watch now

Author Topic: Pre-Owned House and lot..  (Read 28569 times)

cynique

  • Guest
Re: Pre-Owned House and lot..
« Reply #40 on: September 24, 2012, 05:12:58 pm »
AFAIK bahain yan, dyan nakita dati officemate ko, lumipat na sila...malapit kasi yata yan sa tullahan river...i think hindi naman yan ibebenta ng ganyang kamura kung super OK the place di ba...pero if that's really the case, patambakan mo na nga lang & 2nd storey...& rooftop na din... ;)

Dhee-Dhee

  • Guest
Re: Pre-Owned House and lot..
« Reply #41 on: September 24, 2012, 08:15:17 pm »
^thanks sis! oo nga, dinirecho ko na yung nagbebenta. takot kasi kako kami sa baha at nakita ko rin sa internet. inabot nga raw ng baha yung nakatira dun, hanggang tuhod daw kaya eto, hanap hanap ulit ako ng iba.

kitkat15

  • Guest
Re: Pre-Owned House and lot..
« Reply #42 on: October 26, 2012, 02:37:43 pm »
Mga sis, pasali.  :)

Itong bahay na tinitirhan namin ng husband ko, binili naming pre-owned.  Two years na rin kaming nakatira rito and so far, okay naman ang bahay at ang neighborhood.

Ito ang mga tips na mase-share ko sa pagbili ng pre-owned house and lot:

1.  Determine your budget.

Kung 3.5M ang pambili, huwag mag-alala.  Marami kayong makikitang ganun ang halaga.  Baka nga may mas mura pa.

2.  Don't rush.

Siguro mga isang buong taon din kaming nag house hunting.  May kausap kaming agent at siya ang nagdadala sa amin dun sa mga bahay.  Ayun, kung sakaling naghe-hesitate kayo with real estate agents, don't worry.  Pag sinabi niyong 2M lang ang budget, hindi kayo bebentahan ng 3M.  2.5M siguro pwede pa pero hindi nila ipipilit.  Maghahanap sila ng swak sa panggastos niyo.

3.  Take time to do an ocular.

Importanteng mabisita niyo yung bahay.  Inspeksyunin kung meron importanteng ipapa-renovate o kung ano pa.  Itong bahay namin, nung pagkabili, minor renovations lang ang ginawa.  May pinalipat lang na pwesto ng pinto, lagay ng bagong tiles sa kwarto, tapos repaint.  Yun na.  Gustuhin man naming mag renovate ng bongga e kulang ang budget so yung bahay na pinili namin, sinigurado na naming wala masyadong dapat ipaayos.  Of course may mga areas na hindi namin type pero kaya naman pagtiyagaan for now.  Pwede namang hindi maging masyadong maarte.  :)

4.  If possible, try to negotiate with the owners.

Originally, 2.5M ang presyo nitong bahay.  Napakahabang usapan bago kami nag agree sa 1.5M cash plus yung 43 sqm condo unit na tinitirhan namin that time.  So cash plus kind yung nangyaring deal.  Hesitant yung may-ari kasi kailangan raw talaga niya nung cash pero sabi namin, it's not as if lugi siya dahil sa pagbigay namin nung condo unit, parang binenta na rin namin yun for a price lesser than it's true worth.  Um-ok siya so nakuha namin yung bahay.

PROS of buying a pre-owned house and lot:

1.  Instant bahay at lupa.  Pwede nang mag move in agad.
2.  Mas mura at mas malaki kaysa mga brand new houses at lalo naman sa mga binebentang condo unit ngayon.  (Of course ibang thread naman yung may pambili ka ng brand new.)

CON:

Matagal makahanap depende sa mga conditions mo (budget, location, house type, etc).


