Author Topic: IGLESIA NI CRISTO WEDDINGS  (Read 226680 times)

lenierose928

  • Guest
Re: IGLESIA NI CRISTO WEDDINGS
« Reply #280 on: May 28, 2013, 03:53:23 pm »
^sis kung nandito na sa central ang papers, mag one week or two may pasya na yan basta wala po problem ;)

Beng01

  • Guest
Re: IGLESIA NI CRISTO WEDDINGS
« Reply #281 on: June 03, 2013, 09:02:45 am »


hi sis, you may get a list of pre wedding requirement from your current locale, or kung wala diyan
sa Jeddah, you may ask your parent or trusted loved one na to get a list from a kalihiman, on a
nearby INC church, in bacolod. Kumpletuhin mo yung nasa list.
« Last Edit: June 05, 2013, 09:30:57 am by mama squeak! »

silyn

  • Guest
Re: IGLESIA NI CRISTO WEDDINGS
« Reply #282 on: June 04, 2013, 02:40:27 pm »
Good day mga sis!  Ask ko lang po since we are planning to get married po this December is it too early to get a CENOMAR from NSO?  Ang alam ko lang po kasi yung Marriage License may validity period na 120 days pero ang CENOMAR wala naman ata.  Nagpunta na po kasi kami ni hubby to be sa mga sarili naming local yung isa sabi pwede to follow na lang yung isa naman dapat daw ipasa na yung CENOMAR before pirmahan yung patotoo namin.  Medyo nakakalito lang.  Alin po ba dapat talaga?  Baka pakuhain na naman kami ulit in the end.

Beng01

  • Guest
Re: IGLESIA NI CRISTO WEDDINGS
« Reply #283 on: June 04, 2013, 05:32:57 pm »
 hi sis silyn :-)

First of all, my advanced best wishes and congratulations to you :-D
Kumuha ka muna ng requirements sa lokal like, patotoo galing sa katiwala, salaysay from your
parents, salaysay mo, salaysay galing sa panumuan, kapisanang kadiwa etc.

Then  pag nakumpleto mgaat least 4 months before the wedding dapat nasayo na ang cenomar at
yung seminar from city hall.

Ang cenomar may expiry, pero not sure if 3 months or 6 months...
« Last Edit: June 05, 2013, 09:31:29 am by mama squeak! »

silyn

  • Guest
Re: IGLESIA NI CRISTO WEDDINGS
« Reply #284 on: June 04, 2013, 10:14:04 pm »
Thank you po Sis Beng01 sa pagbati.  :)  And thanks as well for answering my question.   :) 

aebrbiyc2009

  • Guest
Re: IGLESIA NI CRISTO WEDDINGS
« Reply #285 on: June 14, 2013, 07:39:23 am »
Nahihiya man ako, pero eto na..

Pano if INC bf ko tas gusto nya lumipat ng Catholic para sa Church wedding? Sabi nya kasi hindi sya matitiwalag ng puro absent lang sa samba.. sabi nya kailangan may gawing mali muna. Like civil wedding. Pero gusto ko sana bago pa kami makasal Catholic na sya. Pwede kayang mag-start na sya ng pagconvert tapos ipaalam nalang na Katoliko na sya?

akosibulinggay

  • Guest
Re: IGLESIA NI CRISTO WEDDINGS
« Reply #286 on: June 14, 2013, 09:12:08 am »
Nahihiya man ako, pero eto na..

Pano if INC bf ko tas gusto nya lumipat ng Catholic para sa Church wedding? Sabi nya kasi hindi sya matitiwalag ng puro absent lang sa samba.. sabi nya kailangan may gawing mali muna. Like civil wedding. Pero gusto ko sana bago pa kami makasal Catholic na sya. Pwede kayang mag-start na sya ng pagconvert tapos ipaalam nalang na Katoliko na sya?

