watch now

Author Topic: Budget when you go back to the Phils for vacation  (Read 40385 times)

three8one

  • Guest
Re: Budget when you go back to the Phils for vacation
« Reply #80 on: August 24, 2017, 05:48:12 pm »
ay saklap nga nun sis. pero yun ang realidad ng buhay. naawa naman ako don sa pamangkin mo , anak ng bro in law mo. di hindi man lang maimbitahan ipasyal ang bata.. mabuti na lang maaga nya na natuklasan yung ganun pangyayari. madami pang chance para mag adjust ng life style tuwing makakapag bakasyon.

jhez

  • Guest
Re: Budget when you go back to the Phils for vacation
« Reply #81 on: November 06, 2017, 11:17:32 am »
Yun una uwi ko nalagasan ako, isa inuman, nagukat ako sa dami ng dumating na inimbitahan para daw sa welcome back meet up. Nadala na ako, 2nd uwi ko sabi ko ako na pili place, nagantay pa ako, ako pa nagbayad at nagexpect pa pasalubong. Susme. 2nd uwi ko wala ako work kako wala ako pang-pasalubong.

Ngayon November di na ako uuwi pinas. So binilihan ko ticket parents ko papunta Singapore, meet ko sila dun. Iwas pasalubong, iwas sa mga libre, iwas sa mamamasko at dadalaw sa bahay.

Hindi naman sa nagdadamot, pero mahirap magipon sabay papamigay mo lang ganun ganun lang....

Libre ticket namin, kaya budget ko kada uwi 1.5K-2K kulang pa. Wala out of town bahay lang ako at mga masahe, facial at body scrub.

three8one

  • Guest
Re: Budget when you go back to the Phils for vacation
« Reply #82 on: November 08, 2017, 02:47:49 pm »
^ dati ang mind set ko pag galing abroad mga tito at tita ko madami pera mga to, nag eexpect din ako may pasalubong kaya pag wala o kaya hindi yun ang inaasahan ko medjo lungkot lungkutan ang peg. pero ngayon ako na ang nasa sitwasyon nila noon intinding intindi ko na ang kalagayan nila. haha! kaya kada uuwi ako halos sa bahay lang din ako. tama ka sis, ang hirap kitain ng pera tapos ipapamigay mo lang. ang worst pa nun eh ang dami mong bibigyan.

----------

pag relatives at friends siguro hanggang 30k lang ako. pero pag sa magulang at kapatid at pamilya hanggat kaya ng budget hindi ko titipidin.

PwedePadala

  • Guest
Re: Budget when you go back to the Phils for vacation
« Reply #83 on: December 22, 2017, 10:25:30 am »
I like it better when you spend your money for yourself, in traveling to places you've never been and an intimate time with people who matter the most.

This is my goal too!  :D I plan to go on vacation in the Philippines and take my siblings in Angkor [textspeak!] Temples in Cambodia. That's what I'll mostly spend my budget on and out of town trip with my family. I wouldn't send balikbayan box para makatipid and wouldn't shop; probably 1 or 2 jeans in the adult section since my size in Canada is for kids.

Did you use a credit card? How was it? And saan pala kayo namasyal?

kaythrielle

  • Guest
Re: Budget when you go back to the Phils for vacation
« Reply #84 on: March 03, 2018, 07:29:23 am »
Onga sis, san kayo namamasyal sa manila pag nagbabaksyon sa pinas. Naiisip ko lang BGC, Ayala mall, Greenbelt, SM malls, etc. Parang usually malls ano?

Kailangan talaga mag-out of town like Boracay, Cebu, Palawan, Siargao etc para makapasyal. I think the closest is Tagaytay...a little fyrther naman Batangas.
Any other suggestions?

mysterioza_me

  • Guest
Re: Budget when you go back to the Phils for vacation
« Reply #85 on: March 04, 2018, 05:26:38 am »
^Subic sis. There?s a newly-opened resort (Aqua Planet). Yan target ng sis ko pag-uwi niya ng Pinas. Or yung Adventure Beach WaterPark (this March ata ito mag-open). May mga kids kasi kaming kasama so for sure maenjoy nila dito.

Kami naman ni Bf Baguio and Puerto Galera plan namin puntahan pagnagbakasyon siya uli.

three8one

  • Guest
Re: Budget when you go back to the Phils for vacation
« Reply #86 on: March 04, 2018, 03:39:49 pm »
^^ sa unahan ng tagaytay, yung CaleRuega sa Nasugbo Batangas. Garden siya at parang may nature park na ata ngayon.

kaythrielle

  • Guest
Re: Budget when you go back to the Phils for vacation
« Reply #87 on: March 08, 2018, 10:24:49 pm »
^yes, we?ve been to Calaruega years ago. Maganda nga dun.

^^oo nga pala Northern Luzon areas. It?s the first time i?ve heard about that place sa Subic. It looks fun! Mahilig kami sa mga ganyan hehe.

Budget namin when visiting Philippines, kulang 100kPHP for family of 4, for 3weeks-1month. Pero hindi kami lumalagpas ng 200kPHP kasi linilibre din kami ng in-laws ko. And usually within the Metro or Southern Luzon kami. Kung babyahe kami somewhere else by plane tapos mag-hotel (Palawan, etc), lalaki gastos for sure.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Budget when you go back to the Phils for vacation
« Reply #88 on: March 08, 2018, 10:38:55 pm »
^Kaka-open pa lang ng Aqua Planet this Feb and yung isa naman na nabanggit sa March pa daw tentative opening date kaya siguro di pa gaanong sikat. Sa socmed pa lang sila sikat.

