watch now

Author Topic: 2012 Brides *Part 9*  (Read 83607 times)

qtpurple04

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #340 on: November 06, 2011, 02:10:14 pm »
sis katrinac » amishooo too sis .. miss ko na kayong lahat ..

sis chubbycheeks17 » yes sis .. okay na ako .. okay na kami .. masyadong mababaw emosyon ko .. haha! thanks!

sis blueflame » yes sis .. yoko na ng senti songs .. senti quotes ako nahuhumaling ngayon .. hehe! pasaway lang .. hehe! thanks sis ..

sis michiness » amishoo too .. head over heels talaga sis ah .. hehe! uo sis good girl na ako .. di na ako magpapadalos dalos .. hehe! thanks sis ha ..

super thanks sa mga advise nyo sissy .. very helpful talaga .. narealize ko un mga kakulangan ko at pagkakamali ko .. hehe! at nagkaintindihan na rin kami ni h2b .. thanks sa concerned nyo .. mwah mwah mwah! :D

re wedding: uhmm! medyo malabo na nga un sa amin .. kasi di talaga kami sure kun mapayagan makauwi si h2b next year .. kun malaman man namin baka too late na for preparations .. kaya if ever makauwi siya civil wedding na lang muna ..  ;) okay na rin un at least 2012 bride pa rin ako .. hehe! belong pa rin sa BBB's  :D

kiz_me1109

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #341 on: November 06, 2011, 10:05:30 pm »
katrinac
- Hindi pa gawa yung gown ko sis. Pero sure... papakita ko sayo yung gown kapag gawa na. :) Check mo yung wedsite ko. Andun yung style ng gown. :) Sino na pala gagawa ng gown mo sis? Nakausap ko na pala si Maricar. She will just PM me the details daw. Medyo busy lang siya kasi lilipat siya ng office e. Pero next week daw ok na daw schedule niya.

chubbycheeks17
- Saang forum sis? Naku, mura talaga si Ms. Magda. Sabi din niya sakin kumuha pa siya ng additional mananahi. Ang problem lang kasi, yung ibang nagpapatahi mas gusto nila na meet ups nalang kapag may details na idadagdag or for fittings. Kaya nade delay yung ibang tatahiin pa dapat niya. Iniisip ko nga na yung sa mom ko sa province nalang namin siya magpatahi para hindi na ako ma hassle e. Kasi baka mamya anong petsa na matapos yung gown niya tapos papadala ko pa sa Iloilo. Basta kailangan by January 07 e magf first fiting na ako. Sinabi naman niya na by that time hindi pa buo yung dress e. Para in case kailangan i alter e hindi siya matagalan. Which I understand naman.

blueflame
- Sis, bakit kaya hindi kita makita sa FB? kainis ang wierd. hehe. Nakita mo ba yung minis nila sis? Gusto ko yun. Kaso medyo mas mahal lang siya.

michiness
- hi sis. Thanks sa suggestions mo. :) We opted to chose Silver/grey na. Hindi kasi pang matanda yung chartreuse e. hehe


mawchan

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #342 on: November 07, 2011, 01:55:37 am »
hello to all BBB!

sis kitz congrats sa booking with ms. magda sana maayos nya na fitting skeds nya pa hassle-free na ang mga magda brides..

sis qt4purple good for you medyo nakarecover kana, wag na masydo senti sis.. what ever decision will be your still part of bbb either civil man or church wedding.. trade mark na naten yan..  :)

sis chelle nakahanap kana sis ng videographer? at least humihingi na ng updates si h2b mo, it means part of him excited narin sya wedding preps.. goodluck sis hope maging succesful ang weekend supplier's meet-ups mo..

sis blueflame kainis nga yang ulan! hayst sayang yung set na appointment sa supplier, pina cancel ko na lang dahil baha na agad sa manila..  >:( na inspire ako sa mga pag diy mo sis, try ko na nga baka matipid din.. ano ba dapat unahin? std ba?

sis lennie tapos kana sis sa bottle invites? patingin naman..re java hotel maintindihan naman siguro ni fsil mo yun and ang mahalaga approved naman kay h2b.. naalala ko tuloy nag vacay kame ni h2b two years ago sa ilocos superb! re house naku sis di pa kame buy for now at wala pa sa budget! in the future palang balak namin, pag pareho na kameng officer ni h2b madali na mag loan!  ;)

sis chubbycheeks usapang bonus naba? naku sakin, christmas ang 13th month na deposit na sa bank.. correct sis pag nag exceed ng 30k ng total incentives, bonuses may tax na, :( re gown kay mitch desunia sis.. dami ko ng stress sa paghahanap ng couturier, hopefully maging smooth yung transactions namin, erase ko na ang nega vibes! kay rei rana kana ba?

