watch now

Author Topic: Shakeys birthday party...  (Read 242199 times)

HappyHandsProject

  • Guest
Re: Shakeys birthday party...
« Reply #280 on: February 06, 2013, 05:21:04 pm »
Marose17... I edited my post. Basta ayun ang advise ko hehe. :) Pero oo nga super bagay ang Ninja Turtles sa Shakey's, I'm sure kung cake and favors lang ok lang yun. Good luck on your party planning! :)

twelve5

  • Guest
Re: Shakeys birthday party...
« Reply #281 on: February 07, 2013, 12:36:09 am »
my brother naman wanted toy story sana. i advised them to get the generic theme space quest kasi mejo similar kay buzz lightyear. tapos daanin nalang sa cake, mascot and other accessories yung TS theme. eh ayaw i-take advice ko so napunta sila sa JL maski nakabili na ng mga TS stuff.  ::)

marose, they have 2 other generic themes. dunno know if you can incorporate the TMNT theme with into either. hehe... baka pag punta mo sa store makita mo designs ng party stuff at umubra naman.


« Last Edit: February 08, 2013, 04:02:24 am by twelve5 »

marose17

  • Guest
Re: Shakeys birthday party...
« Reply #282 on: February 07, 2013, 10:07:19 am »
@happyhands and @twelve5, thanks for your inputs.   :)

twelve5

  • Guest
Re: Shakeys birthday party...
« Reply #283 on: February 08, 2013, 08:27:59 am »
no prob, marose! =)


has anyone added froyo to their party menu? any feedback please? tia!

yumicute16

  • Guest
Re: Shakeys birthday party...
« Reply #284 on: February 08, 2013, 09:57:40 am »
mga sis how much na ba yung menu packages ng Shakey's ngayon? paki-post naman please.nagtaas ba sila? TIA

twelve5

  • Guest
Re: Shakeys birthday party...
« Reply #285 on: February 08, 2013, 01:45:00 pm »

yumicute16

  • Guest
Re: Shakeys birthday party...
« Reply #286 on: February 08, 2013, 02:28:47 pm »
^ ^ yung monster meal nila ngayon for party sis how much na ngayon? mas ok ba kung MMD buffet?

justineo

  • Guest
Re: Shakeys birthday party...
« Reply #287 on: February 08, 2013, 06:29:07 pm »
^hi sis! I'm preparing din for my son's birhday, Shakey's MMD is 2,200 ;)

yumicute16

  • Guest
Re: Shakeys birthday party...
« Reply #288 on: February 08, 2013, 07:24:40 pm »
same price rin pala ang MMD ng package D, which are spagetti 2pcs pizza mojos salad corn soup.parang mas ok yung package D  kesa sa monster deal? ano sa tingin nyo mga sis?

justineo

  • Guest
Re: Shakeys birthday party...
« Reply #289 on: February 08, 2013, 07:34:02 pm »
 ^okay naman ang plated sis kasi di magulo, di kailangan tumayo ng guests especially kung maliit ang function room. Sa MMD lang pwede nilang gawing buffet style, feeling ng guests marami :) pero okay din yung plated sis, mabubuspg na ang adult  :)

yumicute16

  • Guest
Re: Shakeys birthday party...
« Reply #290 on: February 09, 2013, 10:15:22 am »
mukang mas ok nga sis yung plated na lang.thanks sa info!

marose17

  • Guest
Re: Shakeys birthday party...
« Reply #291 on: February 09, 2013, 03:31:23 pm »
Ang ayaw ko sa plated, hindi thin crust yung pizza. 

yanchee

  • Guest
Re: Shakeys birthday party...
« Reply #292 on: February 09, 2013, 10:22:00 pm »
Reserved on March 10 Shakey's UN Ave Manila.  Monster Meal deal ang avail ko.  :-)

twelve5

  • Guest
Re: Shakeys birthday party...
« Reply #293 on: February 10, 2013, 01:34:32 am »
sabi daw sa brother ko ng e-rod store, 2 lang choices for theme - JL or barney. di daw pwede other themes or even generic. nyek. super stricto naman nila dun.

SnowBall

  • Guest
Re: Shakeys birthday party...
« Reply #294 on: February 10, 2013, 11:58:57 am »
For me naman, kahit gaanong ka bongga ang party mo, kung walang gaanong bisita tapos ang laki nung lugar,
magmumukha talagang kalatoy latoy. Mas maganda na yung size nung party area, eh ganun din ang dami talaga ng guest.

Luckily for us, yung 90 people na capacity ng shakeys taytay eh napuno namin, kasi nag save the date talaga ako, at nagpa confirmed.

Huwag naman siyempre yung over siksikan ang guest, yung tama lang.


regarding sa lootbags ng shakeys, sa kanila din ako kumuha ng lootbags, nagdagdag lang ako ng toys at candies/chocolates na pinacked ko sa plastic
then nilagay ko ng hindi na nagpapaalam pa sa manager LOL, that's before the party started.

Sa game prizes naman, sabi ko magdadagdag ako, pumayag naman so madami akong dinagdag.

