Author Topic: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?  (Read 208172 times)

honeycrushed

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #240 on: July 26, 2013, 06:57:34 am »
siguro to a point tama yung sinabi ni sis iammechelle, kasi yung asawa ko yan ang kinakatakot, na i-confront ko yung babae at mapahiya siya.  alam niya kasing kahit flirting pa lang at wala namang affair, i really call the girl. hindi para mag tatalak but to introduce myself.  this is silently to let her know na kilala kita, alam ko ginagawa mo at tigilan mo ang asawa ko. pag hindi tumigil mas drastic measures na. i nip it from the bud para tigilan na bago pa man mauwi sa temptation ang "friendship" nila.

sis cap78 mahirap na talaga mag tiwala. tama lahat ng sinabi ng mga sisses dito na pag tatakpan kahit huling huli na.  ako nga may screenshot pa para kahit burahin nya sa fb, may ebidensya pa rin ako. pero deny parin ang asawa ko. ngayon pag may small voice na nagsasabi sa kin na baka meron tong ginagawang milagro, hindi ko na binabalewala, i really dig for evidences.  yun nga lang nakaka exhaust din. sa totoo lang, gusto ko na nga talagang hiwalayan. better to be alone that married and miserable.

sis thistimearound nanganak ka na ba?  take care of your self sis.  yang baby mo ang magiging kakampi mo habang buhay.  yan din sabi sa kin ng mga friends ko noon dahil nag bubuntis palang din ako nun niloloko na ko yun nga lang hindi ko pa na didiscover. puro gut feel pa lang.

thistimearound

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #241 on: July 26, 2013, 07:28:30 pm »
Sis honeycrushed, no, not yet. Di pa ako nanganganak. Tama ka, I should take care of my baby. Actually noon, wala akong pakialam sa baby ko kasi mas iniintindi ko kung anong nafifeel ko as betrayed wife. Diko kasi mapigilan masaktan. Alam ko na nga na mas mabigat ang effect ng emotional stress compared sa physical stress. Pero tuloy pa rin akomsa iyak, araw gabi na ginawa ng Diyos. Pero bigla nalang ako nagising sa katotohanan na hindi ko na mababago ang nangyari. Nangyari na yan at ang dapat kong asikasuhin, yung health ng baby ko. I am depriving him to be a happy baby kapag nailabas ko na iya. Kaya ayoko ng isipin pa. Bahala na ang asawa ko kung lolokohin pa niya kami (kasama na anak ko) inspote of the second chance I gave him. Lalo na ngayon,, magkaka baby na kami, iiwan ko talaga siya pag inuli pa niya

goldagrace

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #242 on: July 26, 2013, 09:36:05 pm »
sabi ko dati sa sarili ko, non negotiable sakin ang faithfulness. na pag nalaman ko may iba, okay lang, hiwalay kaagad.

Pero ngayon, masasabi ko na hindi madali pag nasa sitwasyon ka na.

Nahuli ko si hubby na may katext, ewan ko kung katext nga lang as sinabi nya. grabe reaction ko, pati computer chair naibato ko sa kanya, dapat aalis na ako sa bahay, pero nung naiimpake ko na lahat ng gamit ko, hindi ko magawa. iniisip ko, ganito na lang ba? alam ko kasi pag umalis ako baka hindi na ako bumalik. kawawa naman anak namin, and inisip ko din, gusto ko ba talaga umalis at hiwalayan sya ng tuluyan? hindi ko kaya kasi dun ko napatunayan na, mahal ko pala talaga sya ng sobra sobra na napatawad ko sya. pero, aaminin ko hanggang ngayon masakit pa rin. kahit sabihin nya na hindi naman naging sila, katext at kalandian lang, pareho rin yun kasi instead of the effort na sa akin nya ibinuhos para makipag landian, sa iba nya ginawa. may trust issues pa rin ako. pero hanggang ngayun naman minamakeup nya sa akin yung nangyari. nag decide din ako na instead of feeling anger towards him, iwowork on namin yung relationship namin. effort ako and effort din sha para bumalik ang dati.

