watch now

Author Topic: 2012 Brides *Part 9*  (Read 83610 times)

chelle_peachy0524

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #400 on: November 10, 2011, 10:06:34 am »
^get well sis bawal magkasakit ngayon :)

health.gal

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #401 on: November 10, 2011, 11:00:56 am »
hello BBBs!  ;D

sis little_princess – welcome here! Happy preps!

sis blueflame – nagreply na sa akin si sir vinz. Pero may hanging question pa ako na inaantay ko pa sagot niya. promise naman niya babalikan niya ako. I agree with you medyo tahimik bahay these past few days, at isa ata ako sa nananahimik. hehe.

sis kiz_me1109 -  sige sis try ko rin. The cheapest na nahanap ko na supplier is 250 per piece, overnight rental. Sayang din yun. Thanks ha.Re paint na silver, nakabili ka na ba sis? Sa megamall ace hardware meron stock ng silver spray paint, Bosny Brand 149.75, RJ Brand 159.75, Do It Brand 279.75 lahat yan 400 cc size.

sis katrinac – miss you too. Sis, pag nagawa mo na mga DIYs mo pa-share magkano ang costing mo ha. Bow talaga ako sa iyo sa pagbubudget mo. Ang nakita ko na price ng Papal Blessing Certificate is hindi lalagpas daw ng 3K for the biggest size, kasama na delivery fee.

sis ez4gotten – padaan ako ulit sa 2nd prenup ninyo ha. Pwede ako sa both dates – 25 and 30. Ang bait naman nila Gian and Fidji.

sis michiness – lagot ka sa trainer mo! Hehe!

sis ishi90210 – thanks for sharing that program.

sis chubbycheeks – pwede rin ba magpakuha ng Papal Blessing Certificate sa inyo? If yes, pa PM ng details ha.

sis chubbycheeks and katrinac – kelan kayo magdidivi? Sama ako.

re Dapitan trip this weekend - nakapost naman sa FB page natin details ng meetup. see you sa mga sasama.

ez4gotten

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #402 on: November 10, 2011, 01:05:52 pm »
wow naman for the scheduled prenup zheng. ;) yep, kaya naman talaga in a day basta 1 location lang shoot niyo. nag-iinarte lang tong si papa p ko. lol! gastos tuloy. :P

blueflame tawa ko ng tawa sa big fan ni papa p. pinakita ko sa kanya natawa lang din. lol! re prenup, naku sis, baka maging 30 na naman prenup namin. haha. hopefully pwede kayo nila chie and jhen on the 30th. ;) wow na wow din sa divi trip today. ;)

health.gal yep ss. nakalista na name nyo dun sa permit namin sa adamson. availability na lang ni papa p ang hinhintay namin. ;)

juice406

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #403 on: November 10, 2011, 01:26:46 pm »
mga sis, divi tayo! :D sa 19 punta kami ni h2b sa divi. pero am kasi me detailing kami with hizons sa hapon. sa mga pupunta ng carolinas try nyo rin sa michelles - a lot cheaper than carolinas. sa ilalim lang sya ng tutuban mall. yung swarovski cystals na binili namin 1k+ sa carolinas for 144 pcs sa michelles 750 lang.

updates: done na with canonical and pipick-upin na lang yung form from chancery for mixed marriage. yehey! at dahil hindi ako catholic si h2b lang ang mag banns. pre-cana next. 2 sundays pala yun. :S
gifts for PS rachebeli wines nakapag-order na kami. for SS lamps na bottle para pasok pa rin sa theme P90 ea. gifts at bears para sa kids na entourage meron na rin thanks sa TK sale. P50ea ang bears and P100 yung mga gifts (kikay bags for the girls and drinking bottle for the boys). gifts para sa games yung smaller version na lang ng lamps for SS P70 ea.
ok na rin yung budoir photoshoot with jaja samaniego. yay!
sa weekend na yung prenup namin. help naman po ng prayers for a good weather at sana wag umattack yung sa gallstones ko. many thanks mga sis and bros!

blueflame

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #404 on: November 10, 2011, 01:41:37 pm »
i'm back! ang init ha! kakaloka...

princeszheng - sis, yung carolina's dun sa loob ng palengke. yangco market along tabora.

health.gal - buti nagreply na si vinz. get them sis! promise! di ka magsisisi! :) bagal nga umusad ng house ngayon. busyness mga tao lately ha. :)

ez4gotten - naku! sana 25th na lang. may pasok kasi ako.

