For me naman, kahit gaanong ka bongga ang party mo, kung walang gaanong bisita tapos ang laki nung lugar,
magmumukha talagang kalatoy latoy. Mas maganda na yung size nung party area, eh ganun din ang dami talaga ng guest.
Luckily for us, yung 90 people na capacity ng shakeys taytay eh napuno namin, kasi nag save the date talaga ako, at nagpa confirmed.
Huwag naman siyempre yung over siksikan ang guest, yung tama lang.
regarding sa lootbags ng shakeys, sa kanila din ako kumuha ng lootbags, nagdagdag lang ako ng toys at candies/chocolates na pinacked ko sa plastic
then nilagay ko ng hindi na nagpapaalam pa sa manager LOL, that's before the party started.
Sa game prizes naman, sabi ko magdadagdag ako, pumayag naman so madami akong dinagdag.
Yung shakeys taytay, pumapayag silang magpasok ng ibang suppliers, kaya nakapag pasok ako ng Dessert buffet na na enjoy ng guests.
Then, pumapayag din sila ng ibang cake, yun lang I chose for convenience that time kaya bumagsak kami sa Ikos, kaya nightmare ang
cake ng anak ko.
Eto ha, tips lang IMO:
1. Be sure na yung mga invited guests, eh hindi mga KJ, and invite plenty of kids para masaya yung party.
2. Hire a photog/video services, para ma enjoy mo din ang party ng anak mo.
3. IMO, mas clean and neat ang per plate na food, kesa ipapa buffet pa, since hindi naman talaga siya "buffet",
na pwedeng kumuha kahit ilan ang gusto, lalo na sa chicken. I've attended a per plate and pa buffet sa shakey's,
mas organized talaga per plate, hindi yung pila pila pa guests, magulo, eh fastfood yun.
Just sharing mga sis.

Happy party!