so yun lang, advice ko lang is, wag magsalita ng tapos. ideal naman lagi iniisip natin na hindi mangyayari at pang nangyari e makikipaghiwalay ka. pero hindi totoo yan most of the time. lalo na kung mahal mo pala talaga ang isang tao. :)

honeycrushed

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #243 on: July 26, 2013, 10:20:01 pm »
^ tama yan sis.  let your strength grow together with your baby.  unfair para kay baby na hindi siya maalagaan because of an inconsiderate father.  sana matauhan na din yang asawa mo. 

jenger109

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #244 on: July 27, 2013, 05:23:39 am »
for me, it's his choice.. basta sa akin ang kids ko..  ::)

Girltalker2

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #245 on: July 27, 2013, 09:39:20 am »
sabi ko dati sa sarili ko, non negotiable sakin ang faithfulness. na pag nalaman ko may iba, okay lang, hiwalay kaagad.

Pero ngayon, masasabi ko na hindi madali pag nasa sitwasyon ka na.

Exactly how I thought before din. Pero took me years deliberating ano ba dapat gawin and eventually, with God's grace, nakawala din ako and it is such a liberating feeling.

I agree with honeycrushed, I'd rather be separated and happy kesa maging married and miserable. And I can attest to this, but it was really a struggle for me to leave my marriage and it was the most challenging and difficult issue I have encountered in my entire life.

Nahuli ko si hubby na may katext, ewan ko kung katext nga lang as sinabi nya. grabe reaction ko, pati computer chair naibato ko sa kanya, dapat aalis na ako sa bahay, pero nung naiimpake ko na lahat ng gamit ko, hindi ko magawa. iniisip ko, ganito na lang ba? alam ko kasi pag umalis ako baka hindi na ako bumalik. kawawa naman anak namin, and inisip ko din, gusto ko ba talaga umalis at hiwalayan sya ng tuluyan?

Same thoughts that went through my mind when I learned that my hubby (ex na now) was seeing somebody else. 
"kawawa naman anak namin" --  reality check -- I realized mas kawawa ang anak namin kung kakalakihan nya ang mindset na OK lang may kabit, na OK lang manloko, OK lang hindi magrespect ng babae.  So at the end of the day, I am happy with the decision at ine-explain ko rin (teens pre-teens na kasi sila) the reason I cannot take it is because one should not just sit there and do nothing while people cheat on you.  You should fight for what is right. Somehow as cheated wives, minsan hirap tayo always thinking how to make our marriage work, pero in fact, we should also be looking at this as point of view ng kids kasi baka lakihan nalang nila na kung babae sila, ok lang maging kabit or ok lang may kabit ang mapangasawa nila; at kung lalaki naman baka hindi nya respetuhin ang mga babae in the future.

"gusto ko ba talaga umalis"  -- NEVER.  I never wanted to have a broken marriage and I think no one does.  But again, sa pagmumuni ko, I arrived at a conclusion - hindi naman ako ang nagcause ng broken marriage. The marriage was already broken at sya ang sumira. Kahit hindi ko gusto umalis I had to do it to save myself and ensure myself I will not live a miserable life kasi sure ako, if I stay, miserable ang life ko.  So it is not a matter kung anong gusto mo, it is a matter of thinking far ahead in the future what you want - my happiness in the long run or an intact marriage pero may habambuhay na kalbaryo without any peace of mind  - and since I cannot have both and had to choose former.


hindi ko kaya kasi dun ko napatunayan na, mahal ko pala talaga sya ng sobra sobra na napatawad ko sya. pero, aaminin ko hanggang ngayon masakit pa rin. kahit sabihin nya na hindi naman naging sila, katext at kalandian lang, pareho rin yun kasi instead of the effort na sa akin nya ibinuhos para makipag landian, sa iba nya ginawa. may trust issues pa rin ako. pero hanggang ngayun naman minamakeup nya sa akin yung nangyari. nag decide din ako na instead of feeling anger towards him, iwowork on namin yung relationship namin. effort ako and effort din sha para bumalik ang dati.



Yup, been there done that.  I thought hindi ko kaya.  I thought super duper mahal ko sya na puede nako maging martyr at santo. Pero dito ko na realize, kung paulit ulit gawin iyan ng lalaki, mapapagod ka rin. Nakakapagod rin pala magmahal.  But the fact that HE IS TRYING TO MAKE IT UP TO YOU - makes a whole world of difference.  In my case, he could be trying not to make up but trying to make ends meet while having a mistress and a wife.  Kaya hindi ko ma accept.  SImply because my ex was not willing to make it up with the wrongdoings he has done.  So in your case, I hope things work out between you and sana natuto na sya na hindi umulit.  Good luck.

