Author Topic: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?  (Read 208158 times)

lisse

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #280 on: September 05, 2013, 12:23:27 am »
     I know lots of people who grep up in this kind of family and honestly they say they wished their parents just ended their union instead of living like that na magkakasama sa house pero dysfunctional naman.
    Most women also di makahiwalay sa asawa kasi they are dependent na. My advice is, try to get a job or a sideline. It will be very uplifting and makes a different view in life if you earn your own money and you know that you can provide for your kids on your own.


This is true to some extent for me. Nangaliwa si daddy and si mommy lagi na lang cry-cry. There was a point in our lives na medyo malalaki na kami ng siblings ko and how we wish mom would just leave dad. kaso wala eh, until now sila pa rin, lol! Good thing dad redeemed himself. Pero I don't think I have my mom's patience. Once gawin sakin to ni hubby, on probation na ang marriage namin. Pag inulit or hindi ko nakitaan ng sincere remorse sa ginawa niya eh di endo na. Wala pa kaming kids pero sana wag naman mangyari tlaga ever whether my kids na kami or wala pa.

Arenne

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #281 on: September 05, 2013, 12:43:24 am »
Masyadong modernized na ang society that ang pagiging MISTRESS eh normal na... well, when I kicked my husband out of the house .. i thought nagkamali ako since my kids needs a father (ages 2 and 1) but after 8 years of being a single parent and my ex Hubby with his new girl.. i believe it was a right decision after all.. minsan no matter how we prevent na makapasok ang mga mistresses me lumulusot pa din.. important thing DO NOT LOOSE RESPECT TO OUR SELVES...  :)

fheury28

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #282 on: September 08, 2013, 06:32:38 pm »
siguro pag first time na gagawin ni hubby yung ganito, bibigyan ko pa siya ng second chance, but if maulit, goodbye, dun na lang sya sa kabit and I will live a new life with our child. Newly married pa lang kami so hindi ko pa din alam what will happen along the way kasi very common yung ganito scenario eh, at the back of my mind, nagpeprepare na din ako what will I do, just in case, pero having my finger crossed na sana naman, hindi mangyari sa amin yung ganito.

bleudskymd

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #283 on: September 09, 2013, 08:22:24 pm »
I'll leave immediately. I don't need to hear his explanations any further. Having a mistress is a sign of his unfaithfulness and even if I forgive him once, my possibility na uulit-ulitin niya iyun. I'm not a martyr. As to his mistress, well I don't wanna give her my attention nor my time because she's a "nobody" to me.
« Last Edit: September 09, 2013, 08:23:57 pm by bleudskymd »

cabbagepatch

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #284 on: September 10, 2013, 10:58:33 am »
baka mataga ko sila..baka lang naman di pa sure hehe  :)

cocoa

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #285 on: September 10, 2013, 02:01:41 pm »
pasali mga sis...

ako kung mahuhuli kong may kabit hubby ko di ako magdadalawang isip na hiwalayan sya agad. as in walang usap talaga. at ni hibla ng buhok ng magiging naka namin di nya makikita.haha


louiesmom

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #286 on: September 12, 2013, 06:34:56 pm »
Hi. A newbie here.

I am married.We have a kid who is 6 y/o. Both hubby and I are working. Our first years together was a disaster. Maybe because both of us are still adjusting. When we were just boyfriend/girlfriend, we would always talk about mistresses and stuffs like that. Ofcourse he promised it'll never happen. And so I believed him. I trust his words. But you know, sometimes fate will test your faith, more yourself.  I will not divulge into details anymore as I am sure my husbands fling is a member here.  ;D. Things are already okay with me and hubby. Prayers are powerful. I didn't kick his ass like what I thought I will did. He never admitted but I have evidence. Being the investigator that I was.

 My point here is that when you have kid/s, you will think less of yourself. Husband and I never argue in front of her. We go out and talk about our differences. I believed he cheatED on me. And I learn from it.  ;)

Mama G

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #287 on: September 12, 2013, 11:48:40 pm »
Ako noon pa lang may sagot na ako dito, hiwalay agad!!! Sabi ng husband ko, yun daw ba talaga ang sagot ko, sabi ko oo syempre kapag sinabi kong hindi ko alam kung anong gagawin ko baka mapaisip pa sya na baka pwede ko syang mapatawad if ever na gawin nya yun hahaha!!!

