Author Topic: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery  (Read 45668 times)

cristyles

  • Miss Go-Getter
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 604
  • ♔ Committed to staying FIT & GORGEOUS ♔
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #20 on: March 19, 2012, 04:25:09 pm »
@Sis LimaCharlie , oh my! nakakatakot yun sis if yun yung plan nila to corner that girl. Kaya naku dapat mag doble ingat tayo sa paligid natin, minsan yung iba naka suot ng super gandang damit lurking around us and waiting for the opportunity to grab our things.

Parang may kumakalat pa rin na mga tao na nanghihingi ng pamasahe, last time kasi nasa SM north ako then may ale or lady na lumapit sa akin para humingi ng pamasahe so i asked her kung hanggang saan ba yung uuwian niya, she told me na sa Alabang and her reason why she needed pamasahe cause nakulangan siya ng pamasahe. Hmm.. kaya nag dalawang isip ako and decided not to give her money.

Baka kasi kasama pa rin siya sa mga kumakalat na modus.
Fitness is like marriage…you can’t cheat on it and expect it to work!!!❞ -Cassey Ho, Blogilates

pinklilac

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 955
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #21 on: March 19, 2012, 04:49:33 pm »
^ yup sis.. may mga na encounter na me na ganyan. dine deadma ko lang. kase nasa isip ko baka manloloko. saka natanim sa isip ko yung advertisement noon ng govt na wag mag bigay ng limos sa mga nasa kalsada  kase namimihasa. so kaya kahit sino pa yan basta mag ask ng pera ,dinedma ko lang..


topic:  naging biktima rin si ex ko ng budol budol. may nagpatulong daw sa kanya na may bibilhin na truck or ewan. tas yung bag daw na dala e puro pera. iiwan daw at gsto may kapalit para naman panatag loob ni kriminal. Inalis nya saudi gold na necklace at bracelet..
natangay pareho.

pag dating nya sa work ko nakita ko pawis na pawis na akala ko pa e nai ebs at di alam kung saan pupuwesto..natatawa ako pag naalala ko itsura.
ayun pala nangyari..

minicake

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 46
  • Data gathering!
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #22 on: March 19, 2012, 04:50:32 pm »
Key lang mga sis wag kau titingin sa mata ng di nyo kilala kapg nakikipagusap kayo kasi once nagkaron kayo eye contact dun na kayo mabibiktima..

cristyles

  • Miss Go-Getter
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 604
  • ♔ Committed to staying FIT & GORGEOUS ♔
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #23 on: March 19, 2012, 04:57:52 pm »
@Sis pinklilac - yup yun yung pinaka-mainam na gawin is to ignore them. Mababawasan rin sila pag wala ng nagbibgay ng pera sa kanila.

@Sis minicake - correct, ganun rin yung nangyari sa Tita ko, tumingi lang siya sa mata then na hypnotized na siya, pina-merienda pa niya sa house nila then nag withdraw siya ng pera :-\ .
Fitness is like marriage…you can’t cheat on it and expect it to work!!!❞ -Cassey Ho, Blogilates