« Last Edit: July 27, 2013, 09:43:11 am by Girltalker2 »

Cmay

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #246 on: July 27, 2013, 10:24:12 pm »
Waaah, i dont know kung anong gagaein ko if ever that happens.
Baka umayak nalang ako ng umiyak. Hahaha.
First thing to do siguro is to ask him kung sino talaga ang gusto nya or mahal nya.
Will let him decide kung sino ang pipiliin niya. Will accept nalang siguro kung ano man ang desisyon nya.
:) wag ipagpilitan ang sarili. :D Tho wag naman sanang manyari yon :)

iammechelle

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #247 on: July 29, 2013, 10:39:00 am »
It happened to me. I posted somewhere here about my experience. Actually, this was not a Kabit. We can consider this as fling, pero masakit pa rin. Knowing na nagkaroon ng iba. Yung tiwala mo na binuo ninyo, nag-shatter talaga at ang hirap buo-in kahit hanggang ngayon na matagal na. Naisip ko na rin yung "married ka nga pagkatapos, miserable ka naman.." or yung tipong "nagsasama lang ng dahil sa mga anak." I related this my kwento to my boss kasi napapansin nya na di na ako effective eh. He related to me that what his wife does is to make gulo, nagwawala at nag-co-confront. After the incident fling of my husband, ganuon na ang ginawa ko, yung tipong detective conan, mega-amoy sa damit, check ng texts at email sa cell phone, tapos wala na talagang tiwala. Bawat galaw nya naging bantayin ko na. Naging parang si Lally lang ako. Nakakapagod rin pala. To the point na ako na rin ang nagsawa. Actually, nung pinatawad ko siya at tinanggap na uli, nagbago naman kahit papaano. Pero sa part nating mga babae ang hirap na magtiwala uli.

Ang ginagawa ko ngayon, hinahayaan ko na lang siya. Minsan kasi, the more na magwala tayo or manugod ng mga kabit na yan, mas lalo pa silang manggigil. Ang ginagawa ko na lang lately is to be like the kabit. dress like the kabit, da moves like the kabit. ;-) Kaya pa rin naman natin maging mga wild mga sissies.

Lastly, I maintain our friendship. Yun na lang ang pinanghahawakan ko ngayon ;-)

scornedwife2001

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #248 on: July 29, 2013, 03:59:13 pm »
Lahat na yata ginawa ko na. Nagwala, nag iiyak, nagmakaawa, nag attempt mag suicide, naging zombie mode. At the end of the end narealize ko ako rin ang talo. Mamatay ako agad eh di nag bunyi ang kabetchi nya baka magpa free meal pa sa canteen nila.Mag kasama kasi sila sa work up to now. 4 years na sila may affair ng asawa ko at may anak na sila bago ko nalaman. Si kabit mismo tumawag sa akin di nag pakilala nag sumbong na may babae ang asawa ko(nagselos ang haliparot kasi bukod sa kanya me bagong kinakabit si hubby na mas bata na dun din nag wowork) tapos ang ending ng salita di mo kilala gaano ka demonyo ang asawa mo wala kang kamalay malay baka me naanakan na sya.

Dun ako napraning binuksan ko mga emails at fb nya ang dami ko nakitang kalokohan nya sobrang flirt, at sa office email nya dun ko nahuli na bukod dun sa isinumbong sa akin ng mistery caller ko eh may honey pa syang isa na yun yung tumawag sa akin. Nag harap pa kaming tatlo, papunta kami iniisip ko na paano ko sasapakin yung kabit, pero pag dating dun di ko nagawa kasi ang inisip ko ayokong ma youtube mapapahiya mga anak ko pag dating ng panahon.