Pero in fairness naman sa asawa ko, faithful sya eversince and never niya sakin pinaramdam na may dapat akong ipangamba. Ang sarap lang ng feeling na never mong naisip na kaya yun sayong gawin ng asawa mo.

Pero para di umabot sa pagkakaroon ng kabit, dapat conscious effort ka talaga na mapatatag ang relasyon nyo... Sa tingin ko lang naman, ito yung mga simpleng bagay na dapat isaisip ng bawat maybahay...

1.iwasang bungangaan si mister( kelan mo huling chineck kung nagiging katulad ka na rin ng nanay mo o nanay nya) ;D
2.magpaganda pa rin kahit nasa bahay lang ;)
3. Asikasuhin pa rin siya palagi
4. Pakita mo sa kanya na sinusuportahan mo siya at may bilib ka sa kanya
5. Wag na wag mong ipafeel na hindi sapat ang perang inaakyat nya sa bahay niyo
6. Appreciate mo yung pagiging mabuti niyamg ama sa mga anak niyo
7. Wag na wag mo siyang ipapahiya sa harap ng mga kaibigan niya(halimbawa papauwiin mo siya habang nagkakasayahan pa sila)
8. Sabihin mo sa kanya kung anong gusto mong mangyari o kung anong problema kasi hindi naman siya manghuhula
9. Mahalaga sa kanila na kasundo mo ang pamilya niya( panalo ka dito kasi alam niyang mananagot siya sa maraming tao kapag nagloko siya-sa pamilya mo at pamilya niya)
10. Mahalaga rin sa kanila na kasundo mo mga kaibigan nila( tandaan mga sis, nakasalalay din sa mga taong to kung uudyukan nila husband mo na mambabae lalo na kung kontrabida ang dating mo sa kanila pero kung bet ka nila, sila pa mangongonsensya sa husband mo na di dapat gawin sayo yun dahil napakabait mong asawa)

Yan mga sis, mas mabuti na maging handa para maiwasan na maisipan ni mister na maghanap ng iba... Sabi lang din sa librong nabasa ko, ang mga lalaki raw, mas malaki yung tendency na mambabae kapag may problema like problema sa trabaho, sa pera, sa bahay naghahanap siguro ng diversion at isa pa ring dahilan ng paghahanap ng iba eh kapag walang bilib sa kanila ang asawa nila.

rochelle1025

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #288 on: September 15, 2013, 07:49:30 am »
Once a cheater, always a cheater.

Girltalker2

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #289 on: September 15, 2013, 11:24:30 am »

I went back to my parent's home with my son. It will be a rough journey but I'll get through. Dapat the first time na nangaliwa ang asawa ko iniwan ko na. Nagbigay pa ko ng second chance. But what is done is done.  Looking forward to a brand new me.  :)

Good for you sis!  Wishing you all the best!  Naku yung ex ko, nung nag iisip ako umalis sa marriage namin, ang sabi ba naman sakin - kung makahanap pako ng mas ok sa kanya. Kapal talaga ng mukha, ang yabang kasi. Then eventually, when I was able to leave our marriage, nakupo, gusto ko i-untog ang sarili ko sa pader for staying with him in a broken marriage, ang dami naman na mas OK kesa sa kanya noh. My ex is a good provider pero ang philanderer naman.  So now na I have a bf na, parang naisip ko lang ano kaya ang tumatakbo sa utak ko then bakit ko pa pinatagal ang ex ko sa buhay ko, eh ang dami naman na mas OK na lalaki dyan.  Oo hindi sila overflowing, pero MERON at MERON na mas ok sa mga manloloko na asawa.


Masyadong modernized na ang society that ang pagiging MISTRESS eh normal na... well, when I kicked my husband out of the house .. i thought nagkamali ako since my kids needs a father (ages 2 and 1) but after 8 years of being a single parent and my ex Hubby with his new girl.. i believe it was a right decision after all.. minsan no matter how we prevent na makapasok ang mga mistresses me lumulusot pa din.. important thing DO NOT LOOSE RESPECT TO OUR SELVES...  :)

Naku sis, ang mga mistress, glamorized pa nga mismo.  Kaya tumatapang apog nila.  Kaya daming mga movies about them at sila pa kamo ang redeemed sa huli. Ay ewan.

