ako kanina. gained 15 pounds na sa buong pregnancy. pinagda-diet ako ni doc  ;D bigla daw lumaki yung baby ko (according sa fundal height). sabi ko, kasi nung last checkup, sabi nya ako ang lumalaki. narinig siguro sha ni baby. so far, so good. every two weeks na din ang checkup ko. continue na lang ang ferrous sulfate and caltrate. OB wanted me to eat rice, instead of bread. tapos yun, monitor ng BP. yun lang..happy naman ako sa checkup namin. i also asked OB kung yung quote nya na 25k-35k for ND eh kasama na ang PF nya. kasama na daw. PF pala ni OB eh 7k lang. that includes yung pedia PF kasi sha rin ang pedia.

natutuwa ako kasi may ibang patients si OB kanina na binigyan ako ng tips (like pwede magrequest na magpapicture or video habang nagdedeliver ako, yung diploma ni baby for footprints etc, na si OB namin ayaw daw ng formula at pipilitin ang breastfeed). sa kanila rin ako nakakuha ng tip kung ano lang ang kailangan kong iready dalhin (like lots of panties saka yung maternity pad, diaper ni baby, few bottles for emergency use, 2 pairs ng damit ni baby). wag na daw ako magdala ng madami. yun lang.

sige mommies! at ako eh borlog na. 2 nights na ako hindi nakakatulog ng maayos. sana naman makatulog na ako ng OK ngayon. ingat ingat sa lahat!

trizhee

  • Guest
Re: Baby Due in January, February, & March 2012 - Part 5
« Reply #350 on: December 28, 2011, 11:46:14 pm »
nagprepare na ko ng mga things na dadalin ko sa hospital.. pacheck naman mga sis kung may kulang pa..

MOM
3pcs undies
3pcs bra
3pcs pajamas
2pcs daster
1pc tshirt

BABY
3pcs shorts sleeves
3pcs long sleeves
3pcs pajamas
3pcs bigkis
3pcs bonnets
3prs booties and mittens
2pcs receiving blankets
2pcs swaddling blankets


alcohol
2packs maternity pads
1pack nb diaper
cotton
cotton buds
lactacyd baby wash
betadine fem wash
baby oil
tissue paper

***di pa ko nakakabili ng ab binder mahal nung mga nakikita ko sa mall 900++..

jp_jameop

  • Guest
Re: Baby Due in January, February, & March 2012 - Part 5
« Reply #351 on: December 29, 2011, 08:24:12 am »
^sis dagdagan mo siguro yung undies mo pa.. tsaka si daddy bakit ala gamit?  tsaka nabasa ko sa kabilang thread, dalhin mo mga docs, plus sample birth cert ni baby para di magkamali sa info...

kaice

  • Guest
Re: Baby Due in January, February, & March 2012 - Part 5
« Reply #352 on: December 29, 2011, 08:40:07 am »
gandang umaga :) bumili din ako ng maternity belt kahapon. 179 pesos sa market market, sogo ang brand. ok naman sya gamitin so far.

documents - inihanda ko na ito, may moch BRITH CERTIFICATE na rin ako na kulang na lang eh birthdate, weight, etc ni baby. yung details namin ni hubby eh ok na just in case walang matinong informant hehe! :)

princessrio - wow 15 pounds sa buong pregnancy?! ako ah 40+ pounds na hehe! 20 pounds agad nung first 3 months. ako yata may pinakamalaking weight gain dito hehe! :)

4D namin later.. sana ok na ang position ni baby kate. really praying na cephalic na kami :)

delivery - dito kasi pwede pumasok ang husband sa delivery room, more so, eh doctor si hubby kaya feeling ko siya ang magca-catch kay baby at papagputulin ng umbilical cord. pictures and videos are allowed with prior consent. yung ibang things provided din ng hospital though may markup na like yung diapers, pads, binders, etc. pati nga digital thermometer eh kasama sa admission kit.

izabelle

  • Guest
Re: Baby Due in January, February, & March 2012 - Part 5
« Reply #353 on: December 29, 2011, 09:00:59 am »
mga sis san pwede maka kuha ng mock birth certificate?

bettyboop1322

  • Guest
Re: Baby Due in January, February, & March 2012 - Part 5
« Reply #354 on: December 29, 2011, 09:07:36 am »
^sis kaice, parang di halata na 40+ lbs. ang nagain mo based dun sa last maternity photos mo...  :D

ako, i gained only 21 lbs. to date, @ 34 weeks, naglose kasi ako ng almost 10 lbs. nung 1st tri dahil sa oa ang paglilihi ko.

