Mga sis, pasali.

Itong bahay na tinitirhan namin ng husband ko, binili naming pre-owned. Two years na rin kaming nakatira rito and so far, okay naman ang bahay at ang neighborhood.
Ito ang mga tips na mase-share ko sa pagbili ng pre-owned house and lot:
1. Determine your budget.
Kung 3.5M ang pambili, huwag mag-alala. Marami kayong makikitang ganun ang halaga. Baka nga may mas mura pa.
2. Don't rush.
Siguro mga isang buong taon din kaming nag house hunting. May kausap kaming agent at siya ang nagdadala sa amin dun sa mga bahay. Ayun, kung sakaling naghe-hesitate kayo with real estate agents, don't worry. Pag sinabi niyong 2M lang ang budget, hindi kayo bebentahan ng 3M. 2.5M siguro pwede pa pero hindi nila ipipilit. Maghahanap sila ng swak sa panggastos niyo.
3. Take time to do an ocular.
Importanteng mabisita niyo yung bahay. Inspeksyunin kung meron importanteng ipapa-renovate o kung ano pa. Itong bahay namin, nung pagkabili, minor renovations lang ang ginawa. May pinalipat lang na pwesto ng pinto, lagay ng bagong tiles sa kwarto, tapos repaint. Yun na. Gustuhin man naming mag renovate ng bongga e kulang ang budget so yung bahay na pinili namin, sinigurado na naming wala masyadong dapat ipaayos. Of course may mga areas na hindi namin type pero kaya naman pagtiyagaan for now. Pwede namang hindi maging masyadong maarte.

4. If possible, try to negotiate with the owners.
Originally, 2.5M ang presyo nitong bahay. Napakahabang usapan bago kami nag agree sa 1.5M cash plus yung 43 sqm condo unit na tinitirhan namin that time. So cash plus kind yung nangyaring deal. Hesitant yung may-ari kasi kailangan raw talaga niya nung cash pero sabi namin, it's not as if lugi siya dahil sa pagbigay namin nung condo unit, parang binenta na rin namin yun for a price lesser than it's true worth. Um-ok siya so nakuha namin yung bahay.
PROS of buying a pre-owned house and lot:
1. Instant bahay at lupa. Pwede nang mag move in agad.
2. Mas mura at mas malaki kaysa mga brand new houses at lalo naman sa mga binebentang condo unit ngayon. (Of course ibang thread naman yung may pambili ka ng brand new.)
CON:
Matagal makahanap depende sa mga conditions mo (budget, location, house type, etc).
Ayan po, sana makatulong ang mga ito.