Losing self respect. This is very inevitable. Lalo pa kung inallow mo mag continue ang marriage mo while your husband insists on having a mistress/mistresses. Nakaka wala sya ng self respect. One has to learn how to get out of it, otherwise, the wife will just find herself lost.


sis Mama G, while I agree in your list, I still believe it should work both ways. Kung ang lalaki, gusto mangaliwa, kahit gawin mo pa iyan (which I did at higit pa), walang effect. Kung ang view ng lalaki ay one-sided, never took care of your well being, bale wala iyan. Lahat iyan kahit gawin mo pa 10x more, mapapagod karin kung sige parin ang pambabae nya. Mas nakakawala pa ng self-respect (ikanga ni sis Arenne) kasi para ka nang lampaso but still ginagawa mo parin sa sarili mo at pinipilit mo parin paniwalaan na mahal ka kahit hindi na.

 












honeycrushed

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #290 on: September 15, 2013, 03:51:14 pm »
While what mamaG shared may work at some extent, hindi naman all the time eh babae ang gagawa ng paraan to make their husbands loyal.  It should be an effort for both at dapat goal nyong magasawa to make your marriage work and last. Let's be fair to ourselves.

snowberry

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #291 on: September 15, 2013, 04:35:14 pm »

Yan mga sis, mas mabuti na maging handa para maiwasan na maisipan ni mister na maghanap ng iba... Sabi lang din sa librong nabasa ko, ang mga lalaki raw, mas malaki yung tendency na mambabae kapag may problema like problema sa trabaho, sa pera, sa bahay naghahanap siguro ng diversion at isa pa ring dahilan ng paghahanap ng iba eh kapag walang bilib sa kanila ang asawa nila.

Here's my point by point reply to your tips.

1.iwasang bungangaan si mister( kelan mo huling chineck kung nagiging katulad ka na rin ng nanay mo o nanay nya) ;D Hindi ako bungangera because ever since  mas nagger si hubby at bully
2.magpaganda pa rin kahit nasa bahay lang ;) Modesty aside, people who sees me always say na akala nila dalaga pa ako at walang anak or wala sa itsura ko age ko
3. Asikasuhin pa rin siya palagi I make sure na may pagkain, malinis na damit  at lahat ng kailangan nya , but I am not maasikaso kung umuwi siya ng lasing 
4. Pakita mo sa kanya na sinusuportahan mo siya at may bilib ka sa kanya I did this, ipinagtayo ko pa ng business noong nawalan siya ng job
5. Wag na wag mong ipafeel na hindi sapat ang perang inaakyat nya sa bahay niyo Unlike other wives < i didn't even know how much kinikita nya, but it's not my fault if mas malaki talaga kita ko because mas masipag ako
6. Appreciate mo yung pagiging mabuti niyamg ama sa mga anak niyo I am not sure kung naging mabuting ama nga siya , namamalo kasi siya at nanghihiya   , so I can't  appreciate him for that
7. Wag na wag mo siyang ipapahiya sa harap ng mga kaibigan niya(halimbawa papauwiin mo siyahabang nagkakasayahan pa sila) Never did this kahit na puro yabang siya
8. Sabihin mo sa kanya kung anong gusto mong mangyari o kung anong problema kasi hindi naman siya manghuhula Always did this, pero walang nangyari
9. Mahalaga sa kanila na kasundo mo ang pamilya niya( panalo ka dito kasi alam niyang mananagot siya sa maraming tao kapag nagloko siya-sa pamilya mo at pamilya niya) Magkasundong magkasundo  kami ng mga biyenan ko , kahit kunsintidor sila
10. Mahalaga rin sa kanila na kasundo mo mga kaibigan nila( tandaan mga sis, nakasalalay din sa mga taong to kung uudyukan nila husband mo na mambabae lalo na kung kontrabida ang dating mo sa kanila pero kung bet ka nila, sila pa mangongonsensya sa husband mo na di dapat gawin sayo yun dahil napakabait mong asawa) Hindi ako pala chika, lalo na sa mga kabarkadang lalaki niya.  Later  saka na lang sila nagsalita nung hiwalay na kami ,  usapang lalaki lang daw kasi at loyal sila sa kanya
Pinagtatawanan na lang siya ngayon na hiniwalayan ko siya.