sis kat belated congrats pati kay h2b na may new work, pouring talaga ang blessings nyo sis.. :) wish ko din may extra blessings, hehe gusto ko rin ng balloons pero after ng church ceremony, sa labas ng church after ng throwing ng confetti, gusto magpalipad ng balloons according sa motif namin.. para maganda sa pics!

sis juice have fun sa caliraya!

sis mich how much budget nyo sa prenup? kami 5k pero tingin ko over pa dun kasi need pa pakainin ang p/v lalo na pag whole day, then outfits pa! ang gastos nga.. pero di ko parin masyado iniisip yang prenup kahit venue di pa sure kung saan.. hihi next year pa kasi plan namin..

sis healthgal and ez pa update sa dapitan arcade nyo sa sat!tia

side kwento: nothing much to update dahil pina cancel ko yung appointment kay MD  meet ko sya ulit sana para makita yung main branch sa las pinas, makita ang production site, makuha ang contracts and mafinalize na sana yung fabrics na gagamitin for my gown :( nung sat dapat yun kaso biglang umulan ng malakas kung kelan paalis na at kainis talaga dahil baha na agad dito manila..  :(  MD understands naman kaya ni re-sked nalang yung appointment.. anyway since nakabihis na kame at lapit lang namin sa sm manila kaya ayun nakapag date kame ng wala sa oras ni h2b..  :)

yey! buti nalang at walang pasok at nagkatime ako mag-post.. gumawa rin ako ng 3 monograms, ang hirap pala what more kung lay-out ng invites gagawin.. kabilib yung mga masipag mag diy dahil patience is a virtue talaga! nyite to all! muah muah

juice406

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #343 on: November 07, 2011, 10:03:34 am »
hi mga sis! i'm back! mura lang sa caliraya ngayon. yung nakuha namin last travel expo 1900 lang per pax tapos full board meals na. regular price is 4160 per pax. hehe pero sabi nila nakapromo naman daw sila hangang this month e. ok dun daming activities. ^_^

wedding updates: nagsubmit na kami ng reqmts sa church. canonical na namin sa wednesday. sana maaga matapos yung docs sa church para solb na! wee! start na rin kami magdistribute ng invites, nakakatamad! haha! at wala pa kaming flight papuntang hk for our honeymoon. sana magkasale or makakuha kami ng cheaper. hihi

menggay16

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #344 on: November 07, 2011, 12:30:39 pm »
@menggay16 – hello sis! sa mga suppliers mo, we’re same with bridal gown and hmua (i just decided this morning na shin chua na for me. s/he is so nice).  :D with caterer, we’re so close to getting pc kahit wala pang ft. nagbigay na rin ng go-signal ang mga moms namin ni h2b to get pc. yipee!  :)

sis chubbycheeks17, naku go ka na sa PC! Ay naku talagang super alaga ka ni Ms. Maja. We didn't have a chance to meet when I was there kase something came up, but still, ramdam na ramdam ko pa rin yung involvement nya sa wedding namin.  :) sino videographer at OTD Coordinator mo sis?

fds4eva

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #345 on: November 07, 2011, 07:49:38 pm »
74 days to go... parang di na ako makahingaaaaaa

kiz_me1109

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #346 on: November 07, 2011, 09:34:28 pm »
mawchan
- Hello sis... naku oo nga. So far 2 palang naman daw kami na bride for March. And I'm really hoping na hindi ako ma stress sa kanya. hehe

