Hi, I created a new account here in girltalk because I know my some of hubby's cousins sometimes visit here and I know that they know my girltalk handle.
I really did not want to post on forums about my problems with my in-laws kaso di ko na kaya. I need to let it out and I want to hear other's opinions.
Here we go..
My problem is with my MIL, SIL and BIL. I did not get to know my dad-in-law kasi naghiwalay na ang parents ni hubby even before we met and they are not in good terms with each other.
My husband and his Ate are the breadwinners of their family. Housewife lang si MIL kaya at wala siyang source of income. Yung bunso, nagloko sa buhay kaya until now nag-aaral pa din. Sagot ni hubby at ng ate niya ang schooling ng bunso.
My hubby's ate also has a family of her own na and they are living abroad but she has a kid who is left here at ang MIL ko ang nag-aalaga. Monthly nagpapadala ng allowance at panggastos yung ate niya.
When we were already preparing for our wedding, medyo nagiging issue na namin ang pag handle ng finances. Konting konti ang naitatabi ni hubby for his savings dahil sa gastos sa kasal at sa gastos sa house nila.
Hubby pays for all the bills sa bahay nila and he also pays half of the rent. Hati sila ng ate niya. His ate sends my MIL a monthly allowance na panggastos sa bahay (food, baon ng anak ng ate nya, etc). Despite the big allowance that the Ate sends them, yung MIL ko hingi pa din ng hingi ng pera kay hubby.
I reminded my hubby (bf ko pa lang noon) na pag kinasal na kami, di na pwede yung ganun and that we should prioritize saving for our future family. Agree naman si hubby don.
Nung malapit na kasal namin, my in-laws are asking hubby kung mababawasan ba yung pera na binibigay niya sa kanila pag kinasal na kami. Sabi niya syempre mababawasan ng konti.
Kaso, hindi ganon ang nangyari.
We are now married and si hubby pa din ang sagot sa lahat ng bills sa bahay, sa schooling ng BIL ko, sa rent ng bahay nila. We do not live with them, thank God. Kaso, malapit lang ang inuupahan nila sa amin.

Ayaw na magdagdag ng padala ang Ate niya kaya no choice si hubby kundi sagutin pa din lahat ng gastos sa bahay nila kahit na hindi na siya dun nakatira.
Ang akin, sige go lang, si hubby na lang muna kasi nga wala namang work yung MIL ko at yung BIL ko nag-aaral pa. Kaso ang nakakainis, aside sa gastos ni hubby sa mga bills at upa at schooling ng BIL ko, yung MIL ko grabe pa din humingi ng pera kay hubby.
Minsan ang dahilan niya para daw pambili ng pagkain kasi wala na sila pagkain. That is SO impossible! Pinadadalhan sila ng allowance ng SIL ko at ang sabi ni hubby eh kung mag grocery ang MIL niya 6k-9k ang nagagastos!!! Imagine? 6k-9k worth of groceries tapos walang pagkain??
Di ko alam ano ang binibili nila sa grocery na yon dahil kung 9k ang grocery nila tapos wala pa pang ulam don eh kalokohan yon!!!

Minsan pati panggastos dun sa anak ng SIL ko sa amin hinihingi. Minsan ang sinasabing dahilan eh pambili niya ng gamot or vitamins.
Parang nakaka-guilty na hindi bigyan kaso nakakainis din kasi pati ba naman yun, sa amin hihingin? Meron naman sila allowance, kaso hindi nila ginagastos ng tama. Minsan 1 week pa lang nakakalipas, ubos na allowance nila from my SIL eh monthly lang kung magpadala yun. So ang nangyayari, lahat ng kulang nilang pera, kay hubby na kinukuha.
Si hubby minsan tinatanggihan silang bigyan kaso siyempre nanay niya yon, minsan hindi matiis.
Ang nakakainis lang, dahil sa kanila, hindi kami makapag-ipon ng maayos. Minsan nakatabi na yung pera, magagalaw pa dahil humihingi ng pambili ng gamot. Nakakatakot naman hindi bigyan mamaya eh lumala ang "sakit" non.
Yung sweldo ni hubby halos lahat dun sa mga in-laws ko napupunta. We live with my mom and minsan mom ko ang ka-share ko sa gastos dito sa bahay.
Alam ko nahihiya si hubby minsan kaso minsan wala talaga siyang choice. Sabi ko tiisin niya na wag lagi bigyan ng pera ang nanay niya para matuto magtipid.
Yung BIL ko isa pa yun. Grabe sobrang maluho wala naman pera! Ang laki laki ng baon na binibigay sa kanya ni hubby, pero wala naiipon. Pag dating ng finals, kay hubby pa din kinukuha ang pambili ng project! Ang daming gusto pabili sa ate at kay hubby kesyo kailangan daw sa school, laptop at DSLR, required sa school???

Sabi ko nga pano yung sobrang kapos palad na student, di wala na talagang pag-asa makapag-aral kung ganyan ang requirements!
Na-istress ako sa kanila! Ako hindi ako madamot na tao sa mga taong karapat-dapat bigyan. Kaso ang nakikita ko sa kanila, mapagsamantala sila sa kabaitan ni hubby at masyado silang maluluho na hindi naman nila pera ginagastos nila. Sana naiisip nila na ang hirap kumita ng pera at kami ni hubby sobra sa pagtitipid para makaipon samantalang sila walang control sa pag gastos.
Need your advice mga sis.