Kapatid, yung kagustuhan niyang magpakasal at pakikipagrelasyon niya sa isang catholic ay grounds na para matiwalag siya. Siguro hindi na talaga siya sumasamba kaya medyo ibang way na ang tinatahak niya, better kung humingi siya ng counseling sa pastor nila para maliwanagan siya  :)

aebrbiyc2009

  • Guest
Re: IGLESIA NI CRISTO WEDDINGS
« Reply #287 on: June 15, 2013, 04:13:51 am »
^thank you sa advice. :) Try ko sabihin sa kanya na ganun na muna ang gawin. Siguro hindi naman magagalit kung aalis sya no?

chinitalady04

  • Guest
Re: IGLESIA NI CRISTO WEDDINGS
« Reply #288 on: June 18, 2013, 09:21:43 pm »
Mga sis help po, pano kaya ang gagawin namin ng h2b ko regarding sa pagkuha ng marriage license coz ang plano uuwi sya 2 weeks before the wedding kaya lang kailangan daw present kayong 2? dapat b talaga na present pa sya, hindi ba pedeng ako na lang mag asikaso? palagay nyo mga sis gahol na ba sa oras kung 2 weeks before the wedding uwi ni h2b? e regarding sa seminar pede ba un kung 2 weeks na lang wedding na? next year pa naman wedding gusto ko lang malaman ano gagawin habang  maaga pa... mga sis baka meron kayong invitation sample kindly send po sa polene18@yahoo.com.. thanks in advance mga sis!

disturbed

  • Guest
Re: IGLESIA NI CRISTO WEDDINGS
« Reply #289 on: June 20, 2013, 08:16:27 pm »
read the whole thread to get some ideas regarding INC weddings..anyway just want to share our plight and posted some questions..

There are some struggles along the way..we have moved our wedding date ( a couple of times) due to some matters we can't settle with the local (sampaloc mmw)..also, we want to be wed on the local of araneta due to its location, cleanliness and size..sadly we cannot, since we are not from that district (but I read some posts here that you can be wed even your not from the district)..pero since ako pa jump jump from 1 local to another due to work..I rented a studio type over there so I can have an address over that district even if I do not go home to that unit..wala ginawan ko na lang paraan since we like that church..even after four years being a convert sometimes I just struggle to comprehend and understand the rules being set..a simple thing such as getting married to a specifc church..

another problem we have is we don't have INC relatives to make our ninong or ninang..although my gf is handog the only INC people she know are her parents and siblings..no INC friends and relatives..we cannot choose the ninong or ninangs we want due to this..I hope we can at least produce two pairs of INC people even if we do not know them..and produce 1 pair for ourselves my uncle and her aunt so the ratio (INC > non-INC) is met..how can they be godparents if we do not know them..sigh*

do we need to invite the minister to our reception? I mean is this a practice? If yes, who else are needed to be invited? her wife probably so he has some companion?

is it possible to have a mobile bar in the reception? even they are just cocktail drinks? I am really hoping it is ok since this is a celebration and ayaw ko din mapahiya sa mga friends

is it required that all suppliers are INC? I hope not..

also what worries me is the context of the preachings on the wedding..because sometimes you know they make patama to sanlibutan (catholics)..all our wedding guests, relatives, friends are probably catholic..and I don't want issues to arise especially both our relatives are devout catholics..note we haven't attended any INC weddings so we do not know anything about the ceremony and the context..

I hope somebody can comment on some of the questions I posted..many thanks in advance!

« Last Edit: June 20, 2013, 08:20:19 pm by disturbed »

akosibulinggay

  • Guest
Re: IGLESIA NI CRISTO WEDDINGS
« Reply #290 on: June 20, 2013, 09:03:23 pm »
Hi bro disturbed meron akong konting sagot sa few questions mo
Regarding kapilya, pede ka po makiusap sa mmc na gusto niyo magpakasal sa araneta, gagawa ka ng salaysay then ang mmw ang gagawa ng letter to mmc para makiusap na payagan kayo sa araneta, sounds complicated pero kung talagang gusto niyo hahanap talaga ng way. Isa pa kung hindi talaga kayo payagan, madami naman na mas magagandang kapilya sa mmw, sure ako dyan.
Godparents, hmmmm, same sentiments  ;D kase nung ikinasal ako 3 catholic na talagang kilala ko ang nakuha kong ninong at ninang, the rest inc na which is kilala ni hubby. Siguro naman may family friend ang gf mo na inc na pede niyo naman pagkatiwalaan, unless bagong converted din silang buong family at dipa nakabuo ng friendship sa inc.
pede niyo invite ang ministro, pero for sure di naman pupunta yun kase madaming ginagawa yun at pinupuntahang mga gawain.
Di naman required na inc lahat ng suppliers, sure ako dito based sa wedding ko.
Mobile bar, meron nito sa wedding ng sil ko last may.
Preachings, tungkol sa pagbubuo ng pamilya at tungkulin ng magasawa sa isang tahanan, yan po ang teksto pag kasal na base din naman sa bible, not patama at all. May bible din naman ang mga catholic kaya for sure di sila masasaktan.