Congrats sa monogram mo. hehe Ako nga naka-ilang monogram ako sis. Pero hindi ko naman magagamit kasi nga dapat babagay din siya sa gagawin mong lay-out sa invites. Medyo nawawalan narin ako ng ideas for my invites. So yung sister in law ko na ang gagawa. Mahilig kasi siya sa crafts and madami siyang ideas. So siya na bahala dun. hehe

prehtsel14
- hahaha. naku, ang hirap nga nun hanapin dito sa Pinas sis e. Kasi yung meron lang sa atin apple green or yellow green. E medyo pale yung color ng chartreuse. Nakita ko lang siya sa sapatos ng Nike. hahaha

hahaha. natuwa naman ako dun sa ice cream sis. Parang bata lang, :)

fds4eva
-yes... lapit na sis. :) good luck! hehe


Pahinga muna kami ng hubby sa wedding preps... Kasi birthday ko na sa Wednesday. hehe... Sayang kasi punta sana kami ng Ace Water Spa. Kaso eto na yung week na dadating mens ko. :(

katrinac

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #347 on: November 07, 2011, 09:46:43 pm »
ylronchar - i agree bro, mura nga nung rates nila, kaso mukhang kailangan namin i let go yun. kasi nung nagtanong ako sa GEH, may corkage ang pagdala ng balloons pag galing sa labas. 6 pesos per balloon. so 600 hundred din yun kapag 100pcs. sayang din kaya ang 600. haha. naku ang ganda ng church nyo ;) congrats uli! lapit na!

chubbycheeks17 - correct sis, kaya nga nila daw, kaso nanghinayang kami. may corkage nanaman pala sa GEH ang balloons. haha. so wag nalang. tsaka mas maganda na ang simple. ;)

blueflame - waaah! nakakaexcite gumawa ng AVP sis. kaso ako mukhang mahihirapan ako mag produce ng pics ko. wala akong pics nung bata ako. :( nag simula lang kasi kami mag ca camera dati nung mga highschool na ako. haha. naku sis, speaking of Nsync, di ka nag iisa. bet na bet ko pati ang kanta na This I promise you! haha. waah, naku 230K na. hang laki na!  sana nga wag na lumampas sa 250k sis! ;) ano na balita sa karu sis? and how was the DIY? natapo mo na sis? patingin ha? congrats sa early payday!!! ;) at sa fullpayment sa RMC and PV .woot woot!

lennie.bong
- naku speaking of cake topper nakakita kami ng ganyan ni h2b sa wedding library last Sunday, gusto ko sana bumili, kaso kasi, mukhang di na need, dahil nung cake na kukunin namin sa hotel, may cake topper na. kaso honestly, di ko talaga gusto nung cake topper. haha! dalawang puso. gusto ko sana hello kitty eh :D haha. yup sis, flats lang gagamitin ko ;)

Judessec - hhhm, sis, try mo kaya Quido's? ;) mukhang okay ang rates nila and amenities, di ko nga lang sure about OOT. pero check mo narin.

chelle_peachy0524 - naku nakaka excite kaya mag pabook ng suppliers kaya nafi feel ko ang excitement mo sis ;) sis, when ang appointment mo kay sis simplyme? gusto ko check sa kanya mga invites eh. sa kanya din kasi kami papagawa ng invites ni h2b.

ez4gotten - sissy, nung pumunta kami ni h2b sa WEdding library, nakita ko nung cake topper nyo, kaso ang laki nung andun eh. haha. parang jumbo talaga! ;)

michiness - wow, na excite ako kumuha ng Cenomar sis! just like you, hihimatayin din ako pag ganon. haha! anyway, you have an idea ba how soon can we get a Cenomar? Plan ko kasi this December na kami kuha ni h2b, super excited lang. para siguro pati. haha.

qtpurple04 - correct sis, pero kung di man matuloy (pero sana matuloy parin) ang impt kakasal parin naman kayo, ;) pero sana kahit civil parin.! :D mwah! we love you!

kiz_me1109 - okay sis, check ko nalang sa wedsite. this november 26 sis, punta na kami ni h2b sa Rosys (sa Baclaran ito) pero i checheck din namin sa may Baie Botique (along roxas blvd) nakita ko kasi mga display nila na wedding gowns, super ganda ang mga gawa nila. ;) advance happy birthday!

mawchan - ahhaha sis, salamat naman sa idea na yan. dahil di ko naisip magpalipad ng balloons after the ceremony! naisip ko lang kasi ang balloon drop sa reception, but since di na namin gagawin yun, after the ceremony nalang. naku okay lang ba nakuha ko ang idea mo? :D

