Bro disturbed - I am an INC wedding coordinator and here are my thoughts on your questions.
1. Choosing locale of Araneta as your wedding ceremony location - Currently po nagstay ka malapit sa lokal ng Araneta, tama ba? San ka po nakatala ngaun? Kung sa Araneta ka nakatala ngaun wala ka na po magiging problema dito. Just book the locale ahead of time, since madami talaga kinakasal sa lokal na ito nowadays. The main reason kung bakit nagiging strict ang Pamamahala sa pagpapakasal sa lokal na kung san tayo nakatala at sa Distrito na ating kinabibilangan ay ganito po. Kung san lokal kasi tayo magpapakasal, magsusugo sila ng mga tutupad na mangaawit at mga diakono at diakonesa na galing din sa lokal na iyon, hindi po pwede ang galing sa ibang lokal. Imagine kung araw araw may kinakasal sa isang lokal, lets say nalang sa Central. Kawawa naman ang mga mangaawit at ibang may tungkulin dun. Once kasi nalagay ka sa suguan, kailangan tuparin mu un. And take note, wala pong kapalit na any material things or monetary value ang pagtupad nila sa kasal natin since tawag ng tungkulin un. I hope this helps po for those wondering kung bakit ganun ang tuntunin.
2. Majority of principal sponsors should be INC members - We are INC, and we are aware po na marami tayong mga tuntunin na dapat sundin. Tulad nalang sa pag aasawa, pagbuo ng sambahayan at pagdalo sa pagsamba at mga aktibidad ng Iglesia. Ang ating mga ninong at ninang ang tumatayong mga pangalawang magulang natin at sa kanila tayo humihingi ng advice kung tayo man na mga may asawa ay nagkaron ng problema. Paano nalang kung majority sa mga ninong at ninang ay hindi INC, at nagkaron tayo ng problema na may kinalaman ang pagdadala ng sambahayan. Maituturo ba nila sa atin ang dapat na gawin natin alinsunod sa INC teachings? Definitely not, since hindi sila aware sa mga aral ng biblia na itinututo sa ating mga Iglesia ni Cristo.
3. Invitation to the Officiating Minister to attend the reception programme - This is not a must, but I would say, as a return naman sa ginawa nyang pagkasal sa atin dapat natin silang iinvite. Again, wala pong kapalit na monetary or material things ang pag oofficiate ng Ministro ng kasal natin. Tawag parin iyon ng tungkulin. Most of the time, hindi rin sila nakaka attend sa dami ng mga gawain nila na dapat tapusin sa isang araw (doktrina, gawain, klase, pagdalaw sa mga kapatid at pagdalo sa mga pulong at caucus).
4. All suppliers should be INC - At least majority, bakit po? Para syempre hindi nyo na sila kailangan iorient pa at alam na nila ang patakaran sa loob ng INC. For example, photo and video, bawal po ang umakyat sa tribuna at sa koro para makakuha lang ng mgagandang shots. Alam ito ng mga INC suppliers since pinupulong din po kami at sinasabi ito sa amin. Kung hindi naman maiiwasan, pinapayagan naman na hindi INC ang suppliers nyo. At least make them aware sa mga tuntunin para wala po kayo maging problema.
5. Ceremony context - Don't worry po. Purely aral sa pag aasawa at sa pagbuo ng sambahayan ang ituturo dun since kasal naman iyon at hindi pamamahayag. Kung ano po un iseseminar sa inyo, un din ang ituturo sa araw ng Kasal. Mas broad nga lang.
I hope nasagot ko po un mga questions nyo, and para na din malinawan un iba pa natin mga kapatid. Best wishes po in advance!