Bro manalangin kalang, kung anong ibigay ng Ama, tanggapin natin. Magpanata kayo ng gf mo. Converted din ako, di talaga naiiwasan na mafrustrate ka minsan, pero nalalagpasan naman lahat yan..

aebrbiyc2009

  • Guest
Re: IGLESIA NI CRISTO WEDDINGS
« Reply #291 on: June 21, 2013, 09:26:46 am »
Bro manalangin kalang, kung anong ibigay ng Ama, tanggapin natin. Magpanata kayo ng gf mo. Converted din ako, di talaga naiiwasan na mafrustrate ka minsan, pero nalalagpasan naman lahat yan..

Medyo OT pero ask ko lang kung happy ba kayo sa decision nyo na mag-convert? Ako kasi dati gusto ng bf ko na ako yung lumipat. Niyayaya nya ako minsan na sumama sa kapilya para matry pero naisip ko na pag may sinabi yung ministro about sa ibang religion especially Catholics e sumabat ako or magreact at makipagdebate sa kanya. Hahahaha. Pero yun, kapag sinasabi sakin ni bf yung rules, nakaka-counter ko halos kaya di ako medyo convinced. Kayo ba?

akosibulinggay

  • Guest
Re: IGLESIA NI CRISTO WEDDINGS
« Reply #292 on: June 21, 2013, 09:59:32 am »
Medyo OT pero ask ko lang kung happy ba kayo sa decision nyo na mag-convert? Ako kasi dati gusto ng bf ko na ako yung lumipat. Niyayaya nya ako minsan na sumama sa kapilya para matry pero naisip ko na pag may sinabi yung ministro about sa ibang religion especially Catholics e sumabat ako or magreact at makipagdebate sa kanya. Hahahaha. Pero yun, kapag sinasabi sakin ni bf yung rules, nakaka-counter ko halos kaya di ako medyo convinced. Kayo ba?

Ganyan din ako sis nung una, puro tanong,inis sa mga naririnig at nababasa.. Pero nung nagdodoktrina ako, di naman ako nakipagtalo, kase halos lahat ng tanong ko puro sa bible lahat nanggaling ang sagot. Super happy na naconvert ako, super laki kase talaga ng difference sa catholic lalo na sa mga gawain. Sa buhay kase ang katotohanan minsan nakakasakit, kung baga sa medisina pag inoperahan ka diba masakit ang sugat pero eventually mawawala din ang sakit at maghihilom sa tulong ng gamot, ganun din sa inc may time na masasaktan ka sa mga inaaral niyo sa doktrina dahil sa nakasanayan niyo sa ibang religion. Pero sa tulong ng bible mawawala ang sakit dahil yun ang katotohanan. Pag natapos niyo doktrina mapapa "oo nga no" kayo hehe base yan sa experience ko as converted.

disturbed

  • Guest
Re: IGLESIA NI CRISTO WEDDINGS
« Reply #293 on: June 21, 2013, 01:21:13 pm »
Hi bro disturbed meron akong konting sagot sa few questions mo
Regarding kapilya, pede ka po makiusap sa mmc na gusto niyo magpakasal sa araneta, gagawa ka ng salaysay then ang mmw ang gagawa ng letter to mmc para makiusap na payagan kayo sa araneta, sounds complicated pero kung talagang gusto niyo hahanap talaga ng way. Isa pa kung hindi talaga kayo payagan, madami naman na mas magagandang kapilya sa mmw, sure ako dyan.
Godparents, hmmmm, same sentiments  ;D kase nung ikinasal ako 3 catholic na talagang kilala ko ang nakuha kong ninong at ninang, the rest inc na which is kilala ni hubby. Siguro naman may family friend ang gf mo na inc na pede niyo naman pagkatiwalaan, unless bagong converted din silang buong family at dipa nakabuo ng friendship sa inc.
pede niyo invite ang ministro, pero for sure di naman pupunta yun kase madaming ginagawa yun at pinupuntahang mga gawain.
Di naman required na inc lahat ng suppliers, sure ako dito based sa wedding ko.
Mobile bar, meron nito sa wedding ng sil ko last may.
Preachings, tungkol sa pagbubuo ng pamilya at tungkulin ng magasawa sa isang tahanan, yan po ang teksto pag kasal na base din naman sa bible, not patama at all. May bible din naman ang mga catholic kaya for sure di sila masasaktan.