re divi trip, kumpleto na neckties ng male ento ko except yung mga bagets. naghahanap pa ko ng bow tie na green. i bought enough ribbons & beads for my doughnut tower pati na sa bible, candles & matchboxes. bumili na rin ako ng mini treasure chest dahil yun ang gagamitin namin for our arrhae. tsaka doormat at shower curtain. hahaha!

soontobe

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #405 on: November 10, 2011, 02:02:45 pm »
hello sa lahat..wave wave...waaaa tagal ko nawala sa sirkulasyon..:D

@katrinac - congratulations for the unexpected blessing sis. both kayo ni H2B mo eh nakatanggap ng early x'mas gift from above. :)

@lennie.bong - sis share naman your secret in losing weight. hehe...january pa naman ako susukatan para sa gown ko pero mukhang tataba ako ng x'mas and new year. saan kayo kukuha ng house sis? ako nagi-scout din kung saan magandang kumuha ng property. with regards sa P/V eh nahirapan akong magdecide kasi ang first na tinatanong ko eh yung OOT fee. so far libre kasi yung OOT fee nung P/v ko tas accommodation na lang sagot namin. gusto ko nga na sa mga friends ko na lang pagawa ng AVP kasi feeling ko mas personalize pag ganun. sana lang hindi pa sila gaanong busy by that time. :D

@chubbycheeks17 - katuwa naman H2B mo sis..kainan talaga ang prenup theme ha. :D..kami ni H2B eh sa eat all you can naman tumitira.

@menggay16 - wow sis same tayo ng wedding date. Kaw pala yung naunang nagbook kay osep and mimi. kasi nung mag-inquire ako sa kanila eh booked na daw sila. naunahan mo ako. ;)

@blueflame - mura ng rings nyo sis. pwede makuha yung contact number ng supplier nyo? kami kasi before eh sa suarez kami nagpagawa para dun sa supposedly civil wedding namin. we got the rings pero our civil wedding didn't push through. :)

wedding kwento: dami ko accomplishments last oct. 30. in a day i was able to meet 4 of my suppliers. tee hee!...grabe dami kong pagod that time. instead of having a luxurious vacation eh pahirapan ako sa byahe. ang kulang na lang sa list ko eh lights and sound, photobooth, and baker for our wedding cake. tho may mga suppliers na ako in mind kaso hindi ako makapagdecide kung aling package ang kukunin ko and kung anong design ng cake ang papagawa ko...waaaaa..with regards naman sa ento gowns ko eh hindi pa ako nakakapunta kay ate magda. pabago bago din kasi ako ng design ng gowns for my bridesmaid and prob ko din design ng gown ni FMIL and ni mudra. ngaun eh tamad mode na naman ako sa wedding preps namin. anyway chillax lang muna ako ngaun. antayin ko na lang na magkick-in ang wedding prep excitement ko. tee hee!..

OT: nga pala alam nyo ba mga sis kung saan makakabili ng hiphop abs na dvd?  TIA. :D

blueflame

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #406 on: November 10, 2011, 03:26:37 pm »
^ PM sent sis!

naku! naghahanp din ako ng hiphop abs!
« Last Edit: November 10, 2011, 03:29:14 pm by blueflame »

simplyme28

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #407 on: November 10, 2011, 03:54:20 pm »
@blueflame and soontobe: ako may dvd nun hahaha.. dami dito sa st. francis square nagbebenta..  ;D

soontobe

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #408 on: November 10, 2011, 04:45:30 pm »
^^ thanks for the message sis ;)

^really sis? never pa ako nakapasok dun. pero dahil jan sa tip mo eh dadayuhin ko talaga ang st. francis square. tee hee!...effective ba sis? :D

ishi90210

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #409 on: November 10, 2011, 04:59:28 pm »
hello sisses! grabe wala ako masabi. ang haba ng backread. hehe! ang dami nyo ng progress ah. inggit naman ako sa mga DIY's nyo. di kasi sakin practical mag DIY since kung i-convert ko yun cost of materials dito sa peso, parang mas mahal pa so papagawa na lang lahat jan. yun welcome bags lang DIY ko since gift lang naman yun vouchers na ginamit ko dun eh. ;D

with exercise and diet routine naman, ask away lang mga sis. si hub ang health buff samin and he's always ready to help naman. if ang question nyo naman is kung ano secret ko sa pagluluto, simple lang ang sagot ko: egg, cream, cheese and butter ;D

mga sis, pa-help naman. i need a beach ceremony program kasi. i'm not sure kasi if I shall base it to a church ceremony or not since hindi naman priest ang mag-oofficiate eh. (like if i need readers pa or not, etc etc) busyness na kasi sina Kath kaya di na nila nasagot yun mga questions ko eh. thanks! xx

lennie.bong

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #410 on: November 10, 2011, 05:03:21 pm »
MGA SIS!!!
hello hello! :)

sobrang bzness ko plus daming gagawin sa pagdating ni h2b eh.grabe excitement ko plus i'm working on the printing ng invites :)

ilocos bound pa ko next week!  ;D

juice406

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #411 on: November 10, 2011, 05:39:49 pm »
^^ wow ilocos, natakam naman tuloy ako sa curacha. yummy!

