Ako noon pa lang may sagot na ako dito, hiwalay agad!!! Sabi ng husband ko, yun daw ba talaga ang sagot ko, sabi ko oo syempre kapag sinabi kong hindi ko alam kung anong gagawin ko baka mapaisip pa sya na baka pwede ko syang mapatawad if ever na gawin nya yun hahaha!!!
Pero in fairness naman sa asawa ko, faithful sya eversince and never niya sakin pinaramdam na may dapat akong ipangamba. Ang sarap lang ng feeling na never mong naisip na kaya yun sayong gawin ng asawa mo.
Pero para di umabot sa pagkakaroon ng kabit, dapat conscious effort ka talaga na mapatatag ang relasyon nyo... Sa tingin ko lang naman, ito yung mga simpleng bagay na dapat isaisip ng bawat maybahay...
1.iwasang bungangaan si mister( kelan mo huling chineck kung nagiging katulad ka na rin ng nanay mo o nanay nya)

2.magpaganda pa rin kahit nasa bahay lang

3. Asikasuhin pa rin siya palagi
4. Pakita mo sa kanya na sinusuportahan mo siya at may bilib ka sa kanya
5. Wag na wag mong ipafeel na hindi sapat ang perang inaakyat nya sa bahay niyo
6. Appreciate mo yung pagiging mabuti niyamg ama sa mga anak niyo
7. Wag na wag mo siyang ipapahiya sa harap ng mga kaibigan niya(halimbawa papauwiin mo siya habang nagkakasayahan pa sila)
8. Sabihin mo sa kanya kung anong gusto mong mangyari o kung anong problema kasi hindi naman siya manghuhula
9. Mahalaga sa kanila na kasundo mo ang pamilya niya( panalo ka dito kasi alam niyang mananagot siya sa maraming tao kapag nagloko siya-sa pamilya mo at pamilya niya)
10. Mahalaga rin sa kanila na kasundo mo mga kaibigan nila( tandaan mga sis, nakasalalay din sa mga taong to kung uudyukan nila husband mo na mambabae lalo na kung kontrabida ang dating mo sa kanila pero kung bet ka nila, sila pa mangongonsensya sa husband mo na di dapat gawin sayo yun dahil napakabait mong asawa)
Yan mga sis, mas mabuti na maging handa para maiwasan na maisipan ni mister na maghanap ng iba... Sabi lang din sa librong nabasa ko, ang mga lalaki raw, mas malaki yung tendency na mambabae kapag may problema like problema sa trabaho, sa pera, sa bahay naghahanap siguro ng diversion at isa pa ring dahilan ng paghahanap ng iba eh kapag walang bilib sa kanila ang asawa nila.