Bro manalangin kalang, kung anong ibigay ng Ama, tanggapin natin. Magpanata kayo ng gf mo. Converted din ako, di talaga naiiwasan na mafrustrate ka minsan, pero nalalagpasan naman lahat yan..

thank you! your feedback is much appreaciated..we already tried asking..normally they ask kung me tungkulin kami..it seems they are willing to if we have "tungkulin"..but due to our work (IT), having tungkulin is not an option..at least I am relieved about the mobile bar haha..all of my friends are guys and I need to distract them with this..lol

her father is an INC (handog din), she told me that her father can get at least two friends of his to be godparents..I probably would invite the minister for formality and will reserve 2 seats for emergency for him..

and thanks for sharing about the context during the wedding ceremony at least I will not worry about it anymore..I will post some questions along the way..again thanks!

disturbed

  • Guest
Re: IGLESIA NI CRISTO WEDDINGS
« Reply #294 on: June 21, 2013, 01:27:51 pm »
Medyo OT pero ask ko lang kung happy ba kayo sa decision nyo na mag-convert? Ako kasi dati gusto ng bf ko na ako yung lumipat. Niyayaya nya ako minsan na sumama sa kapilya para matry pero naisip ko na pag may sinabi yung ministro about sa ibang religion especially Catholics e sumabat ako or magreact at makipagdebate sa kanya. Hahahaha. Pero yun, kapag sinasabi sakin ni bf yung rules, nakaka-counter ko halos kaya di ako medyo convinced. Kayo ba?

I converted of course due to gf..up until now there are somethings I don't accept but of course I keep it to myself..but surprisingly my gf and I share the same views..my gf is not that very flexible to change (esp religion) but I am..so I gave way..happy ako? I cannot say yes and I cannot say no..but I am happy with my gf..so sometimes I just let my inis pass hehe..

lenierose928

  • Guest
Re: IGLESIA NI CRISTO WEDDINGS
« Reply #295 on: June 21, 2013, 02:48:46 pm »
Bro disturbed - I am an INC wedding coordinator and here are my thoughts on your questions.

1. Choosing locale of Araneta as your wedding ceremony location - Currently po nagstay ka malapit sa lokal ng Araneta, tama ba? San ka po nakatala ngaun? Kung sa Araneta ka nakatala ngaun wala ka na po magiging problema dito. Just book the locale ahead of time, since madami talaga kinakasal sa lokal na ito nowadays. The main reason kung bakit nagiging strict ang Pamamahala sa pagpapakasal sa lokal na kung san tayo nakatala at sa Distrito na ating kinabibilangan ay ganito po. Kung san lokal kasi tayo magpapakasal, magsusugo sila ng mga tutupad na mangaawit at mga diakono at diakonesa na galing din sa lokal na iyon, hindi po pwede ang galing sa ibang lokal. Imagine kung araw araw may kinakasal sa isang lokal, lets say nalang sa Central. Kawawa naman ang mga mangaawit at ibang may tungkulin dun. Once kasi nalagay ka sa suguan, kailangan tuparin mu un. And take note, wala pong kapalit na any material things or monetary value ang pagtupad nila sa kasal natin since tawag ng tungkulin un. I hope this helps po for those wondering kung bakit ganun ang tuntunin.

2. Majority of principal sponsors should be INC members - We are INC, and we are aware po na marami tayong mga tuntunin na dapat sundin. Tulad nalang sa pag aasawa, pagbuo ng sambahayan at pagdalo sa pagsamba at mga aktibidad ng Iglesia. Ang ating mga ninong at ninang ang tumatayong mga pangalawang magulang natin at sa kanila tayo humihingi ng advice kung tayo man na mga may asawa ay nagkaron ng problema. Paano nalang kung majority sa mga ninong at ninang ay hindi INC, at nagkaron tayo ng problema na may kinalaman ang pagdadala ng sambahayan. Maituturo ba nila sa atin ang dapat na gawin natin alinsunod sa INC teachings? Definitely not, since hindi sila aware sa mga aral ng biblia na itinututo sa ating mga Iglesia ni Cristo.

