watch now

Author Topic: my husband is short-tempered and rude to other people  (Read 3416 times)

lableemom

  • Guest
my husband is short-tempered and rude to other people
« on: November 04, 2011, 03:05:26 pm »
my husband is very loving, caring and sweet to his family. he is loyal to his lots of friends and his friends are loyal to him despite his pagiging mabilis mapikon. but when it comes to other people, he is rude and easily gets angry when irritated.

he shouts at drivers na gumigitgit sa kanya, mga nakaharang na pedestrians, mga vendors, basta mga magugulo sa kalsada. pinagagalitan rin nya yung mga nagpapark sa tapat ng house namin. yung mga delivery vans ng grocery malapit sa amin and yung mga may cars na nakikipark sa tapat namin. kahit sabihin kong hayaan na lang, hindi nya talaga pinalalagpas. nung last weekend nga lang, sinigawan nya yung mga taga manila water sa tapat namin. ang tapang nya kahit 6 yung mga lalaki at nag-iisa lang sya.

yesterday naman, he received a text message from his ex-officemate na naoffend sa mga salita nya. his ex-officemate was requesting lang for his assistance since hindi pa rin sanay yung nahire nilang kapalit when hubby transferred to another company. when i asked my husband about it, he told me na hindi kasi sila kumuha ng matinong tao kaya sya ang ginugulo nila. i told my husband na makipag-usap na lang sya ng mahinahon kung hindi na nya kayang mag-assist.

at marami pang ibang sitwasyon. and i'm sure pa lalo pag mag-isa lang sya at walang tulad ko na pipigil sa kanya.

yes, ang husband ko ay may problem. mataas ang ere nya and he has a short temper. ang sabi sa mga nababasa ko, you can't do anything about it if he was born that way. natatakot naman kasi ako na baka one time eh patulan na sya ng mga inaaaway nya.

i need your advice mga sis. what is the best way to help him? ayokong pati mga anak ko mawitness na ganon ang pagtrato nya sa ibang tao. :(

mom_G

  • Guest
Re: my husband is short-tempered and rude to other people
« Reply #1 on: November 04, 2011, 03:57:37 pm »
sis, before you can help him, he has to recognize first that he does need help and is willing to try to change.  i know sobrang hirap talaga ma-control ang temper (imagine pag PMS ka and sobrang irritable mo).  have you talked to him about it?  not during one of his outbursts ha, yung serious talk na pleasant ang mood nya.  you can tell him that he is not setting a good example to your kids when he acts that way and they might end up with that that kind of attitude too. and you're right, baka makahanap siya ng papatol sa kanya and who knows what might happen to him.  he has to be willing to work on it kasi conscious effort ang kailangan... one day at a time.  example, try nya hwag magalit or magsungit for one day, then the next day, hanggang makasanayan na niya maging mas pasensyoso and not to fret about small things.  good luck!

aquacharly

  • Guest
Re: my husband is short-tempered and rude to other people
« Reply #2 on: November 04, 2011, 08:53:41 pm »
There isn't any 1 simple cure to hs short temper and rudeness.

What you can just do now is to discuss with him -- pag hindi mainit ang ulo that nowadays -- it takes so little to  push people over the line.   Magkatinginan nga lang ng masama - away na. Yung tatay nga ni Charice,  nakabunggo lang - uhm, tepok na.  Tell him, what a waste if kung minalas eh matapat sya sa patapon ang buhay, or has an even shorter/worse temper.  what about his kids' future then? 

Tell him, lahat ng bagay puedeng pag-usapan ng mahusay. He does not have to subject himself to unnecessary  wear and tear by going into rages -- sige, magka heart attack sya ng maaga. 

But the sad fact is, LABLEEMOM -- your husband is an overgrown bully.  He  is so insecure that simple demands  or requests, or his rights, will go unheard if he does not act like a bully. It has been his way of dealing with the world.   Kung malakas ka sa kanya, or you have clout, or nakikinig sa yo -- yan, he will listen to  your concerns and be open to change.  But if he is  the typical macho husband, haynako -- better use your time praying for him to change, kesa kausapin mo -- magalit lang yan sa yo. 


myleia27

  • Guest
Re: my husband is short-tempered and rude to other people
« Reply #3 on: November 04, 2011, 11:48:32 pm »

i feel for you sis. my hubby was like that too. pinaulit lang sa amin ng waiter yung order sa restau kasi maingay, he raised his voice na agad and said na "kakasabi lang 2 iced tea nakalimutan mo na agad! ano ka ba?" also, when one time we took a cab, the cab driver said na pakituro na lang directions, he started shouting sa cab driver and said, nag taxi driver ka pa! sikat yung lugar na pupuntahan namin hindi mo alam? then the cab driver just asked us to transfer to another cab because nagagalit na raw si hubby, and he said, ikaw kasi t**ga ka! naiinis ako sa position ko kasi inaawat ko si hubby plus ako pa humihingi ng sorry sa mga tao na inaaway nya.