crazycoolchic19

  • GT member addict since 2005.
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 592
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #24 on: June 07, 2012, 05:59:16 pm »
2x na akong nanakawan ng fone ,sa jeep nasa pocket ko yung fone , laglag barya gang, bagong bago pa naman yung fone nayun, 2nd time naman nagba bike ako sa subd namin dun mismo sa street namin, malapit nako sa bahay namin hinarang ako ng nakamotor na guy na nakahelmet,im sure tinitiktikan na nya ako every morning kase i do biking paikot ikot sa subd, exercise ko kase yun noon, nagpaalam pa ang magnanakaw sakin na "kelangan lang pasensya daw" ... Wala na talagang safe na lugar kahit mismo sa malapit na sa bahay natin maraming masamang loob ...kaya na trauma ako ng husto feeling ko everytime na lalabas ako lahat ng tao magnanakaw
Yung motor ko nanakaw na din, yung husband ko naman may dala nun, pinark lang nya sa isang shop, medyo may kadiliman naman kase yung lugar ng shop pero kitang kita naman motor at lagi nya sinusulyapan wala pang 5 minutes nawala na  :'( siguro natiktikan na rin sya ilang days na rin sya pumupunta sa shop na yun at pinagaralan na siguro galaw nya kung ilang minuto sya mawawala
And the last is muntik na akong ma hypnotize,marami na na ko nababasang ganun e i dont know ano tawag sa kanila salisi gang or what, kasama ko friend ko noon nasa jollibe kami may isang matanda na lumapit samin,diko nga masyado maintindihan pinagsasabi kase ayoko pansinin at gutom nako., sabi nung matandang babae naliligaw daw sya san ba daw terrminal ng calamba, sabi ko " nay napakalapit lang po, doon lang po, tumayo pako at tinuro ko way, yung friend ko nakatingin dun sa matanda at tinitignan sya ng masama ng matanda, tapos sabi ng matanda sakin nakikipagusap pero hinde ako nakakipag eye to eye contact  sa kanya dun sya sa friend ko nakatingin, pero nakikipagusap sya sakin na sobrang dikit na dikit. Sabi nya wala daw sya pamasahe .yung anak daw nya di daw sya binigyan pera...binigyan ko sya pamasahe ng 50 pa calamba, ewan ko ba bakit ko sya binigyan kase maawain ako sa matanda eh :( baka naman hinde sya talaga salisi gang baka talaga in need sya.,  hayz...
Kaya ako pag lalabas ako lang magisa at walang companion like a friend or husband il just use my spare fone na no cam,  tsaka hinde ako nagdadaala na rin ng wallet, enough money for food,pamasahe if mag cocomute, and some extra money kung may gusto akong abubot na bilhin, malake na siguro ang 1k , mawala man yun lang....basta lagi tyo ingat....isipin natin lahat ng tao magnanakaw para maging aware tayo lagi sa paligid , dont talk to strangers.

gorgeouschef

  • "taray duchess"
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 687
    • http://ekonomistangpinay.wordpress.com
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #25 on: June 07, 2012, 10:07:44 pm »
may nabanggit sa krav maga training, hwag titignan ang mukha kung kahina hinala yung tao, tumingin daw sa kamay.. at mukhang tama nga.. marami naman talagang mukha na kahina hinala yun naman pala hindi.. lagi tumingin sa kilos ng kamay ng mga kawatan.  ;)
"I am a Debater and not a Talker...."

http://ekonomistangpinay.wordpress.com

imyourangel

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1340
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #26 on: June 07, 2012, 10:50:53 pm »
^Thanks for that tip! :)

ohcmon

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1484
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #27 on: June 07, 2012, 11:24:49 pm »
Ako I hate commuting as much as possible. 'Di baleng magastos sa gas, at least safer kahit papano sa perpetrators. Ayoko din ng labas ng labas ng mga gamit (especially gadgets at wallet) 'pag nasa public place. Sungit look din ako lagi, hindi ako friendly sa strangers. Paranoid ako, feeling ko lagi ako nanakawan.

Dito naman sa neighborhood namin, madami nananakawan. Ang modus operandi daw, kakatok at kunwari makikiinom/makiki-CR tapos saka ka lolooban. Kaya kami dito sa house we never open doors to strangers, windows lang lagi.

katrinac

  • Milly's mommy
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 719
    • Blogging Bride-to-Be
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #28 on: June 13, 2012, 05:15:55 am »
Sakin mga sis, 4 times kami nabiktima. grabe na talaga ang panahon ngayon, dapat doble ingat. minsan, iba din kasi kapag nandun na sa situation na yun. magugulat nalang, nanakawan na pala. nakakawindang lang!

1st incident - dinikatan ako ng chewing gum sa ulo. And sa super gusto kong tanggalin kagad, dun ako nakafocus, without even realizing na nakuha na pala ang valuables ko sa loob. worst is, nagpasalamat pa ako dun sa nagsabi na may chewing gum sa buhok ko, and for sure, kasabwat sya. Ending, i had to cut my hair ng sobrang ikli that time

2nd incident - bus nanaman! sobrang siksikan. but instead of putting chewing gum sa buhok ko, dinuruan ako sa jacket ko. akk! kadiri talaga. but since alam ko na yung modus na ganon, i never looked back. and never ko pinansin yung kumakalabit sakin. kaya the moment na pagbaba ko ng bus, tinanggal ko yung jacket at tinapon ko nalang.  :-\

3rd incident - sa Chowking Quaipo. sa ka engotan ko lang, nilapag ko yung bag sa tabing upuan. sobrang kampante pa ako that time, kasi sobrang lapit sakin yung chair. pero may lalake sa likod nag babasa ng dyaryo, then may isang bata sa bandang harapan (cute na bata) then naglalaro ng toy nya. since cute nga yun bata, tinuro ko kay hubby, then pagtingin ko sa gilid ko, wala na yung buong bag ko, and yung mama sa likod, wala narin.