3. Invitation to the Officiating Minister to attend the reception programme - This is not a must, but I would say, as a return naman sa ginawa nyang pagkasal sa atin dapat natin silang iinvite. Again, wala pong kapalit na monetary or material things ang pag oofficiate ng Ministro ng kasal natin. Tawag parin iyon ng tungkulin. Most of the time, hindi rin sila nakaka attend sa dami ng mga gawain nila na dapat tapusin sa isang araw (doktrina, gawain, klase, pagdalaw sa mga kapatid at pagdalo sa mga pulong at caucus).

4. All suppliers should be INC - At least majority, bakit po? Para syempre hindi nyo na sila kailangan iorient pa at alam na nila ang patakaran sa loob ng INC. For example, photo and video, bawal po ang umakyat sa tribuna at sa koro para makakuha lang ng mgagandang shots. Alam ito ng mga INC suppliers since pinupulong din po kami at sinasabi ito sa amin. Kung hindi naman maiiwasan, pinapayagan naman na hindi INC ang suppliers nyo. At least make them aware sa mga tuntunin para wala po kayo maging problema.

5. Ceremony context - Don't worry po. Purely aral sa pag aasawa at sa pagbuo ng sambahayan ang ituturo dun since kasal naman iyon at hindi pamamahayag. Kung ano po un iseseminar sa inyo, un din ang ituturo sa araw ng Kasal. Mas broad nga lang.

I hope nasagot ko po un mga questions nyo, and para na din malinawan un iba pa natin mga kapatid. Best wishes po in advance!  :) :) :)

lenierose928

  • Guest
Re: IGLESIA NI CRISTO WEDDINGS
« Reply #296 on: June 21, 2013, 02:54:24 pm »
sis chinitalady04 - ikaw po ba un nag email sa akin? pareho din kasi kayo ng problem regarding sa paguwi ni h2b. Un sa seminar po, opo pwede po un kahit pag uwi na ni h2b mu. mabilis lang naman po un. pinakamatagal na un three days tapos mga tig 15 mins lang every session ;)

disturbed

  • Guest
Re: IGLESIA NI CRISTO WEDDINGS
« Reply #297 on: June 21, 2013, 04:12:09 pm »
Bro disturbed - I am an INC wedding coordinator and here are my thoughts on your questions.

1. Choosing locale of Araneta as your wedding ceremony location - Currently po nagstay ka malapit sa lokal ng Araneta, tama ba? San ka po nakatala ngaun? Kung sa Araneta ka nakatala ngaun wala ka na po magiging problema dito. Just book the locale ahead of time, since madami talaga kinakasal sa lokal na ito nowadays. The main reason kung bakit nagiging strict ang Pamamahala sa pagpapakasal sa lokal na kung san tayo nakatala at sa Distrito na ating kinabibilangan ay ganito po. Kung san lokal kasi tayo magpapakasal, magsusugo sila ng mga tutupad na mangaawit at mga diakono at diakonesa na galing din sa lokal na iyon, hindi po pwede ang galing sa ibang lokal. Imagine kung araw araw may kinakasal sa isang lokal, lets say nalang sa Central. Kawawa naman ang mga mangaawit at ibang may tungkulin dun. Once kasi nalagay ka sa suguan, kailangan tuparin mu un. And take note, wala pong kapalit na any material things or monetary value ang pagtupad nila sa kasal natin since tawag ng tungkulin un. I hope this helps po for those wondering kung bakit ganun ang tuntunin.

