Author Topic: 2012 Brides *Part 9*  (Read 66982 times)

juice406

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 83
    • Everythihng a happy baby needs. ^_^
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #580 on: November 21, 2011, 02:52:52 pm »
lennie.bong - wow sis ang dami mo na natapos! congrats! sana ako din... OMG ang lapit na!

michiness - kinarir ko ang theme namin! kailangan ko kasi ng pics na pasok sa theme for the photobooth and other stuff kaya aun meron din enchanted forest. hehe...

ez4gotten - thanks sis! infinity dress lang yan. nakuha ko ng 500+ sa divi. yan na rin gagamitin kong prep dress iibahin ko na lang yung style. hehe.. ;p

katrinac - naku sayang naman sis. pag ganun ba pwede ipa-lock yung prices? hehe.. hay.. eto nga napapagod na ko sa preps wala na kami weekends ni h2b. pero excited na kami mag-ayos ng future bahay namin. hehe..

chelle_peachy0524 - ok na docs mo sis?

ylronchar - nahihirapan na ko maghanap ng sapphire na necklace. meron kami nakitang mura sa ongpin kaso hindi reliable e. pero gusto ko kasi yung effect ng dark blue against white sana. kaso pag may value ang mahal naman sobra pag medyo malaki na. baka ibang necklace na lang gamitin ko. i saw one on marry me na nakasale. :D thanks pala sa email bro!

princeszheng   - sige sis hanapin na lang kita. hehe

soontobe - onga sis e. LOL. ugali ko yun dati pa. nakakainis rin. kaya ang ginagawa ko habang ganado pa gawin na yung mahihirap para minor details na lang yung maiwan kay h2b. hehe

chubbycheeks17  - oo sis ikaw una. LOL.. ako rin sis gustong-gusto ko magtingin ng mga prenup pics pero kasi mahilig din ako mag picture. sana nga after ng wedding namin makapag-freenup ako sa mga hindi pa tapos. :D congrats nga pala sa mga panalo mo sa auction.

blueflame - oo sis sulit na sulit. buti 8k lang nagastos namin including the food and stay sa resort and transpo. whew! lahat ng kailangan naming settings meron doon kaya solb na rin - 4 seasons + enchanted forest + gown on beach. ayos!

menggay16 - thanks sis! oo geronimo yung video namin. nameet ko na sila. sila gumawa ng wedding trailer namin. if you want pwede mo check sa fb ko. friend na ba kita? oo sis affordable na nga raw.

health.gal - thanks sis! galing ng mga photographers ko. LOL...

updates: 1st day of pre-cana seminar done. grabe tinulugan ko siya ang tagal! LOL.. done with detailing na rin with hizon's. ang galing ng coordinator ko! galing tumawad at parang naging stylist na rin siya kasi siya na nag-iisip ng design para makuha yung effect ng theme ko. winner talaga si ate wini! plus ang dami pa naming nakuha freebies. naamaze ako kabisado niya yung mga klase ng tela at bulaklak pati mga prices kaya nakakuha kami ng value for money sa hizons - ang hirap pala maging coordinator!

good luck sa preps mga sis and bros! happy planning! :D
« Last Edit: November 21, 2011, 02:54:23 pm by juice406 »
Marion ♥ Joyce 01.07.2012
http://happybabycloset.multiply.com

ez4gotten

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 134
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #581 on: November 21, 2011, 03:32:04 pm »
soontobe matagal pa kami magpapatayo ng house dun sis. di kaya pag sabayin eh. hehe. sigur mga 3-5 years from now. depende kung magkababy agad or hindi. ;) sis ano pala ang symptoms ng PCOS? pano mo malalaman yun? sorry kasi parang ang dami kong naririnig na may ganun kaya natakot ako. :-\

health.gal thanks sis. :) di makapaniwala nanay ko na ako gumawa nun. lol. kala niya binili ko lang. :P see you on nov 30 sis. ;)

kat nakita ko din trial makeup mo. ganda!

kiz_me congrats sa HMUA mo. ;)

juice wow infinity dress pala yun. pwede pabulong sakin how much at kung san mo nabili? hehe. tia! congrats sa freebies at detailing. ;)

juice406

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 83
    • Everythihng a happy baby needs. ^_^
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #582 on: November 21, 2011, 03:55:24 pm »
^^ sis 500+ lang yun. yung short nun 400+ alam ko e. sa 168 sis nakalimutan ko yung stall number pero pag pumasok ka sa gitna ng 168 dun malapit lang siya sa may tindahan ng mga plastic na halaman. :D  pag bibili ka sabihin mo lang para search ko sa receipts namin yung exact price at stall #. dun ko rin pala binili yung infinity dresses ng entourage ko. 6 pcs of anything from their store entitles you to the wholesale price kaya solb talaga. :D
Marion ♥ Joyce 01.07.2012
http://happybabycloset.multiply.com

ez4gotten

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 134
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #583 on: November 21, 2011, 04:13:20 pm »
^mga january pa kami bibili sis. ;) thanks!

princeszheng

  • mabuting asawa at
  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 63
  • Shopaholic and Ooopps, I ♥ Hanson!
    • The Bright Wife
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #584 on: November 21, 2011, 04:24:23 pm »
mich - ganon ba, hehe natatakot ako magbuwis ng pera lol, sige i'll give it a try :)

sis health.gal - nice idea, loot bags for kids, coloring book etc para di sila magtatakbo pag nagstart na ang program hehe, Thanks! Gawin ko rin yan ha? salamat sa idea.