4th incident - kay mama naman ito nanyari, sa loob ng SM Food court sa Sucat. laglag barya gang naman. actually hindi barya hinulog nila, but 2 tig 20 pesos.

kaya tayo mga sisses, let's be extra careful. we've had enough, and the next time na maka ramdam ako ng ganyan sa bus man yan/commute or sa mall, naku! baka kung ano na ang magawa ko. i don't know if its just me (di naman ako naglalabas ng gamit lalo na pag commute) or marami na talagang mga masasamang loob ngayon

pinklilac

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 955
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #29 on: June 13, 2012, 11:49:57 am »
^grabe naman sis. kadiri yung "dura" gang. dami na nilang na biktima. sarap nilang ilublob sa kumukulong dura pag  nahuli sila..ewwwness [textspeak!]..

imyourangel

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1340
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #30 on: June 13, 2012, 10:00:38 pm »
^Lol! Kumukulong dura talaga. Haha! Kadiri lang. can't imagine.  ;D Sana yung kumukulong dura na yun may kasamang plema.

katrinac

  • Milly's mommy
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 719
    • Blogging Bride-to-Be
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #31 on: June 13, 2012, 11:15:23 pm »
pinklilac - tama sis, nakakainis pa dito, kakabili ko palang nung jacket na yun. once ko palang nagamit. buti nalang sa ukay ko nabili, at di ganon kamahalan! hehe! minsan yung mga ganyan na modus, mga obvious na eh, pero nakakapangloko parin sila ng mga tao. masaya kaya sila sa mga ginagawa nila.  >:( 

imyourangel - kadiri nga yung kumukulong dura sis plus plema! yikes!!! wahahah

ravena

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 446
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #32 on: June 14, 2012, 06:51:14 am »
nakakainis yung mga ganyang modus, ang naranasan ko sa ganyan habang naglalakad ako sa pasay rotonda nasa taas yung dumura sa akin, sa bridgeway, nakakainis talaga at nakakadiri. nabiktima na din ako before ng "Ms. ang gulo ng buhok mo" sa jeep isang beses lang at hindi na ako naloko ulit. natuto na ako. hindi ko na papansin yung mga hindi ko kilala na talaga.

recent naman balak pa ako habulin hindi ko din pinansin yung mga taong nagtatanong sa bridgeway pa, bakit ako pa ang dami ko namang kasabay. napatingin ako sa kaniya pero hindi ko siya kinausap basta humarurot ako pababa ng bridgeway. i learned my lesson.

basta deadma lang kayo mga sis. be observant and dapat mag-isip mabili, kung pwede tumakbo kayo.
The key to succeeding in a relationship is not finding the right person; it's learning to love the person you found.

ravena

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 446
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #33 on: June 14, 2012, 06:56:08 am »
atsaka mga sis na nag lrt pasay rotonda, mag ingat kayo kapag may nakita kayong payat na babae, maputi, nakatali yung buhok. magnanakaw po yun, nagbubukas ng bag lalo na kung backpack bag niyo.
The key to succeeding in a relationship is not finding the right person; it's learning to love the person you found.