prehtsel14 - correctnes sis, ang sexy nya. pero diba sexy naman talaga sya. hihi. naku, fotoco? parang nakita ko nga yan! buti nalang di pa kami nag buy ni h2b ng photobooth. baka sa bridal fair nalang din kami mag check ni h2b. actually sis, nung multipy site nya, di updated yun. haha! wala nga syang pictures ng mga shots nya dun. kasi may mga sample talaga sya. naku speaking of GEH sis, halos mapaupo na ako sa staircase nung bumalik kami dun ni h2b last Sat, kasi super happy ko talaga! haha! can't wait to share the pictures sis sa mismong wedding day namin! thank you ulit! ;) naku sis, ang sweet naman ni h2b! kakatuwa kapag ganyan ang ginagawa nila satin ano? speaking of wisdom tooth, di pa rin ako tinutubuan nyan gang ngayon! haha

juice406 - welcome back sis! naku sis, na curious lang ako. kasi kami sched na namin ng canonical interview this December 6. eh may 26 pa ang wedding namin. bakit kaya ang aga nung samin? hhhmmm.

health.gal - sis, nakakita pala ako ng matches sa wedding library, bibili sana kami kaso 150 pesos nung 2pcs. isip isip ko, mukhang kayang kaya ko naman gawin yun. 2 pcs lang pala ang need. haha! kala ko marami. lol. at ang mamahal din ng candles nila dun! nakakalula ang presyo nila.  :o

fds4eva - naku ang lapit na sis! ;)

share ko lang:  Naku, super success ang naging lakad namin ni h2b last Saturday sa GEH. Ayun, napabook nanamin ang Grand Ballroom nila, kaya todo na ang staircase. Can't wait to use it ;) at ang nakakaloka pa, pinituran ko kasi nung function room ulit, only to find out na nung camera ng cp ko, corrupted pala ang memory card. kaya bumalik kami ulit ni h2b, para picturean, gamit naman yung phone nya. haha. :D and since maulan last Sunday, di kami natuloy sa EK. haha. so nag punta nalang kami ni h2b sa Mall Of Asia para mag date nalang. hehe. Pinanood namin ang Praybeyt Benjamin. haha! super laugh trip si Vice at sakit sa tyan ko kakatawa. Bumili narin kami ng Arrhae, pillows and stuffed toy, pati rin pala bible ;) Sa Wedding library kami bumili ng pillow and arrhae, then stuffed toy sa Toy kingdom then Bible sa St Pauls. medyo napa aga kami!. haha
« Last Edit: November 07, 2011, 09:53:03 pm by katrinac »

kiz_me1109

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #348 on: November 07, 2011, 10:20:07 pm »
katrinac
- Sis,nakapunta na ako dun sa Baie Botique. Si Tito Franco may ari nun. Wala na nga yung bridal gowns nila na naka display e. Lumpita na yata sila sa Main nila sa Las Pinas ba yun. Meron ako quote sis. Pinakamura nila is php60,000.00 with the entourage na sis. Meron din sila bridal gowns lang for 6k-18k pero simple lang daw yun. Yung mga naka display daw dun ranges from 30-40k.

Hope this helps! :)

chelle_peachy0524

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #349 on: November 07, 2011, 10:23:37 pm »
^sis katrinac - this wednesday kami magmimeet ni simplyme... nov.9. around 6 pm siguro...


waahh... bakit ganun? lumolobo ang budget!!! 130k max lang kami dapat... parang ayoko na magcompute...  :(

katrinac

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #350 on: November 07, 2011, 10:29:55 pm »
kiz_me1109 - akkk! ang mahal naman pala! hahaha! out na sa list ko yan, buti naman at sinabi mo sis, para di na kami mag waste ng time pumunta dun. haha! burado na, sa Rosy's na kami magpapagawa.  ;D kebs na kung may problem sa time management nila, maaga naman kami magpapagawa ng gown, kaya go na go na kami dun. haha

chelle_peachy0524 thank you sis! naku, i agree with you. sabi ko pa naman dati samin, 120k lang kami. haha! kaso ngayon,wala na ang panata namin na yun. exceeded narin kami! ganon ata talaga pag papalapit na, saka nag susulputan ang mga gastusin. kumbaga, may hidden charges pala.  ;D

chelle_peachy0524

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #351 on: November 07, 2011, 10:47:22 pm »
^i agree sis katrinac! di ko nga alam paano ieexplain yan ke h2b malamang ma move na naman kami.. hay :( sa totoo lang, oo andyan kala mo mura na yung nakuha mo pero kapag nagcompute ka pala dun na lalabas ang hidden charges hehe....