He promised na wala na, sinabi pa nya dun sa babae na di nya tatalikuran obligasyon nya pero di sya makakapango how much dahil tight naman talaga ang budget namin(kapal ng face ni hubby no nakuha pa mambabae at mag anak sa labas wala na nga maiintrega sa akin)

Ayun from then on, tamang praning na ako lahat na pinag hinalaan ko, masisi nya ba ako mabuti kung one time lang nangabit kaliwat kanan! nabasa ko pa sa ym nya paano sya makipaglandian sa babae, right under my nose nasa bahay sya nakikipag chat kandong pa nya ang anak namin buti di marunong magbasa yung bata. The nerve na nag video chat pa pala at ipinapakita itsura ng anak namin para siguro maengganyo yung babae dahil maganda magiging product nila if ever.

It all happened last april 2012. At 2013 na nahuli ko na naman sya.

Now he wants space kasi daw naguguluhan sya, gusto din daw nya available sya pag kailangan sya ng bastardo nya, so I guess yun na ang cue for me to let go. Giving up your three legitimate children for 1 anak sa labas.

We talked last week. Then until now hindi na sya umuwi. Una nag eemail pa ngangungumusta, mommy pa rin tawag sa akin. Tapos biglang wala ng mail until now.

Masakit sobra, I just finished crying na naman kasi sa sobrang sakit pag di ko iniyak nag kakanda suka ako.

Sana malampasan ko agad ang phase na ito. Kasi nadudurog lalo ang puso ko pag hinahanap sya ng mga bata lalo na kahapon kasi bakit daw wala si daddy eh sunday.

honeycrushed

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #249 on: July 29, 2013, 09:16:37 pm »
^ sis, i am at awe sa nagawa sa yo ng asawa mo.  you are in a very difficult situation but you are left no choice but to be strong and hold it together for your kids.  like sis girltaker2, you need to confront your fears and stand up for your self.  your kids deserve to be raised by a good father and your husband is no where near that now. be strong sis, allow yourself to grieve, pray. malalampasan mo rin yan.

Girltalker2

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #250 on: July 30, 2013, 09:49:25 am »
We talked last week. Then until now hindi na sya umuwi. Una nag eemail pa ngangungumusta, mommy pa rin tawag sa akin. Tapos biglang wala ng mail until now.

Masakit sobra, I just finished crying na naman kasi sa sobrang sakit pag di ko iniyak nag kakanda suka ako.

Sana malampasan ko agad ang phase na ito. Kasi nadudurog lalo ang puso ko pag hinahanap sya ng mga bata lalo na kahapon kasi bakit daw wala si daddy eh sunday.

Sis, yes masakit.  Pero tandaan mo it is only temporary, that is, kung may gagawin ka for yourself.  Take this time as a healing period. Mabuti na hindi na sya nagpakita kesa sa tuluyan ka pa nyang niloloko panghabambuhay. Minsan hindi ko nga alam kung mas ok yung iwanan ka nalang ng asawa mo or laging nasa tabi mo pero maraming extra curricular activities.  It happened to me din kasi. Ang problema lang sakin, hindi nyako iniwan, kaya torture for me every day makita sya pero alam mo may kalaguyo sya.  Tapos di ko malaman san ako pupunta kasi ayaw ko nga sabihin ang burden ko sa family ko, at ayaw ko gumawa ng gulo kasi nga lahat ng tao naman masaya (except ako).  It went on for years for me, I went to counseling, to novenas, lahat nitry ko para mawala ang sakit.  In the end, I just realized na mawawala lang pala ang sakit kung wala na sya sa tabi ko.  I decided to eventually leave the marriage kasi napagod din ako. 

Now that everything is over (because I was able to get some courage to leave), in hindsight, how I wish he left me nalang, in that way, he could have made things easier for me.  At least shinortcut sana nya ang pagdudusa ko.  Hindi yun tipong ilang taon na iniisip ko ano ang pinakamabuting gawin, sinasarili ko ang problema at di ko malaman san ako susuot tuwing nagkakalat sya ng lagim.

Kaya just take your time to grieve now.  Eventually, naniniwala ako you will smile again. May araw din sila. 