Ayan po, sana makatulong ang mga ito.  ;)

snowberry

  • Guest
Re: Pre-Owned House and lot..
« Reply #43 on: October 26, 2012, 06:41:35 pm »

Saan po ba sa Mandaluyong  ang lugar na di binabaha (preferably subdivision).
Sana merong pre owned house na pwedeng bilhin

Yung ,malapit na sa Makati

kiaramae_0403

  • Guest
Re: Pre-Owned House and lot..
« Reply #44 on: November 01, 2012, 02:16:42 pm »
i would like to ask lang ano ibig sabihin pag ganto status ng foreclosed property :
Status: The bank has filed its Motion for Early Resolution?
tama ba pagkakaintindi ko meron pa itong kaso?

agape

  • Guest
Re: Pre-Owned House and lot..
« Reply #45 on: November 05, 2012, 09:08:52 pm »
we bought a foreclosed house and lot from a bank 3 yrs ago.. luma na yung bahay pero malaki yung lote. monthly amort sa bank is P8k (remaining term now is 7 yrs) pero pinaparentahan namin ng P5k. really a good investment for us :)
Sis, what bank kayo nun? I'm also thinking of getting from foreclosures for investment. nagbid ba kayo or just best offer sa bank? how was the experience?

loveann

  • Guest
Re: Pre-Owned House and lot..
« Reply #46 on: November 12, 2012, 04:39:44 pm »
mga sis, meron po ba kayo alam na foreclosed properties sa santa rosa, laguna?

airish_2

  • Guest
Re: Pre-Owned House and lot..
« Reply #47 on: November 13, 2012, 08:30:01 am »
where eyeing sa mga foreclosed property :) buti nadaan ako sa thread na to

kiz_me1109

  • Guest
Re: Pre-Owned House and lot..
« Reply #48 on: November 14, 2012, 01:38:50 am »
Pano po malalaman yung mga forclosed properties? Saan po kami pwede mag inquire? Sa bank ba? Do we need to go to the bank directly or may mga website na po na merong information sa mga foreclosed properties? Thanks!

younis

  • Guest
Re: Pre-Owned House and lot..
« Reply #49 on: November 20, 2012, 02:22:35 pm »
Check it here sis, Foreclosed Properties andyan mga updates ng mga properties from different banks/institutions, just browsed patiently.

annie_shaider

  • Guest
Re: Pre-Owned House and lot..
« Reply #50 on: November 20, 2012, 09:04:47 pm »
Meron akong nakitang house and lot for sale last year dyan sa Cainta by the internet. At base sa mga details ng picture at location ng bahay, very cheap sya for 2.8M. Two year old house, corner lot, single detached, isang side lang ng house ang naka-firewall, may bakaod at gate, malawak ang mga kalsada, at laging meron security guards.  Ang original price nga na gustong ibenta is around 3.5M. Nagbaba ng presyo ang buyer dahil sa paalis na daw sya ng abroad.

Napagkasunduan na magbigay ako ng earnest money na 20k, para sa akin na ang house.
Nung umuwi ako, tama ang hinala ko, maganda ang structure ng bahay pati ang location nya. Nagtanong din ako sa mga katabing bahay kung talaga nga bang binabaha yung lugar o binaha nung Ondoy, ang sabi hindi daw. So good news. Mali ko lang dapat tumawad pa ako ng 2.6M spot cash, kaso sa sobrang excited ko na nakita ko na ang house, napapayag na ako sa 2.8M.

Since paalis daw ang owner sa States at magkakilala daw ang broker, what I did ay pinagawaan ko ng Power of Attorney na lalabas na yung broker ang pina-authorized na magbebenta ng bahay. Para naman na kung [textspeak!]’t-ano man ang mangyari, meron akong hahabulin. Minsan na kasi akong nakapunta sa bahay ng broker dahil in-invite ako sa bahay nila during negotiation nung house.

Ipinalipat ko kaagad sa pangalan ko yung bahay at yung broker ang nag-asikaso, after more than one month, sa akin na nakapangalan ang titulo ng lupa’t bahay.