chelle_peachy0524

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #412 on: November 10, 2011, 07:46:38 pm »
^sa naghahanap ng hiphop abs meron ako... i can give it to you nalang... pero hanapin ko muna hehe natabunan na ata sa taguan...
:



























JoeanneR

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #413 on: November 10, 2011, 10:09:30 pm »
Hi mga sis.. kung meron kayong kilala na naghahanap ng gumagawa o nagpprint for wedding invitation refer nyo ako.. pm nyo ko 0922-7494049. Thanks..

katrinac

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #414 on: November 10, 2011, 10:24:24 pm »
Hello there sissies!!! isang bonggang bonggang gabi sa lahat!

chelle_peachy0524 - ay ganon ba sis? pero sana maging okay ang budey at makahanap ng mas okay na suppliers para di na ma move ang date. wow talaga sis? na meet mo na. yun naman! excited ako for you!

ez4gotten - akk, sayang naman. truly sis? ano meron sa 30? holiday ba? di ko knows. waah, sayang naman na move ang date. huhu. gusto ko pa naman kayo masilip at makita kung pano mag emote si papa P on cam. haha. :D

 princeszheng - sige sis, gusto ko narin maka visit ng divi. sami kasi ni fmil sasamahan din daw nya ako, kaso di ko alam kung kailan yun. kailan kaya tayo pwede sis? gusto ko rin mamili ng gagamitin. though di ko lam kung ano pa ang bibilhin ko. need ko lang siguro nung mga gagamitin namin na pambalot for our invitations. almost complete narin naman kami sa DIY. pero parang gusto ko ata bumili maliit ng flowers dun na pwedeng ipin sa teddy bears. or magagandang boxes! :D naku for sure sis, naintindihan naman yun ni FMIL. pero kung siguro sa nanay ko sinabi ko yun, ang dami nang sinabi sakin. haha. yes sis, zandels din kami. 6k ang rate for 4 hours. same din sayo? kaya nga ako di masyado maumbok ang gown. flats lang din ako sis. :D

blueflame - sis, were you able to sleep ba? nakita ko kasi sa post mo di ka naka sleep :( ay thank you naman sa pag praise sa blog ko sissy! lalo akong na inspire. haha. usapng bible: gusto ko sana balutan nung samin sis, kahit nung maganda gift wrapper nalang na parang tela, pero i have to double check parin sa don bosco kung pwede ba talaga yun. id ko pa sila nakausap eh. na excite ako makita ang doughnut tower nyo. share kagad ng pics ha. ;) at buti nalang may carolina's sa divi! sis, ask ko lang, ilang matchboxes ang need? baka sumobra nanaman ako tulad ng pens. haha.

simplyme28 - get well soon sis.

health.gal - talaga sis? naku, sana makausap na ni sis chubbycheeks si h2b nya about papalblessing. gustong gusto ko yun, at isusurprise ko si h2b. fan sya ng mga ganyan eh. (family kasi ni h2b puro mga pari and madre) hehe. sis, sa cost ng diy as in lahat? kasama nung mga brooches? (di na bouttonieres ang tawag ko, brooches na) haha. about divi, wala pang plan sis kung kailan talaga. nagkayayaan palang. haha.

juice406 - wowowowee sis! how was the canonical interview? naku malapit narin kami! congragts sa accomplishments. grrr sis, nung teddy bears ba na nabili nyo nung color white? nakabili kasi kami, kaso 100ea kuha namin ;( sayang naman.

soontobe - thank you so much sis! namiss kita dito sa thread! ;) wow naman, congrats sa accomplishments. photobooth ba kamo sis need mo pa> baka bet mo nung photobooth namin, mura lang sya. 3500 for 2 hours. :D

lennie.bong - ayan, malapit na dumating si h2b!!!