2. Majority of principal sponsors should be INC members - We are INC, and we are aware po na marami tayong mga tuntunin na dapat sundin. Tulad nalang sa pag aasawa, pagbuo ng sambahayan at pagdalo sa pagsamba at mga aktibidad ng Iglesia. Ang ating mga ninong at ninang ang tumatayong mga pangalawang magulang natin at sa kanila tayo humihingi ng advice kung tayo man na mga may asawa ay nagkaron ng problema. Paano nalang kung majority sa mga ninong at ninang ay hindi INC, at nagkaron tayo ng problema na may kinalaman ang pagdadala ng sambahayan. Maituturo ba nila sa atin ang dapat na gawin natin alinsunod sa INC teachings? Definitely not, since hindi sila aware sa mga aral ng biblia na itinututo sa ating mga Iglesia ni Cristo.

3. Invitation to the Officiating Minister to attend the reception programme - This is not a must, but I would say, as a return naman sa ginawa nyang pagkasal sa atin dapat natin silang iinvite. Again, wala pong kapalit na monetary or material things ang pag oofficiate ng Ministro ng kasal natin. Tawag parin iyon ng tungkulin. Most of the time, hindi rin sila nakaka attend sa dami ng mga gawain nila na dapat tapusin sa isang araw (doktrina, gawain, klase, pagdalaw sa mga kapatid at pagdalo sa mga pulong at caucus).

4. All suppliers should be INC - At least majority, bakit po? Para syempre hindi nyo na sila kailangan iorient pa at alam na nila ang patakaran sa loob ng INC. For example, photo and video, bawal po ang umakyat sa tribuna at sa koro para makakuha lang ng mgagandang shots. Alam ito ng mga INC suppliers since pinupulong din po kami at sinasabi ito sa amin. Kung hindi naman maiiwasan, pinapayagan naman na hindi INC ang suppliers nyo. At least make them aware sa mga tuntunin para wala po kayo maging problema.

5. Ceremony context - Don't worry po. Purely aral sa pag aasawa at sa pagbuo ng sambahayan ang ituturo dun since kasal naman iyon at hindi pamamahayag. Kung ano po un iseseminar sa inyo, un din ang ituturo sa araw ng Kasal. Mas broad nga lang.

I hope nasagot ko po un mga questions nyo, and para na din malinawan un iba pa natin mga kapatid. Best wishes po in advance!  :) :) :)

thanks for the detailed response..I really appreciate it..yes sa araneta na ako nakatala since March pa ata or Feb..we have a date already..hindi mahirap kausap [textspeak!] punung kalihiman ba un..sa local ng sampaloc kasi..we talked to the punung kalihiman thrice and we end up really frustrated..medyo panget din sya magsalita kasi..mataas ang boses kahit madaming tao..my gf who is very friendly and considerate and understanding eh nainis nya ng todo..ayaw kami bigyan ng date kung [textspeak!] kumpleto requirements esp marriage license..ano un makakapag pa reserve [textspeak!] kami ng date less than 3 mos? hirap na humanap ng suppliers/venue within that time frame..well anyway sa araneta isang usap [textspeak!] me date na kami na ni reserve for us..sorry I always gets fired up when I remember our time sa sampaloc..

also, may I know your wedding coordination package? tia!

lenierose928

  • Guest
Re: IGLESIA NI CRISTO WEDDINGS
« Reply #298 on: June 21, 2013, 05:04:39 pm »
bro disturbed - I sent you a personal message ;) please message me your email address. Baka pagod lang un pangulong kalihim ng sampaloc that time kaya mejo masungit ;D Unahin nyo po muna un Salaysay ng walang kaugnayan sekswal. After po nun, pwede nyo na ipakita un sa katiwala ng grupo at sa pangulo ng kapisanang kadiwa para mabigyan nya kayo ng patotoo. Un na po kasi ang tagubilin ngaun. ;)

chinitalady04

  • Guest
Re: IGLESIA NI CRISTO WEDDINGS
« Reply #299 on: June 21, 2013, 10:35:07 pm »
Hi! sis lenie! hindi po ako ang nag email sa iyo, but i also have problems regarding po sa wedding next year dahil nsa abroad c h2b.. ang unang problem ko po ang pagkuha ng marriage license dahil ang sabi daw kailangan present kayo, pano po iyon kung ang plan namin is 2 weeks before the wedding ang uwi nya? gaano po ba katagal bago marelease ang marriage license? regarding naman po sa pagpapareserve ng date at pagpapasa ng mga salaysay pede na po kaya asikasuhin na yun kahit maaga pa? uuwi si h2b sa august then ang plan namin na magpakasal ay sa july..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close