kiz - musta ang trial? okay na ba mv for you?

juice406 - sino nga coordinator mo?

chubbycheeks17 sis di pa ako nakapag-down sa kanila hehe, pero baka by december  :) eto multiply site nila http://willyouminime.multiply.com/ kaya sila gusto ko kasi my just married plate na libre hehe, si don roberts kasi nkalagay sa plate nya don roberts lol

ylronchar wow congrats ako madami pang dapat bayaran at ibook lols

ez balitaan mo kagad kami sa prenup mo. Enjoy! Dedma mo na lang ang sipon na yan hehe

soontobe ikaw na talaga, ikaw hehe

mga sis, at dahil mahalaga ang misalette, penge naman ng softcopy please TIA
normal lang ba yung 7 months to go before the wedding e pa-chill2 lang ako haha, medyo nsstress ako pero wala pa ko nagagawa sa pang-araw2. kumusta naman ako lols
« Last Edit: November 21, 2011, 09:50:54 pm by princeszheng »
Love me or hate me, either way I'm still gonna shine

http://thebrightwife.blogspot.com/

chubbycheeks17

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 281
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #585 on: November 21, 2011, 04:36:56 pm »
@carmichael – hello sis!  :)

@ez4gotten – nakaka-excite naman yan housing loan. hindi ko pa lang ma-bring-up kay h2b. baka himatayin na yun. wahahaha.  ;D yun sa cord na update mu, natatawa talaga ako while reading it. :) ako din, kay sis eyzel papagawa. sis, pano mu pala ginawa yun cutie pompoms?

@soontobe – thanks sis. natutuwa din ako sa line-up of our dream team. tamang-tama lang sa budget namin ang prices nila pero shempre, kung makaka-save pa, why not chocnut? hahahaha. ;D yes sis, pcos + diabetes. bongga di ba? yun fertility blend, need ba yun ng prescription? may shinare din sken si little_princess, diane yun name. hindi ko lang sure kung pill yun to regulate period. yun althea pills, prescribed ng ob mo? until now sis, naka-metformin ako. i stopped taking clomid though kasi wala naman dito si h2b. super pray na lang that soon we’ll be blessed with a little angel.

@health.gal – thanks sis! natuwa talaga ako ng bonggang-bongga sa auction because of you. nakareceive na rin ako ng authorization from ms. benz kaya nacontact ko na yun photogs. ina-ask ko pa sila kung ano inclusions ng prenup services nila. super happy din ako sis about kay tito boy. bonggang tawanan talaga. nafeel ko na he makes it a point to know his bride. kala ko, an hour lang yun meeting, inabot kami ng 2 hours. wahahahaha.  ;D kumusta ang florist hunt? nakapag-usap na kayo ni h2b?

@kiz_me – congrats sa tmu, sis!  :D about your eyebrow, hindi ba puede na wag mu ahitin after some time then have it corrected sa salon? para lang hindi maging bushy.. or talagang dapat si mv ang mag-ayos?

@juice – ang ganda ng prenup nyo talaga sis. may mga shots na very dreamy! i love it! naku sis, sana makapag-freenup kami with you! hahahaha.  ;D addict lang talaga sa pix, obvious ba? gusto ko ng madaming madaming pictures. ang dami pa kasi space sa laptop pati sa external hd. wahahahaha.  ;D 2 prenups din ang napanalunan ko sa auction. i sooooo looooove pictures. nakakatuwa naman yun ganyan coordinator. as in kina-career talaga. congratulations about ur wc, sis! at least di ba, ur confident na she will really deliver on your big day.

@princezheng - thanks sa link, sis! nag-ask kami kay don robert but hindi daw nila sineserve ang liliw, laguna so goodluck naman talaga sa bridal car hunt. if wala pa rin and makabili na ng wheels si fmil early next year, yun na lang gagamitin namin. si h2b na lang mag-drive. wahahahaha  ;D

wedding updates: nakuha ko na rin ang quotation ni ate arleen, thanks to blueflame. it’s 20% lower sa quotation I got from ate inah pero check pa rin ako ng iba. si h2b, gusto na ako mag-confirm agad kay ate arleen pero sabi ko, compare muna ako ng quotations.. and yes, imported flowers pa pala ang bouquet ko with ate arleen.

since wala kaming avp inclusion sa mga packages ng p/v namin, i tried creating a photo slideshow of h2b using moviemaker. successful naman. puede na yun ipakita sa mga guests during the reception. sa tagal pa ng wedding, baka maka-ilan pa akong photo slideshows. wahahaha.  ;D

if meron gusto magpagawa, carry lang, just send me the pictures then let me know anong song ang gusto nyo background, ako na mag-download. siguro, after 16 free avps (16 kasi anniversary namin ni h2b), chaka na ako mag-charge. wahahahaha.  ;D

see you lovelies sa next thread. ciao!  :-*

blueflame

  • Definitely a
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 308
    • Infinite Events by Mr. & Mrs.
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #586 on: November 21, 2011, 05:15:11 pm »
Hello everyone! Lipat na tayo ng bahay bago pa magsara.  ;)

Dito natin ituloy ang kwentuhan - http://www.femalenetwork.com/girltalk/index.php/topic,253955.0.html

 


Latest Stories

Load More Stories
Close