As what our other sis say, to some extent above tips might deter magkakabit, pero it depends talaga siguro sa values at attitude ng lalaki.  Hanggang sa dulo, ayaw umamin kahit nandiyan na lahat ebidensiya.  Nauwi rin sa hiwalayan ang 25 years na marriage namin dahil sa kabit nya na GRO. Ako pa sinisi , naniwala daw ako sa chismis . Hindi ko daw sila nahuli magkapatong , lols!Hindi naman kami nag away na nagsigawan or what, tahimik kami naghiwalay pero paminsan minsan nang aabuso pa rin siya thru text messages (thru my maid) kapag hindi siya napagbigyan sa gusto niya. Ang advise ko lang sa mga sisses natin is paghandaan nyo financially any eventuality. Hindi ako natakot makipaghiwalay dahil kaya namin mabuhay ng wala siya dahil hindi ako financially dependent.

I believe though that one of the reasons na nambabae si Mister is kung walang bilib asawa sa kanya. I think this was what happened to us. Bilib naman ako sa asawa ko before pero nung wala na ginawa kundi uminom , bumarkada at magbunganga ,magsinungaling nawala lahat ng paghanga ko. Natiis ko lahat but not nung nambabae na siya. I have to respect myself this time. He was not the same man na nagustuhan ko, so probably it shows na bumaba pagtingin ko talaga.

Mama G

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #292 on: September 15, 2013, 06:29:30 pm »
@ Sis snowberry

wala pa kasi kaming 1 year mag-asawa ng husband ko kaya nasa stage pa ako na idealistic pa ako. Shinare ko lang yung mga tips din sakin para sa ibang sis natin para maiwasan umabot sa hiwalayan.

After reading your reply, parang kinabahan naman ako na kahit pala gawin mo ang lahat ng yun, in the end nakasalalay pa rin sa guy kung magtatagal relasyon nyo.

Ang sakin lang, atleast kung ginawa mo na yung mga sa tingin mong dapat gawin at ganon pa rin ang nangyari, wala ka ng dapat pagsisihan kasi ginawa at binigay mo na ang lahat.

I agree with you sa sinabi mong importante yung values ng guy.. Siguro lang kaya so far, nagwowork pa naman( at sana tuloy2 na) ang marriage namin, dahil na rin sa values ng husband ko.

Shadow Angel

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #293 on: September 15, 2013, 06:48:21 pm »
Sabi ko sa kanya kapag nahuli ko puputilan ko sya.. Pero honestly hindi ko alam gagawin ko sa kanya pero for sure hindi ako mananahimik lang... Kung ginawa ko na lahat at ganun pa rin sya baka hiwalayan ang mangyari i know my worth i deserve the best after kung alam ko ginawa ko na lahat.. Sa tingin ko wala perfect na formula para magtagal ang relasyon un maaari un diskarte mo na effective sa inyo ni partner hindi naman effective sa iba.. At siempre ang mga lalaki kung gusto magloko talaga magloloko talaga kahit pa sabihin almost perfect na si wifey sexy, maganda at ok ang ugali madalas nababalewala un kapag ka L na nila ang umiral.

snowberry

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #294 on: September 15, 2013, 07:03:45 pm »
^^ What happened to me doesn't mean it will happen to you, so just keep on doing your best and pray.
Ganyan din ako noong bago pa lang kami, sobrang confident ko na hindi ako papalitan. In fact sobrang seloso asawa ko noong bata pa kami.

Pero remember din, hindi naman puro si misis ang may kasalanan kaya nagluko si  mister, na kapag hindi mo ginawang magpaka ideal wife ay ikaw ang dahilan na iniwanan ka. Meron lang talagang lalaking ayaw magpakatino sa buhay nila and yes sabi ni shadow angel , umiral ang pagka L at meron ding malan*ing  mga babae    mahilig pumatol sa may asawa. So , ulitin ko lang advise ko na maging prepared kayo, that is- maging financially independent  para hindi kawawa pati mga anak. One of the reasons din na abused ang wife and turns blind is because hindi kaya mabuhay mag isa dahil umaaasa lang kay hubby.

Mama G

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #295 on: September 15, 2013, 09:45:03 pm »
Gusto ko pa ring maniwala na may mangilan-ngilan pa ring matitinong lalaki.. Idealistic talaga ako kasi yun ang nakita ko sa father ko.. Pero marami na rin akong kwentong narinig na sobrang babait at faithful ng mga asawa nila sa umpisa tapos kung kelan tumanda, dun pa nagloko.. Tsaka ko na siguro haharapin yun.. Pero ihahanda ko pa rin sarili ko kung sakaling mangyari sa akin yun sa kabila ng pagbibigay ko ng best ko.