kahit mga tauhan nya sa shop nya, sabi sa akin napadaan raw si hubby nung lunch time nila, then out of Filipino manners they told him "tara sir kain tayo." then hubby shouted at them and said, "bakit kung gusto ko kainin yan ibibigay mo ba sa akin baon mo? hindi di ba? nagyaya ka pa!" i asked him why he did that and he said kaplastican raw kasi yung mga ganun na nagyayaya kumain. i feel these things are petty and hindi naman dapat nang aaway pa.

he isn't like that to me or our family. pero nahihiya ako sobra sa mga nadadamay sa temper nya. kapag inaawat ko naman, sagot sa akin willing naman siya makipag suntukan. nabago lang siya nung one time nag temper tantrums na naman siya sa 1 restau, nag walk out talaga ako, iniwan ko siya mag isa. hinabol naman nya ako, and i was able to pinpoint his faults after that drama, na napapahiya ako sa mga inaasal nya and he does not even care about public decorum, that i know hindi naman siya pinalaking walang respeto ng parents nya and our daughter sometimes witness it and might think it's okay to shout at people ng basta basta. now he does control his rage when I'm with him. ako na lang pinapakausap nya sa mga tao and he keeps his mouth shut. when i sense that he feels the urge to say something, i hold his hand tight -- my gesture to shut him up. haha. so far its working but hopefully he can control it when I'm not with him.

talk to your hubby muna and gauge his reaction. when he does not see anything wrong with his current behavior, you might need a bigger intervention. goodluck!

justin3

  • Guest
Re: my husband is short-tempered and rude to other people
« Reply #4 on: November 05, 2011, 01:11:20 am »
lableemom - parehong-pareho kami ng ugali ng mister mo sis ah. ;D di talaga kasi maiwasan eh, lumulobo kasi ang tang-nga population sa bansa natin.

pati mga pulubi (sindikato) nga pinapatulan ko eh. ke babae pa yan, bata o matanda. usual line ko sa batang pulubi habang bumumunot ako ng baryang ibibigay... "ayoko nang makita ka dito ha? pag nakita kita uli dito, bugbugin ko ang tatay mo". :D

at alam mo yung pagbaba mo ng MRT sa Pasay? di ba palagi nag-uunahan? at maraming sumasalubong habang lumalabas pa ang mga pasahero? ilang beses ko nang ginawang sumigaw na... "hoy! wag nyo harangan ang pinto! kaya di umaasenso ang Pilipinas, kulang kayo sa disiplina".
well, so far, wala pa namang may nag react negatively. kadalasan may tumatawa pa nga.

pag trapik, binabato ko ng barya yung mga driver na pasaway after shouting how dumb they are.

lahat yan, every sentence may "PI" yan ha?

but hey, ginagawa ko to pag alam ko na nasa dehadong posisyon ako, na pag may pumalag, may ilalaban ako o may kakampi ako. na pag may bumunot, may bubunutin rin ako.

na-observe ko sa hubby mo (based on your post), masyadong risky ang pinaggagawa nya. kasama kayo na family nya? while he's driving? sa residence nyo?
nakows! pag may bumili ng katapangan nya, nasa dehadong position sya pag ganun.

eto ha, paintindihin mo sa hubby mo ha? pag may pumatol sa kanya at kasama kayong family nya, di kayo nagiging kakampi nya, rather, nagiging liability kayo. at di lang sya mapapahamak, baka pati kayo pa.
sa house nyo?... sige. wag na lang kayo magtaka kung may magbabato sa bubong o bintana nyo balang araw.

pagsabihan mo ang hubby mo sis. gusto mo ipabasa mo pa post ko sa kanya para matauhan.
tell him na malaki ang pinagkaiba ng "katapangan sa katang-ngahan". ;D
sorry, mas rude ako sa hubby mo, pero ginagamit ko pa rin utak ko as i would not let a loved one get in trouble nang dahil sa ka-epalan ko sa kalye.

ako matapang? i think so. wala akong baril ha? pero pati mga sekyu ng mga malls, MRT/LRT na may mga baril, pinupuna ko yan. pati na yung mga pulis o kung anong agent-agent man yan na naka-civilian pero may nakabukol o naka-usli na baril sa gilid, pinaparinggan ko yan. so far, wala pa namang pumapalag. :) 


nadialicious16

  • Guest
Re: my husband is short-tempered and rude to other people
« Reply #5 on: November 08, 2011, 06:59:40 pm »
Sis nakakatakot naman yang asawa mo. Yun nga baka may pumalag na sa kasigaan ng asawa mo, eh paano nga naman kung madamay kayo? Tell him mag bago na sya at baka kasusunod eh bigla na lang patulan sya at idamay pa kayo, alam mo naman marami ng war freak sa atin.