side kwento lang mga sis, naiuwi ko na ang mga wedding paraphernalias namin sa bahay. wedding cord, brooches, pens and matching rosaries namin ni h2b (na ubod ng dami - nagulat nga si sis blueflame kung bakit ganon kadami) akala ko kasi lahat ng PS dapat may kanya kanyang pens) ayaw ko pa sana ipakita kay mother kasi baka magulat nanaman at super aga meron na kaming mga ganon. but no, nung nakita nya, halos ma iyak iyak sya. sabi nya, ang gaganda daw (mahilig din kasi sya sa crystals and beads) so ayun nga, super tuwa sya. parang ayaw nya ipamigay. and lahat ng pens, kinuha nya. sa kanya nalang daw. so ako, dahil love ko sya, binigay ko nalang. kaya gagawa kami ulit ng pens. haha. :D pero this time, hindi na 16 ang gagawin namin. 6 nalang. ;) and napagisip isip ko, lahat ng girls na kasama sa ento namin, bigyan nalang namin ng brooches, pero nung mga boys, wag na. yun din ang sabi ni mama, wag na daw, at kawawa naman sila. baka magmukha silang beki. :D  naintindihan ko naman, kasi mukhang pa girl nga naman talaga. haha. bouttonieres namin, naging brooch ang kinalabasan. lol. thankful ako sa friend ko na tumulong ng bonggang bongga sa pag DIY. yey! :D nishare ko rin nung pics sa fb group natin;) at dahil lumabas ang inner talent ni friend (hazel is the name) mukhang mag venture na sya sa ganong business. ako naman nakatoka sa pag gawa ng blog nya.  hehe. ;)

then sa monday, sched nanamin ni h2b sa Rosy's!!! ♥
« Last Edit: November 10, 2011, 10:29:09 pm by katrinac »

ez4gotten

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #415 on: November 10, 2011, 10:51:19 pm »
goodluck sa prenup sis juice. :) we'll pray for good weather. ;)

ay sayang naman blueflame :( mas more likely kasi na 30 yun.

congrats sa mga accomplishment sis juice.

sis ishi try ko gawin din yung post mo na routine. :D wala ba routine para lumiit tyan? yung home based lang? hehe. TIA! re program, naku sorry di din ako familiar. :(

kat yep, bonifacio day. ;) mas magiging ok kasi kung 30 dahil pwede sumama si fidji on 30. post na lang ako sa thread natin ng pics. hihi. cuteness naman at pinakyaw ni mother ang pens mo. lol. gusto ko din gumawa ng ganun, yung pinangbalot mo ba sis yung mga ribbons na parang tela? goodluck din pala sa rosy's. :D pwede paki-tanong how much yung entou dress nila? yung 2 entou ko kasi di kaya magshell out ng 1500 for their dress kaya samahan ko na lang sila sa baclaran. TIA! ;)

exactly 4 months na lang for h2b and me. weee!! i can't wait. ;)

side kwento please help me pray for my pamangkin. he was born on nov. 8, pero since sobrang tagal naglabor ng mommy niya, nakakain na siya ng dumi. naiwan siya tuloy sa hospital for medication. sana maging ok siya and makalabas agad. thanks. :-*

katrinac

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #416 on: November 11, 2011, 05:13:05 am »
ez4gotten - ay bonifacio day ba yun. haha. wala akong alam sa Phil. holidays maliban sa pasko at new year. lol. naku sis, sana nga okay ako dun. gusto ko rin sana masaksihan ang prenup continuation nyo. :( corect sis, pinakyaw talaga! kaya gagawa nanaman ng bago. so gastos uli! haha! yes sissy, yun lang nung ribbons na parang tela. nung ento nila sis, last quote nila sakin, may kamahalan eh. nasa 1200. pero yan nung mga long gown na talaga. di ko pa natanong pag cocktail dress. i'll check this with them sa monday then balitaan kita ha? pero kung mahal, fall back namin landmark nalang talaga. naku sis, i will pray for your pamangkin. ganyan nanyari dun sa baby ng dati kong officemate sis. nung kinuwento ko dati. pero her baby's okay naman na.
« Last Edit: November 11, 2011, 05:15:08 am by katrinac »

chelle_peachy0524

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #417 on: November 11, 2011, 07:15:09 am »
sorry for the long space... ang bebe ko kasi trigger happy sa pagpindot ng enter hehe...


finally will meet ms anj from Ma Del's later. tumawag kasi ako at ang nakasagot pala eh ang kanyang mother, which i presume sya yung me ari hehe....sinabi ko kasi hindi sumasagot sa text at di nagrereply sa email. ayun biglang nagkaroon ng instant reply though busy nga daw sila ngayon. :) yey malapit na ako matapos sa pagbubook! :D taposm scouting mode na ng souvenirs naman :D

ha anyone heard of eros? ok ba sila as HMUA? kasi 6 heads nila asa 11k tapos kung naibook ko sila nung fair eh di 9k na lang rate nila. not bad kasi free yung pre trial make up nila. sa iba me bayad yun di ba?