mawchan

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #352 on: November 07, 2011, 11:21:04 pm »
hello BBB

sis fds4eva welcome po! and congrats in advance.. inhale exhale muna sis! ;)

sis kiz buti dalawa palang kayo na march bride nya, sa may kasi sunod sunod ang tahi ni ms magda, kaya di nako nag-risk kahit napamahal, cross finger nalang ako kay MD..  sa monogram naman wala kasing magawa,hehe! try ko lang yesterday, infairness na-appreciate naman ni h2b, lucky you sis at may fsil ka na willing gumawa ng lay-outs.. samin kasi re invites nagpaquote ako kay sis simplyme pero wala parin akong quotation, baka try ko nalang din diy para makatipid..

sis kat gow lang! ganda nung may balloon release effect!:) gusto ko nga na may kapareho para pag discuss ko kay h2b sasabihin ko na ginagawa talaga ng couples yun, pano reklamo nya sakin ang dami ko raw kaartehan.. example nalang yung cord ang dami ng sinabi kaya di ko na tinext si friend mo.. gamitin nalang namin yung normal na cord, retouch ko nalang, pero sa balloons kahit ayaw nya ako na ang masusunod..hihi  :D congrats sa shopping dami nyo nabili ah! almost complete ka narin sis!

sis juice welcome fresh from caliraya, ako naman mag potipot island and zoobic safari this sat with officemates! makapag unwind naman.. and pahinga sa preps..  :)

sis chelle ako rin problemado na sis sa wedding budget.. :( kaloka ang mga hidden charges na yan..

pasok na ulit tom!nytie night mga sis!:)



« Last Edit: November 07, 2011, 11:30:29 pm by mawchan »

kiz_me1109

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #353 on: November 07, 2011, 11:32:12 pm »
katrinac
- Sure sis! Dun kasi lagi yung baba ko from Cavite. E nagandahan ako sa gowns nila. Nalula nga ako nung binigyan ako ng package nila e. hahaha. Hindi din maganda yung nabasa kong review about Tito Franco e. How much daw ang rate ng Rosys sis?



mawchan
- naku, hindi ko nga alam kung anong magandang gawin para makulit ko si Ms magda na tapusin na yung gown ko by February e. Dapat kasi DIY din ako sa pillows, pouch, garter etc. Nag offer na siya na gagawa. Bigyan ko nalang siya ng design. Naku, ayusin niya. Kasi baka mag transform ako bigla kapag nainis ako. hahaha


Question naman... DIY kasi ako ng entourage accessories. I already bought baskets for the FG. Balak ko siya pinturahan ng silver. Then yung hawakan lagyan ng chartreuse color na ribbon. Saan kaya ako makakabili ng paint na silver? Kanina kasi nag check ako sa hardware. Aluminum ba naman ang binigay sakin. Kaloka! hahaha

health.gal

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #354 on: November 08, 2011, 12:02:56 am »
hi BBBs! utang muna backread ha. ask ko lang, where can i rent easel stands kaya? yung cheap lang ha. TIA!

kiz_me1109

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #355 on: November 08, 2011, 12:28:28 am »
^^ Sino P/V mo sis? You can ask from them kung pwede ka nila pahiramin muna. :-) Meron sa National Bookstore. Pero mahal. 600-800. I don't know kung saan nagpapa rent nun e. You can also make your own. :-)

chubbycheeks17

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #356 on: November 08, 2011, 12:39:15 am »
holiday-mode ang brain cells ko ngayon and i’m so much sleepy . goodluck saken sa shift. huhuhuhu.  :'(

@blueflame – hindi ba part ng p/v package nyo ang avp? plan ko din gumawa using moviemaker. yun sa tax, sis, 30K is non-taxable. yun 30,001, dun na magstart ang tax. ang busy busy ng beauty mo with your DIYs. i love it!  ;D congratulations on your full payments! get well soon kay h2b!

@ez4gotten – nagreply na sken si eyzel, sis. yey!  ;D mag-confirm ako sa kanya ng orders ko early next year.