ladyAsh

  • Probationary
  • Posts: 7
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #34 on: June 14, 2012, 08:46:09 am »
last independence day we went to the job fair, we ate our lunch and suddenly there's 1 guy wearing black shirt, around 5'8 in ht., and malaki katawan, while we're chatting about the agency where we passed our resume, this man approached us, asking if he can eat the food we have in our table???  :o  my friend say yes because we're done already, but we still have 1 extra rice and 1/4 bottle of soda and ulam., If you'll see this man hinde mo aakalain na wala cia pera kasi maayos pananamit nya and malaki ang katawan, pinipilit din nya makisali sa usapan namin pero hinde naman namin cia pinapansin, yung friend ko naman kwento pa ng kwento kaya sabi ko na lang, naku halika na at maghanap muna tayo ng work! sabi pa nung kasama ko, plan pa naman daw nya ibili ng rice  >:(  ;D luka luka talaga hahaha...feeling ko budol budol yun, kasi nadinig nya kung taga saan kami and sabi pa nya, ah si ****** ang governor nyo dun, galit daw cia kay pinoy kung ano ano pa pero dedma lang kami., 3 kasi kami yung isa lang ang sagot ng sagot hahaha..so ingat na lang mga sis, feeling ko wala talaga budol budol sa opinion ko lang ha, awareness lang talaga and wag din masilaw sa money or things na offer sa inyo kapalit ng mga things nyo kuno para magtiwala din sila na iwan gamit nila, on the first place, hinde naman dapat natin bantayan things nila. kung hinde siguro kami kasama nung isang friend namin, naloko na cia, ang dali kasi maawa, Ingat ingat na lang.

pinklilac

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 955
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #35 on: June 14, 2012, 11:14:04 am »
sis imyourangel  l lol@ with plema..


^ naku sis buti na lang at dinedma nyo yung mama. mabuti na rin ang safe kesa magsisi sa huli. bilin ko rin sa anak ko na pag may gusto makipag kwentuhan sa kanya na hindi kilala ay dedma na lang. friendly pa naman anak ko..

keep on posting  mga sis

ishopnowfeelguiltylater

  • pakalat-kalat na
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 705
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #36 on: June 14, 2012, 01:05:46 pm »
masakit na nga mabudol budol pero mas masakit pa yung sinapit nung kakilala kong nabiktima at nagsumbong sa pulis.

tungkol dun sa modus na bibigyan ka ng bag na maraming lamang pera at bilang kapalit, iiwan mo sa kanila wallet mo, sabi ng pulis: "kasi may interes ka din dun sa laman ng bag eh."

 :(

twelvth_goddess

  • A certified ZOE-holic and a true blue
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 7304
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #37 on: June 21, 2012, 01:07:13 am »
My sister was a victim of dura-dura gang naman before. She commuted from her school to Megamall to pick up her phone and my mom's phone sa Samsung repair center. Pagsakay nya ng bus ayun dun na na-victim :(

I always tell her and my yaya never to talk to strangers kahit pa maayos ang ichura or kahit humihingi ng tulong (sorry pero better safe than sorry). Lalo na yang yaya ko tine-train ko talaga ng maigi since she's the one who looks after my daughter pag nasa work kameng mag-asawa. Ang dami na talagang masamang tao ngayon :(
Whatever I want, I get. If I can't, I don't stop TRYING.

iamreese

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 72
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #38 on: June 21, 2012, 10:51:17 am »
madalas ako malapitan ng taong yung sisitsit.. ay naku walkathon ang lola mo. haha. natatakot ako. may nangyari ng ganito sa jeep, may tatlong mama na sumakay tas maya maya sabi ng isa dun sa katabi kong babae, "may dura ka sa buhok".. syempre itong babae nafocus dun sa buhok niya, nakaopen ang bag at kumuha ng tissue. after nun bumaba yung tatlo. tas sabay nung hinahanap ng babae yung cellfone nya ayun na nga.. nanakaw na.
wala naman akong signature ah!!!

mac0308

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 91
Re: Budol-budol, salisi gang and ibang form ng thievery
« Reply #39 on: June 21, 2012, 12:57:42 pm »
nakakainis din yung feeling ng naisahan no? nawalan ka na ng gamit o pera naisahan ka pa. feeling mo tuloy ang eng eng mo
nabiktima na rin ako nung college pa, nawala rin bag ko sa isang fast food, nasa upuan kase ang bag ko.
si hubby naman dati laglag barya, nakuha wallet nya sa likod nya habang dinadampot yung barya sa jeep, kakabigay ko pa naman ng pambayad namin sa bahay. :(
God's limited edition.
Husband's priceless possession :D

 


Latest Stories

Load More Stories
Close