aNgelofThEMorning

  • Guest
Re: my husband is short-tempered and rude to other people
« Reply #6 on: November 15, 2011, 02:34:47 pm »
kung bf ko yan siguro magdadalawang isip ako pakasalan sya  :-X. ako mismo, hinde ko ma-imagine sarili ko na sa araw-araw na ginawa ng Diyos pro-problemahin ko mga bagay na ganyan. eh hinde naman pantay-pantay ang dunong ng tao. pabigat naman sa buhay yun. pano na lang kung namatayan pala yung pinagsi-sigawan ng asawa mo kaya ta-tan*a tan*a sa daan? i mean lahat ng tao may pinagdadaan kaya sila ganun.

i'm not married sis. pero kung asawa ko yan, unti-unti pa-realize ko sa kanya mga hinde mgandang nadudulot ng pagiging rude nya. though papakita ko rin sa kanya yung galit, dissapointment ko everytime nagiging rude sya.

1choi_ko9

  • Guest
Re: my husband is short-tempered and rude to other people
« Reply #7 on: December 21, 2011, 02:59:33 pm »
Just PRAY sis. if you feel you can't do anything,,, let God help you...pray..it works! :)

rheagirl

  • Guest
Re: my husband is short-tempered and rude to other people
« Reply #8 on: December 23, 2011, 01:37:00 am »
siguro you may start with small things dealing his pride and helping him to learn to love and treat others like himself.

binx

  • Guest
Re: my husband is short-tempered and rude to other people
« Reply #9 on: December 23, 2011, 02:11:59 am »
yung partner ko, ganyan din. sobrang mainitin ang ulo lalo na pag nasa kalsada at paharang harang ang mga taxi at jeep. Minsan binababa niya talaga para lang murahin. Pero lately medyo nagbago na siya. pano ba naman lagi ko sinasabihan baka may baril yung makaaway niya e di patay siya. I dont know what happened pero napansin din ng step daughter ko na di na sya masyadong war freak ngayon. Ask nya nga kung ano daw ginawa ko sa daddy niya at ang bait na. hehe!

Pero siguro constant reminder lang talaga. There are times na pag alam niya na magagalit na siya, ako na yung pinapakausap niya. Like pag nahuhuli siya ng mga pulis na obvious naman na gusto lang ng lagay, ako na ang kumakausap. Iwas gulo na, wala pang lagay lagay na nangyayari. :) Minsan niloloko niya ako, pag may ibang sasakyan na ginulangan siya daan, bigla niya ibaba yung window niya then tatawa na lang siya pag nakita niya yung face ko na worried na kung ano gagawin niya. :P

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: my husband is short-tempered and rude to other people
« Reply #10 on: January 28, 2012, 01:12:08 am »
my Bro in law is like that! Iam so pissed with him already na handang handa na akong patulan ang kasupladuhan niya.Pati kami, sinusupladuhan niya. Baka nakakalimutan niya, asawa niya ATE ko. Pag nagsawa ako at mabwisit sa kanya.. I dont know kung ano ang magagawa ko. Nauubos na pasensya ko.

azel

  • Guest
Re: my husband is short-tempered and rude to other people
« Reply #11 on: January 28, 2012, 07:26:41 am »
@TS.. experiencing the same here sis. ganyan din si bowa ko. kalurkey na nga minsan. madali mag-init ulo. sa kalye, naninigaw din yan ng mga aanga-anga & mga pasaway na driver. ihihinto pa nya minsan ang sasakyan, bababain yun kung sino man at sisigawan & makikipagdiskusyon & nanghahamon pa pag sasagot din sa kanya hangang sa tumiklop yun kaaway nya. buti na lang lagi sya ang panalo. sa mall namumuna din sya ng mga SA pag di marunong, maepal, or basta may mapuna sya di tama, sasabihin talaga nya. pati sa mga resto & fast food ganon din, ipapatawag pa mismo ang manager ng resto/store para kausapin about the issue, manager kasi sya dati ng Chowking kaya alam nya ang kalakaran sa mga ganyan kaya pag may nakita or natrato ng mali, "where's your manager" agad.  hay kaka-stress pag may mga ganitong eksena. katwiran nya, sya ang tama, sabagay may point naman sya lagi, pero i disagree sa way nya ng pgresolve ng mga issue nya sa mga tao sa paligid. & sya din atapang-atao mode lagi na willing makipagbuno to whatever it takes, katwiran nya kasi he's not a pushover. never sya papadehado. kaloka talaga. wish ko din magbago sya, mabawan man lang sana kahit konti ang pagiging war freak.
opposite kami, ako naman, ayaw na ayaw ko ng may eksena, not unless bastos talaga yun kausap ko. iba usapan na yun.. pero as much as possible kung makukuha naman sa mahinahon usapan, doon ako. i hate complications.   ::)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close