Regarding your kids, be happy for them na wala yung hudas na tatay nila sa piling nila. Isipin mo nalang ano ang puede nyang ituro na morals sa mga bata.  You have to tell them the truth somehow din kesa itago mo. Pero kung kaya mo na, kung kaya mo na sabihin sa kanila nang hindi ka umiiyak - "Wala na kasi si papa, mahal ka ni papa, pero kelangan nya kasi umalis. From now on, it will be just the 4 of us, without papa." 






scornedwife2001

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #251 on: July 30, 2013, 01:20:10 pm »
Salamat sa encouraging words sisses honeycrushed at girltalker2 kailangang kailangan ko ito ngayon.
Yan din ang iniisip ko alin ba ang mas magaang sa dibdib magkasama kami pero wala ng tiwala at pagmamahal o mag hiwalay na lang para isang recovery na lang. We agreed nung december na maghiwalay pero di sya naka tiis at umuwi sa amin humingi ng isa pang chance. Ako naman nag pauto. Pero ngayon iba na talaga at ramdam ko rin ang pag babago nya towards me, sa lahat ng bagay maski sa kama :-[. No more sweetness and effort sa part nya naamuin ako kapag may di kami napagkasunduan. tapos mababasa ko sa mail paano sya mag sorry at mag promise sa kabit nya ang sakit sampal talaga sa mukha ko. Di na ako makapag confide sa mga bff ko kasi magagalit lang sila lalo dahil ang payo nila noon p man ay makipag hiwalay na ako dahil kitang kita naman na chronic liar sya at mahilig sa babae. ganun ata talaga mahal eh at inaamo pa nya ako. Pero ngayon, sa mukha ko sinabi nyang naguguluhan sya at kalahati na lang ng pag katao nya ang gusto pang umuwi sa amin, di pa ba ako dapat matauhan nun.
Pray for me and my children sisses sana makaya namin ito. Dadating ang araw na pagsisisihan nya bakit pinabayaan nya na masira ang pamilya namin at pinagpalit nya ang mga anak nya sa babaeng hiniwalayan ng asawa at may anak pa.

lovely_carrot

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #252 on: July 30, 2013, 01:35:30 pm »
hi! need your opinion mga sis...

kanina 3am na husband ko umuwi sabi nya overtime daw.  nung tulog na sya check ko yung pants nya, nagulat ako may 2 condoms sa bulsa, kinutuban ako syempre.  check ko din cp nya nabasa ko sa senyt items may niyaya syang friend, a girl, na magpoker daw sila.  reply nung girl "ok pero kelangan ko magsama ng friend para safe tayo."  sa call logs meron din...

mga sis meron kayang milagro ginagawa ang husband ko?  i confronted him sabi nya di daw sa kanya yung condom sa friend nya daw yun na nakisakay sa kanya pauwi then nahulog daw tapos kinuha nya at ibinulsa.  syempre hirap akong maniwala.  ngayon sya pa ang galit sa akin kasi daw wala akong respeto sa privacy nya, wala daw akong ibang ginawa kundi mag-spy sa kanya.
 sya pa ngayon ang nagbibigay sa akin ng silent treatment.

sa tingin nyo mga sis merong nangyayaring kalokohan diba?
 

don't mean to be a devil's advocate pero kabahan ka na.

my ex partner naguwi pa ng sabon ng sogo, and some girlie cigarettes, i don't know kung sinadya, or what pero pag may usok may apoy, at may mga dem*nyito at dem*nyita na nagloloko..

sorry to be blunt, pero kapag naaalala ko yung ginawa sa akin, nakakagigil lang, feeling ko naisahan ako pero i think mas naisahan ko sila, pinamigay ko yung ex partner ko e.

sabi nga when a woman tries to steal your man, the best revenge is to let him have her. tama naman, kaya naman masarap magloko kasi bawal, eh hindi na bawal ayun hindi din nila kaya isustain yung totoong relationship cos they both know na hanggang sa ganung level lang sila.

sana kung magkakaasawa na ko, i hope to God it won't happen again, kasi for me iba na pag legal ang samahan, tapos may lokohan pa din, mas malalim yatang sakit yun.. i mean what if you decide to separate, dadalhin ko pa yung surname nya na nakakasuka.. sa mahal ng annulment ngayon habangbuhay ko pang kalbaryo na misis ako ni ganito sa batas..

but probe deeper sis. may dahilan kung bakit andyan yang condom na yan, ay naku, all those bull crap alibis, i heard it all, from one man..