@lennie.bong – that’s good news, sis! sana nga umabot sa 13th month pay! pasilip ng bottle labels + your cake topper ha. walang ilocano smen, sis. from manila talaga ako then si h2b, laguna. super nagandahan lang kami dun sa church when we were looking for one. kung puede lang talaga na dalin ng super layo ang wedding, dun kami papakasal. meron ng house si h2b sa paete pero hindi naman namin afford mag-uwian ng ganun kalayo pag stay na siya dito for good. sa bf kami maghahanap ng house.  :) about dun sa offer sa’yo, i think okie lang you declined esp kung all set na ang mind & heart mo sa java hotel. trust your “this is it” feeling.  ;)

@chelle_peachy0524 – really? pati sa text di nagrereply si Anj? mabilis kasi kami nakapag-set ng ft ko before. she must be so busy. siguro when you feel it’s time to contact her, you might wanna call her na lang. goodluck sa rates with rei sis. noted on partyshots! thanks sooo muuuch!  :) about hotel bookings, i usually do it via bookings.com pag international kc hindi na-credit ang credit card ko. they just need a valid credit card number and that’s it. payment happens when i check in na sa hotel. pag local naman, i’m comfy doing it over the phone then they send me a confirmation email.  :) about your potential photog, if i were in your shoes, i’ll feel offended too. i mean, puede naman maging direct na “hindi na applicable na ibahin ang payment terms given the discount”. sana hindi na lang nya sinabi na ikaw lang ang binigyan ng discount among all his clients. it just feels off.   ::)

@princeszheng – not bad na ang P250 for a painting ha. sabi ko kay h2b, lamp or wine kaya ang bigay namin or puede naman na pashmina for ladies and wine for men. wala pang desisyon. mag-check daw siya sa italy ng puedeng gifts and souvenirs. usapang BPO, uu sis, nakakapagod na ang mala-vampire diaries na drama pero ganun talaga, this is where the money is. hahahaha.  ;D when is your wedding sis? bakit di mo pa mafinalize suppliers nyo? btw, one of our sissies (lady_frost) here is offering free boudoir shoot. you may check this link: http://theredroom.zenfolio.com/

@judessec – nakakaloka talaga ang cateree-hunt, sis. lie-low muna ako while I’m waiting for my ft with pc. i read sa kabilang forum about centertable catering, masarap daw ang foodie + afoordable rates. if you wanna check bizu, i can send you a copy of the package they sent me. goodluck and hope you’re feeling better sis!  ;D

@michiness – ang dami nyong nagawa ni h2b, sis! congratulations! about engagement stylist, nag-iisip pa ako kung kukuha ako ng pro or yung friend ko na lang na so much into fashion. this friend na kasi ang stylist ko for the boudoir shoot so i’m thinking kung siya na lang din sa main prenup. meron ako nakausap worth 8K for 5 lay-outs then kasama namin siya sa shoot. just received an email this morning from another which is worth 10K complete with lay-out, make-up and lookbook. ma-a-upgrade to 15K if gusto ko pa na meron designer clothes + accessories na ipo-provide sila for the shoot. ang mahal. kalurkiss.  :o parang susuyurin din namin ang mga tiangge pag malapit na kami mag-prenup. love ni h2b ang mga tiangge, wala kasi nun sa italy. hahahaha.  ;D sa pc sis, i am so praying na siya na. convinced na mom ko and fmil, si h2b na lang. wish wish wish. about suppliers’ food during prenup, fastfood na rin ang choice namin ni h2b.

@qtpurple04 – that’s nice to know sis. ganyan din ako nung simula. umiiyak talaga ako sa mommy ko pero ngayon, adjusted na. kaya nyo yan sis! *hugs* church or civil wedding, ok lang yun sis, important is ma-bless kayo and still 2012 BBB ka.  ;D

@kiz_me1109 – sa w@w, household name na rin si ate magda for those looking for an affordable gown supplier. if you think that approach will work for you and your mom, sa province na nga lang siya magpatahi. at least, less hassle. sana talaga sis, wala kang maging prob with your fitting scheds. advance happy birthday!  :-*

@mawchan – 13th month, sis, in-allot ko na kay rei. hahaha.  ;D di pa nga lang siya ulit sumasagot sa email ko. goodluck with MD sis! just trust that your transactions will be okay and your gown will be lovely. about your potipot vacay, been there some time ago, super ganda! mag-e-enjoy ka dun sis!  :)

@prehtsel14 – natawa ako sa mum comment mu sis! hahahaha.  ;D and lalo ako natuwa sa kwento mu na may ice cream ka sa mukha and damit mo. ang sweet ni h2b. kakakilig! naalala ko si h2b. awwww.  :( lagi ako pinupunasan ng pawis and hinahawi ang hair ko, baby lang. hahahaha.  ;D

@juice406 –welcome back, sis! very good deal ang caliraya vacay ha! ang saya! goodluck sa canonical, invites and hk tix.  :D

@menggay16 – oo sis, my heart says it’s pc na. hahahaha.  ;D feeling ko pinapasabik ako lalo ni h2b kasi hindi pa nya binibigay ang approval nya. sabi ko, nagpledge na nga si fmil para makuha namin si pc tapos siya, wala pang sinasabi. natatawa lang saken. videographer is reality box, sis. wc – di pa kami makadecide kung sino, ang sure lang is partial coordination kunin namin. naawa sken si h2b kc ako lang and fam ko nag-aayos ng wedding deets.