lennie.bong

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #418 on: November 11, 2011, 10:13:52 am »
goodmorning sisses!dami ko ng utang na mega backread.  ;D

sobra kasing happy ko na parang nasa cloud 9 pa ko.uuwe na si h2b in a matter of 2 weeks.OMG!  ;D

TGIF! maghahalf day lang ko to look for a good paper na magagamit for my invites printing.hehe.

may nagtanong paano ko nakakalose ng weight.eto yun shinare ko sa 1 post pa dito sa gt.share ko na din dito para sa inyo mga sis kasi effective sa akin to plus matinding self discipline and determination dahil 57 days na lang wedding na namin. :) the last time i checked,nakapagbawas na ko ng 7 inches sa waist and more than 30 lbs. pati mga boss ko napapnsin na i'm losing weight.hehe.

Nagstart ko ng May, pinalitan ko yun rice ko with whole wheat bread ng gardenia tapos may meat pa din,after nun,nabagalan ko kasi carbs pa din yun bread,ginawa kong oatmeal.and nagstart kong magcereals na lang since mga july.yun nestle fitnesse.mas matagal yun feeling ng busog ako.

eto yun normal meal ko a day : nakaindicate kasi sa box na 2x a day mo dapat kainin yun cereals as sub to the normal meal.nestle low fat milk gamit ko.

  a.) breakfast : cereals + apples/egg + coffee = kasi dapat we'll never skip bfast eh.most important meal of the day.

  b.) lunch - cereals + veggies/meat = di ko tinatanggal yun meat kasi important pa din but,less lang siya,mga 2/3x a week.salitan sa gulay.


  c.)around 3 pm - 4pm : apple = nabasa ko sa yahoo na ok kumain ng ganitong time kasi mas bumibilis metab natin basta fruits and whole grain kakainin.

  d.) around 4:30 - nagmemeryenda ko ng nesvita + anything na pwedeng ipartner like fruits or lumpiang toge minsan or egg.nagnenesvita ko to make me feel full kasi nagtututor pa ko,if sayo sis,pwedeng mas late.

  e.)dinner - tea na lang to plus cookies na binibigay sa tutorial ko,di na heavy kinakain ko.hehe

*umiinom ko mga sis ng tea every morning bago pumasok and sa gabi para mas mabilis magburn ng fats.try drinking water bago kumain to make you feel full.mas malakas din ko uminom ng tubig ngayon and walk lagi ko and stairs.don't deprive yourself kasi mas maeengganyo ka kumain,minsan,saturday ang cheat day ko,nagcocoffee ko ganun saka nagririce ko pero minimal lang.saka pag nasanay kang unti kumain,you'll feel busog agad.kaya 5x yan kasi,mas ok yun small meals pero mas bibilis metab mo.sanayin niyo na din kumain ng fruits.pag nagsawa kayo sa mga yan,try to alter them ng nesvita,energen..mga ganun.basta rich in fiber and whole wheat :)

goodluck sa preps mga sis!  ;D

soontobe

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #419 on: November 11, 2011, 10:49:46 am »
gandang morning mga sis! :D

@lennie.bong - ako ang nae-excite para sayo sis sa pagdating ni H2B mo. bilib ako sa dicipline mo sis..i've tried yung nestle fitnesse before..nakaubos din ako ng 2 boxes kaso bilis ko magsawa. feeling ko ayaw ng tanggapin ng mouth ko yung cereal. tee hee!...kahit 5kgs lang ma-shed ko super happy na ako.

@katrinac - haba kasi ng backread ko kaya lately lang ako nakapag-post. namiss ko din kayo sa haba ng bakasyon! ;) ..buti ka pa sis may creative side ka. dami mo ng natapos na DIY. ako invites na nga lang hindi pa masimulan. hehe..with regards sa photobooth sis eh sa baguio ako naghahanap. mahal kasi ang OOT fee pag dito sa manila manggagaling. may nahanap ako kaso yung supplier is not in good terms with my WC kaya try ulit ako hanap ng iba. pag no choice na talaga eh kahit sila na lang kunin ko.

@ez4gotten - naku sis ganyan din nangyari sa pamangkin ko before. good thing lang kasi mabilis yung recovery nya. i'll include your pamangkin in my prayers. ;)

happy 11.11.11! :D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close