@spoiled_brat, naku binasa ko tuloy ulit ang post mo

wala naman ako makitang malisya or feeling nagpapabongga na gusto mo hangaan ka sa sinabi mo sis.
Nung nagparty anak ko sa shakey's (3rd bday) yung isa sa pinaka-importante na elemento ng party, ang host, e crew na naka-assign sa store. Kung magsalita e parang lahat ng words may letter H

poh, akoh, bhoy sobrang bakya pero sigeH lang

pa-start kasi ng jejemon yata nun 2009.
Ang offensive ng ibang games (e.g. Longest line according sa waistline, sa age - e hindi naman lahat magkakakilala so magtatanungan e baka meron matured looking pero bata pa pala d ba? Tapos sya ang mauuna sa line, magkokomento pa ang host. Ang harsh na experience sa bisita d ba?) I tucked away that info na no more jologs hosts sa future. Pero nung time na yun na nagpaparty hindi ako na-upset. Nag-enjoy na lang ako kasi nandun na

I managed my expectations lang.
Yung lootbag e dora theme lang na binili sa divi pero ang contents e nilagay ko yun sa shakey's

nag-add lang ako ng kaunti wala kasing edible yun sa shakey's.
And yes, isa ako sa naniniwala na walang masama kung puros sa shakey's lang ang party items (or puro jollibee/mcdo lang) kasi yun nga ang reason bakit nag-offer sila ng party packages para stress free na sa parents

Nag evolve lang masyado ang kiddie parties naging benchmark pa mga anak ng celebrities
@twelve5, I know exactly what you mean sis. Parang kakaiba na mga kiddie parties ngayon at thankful ako I have friends na nagsasabi sa akin na kiddie party ang piniprepare ko kahit 7th pa

(I almost paid the DP @1esplanade buti na lang kinatok ako sa ulo nila pinkpotato, marose, atbp)
Anyway, isa sa napansin ko kapag FF party hindi sanay ang crew/host magdistribute ng prizes immediately after the games. Best siguro if you will assign someone else para dito. Ilang parties na napuntahan namin na nagtatanong daughter ko bakit iba nakuha nya sa ibang ka-team nya, worse e panlalaki ibinigay sa kanya dahil nilista names ng winning team tapos nun nagdistribute ben 10 ang binigay kasi male sounding name sya.