^ sis, in time, you will know. do not rush. ako man, it took me a long while before taking that step.
and to be honest, when I was in your shoes, ayoko din gumalaw. I just want a friend or someone to defend me and clean up the mess. unfortunately, walang ibang makakagawa nyan except you.
and people around me did not help. nung una kong nalaman, sinarili ko lang. then unang sinabihin ko in laws ko, kasi at least hindi magkakagulo pag nalaman nila. well, anak nila eh, so they tried to comfort me pero hanggang dun lang at wala naman daw silang magagawa sa pinagagawa ng anak nila kundi sabihan. pero I bet kung mangyari ito sa anak nilang babae eh baka naghamon na sila ng away. in any case, lagi nila sinasabi sakin to wait at magigising rin yun, do not rock the boat, etc. Maraming babae na may asawang nambabae and ok lang sila. There is nothing wrong dahil 1 out of 10 marriages lang naman talaga ang happy, and since ok naman kami financially, I should be ok.
And they make it sound like kung ako ang nagrereklamo, ako pa ang manggugulo kasi lalaki anak without a dad, or the family will be dysfunctional, or I will be the one who will end up growing old alone nang walang asawa at yung kabit ang winner, etc etc. It is only after several years ko naisip, shet, ako lang ang hirap hirap, day in and day out, lumang tugtugin na, paulit ulit nalang, parang hindi nako nagsawa mahirapan. The wound was always fresh. Samantalang lahat sila emprenteng happy happy, at they do not need to answer for anything (ie nakakahiya pag nalaman ng relatives etc).
Bwiset talaga. so nagising rin ngako, never again. But it took me a lot of time. Before I became ready. I went through the ups and downs. May time I was hoping babalik pa yung dating pakikitungo nya. Pero hindi. The longer the situation became, the more at ease everyone became. Kasi I ACCEPTED IT. And since I accepted it, eh di sige lang silang lahat, yung ex ko happy happy, yung kabit minsan nang-aaway kasi gusto sa kanya lagi yung ex ko, yung in laws happy happy at complete pag family gatherings. I was at the brink of my sanity, kasi minsan happy ako at andyan sya parang walang nangyari, ok na naman kami, then all of a sudden mawawala sya, and I do not know where to find him at hindi sinasagot ang phone. Sleepless nights waiting for him, hindi uuwi, sasabihin nya work as if walang nangyari. Magkakaron na naman ako ng panic attack. Tapos pag uwi nya, heto na naman ako since andyan sya, ok na naman. It was a roller coaster of emotions.
Hanggang sa sinabi ko na Stop na talaga. I distanced myself away from him. Psyched myself NOT to love him. and love myself more. Kaya ngayon, I will always make sure I take care of my own well-being muna at never again ako papayag na mabastos ng ganun. I will always do what I think is right for me and for everyone, what is fair and just, even if it means rocking the boat, or maiskandalo sinuman. Because at the end of the day, you know you did the right thing, kahit pa magsirko sirko lahat ng tao, eh yun ang tama, at walang makakapagbago nun.