lovely_carrot

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #253 on: July 30, 2013, 02:02:32 pm »
Salamat sa encouraging words sisses honeycrushed at girltalker2 kailangang kailangan ko ito ngayon.
Yan din ang iniisip ko alin ba ang mas magaang sa dibdib magkasama kami pero wala ng tiwala at pagmamahal o mag hiwalay na lang para isang recovery na lang. We agreed nung december na maghiwalay pero di sya naka tiis at umuwi sa amin humingi ng isa pang chance. Ako naman nag pauto. Pero ngayon iba na talaga at ramdam ko rin ang pag babago nya towards me, sa lahat ng bagay maski sa kama :-[. No more sweetness and effort sa part nya naamuin ako kapag may di kami napagkasunduan. tapos mababasa ko sa mail paano sya mag sorry at mag promise sa kabit nya ang sakit sampal talaga sa mukha ko. Di na ako makapag confide sa mga bff ko kasi magagalit lang sila lalo dahil ang payo nila noon p man ay makipag hiwalay na ako dahil kitang kita naman na chronic liar sya at mahilig sa babae. ganun ata talaga mahal eh at inaamo pa nya ako. Pero ngayon, sa mukha ko sinabi nyang naguguluhan sya at kalahati na lang ng pag katao nya ang gusto pang umuwi sa amin, di pa ba ako dapat matauhan nun.
Pray for me and my children sisses sana makaya namin ito. Dadating ang araw na pagsisisihan nya bakit pinabayaan nya na masira ang pamilya namin at pinagpalit nya ang mga anak nya sa babaeng hiniwalayan ng asawa at may anak pa.

sis, you can only hold on for so long.. isipin mo din that you have kids, hindi lang dapat kay husband iikot ang mundo mo.

i too suffered for more than 2 years sa kalokohan ng ex partner ko, when i learned that my suspicions were right all along, i decided to leave him. his cheating reduced me into someone i am not. i was paranoid, i was depressed, thought of suicide, murder plot, my self esteem was zilch, my view on things basically changed. i became distant to some people kasi i'm afraid that they will judge my relationship with him. so naisip ko nun, sandali lang, hindi yata ako pinanganak sa mundong ibabaw para lang maging ganituhin at kagagawan pa ng isang tao na hindi mo aasahan sasaktan ka ng todo. pag ganyang klase ng asawa, hindi ka dapat manghinayang iwanan.

so yun, right after i learned and confirmed who the kabitch was, i was out of the door 11 days later. talagang nangutang ako ng pera para makapagrent ng sarili kong apartment, kid and yaya in tow.

best decision ever. and that was 7 years ago.

my ex partner and i are in a much better place now, we're sort of frenemies.. pero ok lang. we're both happy with our respective partners.. at least hindi na ako praning and suffering.

some decisions will mask themselves as the most painful event in your life when in reality, given much needed adjustment and time, they're not.

my prayers are with you sis. please make the right decision for you and your kids.

iammechelle

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #254 on: July 31, 2013, 10:12:46 am »
Salamat sa encouraging words sisses honeycrushed at girltalker2 kailangang kailangan ko ito ngayon.
Yan din ang iniisip ko alin ba ang mas magaang sa dibdib magkasama kami pero wala ng tiwala at pagmamahal o mag hiwalay na lang para isang recovery na lang. We agreed nung december na maghiwalay pero di sya naka tiis at umuwi sa amin humingi ng isa pang chance. Ako naman nag pauto. Pero ngayon iba na talaga at ramdam ko rin ang pag babago nya towards me, sa lahat ng bagay maski sa kama :-[. No more sweetness and effort sa part nya naamuin ako kapag may di kami napagkasunduan. tapos mababasa ko sa mail paano sya mag sorry at mag promise sa kabit nya ang sakit sampal talaga sa mukha ko. Di na ako makapag confide sa mga bff ko kasi magagalit lang sila lalo dahil ang payo nila noon p man ay makipag hiwalay na ako dahil kitang kita naman na chronic liar sya at mahilig sa babae. ganun ata talaga mahal eh at inaamo pa nya ako. Pero ngayon, sa mukha ko sinabi nyang naguguluhan sya at kalahati na lang ng pag katao nya ang gusto pang umuwi sa amin, di pa ba ako dapat matauhan nun.
Pray for me and my children sisses sana makaya namin ito. Dadating ang araw na pagsisisihan nya bakit pinabayaan nya na masira ang pamilya namin at pinagpalit nya ang mga anak nya sa babaeng hiniwalayan ng asawa at may anak pa.