Good luck sa 4d U/S ni baby mo sis kaice... :D

Re: maternity belt mukhang di ko na kailangan bumili, grabe ang taas ni baby, sakit na nga ng ribs ko at nakapatong ang boobs sa tyan...  ;D


izabelle

  • Guest
Re: Baby Due in January, February, & March 2012 - Part 5
« Reply #355 on: December 29, 2011, 09:13:40 am »
I only gained 12 pounds kumapara sa pre pregnancy weight ko... yung 4 to 5 pounds pa dun kay baby... nag lose din kasi ako ng 4 pounds during my 1st trimester. ewan ko ba, malakas naman ako mag eat and wala naman talagang bawal saken, except salty foods. pero never naman ako nahilig sa maalat.

my ob is not worried naman kasi tama lang sa weight si baby. Until now wala pa din akong manas and stretchmarks, i'm approaching my 36th week na.

sana magtuloy tuloy hanggang makapag give birth.. may iba daw kasi na after manganak dun tumataba and nagkaka stretchmarks.

kaice

  • Guest
Re: Baby Due in January, February, & March 2012 - Part 5
« Reply #356 on: December 29, 2011, 09:33:30 am »
sis bettyboop-  underweight kasi ako pre-pregnancy hehe! pumayat ako ng bongga during our wedding preps :) di din ako naglihi or what soever. ang problem ko lang, ang hirap maghanap ng clothes, di na kasya sa kin hehe! sanay ako sa fit kung fit na mga damit hehe! eh sayang naman kung bibili tapos 2 months ko na lang magagamit...

sige, papa 4D na kami kahit 2 pm pa ang sked, konti daw tao sabi ni hubby :) baby kate, please cooperate ha, para naman makita namin ikaw before new year :)

ladylucille

  • Guest
Re: Baby Due in January, February, & March 2012 - Part 5
« Reply #357 on: December 29, 2011, 10:06:08 am »
@ladylucille sis laging dun lang sa part na yun may tumitibok? sakin kase paiba iba... pag nagiba ako ng position nawawala sya... hhhmmm maitanong nga ulit. :D thanks sis!

Oo sis dun lang lagi sa part na yun.  Sige ask mo si ob mo baka may iba pa sya explanation.  I-share mo comments nya ha.

ladylucille

  • Guest
Re: Baby Due in January, February, & March 2012 - Part 5
« Reply #358 on: December 29, 2011, 10:15:54 am »
sis kaice,
ako naman 30lbs na gain ko.  i'm on my 33rd week na at parang tumataas pa ang timbang ko. hehe..  ok lang ba yun?  underweight ako when i got pregnant.
buti at doctor si hubby mo.  baka pwede na din sya sa labor room? san hospital ka pala magdedeliver sis?

btw, ask the ob na gagawa ng 4D mo kung ano preparation kailangan.  kasi nung nag pa 4D ako sabi dapat after meal gawin at madami dapat inom ng tubig.  at pinag COKE din ako para daw active si baby.

sis izabelle,
ako din wala pa manas and stretchies! hehe.. apiirr!!  sana hindi nagtatago ang stretchmarks.  baka kasi bigla sya mag appear pag labas ni baby. 

kaice

  • Guest
Re: Baby Due in January, February, & March 2012 - Part 5
« Reply #359 on: December 29, 2011, 10:40:43 am »
ladylucille - st luke's QC ako. ginawa ko na yan lahat, pwera sa pag inom ng COKE, bawal sa kin even before pregnancy.

wala pa din akong stretchmarks, sana di naman magkaroon :) sabi ni hubby di daw manas yun akin, mild form daw ng edema kasi  feeling ko swollen yung feet ko eh... di naman grabe, lakad kasi ako ng lakad :)

naku balik na naman kami after 30 minutes. thank GOD at CEPHALIC na ulit si baby kate. medyo kita naman ang features pero sadyang mahiyain yata talaga itong princess namin, nakaharang yung isang braso, di lang kamay sa face, yun isa eh nag ta-thumbsuck... ayaw pa nung sonologist na yun ang i-print, nandito lang naman daw kami eh... kaya balik kami after 30 minutes, lakad lakad muna, bumalik muna ko sa office. hehe! last day of work today! woohoo!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close