lableemom - parehong-pareho kami ng ugali ng mister mo sis ah.

di talaga kasi maiwasan eh, lumulobo kasi ang tang-nga population sa bansa natin.
pati mga pulubi (sindikato) nga pinapatulan ko eh. ke babae pa yan, bata o matanda. usual line ko sa batang pulubi habang bumumunot ako ng baryang ibibigay... "ayoko nang makita ka dito ha? pag nakita kita uli dito, bugbugin ko ang tatay mo".

at alam mo yung pagbaba mo ng MRT sa Pasay? di ba palagi nag-uunahan? at maraming sumasalubong habang lumalabas pa ang mga pasahero? ilang beses ko nang ginawang sumigaw na... "hoy! wag nyo harangan ang pinto! kaya di umaasenso ang Pilipinas, kulang kayo sa disiplina".
well, so far, wala pa namang may nag react negatively. kadalasan may tumatawa pa nga.
pag trapik, binabato ko ng barya yung mga driver na pasaway after shouting how dumb they are.
lahat yan, every sentence may "PI" yan ha?
but hey, ginagawa ko to pag alam ko na nasa dehadong posisyon ako, na pag may pumalag, may ilalaban ako o may kakampi ako. na pag may bumunot, may bubunutin rin ako.
na-observe ko sa hubby mo (based on your post), masyadong risky ang pinaggagawa nya. kasama kayo na family nya? while he's driving? sa residence nyo?
nakows! pag may bumili ng katapangan nya, nasa dehadong position sya pag ganun.
eto ha, paintindihin mo sa hubby mo ha? pag may pumatol sa kanya at kasama kayong family nya, di kayo nagiging kakampi nya, rather, nagiging liability kayo. at di lang sya mapapahamak, baka pati kayo pa.
sa house nyo?... sige. wag na lang kayo magtaka kung may magbabato sa bubong o bintana nyo balang araw.
pagsabihan mo ang hubby mo sis. gusto mo ipabasa mo pa post ko sa kanya para matauhan.
tell him na malaki ang pinagkaiba ng "katapangan sa katang-ngahan".

sorry, mas rude ako sa hubby mo, pero ginagamit ko pa rin utak ko as i would not let a loved one get in trouble nang dahil sa ka-epalan ko sa kalye.
ako matapang? i think so. wala akong baril ha? pero pati mga sekyu ng mga malls, MRT/LRT na may mga baril, pinupuna ko yan. pati na yung mga pulis o kung anong agent-agent man yan na naka-civilian pero may nakabukol o naka-usli na baril sa gilid, pinaparinggan ko yan. so far, wala pa namang pumapalag.