Sabi nga nila, learn to love yourself muna bago ka magmahal ng iba. Sa nakikita ko sa problema mo sis, nakalimutan mo na pahalagahan ang sarili mo. Yung mundo mo, umikot sa asawa mo. Ganito naman talaga tayong mga babae kapag nagmahal. Kaya lang, minsan kailangan rin na bumalik ka sa basic. Siguro, nakikita ng asawa mo na wala ka na rin pagpapahalaga sa sarili mo. Napakasakit non sinabi nya na 50% na lang ng sarili niya ang gustong umuwi sa inyo. Sa tingin ko, yung 50% na iyon ay yung sa mga anak mo na lang. Masakit man na isipin, na kung babalik man siya sayo, di na rin ikaw ang magiging dahilan. Masakit ito dahil sa marriage, kasama ang friendship sa relationship. Sa pagtataksil na ginawa niya sayo, tinalikuran na rin nya ang friendship o kahit ang katiting na relationship na meron kayo.

What I did nung ako ang nasa katayuan ko, hinayaan ko siya. Kung gusto niya umalis, umalis siya. The more you cling to him, the more he will resist you. Alam nya na andiyan ka pa rin na tatanggap sa kanya everytime na bumalik siya. Magpaganda ka. Take time na baguhin ang sarili mo. Hindi para sa kanya o sa mga anak mo, kung hindi para sayo. Humanap ka ng paglilibangan. Pinakamahirap na pakiramdam ay ang maloko ng kapwa mo lalo na at asawa mo. Pero eto ang lagi mong tatandaan:

We are all created in the image of God, kaya wag bababa ang self-esteem. The first step to feel good is took good. At isa pa, sa bibliya, ang mga babae ang pinapaburan ng Panginoon. Magtiwala ka sa Kanya at sa Kanya lang kumapit. Di ka Niya bibitawan.

Hiwalayan mo na. at ipakita mo na may paninindigan ka. Kapag makita niya yun, siya mismo ang magkukumahog sa yo. Nasa yo na kung tatanggapin pa siya o hindi. Basta sa ngayon, SARILI mo naman ang unahin mo.

Am extending you my warmest hug.

X_03

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #255 on: July 31, 2013, 04:20:23 pm »
hmmm...well hubby used to tease me with the same question anong gagawin ko kapag nalaman ko na may iba siyang girl...lagi ko lang sagot at hindi nagbabago

basta magiingat ka lang, wag kang lalabas nang bahay o sisilip sa bintana... - he knows i have a cousin and he is a sniper  ;D

pero in reality of course not, pag uusapan namin yan bakit, gagawan nang paraan...although ramdam ko galit siya sa lalaking nangangaliwa o sa babaeng nangangaliwa...dahil awang awa siya ngayon sa mga anak nang brother niya dahil nawalan nang ama...

gharz412

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #256 on: August 02, 2013, 05:02:36 pm »
my husband also asked me that very same question and i answered him in a very simple  and calm way saying "wag ka lang magpapakita saken or magpapahuli kung hindi putol ang maliligayang araw niyo ng kabit mo!". Since then he never tend to ask... But kidding aside, one strike lang ang policy namen ni hubby walang second chances ever since naman nung mag bf/gf palang kame so dun palang alam nanamin pareho na walang kapatawaran pagdating sa pangangaliwa...

erin1992

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #257 on: August 04, 2013, 11:57:33 am »
we don't talk abt this stuff, maybe he's guilty or something, hahaha! joke.

well, pag nalaman kong may kabit sya, syempre ko-confirm ko muna. pag confirmed, tsaka ko sya iko-confront.

 i will not ask him to explain, i'll just tell him that i know it na. he decided to do it, then dun na sya. no excuses.

i'll leave him, no communication na.

nakakasawa na kasing parang ok lang na magloko kasi alam nyang papalampasin mo kasi mahal mo. know when enough is enough.