Yung shakeys taytay, pumapayag silang magpasok ng ibang suppliers, kaya nakapag pasok ako ng Dessert buffet na na enjoy ng guests.
Then, pumapayag din sila ng ibang cake, yun lang I chose for convenience that time kaya bumagsak kami sa Ikos, kaya nightmare ang
cake ng anak ko.


Eto ha, tips lang IMO:

1. Be sure na yung mga invited guests, eh hindi mga KJ, and invite plenty of kids para masaya yung party.

2. Hire a photog/video services, para ma enjoy mo din ang party ng anak mo.

3. IMO, mas clean and neat ang per plate na food, kesa ipapa buffet pa, since hindi naman talaga siya "buffet",
na pwedeng kumuha kahit ilan ang gusto, lalo na sa chicken. I've attended a per plate and pa buffet sa shakey's,
mas organized talaga per plate, hindi yung pila pila pa guests, magulo, eh fastfood yun.


Just sharing mga sis. :) Happy party!


twelve5

  • Guest
Re: Shakeys birthday party...
« Reply #295 on: February 10, 2013, 12:53:03 pm »
^ sis, pag plated ba warm pa rin yung food pag serve? yan kasi isa sa concerns ko.

stormy

  • Guest
Re: Shakeys birthday party...
« Reply #296 on: February 10, 2013, 01:38:57 pm »
Plated rin ang choice ko, mas organized at true maraming may mali ang akala sa term na buffet. Buffet is not = to eat all you can naman.

Naiintindihan ko yung concern na sayang kasi kapag plated may natitira. Bale pwede naman tanungin ang bisita  kung gusto nila ipabalot :) of course sa ating pinoy normal yan kaya d naman bastos if magtanong tayo.

^makikisagot sis. Yes, warm pa ang food.

Another option is plated tapos mag-order na lang ng extra chicken at pizza :) kung pakiramdam ay matipid/kaunti yung food na sinerve.

Kanya-kanya kasi tayo ng mga kinukonsidera lalo na may mga budget na dapat isipin. Ako kasi kahit sa anong party ayaw ko ng tipid sa pagkain dahil mapapagsabihan ako ng mister ko. Mabilis naman ipabalot at ipauwi sa bisita kung maraming sobra :)

Sunday last week may pinuntahan kami na party at nagsabi agad sa akin mister ko (I'm planning our daughter's 7th bday party) na ayaw nya ng ganun. Kasi buffet style tapos parang binibilang nun nagseserve ilang pirasong spag noodles bago ilagay sa plate (haha exag pero sa totoo lang ganun talaga naexperience namin).


Ayaw ko kasi maghost ng party na pag-alis ng bisita e maghahanap ng restaurant para kumain ulit kasi d nabusog or d nasiyahan. Kaya ok yun mga naiisip ng mga nagshe-share sa thread na may cupcakes, may candy etc

twelve5

  • Guest
Re: Shakeys birthday party...
« Reply #297 on: February 10, 2013, 03:10:49 pm »
^ good to hear na warm naman pala maski plated.

naku, sana di naman shakeys yung party na yan.  :P

kami din takot maubusan ng food kaya ang buffer namin nasa 20-30%. parang china-challenge namin mga guests na pataubin ang mga pagkain. haha... and we always win naman.  ;D

thanks!

SnowBall

  • Guest
Re: Shakeys birthday party...
« Reply #298 on: February 10, 2013, 03:14:03 pm »
Twelve5, sis warm naman yung sa amin, hindi nga lang "hot" talaga, kumbaga hindi din malamig. Ang inorder ko eh yung package D,
yung pinaka marami sa lahat, around 200 plus yung amount, tapos nag dessert buffet na lang kami. Since merienda time naman
yung party namin, so okay lang, mahirap kasi kung lunch o dinner party mo, medyo dapat marami talagang food.

Nag extra order din ako ng pizza at chicken, at rice, pero nabusog ng lahat dun sa package D, kokonti na lang kumuha nung
rice at chicken. Hahaha.

Ako nga hindi ko naubos yung package D lol.


I agree with Stormy, pinaka lousy talaga sa akin yung hindi nabubusog ang guests, yun ang pinaka important part ng party, mabusog mo mga bisita mo, lalo na kung malayo ang mga pinanggalingan.


Naka attend kami ng party sa shakey's, ang layo, pinuntahan namin, yung package A lang pinakain, gutom na gutom kami hahahahah, eh dinner time yun.

Di bale love ko naman ang celebrant, kaso lang, siyempre, hindi ko gagawin sa mga bisita ko yun.

Mas naappreciate ko pa yung kahit konti ang klase ng pagkain, pero madami, yun bang matutuwa talaga ang guests.

Just saying.





marose17

  • Guest
Re: Shakeys birthday party...
« Reply #299 on: February 10, 2013, 07:31:00 pm »
Magandang idea yung plated tapos may extra orders ng pizza (gusto ko kasi thin crust kaso sa plated hindi thin eh kaya di ko kinakain usually yung kasamang pizza) at chicken.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close