Yesterday was our 5th anniversary. Hubby surprised us (me and my daughter) by taking us to tagaytay. In the afternoon, we watched him play basketball. We were so elated and happy. Though I expect him that he will do everything to make us happy, the text that I received yesterday bothered me:
The texts was in Jejemon / text speak. Hence, there would be lots of "text speak" to appear if I write her actual text messages:
Fist text: Balyenang desperada ka, baket ka nagpapanggap na masaya ang pamilya mo? Hindi mo ba alam na niloloko ka lang niya? Akala mo lang masaya kayo pero ang totoo, may iba ang asawa mo. Ay nagkabalikan pala sila at hindi bago. Nagkabalikan kami. Baket di mo tanungin ang asawa mo?
I replied (which I regret now, I should not have replied at all): Sino ito? Hindi kita kilala
Second Text: Naku, kunwari ka pa na hindi mo ako kakilala. Napaka-desparada mo para gumawa ng mga fake accounts. Nagpabuntis ka lang para samahan ka ng asawa mo. Oo masaya ka ngayon, pero iiyak ka rin. Panandalian lang ang pagiging masaya mo. Kaya ka lang naman sinamahan kasi nagpabuntis ka. Desperada ka, nakakaawa ka! Hahaha!
Nagulat ako rito kasi hindi na siya scammer at parang kilala na niya ako. Binanggit pa nya ang pangalan ng asawa ko.
Me: I don't know waht you're talking about! Sorry I miss, but I guess it was just a missent!
Third text: Missent ka diyan, alam ko na alam mo kung sino ako. Ang babaet pala nina Ate (name ng ate ng asawa ko). Ang baet pala ng mga (surname ng hubby ko) clan. Babalik ulik ako dito. Baket hindi mo tanungin asawa mo? Takot ka tanungin dahil alam mo na masasaktan ka.
Me (di na ako nakatiis): Hayyy alam mo, nakakatawa ka! Dahil kung talagang masaya kayo, baket ka pa nagtitext sa akin ng ganito? Ikaw itong nakakakilala sa akin so sino sa atin ngayon ang may fake account? Eh hindi nga kita kilala, baka ikaw ang nag-stalk sa akin. Paano mo nalalalaman na masaya ang pamilya ko? Siguro, nakukulangan na ng atensyon ang asawa ko sayo, kaya ka nanggugulo. At pwede ba, kung humahabol habol ka sa asawa ko, e di sayo na siya? you can all my garbage and I don't give a d*mn! Sayong sayo na ang basura ko, for all I care! and btw, why would my husband's family choose the kabet over the legal wife?
Fourth Text: Leagl wife ka diyan, eh kabet ka rin naman (duh!? loka loka talaga tong nagteitext na eto) Baket hindi mo iuwi sa Visayas para makilala ng anak mo ang half-brother niya? Uminom ka na ng gamot, pakamatay ka na. Tutal naman duon ka magaling eh! Regards nga pala kay Shiela!
Di ko na siya sinagot mga sis. Sinabi ko sa asawa ko. Natawa lang kami dahil yung mga sinasabi niya rito ay yung mga OLD US. Kung noon pa siya nagtext, pwedeng patulan ko. Umiyak ako, magpakatanga. Ibalik na naman ang mga kasalanan ng asawa ko noon. Naka-move on na kami. Masaya na nga kami. At alam pa niya na buntis ako and all. Nagkakahinala na kami ni hubby kung sino eto. Pero I did not let our happy moments ruined by this hysterical b*tch!
Kaka-bother lang, paano kung totoo. Pero pinapagpasalamat ko sa Diyos na hindi ko inayakan at di ako nagpaapekto. Bitter lang siya dahil naka-move on kami at masaya ;-)