Girltalker2

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #296 on: September 15, 2013, 11:38:51 pm »

^^ sis snowberry,  I agree with your post.  Ganyan din nangyari sakin, kahit anong gawin mo, wala na sa wife ang kasalanan at nasa lalaki talaga ang topak.  Kaso our society is mean. Lagi nila sinasabi kaya nambabae yung lalaki kasi ganito o ganoon yung wife.  Parang jinujustify pa ang pagiging manloloko ng lalaki.

^ sis Mama G, sa naging experience ko, it is really our society that is the root of all evil. Our machismo society, ang papabarkada sa payabangan or paramihan ng babae.  Ang mga office na lantaran ang akbayan kahit single o married ka, sige lang ang kantyawan para masabi na "cool" ka. Ang mga politicians natin na maraming anak sa labas na walang sapat na batas para protektahan ang mga legal na pamilya, legal na wife at anak. Ang justice system natin na forever palpak. Ang mga babaeng willing na willing kumabit, at makakapal ng apog.

Kung kasal ako and I want to protect my marriage, I will move out of Manila.





After reading your reply, parang kinabahan naman ako na kahit pala gawin mo ang lahat ng yun, in the end nakasalalay pa rin sa guy kung magtatagal relasyon nyo.


Actually nakasalalay sa inyong dalawa. Kung mag cocooperate kayo to nurture the relationship at hindi lang sya basta basta hayaan.  Kung may isa sa inyong bumitiw, that will be the start.
Kaya nga there's such a thing as marrying right. Make sure your guy/gal has the proper values. Compatibility. Chemistry. At marami pang iba. Kasi nga kung wala yun, madali mag crumble ang relationship.

Ang hindi ko lang maintindihan bakit may mga tao na nangaliwa nanga ang BF nila, sige parin sila hanggang humantong pa sa pagpapakasal, then eventually hihiwalay din.




« Last Edit: September 15, 2013, 11:49:33 pm by Girltalker2 »

Mama G

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #297 on: September 16, 2013, 08:23:29 am »


Ang hindi ko lang maintindihan bakit may mga tao na nangaliwa nanga ang BF nila, sige parin sila hanggang humantong pa sa pagpapakasal, then eventually hihiwalay din.

Alam ko madali lang magsalita pero para sakin kung magBF pa lang kayo at nangaliwa na agad, wag na ituloy sa pagpapakasal dahil ang foundation ng marriage ay TRUST at kung nawala na yun sa umpisa pa lang, anong aasahan mong maging matibay na pundasyon ng relasyon nyo? Mahirap mabuhay sa takot. Lagi mo na lang iisipin na kung nagawa niya dati, pwedeng magawa niya ulit.

marssie

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #298 on: September 18, 2013, 08:12:45 pm »
Hello sissies.. need some advice lang sana for my friend.. may kabitch kasi ang hubby niya pero matagal ng hiwalay ni friend at si hubby niya.  Since then hindi nagbibigay ng support yung guy, then recently nakahanap ng magandang work yung guy at nangako sa friend ko na magbibigay ng sustento monthly,naliliitan yung friend ko sa amount and nag demand siya ng dagdag, ayaw na magbigay nung guy kasi may syempre need din niya isupport si kabitch at may anak daw sila.. So ang naisip na solution ng friend ko is iblackmail si guy na ipapatangal sa work yung kabitch niya, magsusumbong siya sa Company ng girl (alam kasi is married si girl).  Not sure about this plan if it will work pero may nakapagtry na bang gumawa nito? Need kasi niya ng sample letter na ipapadala sa HR..

justin3

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #299 on: September 19, 2013, 12:06:40 am »
^may anak ba ang friend mo? kung wala, ewan ko lang kung obligation ng hubby magbigay ng sustento sa wifey.
pero sigurado ako, kung may anak sila, karapatan ng bata na masustentuhan sya ng ama nya, pero hindi mo ma-oblige ang hubby na sa kanya lahat ng gasto sa bata, dapat hati pa rin sila ng wifey. ;)

wag nya na kamo ipatanggal sa work si ka-beach o si estranged hubby. ganung "illegitimate parents" sila, kawawa naman yung naging bunga ng kapusukan nila.
hayaan na lang kamo ng friend mo na ang digital karma ang maningil sa mga taksil. :D   

 

Latest Stories

Load More Stories
Close