Halos same kayo ng budget sis ko. 120k for a family of 4 din and di din nila nauubos since parents ko naman nagpoprovide ng needs nila kapag nandito sila. Minsan lang naman sila mabisita dito. Ang ginagawa ng sis ko yung sobrang allowance bumibili nalang siya ng local goods dito sa Pinas and dinadala pabalik para may stocks siya sa bahay nila. Normally mga pansigang, pang-caldereta, sardinas, pancit canton, chichirya etc mga inuuwi nun pabalik sa kanila.

Shadow Angel

  • Guest
Re: Budget when you go back to the Phils for vacation
« Reply #89 on: March 09, 2018, 02:18:09 am »
Eto ang dahilan kaya hindi ako nagpaplano na umuwi ng pinas hindi pwede na pamasahe lang ang dala. Tapos ang taas ng expectation lalo kung foreigner ang asawa mo akala pinupulot lang pera dito. Iniisip ko pa lang un sobrang ka nag tipid dito sa ibang bansa pagdating sa pinas basta mo lang gagastusin. Kaya nagpalit ako ng fb para iwas sa makakapal ang mukha na mangangamusta para mangutang, magpabili ng gadget o branded na gamit, magpatulong pumunta dito at worst magpahanap ng bf na foreigner duh. Ginawa pa ako mama san.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Budget when you go back to the Phils for vacation
« Reply #90 on: March 09, 2018, 02:32:59 am »
^Haha yung isang cousin namin nagpapahanap ng mapapangasawa sa sister ko. Tumanggi sis ko baka daw kapag nakarating dun biglang magrun-away bride e sister ko pa maiipit sa kompromiso.

three8one

  • Guest
Re: Budget when you go back to the Phils for vacation
« Reply #91 on: March 11, 2018, 12:46:23 pm »
^^ akala ng iba hindi nag uulam ng sardinas, itlog, noodles ang mga nasa abroad. hehe! mga nakikita kasi nila sa pics puro magaganda kaya akala maayos ang pamumuhay na. pag nagpost ka naman ng naghihikahos ka rin may makocomment  padin sasabihin nag abroad pa ganyan lang din pala ang magiging buhay. hehe!

--------------

walang exact na budget kasi iba iba naman kada uwi.. kung ano lang lumabas sa tumawas yun na yun. haha!

mysterioza_me

  • Guest
Re: Budget when you go back to the Phils for vacation
« Reply #92 on: March 11, 2018, 04:48:55 pm »
Yung kapatid ko nakakasobra pa sa pocket money niya pag-umuuwi sa Pinas. Yung sobrang money niya ibinibili niya ng sardinas at noodles dito. At kung ano-ano pang local goods sa Pinas, mahal daw kask yun abroad.

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: Budget when you go back to the Phils for vacation
« Reply #93 on: March 11, 2018, 04:49:29 pm »
Iba iba talaga, eh aba ako maski ata 500k kaya ko magwaldas pag umuwe ako ng 1 buwan mag out of town lang ako and manglibre ng kung sino sino sabayan pa ng shopping, or 50k kung gusto ko manahimik lang sa bahay.  ;D

hushush

  • Guest
Re: Budget when you go back to the Phils for vacation
« Reply #94 on: March 11, 2018, 05:38:12 pm »
^wooow! Magpapalibre nga ako sayo sis sa july! tee hee! !😁😁😁

Shadow Angel

  • Guest
Re: Budget when you go back to the Phils for vacation
« Reply #95 on: March 11, 2018, 06:56:43 pm »
^^^^kaya iniiwasan ko magpost ng kahit ano na pagmumulan pa ng inggit.

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: Budget when you go back to the Phils for vacation
« Reply #96 on: March 11, 2018, 07:04:52 pm »
^wooow! Magpapalibre nga ako sayo sis sa july! tee hee! !😁😁😁

Haha sure libre lang ba, dun ako sa 50k lang budget, so punta ka samin sa bahay, fish ball tayo saka turon haha!

hushush

  • Guest
Re: Budget when you go back to the Phils for vacation
« Reply #97 on: March 11, 2018, 07:00:37 pm »
^ haha! Kuripot! Pishbol at turon meron nyan dito!! Di nga ako bumibili kasi nakakataba yon. Anubey!! Hehe. Siomai na lang sige.. Na maraming bawang haha!! 😂😂

three8one

  • Guest
Re: Budget when you go back to the Phils for vacation
« Reply #98 on: March 11, 2018, 07:01:59 pm »
^^^ madalang lang din ako mag post hal sa FB. kaya pag may ina add ako akala hindi yun ang totoong account ko. haha! para na rin alam ko sino talaga yung mga totoong nakakaalala. hindi yung pag may kailangan lang.

-------------

^^ pwede rin ba ko magpalibre doon sa may 500k? lolz

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: Budget when you go back to the Phils for vacation
« Reply #99 on: March 11, 2018, 07:04:20 pm »
^ haha! Kuripot! Pishbol at turon meron nyan dito!! Di nga ako bumibili kasi nakakataba yon. Anubey!! Hehe. Siomai na lang sige.. Na maraming bawang haha!! 😂😂

Haha siomai na naman, tapos bawang na madami?  ;D sige na nga samahan na ng sago't gulaman.

three8one haha mafi pulos!
« Last Edit: March 11, 2018, 08:41:02 pm by Rory_Lorelie_Gilmore »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close