(i'm this harsh kasi he did something terrible na before, so... yes. that's it)

lovely_carrot

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #258 on: August 05, 2013, 03:04:00 pm »
if its his first offense, i will CONSIDER forgiving him and starting anew but it comes with a price. meaning    he will have to earn my trust back and hindi yun madali..  mas mahirap pa kesa nung ligawan stage pa lang. and wag lang papakita si girlalu sa akin, sabog ang nguso nya..  ;D

if he's a recurring womanizer and seemed hopeless, i'd say adieu.. i am only going to lose my peace of mind, my sanity and self esteem if i stay in a relationship na lokohan lang. IMO, sometimes partners are better off separated lalo na't hindi magkasundo. 

iammechelle

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #259 on: August 05, 2013, 05:33:47 pm »
Yesterday was our 5th anniversary. Hubby surprised us (me and my daughter) by taking us to tagaytay. In the afternoon, we watched him play basketball. We were so elated and happy. Though I expect him that he will do everything to make us happy, the text that I received yesterday bothered me:

The texts was in Jejemon / text speak. Hence, there would be lots of "text speak" to appear if I write her actual text messages:

Fist text: Balyenang desperada ka, baket ka nagpapanggap na masaya ang pamilya mo? Hindi mo ba alam na niloloko ka lang niya? Akala mo lang masaya kayo pero ang totoo, may iba ang asawa mo. Ay nagkabalikan pala sila at hindi bago. Nagkabalikan kami. Baket di mo tanungin ang asawa mo?

I replied (which I regret now, I should not have replied at all): Sino ito? Hindi kita kilala

Second Text: Naku, kunwari ka pa na hindi mo ako kakilala. Napaka-desparada mo para gumawa ng mga fake accounts. Nagpabuntis ka lang para samahan ka ng asawa mo. Oo masaya ka ngayon, pero iiyak ka rin. Panandalian lang ang pagiging masaya mo. Kaya ka lang naman sinamahan kasi nagpabuntis ka. Desperada ka, nakakaawa ka! Hahaha!

Nagulat ako rito kasi hindi na siya scammer at parang kilala na niya ako. Binanggit pa nya ang pangalan ng asawa ko.

Me: I don't know waht you're talking about! Sorry I miss, but I guess it was just a missent!

Third text: Missent ka diyan, alam ko na alam mo kung sino ako. Ang babaet pala nina Ate (name ng ate ng asawa ko). Ang baet pala ng mga (surname ng hubby ko) clan. Babalik ulik ako dito. Baket hindi mo tanungin asawa mo? Takot ka tanungin dahil alam mo na masasaktan ka.

Me (di na ako nakatiis): Hayyy alam mo, nakakatawa ka! Dahil kung talagang masaya kayo, baket ka pa nagtitext sa akin ng ganito? Ikaw itong nakakakilala sa akin so sino sa atin ngayon ang may fake account? Eh hindi nga kita kilala, baka ikaw ang nag-stalk sa akin. Paano mo nalalalaman na masaya ang pamilya ko? Siguro, nakukulangan na ng atensyon ang asawa ko sayo, kaya ka nanggugulo. At pwede ba, kung humahabol habol ka sa asawa ko, e di sayo na siya? you can all my garbage and I don't give a d*mn! Sayong sayo na ang basura ko, for all I care! and btw, why would my husband's family choose the kabet over the legal wife?

Fourth Text: Leagl wife ka diyan, eh kabet ka rin naman (duh!? loka loka talaga tong nagteitext na eto) Baket hindi mo iuwi sa Visayas para makilala ng anak mo ang half-brother niya? Uminom ka na ng gamot, pakamatay ka na. Tutal naman duon ka magaling eh! Regards nga pala kay Shiela!

Di ko na siya sinagot mga sis. Sinabi ko sa asawa ko. Natawa lang kami dahil yung mga sinasabi niya rito ay yung mga OLD US. Kung noon pa siya nagtext, pwedeng patulan ko. Umiyak ako, magpakatanga. Ibalik na naman ang mga kasalanan ng asawa ko noon. Naka-move on na kami. Masaya na nga kami. At alam pa niya na buntis ako and all. Nagkakahinala na kami ni hubby kung sino eto. Pero I did not let our happy moments ruined by this hysterical b*tch!

Kaka-bother lang, paano kung totoo. Pero pinapagpasalamat ko sa Diyos na hindi ko inayakan at di ako nagpaapekto. Bitter lang siya dahil naka-move on kami at masaya ;-)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close