Heto na, after few months sunod-sunod ng dumating yung mga bank notice from previous owner dahil may tinatakasan syang credit sa bank gamit ang credit cards! Limang banko na worth more than half milyon ang utang nya! May mga pumupuntang mga bank representative sa bahay at tinatanong kung asan na ang dating owner at sabi ng partner ko na wala na yung dating owner mula ng malipat na sa akin ang pangalan ng bahay. Pinakita namin ang titulo at iba pang mga documents ng bahay at sa akin na lahat nalipat.

God is good at buti na lang napalipat na sa pangalan ko yung bahay at wala ng pumupuntang mga taga bangko sa bahay. Kung anong malas ko sa pagkakabili ko sa una kong bahay, yun naman swerte ko sa pangalawa.

eiriecha

  • Guest
Re: Pre-Owned House and lot..
« Reply #51 on: November 28, 2012, 10:16:31 am »
hi mga sis,

if you're looking for a house (brand new or old townhouse, house & lot, and etc) within san juan and mandaluyong area. I can possibly help you.

Kady_14

  • Guest
Re: Pre-Owned House and lot..
« Reply #52 on: December 06, 2012, 09:32:13 pm »
^ brand new town house or  brand new house and lot in paranaque? me alam ka sis?

hanshellite

  • Guest
Re: Pre-Owned House and lot..
« Reply #53 on: February 14, 2013, 03:35:08 pm »
May mga alam po ba kayong pre-owned house and lot within paranaque or las pinas area? Thanks=)

quennna

  • Guest
Re: Pre-Owned House and lot..
« Reply #54 on: February 15, 2013, 11:39:48 pm »
May mga alam po ba kayong pre-owned house and lot within paranaque or las pinas area? Thanks=)

sis, ako meron ako sa listing ko, pilar village..Consist of 3 apartments  with monthly income of P27k/month
pm me if you are interested.. ;)

sweetarwen07

  • Guest
Re: Pre-Owned House and lot..
« Reply #55 on: January 07, 2014, 01:02:51 pm »
mga sis, pahelp naman.  looking for pre-owned house and lot talaga within manila.  san pa pwede bukod sa site na foreclosed properties?  thanks! :)

jessica

  • Guest
Re: Pre-Owned House and lot..
« Reply #56 on: January 10, 2014, 06:47:32 am »
Ako din mga sis, bka may alam kayo (maliban sa sulit at ayos) ng mga h&l, foreclosed / pre owned. Paranque, pasay, near bicutan, areas malapit sa NAIA, sana wag bahain. Paki pm naman po sakin. Minsan mura din pag seller is owner makakatawad pa :) or areas ng taguig. Last ang quezon city. Thank you!

younis

  • Guest
Re: Pre-Owned House and lot..
« Reply #57 on: January 10, 2014, 09:49:31 am »
sent you a pm already sisses hanshellite, jessica and sweetarwen07

mspanyang

  • Guest
Re: Pre-Owned House and lot..
« Reply #58 on: February 09, 2014, 08:47:08 pm »
I was able to buy a pre owned house and lot, practical for me since nakuha ko yung magandang location  na mura pa.yun nga lang ipon muna ako for renovation.

Definitely mas practical  for me, patience lang talaga sa paghahanap. :)

ceejhei

  • Guest
Re: Pre-Owned House and lot..
« Reply #59 on: April 22, 2014, 10:30:08 am »
^hi mga sis interested din ako sa ganito. maraming salamat sa nagbigay ng tips. tama ang pagbili ng property eh parang hindi kasing bilis na pagbili ng sasakyan or kahit anong gamit sa isang store. you need to do a lot of research. naghahanap kami ngayon within novaliches area.

kapag bibili ka ba ng foreclosed property or mga pre-owned houses kailangan talaga may cash ka on hand? or puwedeng through pag ibig or bank loan nalang lahat? TIA

 

Latest Stories

Load More Stories
Close