@fds4eva – goodluck sis! ang lapit na!  ;D

@katrinac – may corkage pa for that? right choice na rin sis. isa lang yan sa many wants of us, brides. hahahaha.  ;D about candles, di ko talaga alam kung DIY ko na lang or i-order ko din kay eyzel. *confused*  :-\ shempre, congrats sa mga accomplishments sis. ang dami. uber busy kau ni h2b.

@health.gal – naiyak ako sa kwento sa kabilang forum about dad not attending the wedding dahil sa promotion as ship captain. lalo ako naiyak nung nabasa reply mu. *waaaaaaaaaaa*  :'(

side kwento: as of this date, wala pa kaming caterer, transpo & accommodation for entou & suppliers who will stay overnight with us, bridal car and what-have-you's, we're about to hit 200K na. auko ma-stress pero na-stress ako. ayoko naman sabihin kay h2b na i'm starting to get stressed kasi domino effect yun. parang kahit hindi issue yun budget, parang over lang sa gastos. as in over. feeling ko nga malaki na nasave namin sa gown ko but no pa rin. goodluck smen  :o anyway, i confirmed with shin chua and elmer (rejectkrew) na it's them on our wedding day. nagreply na si shin, si elmer, wala pa. baka busy siya ngayon. last time kasi, reply siya ng reply. naisip ko, wala siyang event that day. yun march na uwi ni h2b moved to november next year. *waaaaaaaaaaaaa* one year to go! *waaaaaaaaaaaaa* talaga! ang tagal tagal pa! :'( eto pa, sabi ko nga kay katrinac and lenierose, nawiwindang ako sa p/v namin. ngayon lang siya natagalan sumagot sa email ko, super busy din kaya siya or mainipin lang ako. i'm asking kc if we can have some percentage left to be paid after the wedding day and on delivery of output. wala pa rin sagot after 4 days. also, i got the package of raymond fortun and hindi ko alam kung gusto ko siya. h2b nga is asking kung gusto ko, hindi naman ako maka-decide. lagi na lang ako confused. napaka-fickle talaga ng gemini.  ::)

kiz_me1109

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #357 on: November 08, 2011, 01:25:17 am »
chubbycheeks17
- Talaga Sis? Ma check nga yung W@W mamaya. :) Oo nga. Problem ko lang naman is baka ibang yung shade ng silver/grey yung makuha ng mom ko. Pero hindi na naman siguro mapapansin yun. Thanks sis! Sayang... hindi matutuloy yung Ace Water Spa namin. :(

Sino yung P/V mo sis?

chubbycheeks17

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #358 on: November 08, 2011, 02:19:52 am »
^ sis, if you can buy the fabric then padala mu na lang kay mother para hindi maiba sa gusto mu, i think that will be better tapos si mother na bahala sa gusto nyang mananahi. what do you think? ;) reality box, sis. as in ngaun lang ngyari na matagal sila magreply. nagwo-worry ako as in. contact ko naman siya ngaun via fb to check if everything's okay.  ::)

kiz_me1109

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #359 on: November 08, 2011, 02:42:16 am »
^^
Naisip ko nga din yan sis e. Si Ms Magda kasi dapat gagawa nun. Kaso naisip ko baka mahirapan lang ako kung siya pa gagawa kasi need ko agad yung gown by January for shipping. Yung mother in law ko naman e sa kanya magpapagawa. Bili na kaya ako ng tela then kapag may tela na ako for my moms gown, bibigyan ko ng sample si Ms Magda para yun na ang susundan niyang shade. What do you think? hehe

Regarding your P/V baka busy lang sila sis. Yung P/V nga namin sabi nila baka daw hindi na muna sila mag schedule ng prenup for December kasi madami silang naka schedule na wedding. Kaso kailangan na namin magp prenup para sa save the date. Parang late na kasi kung Febryary pa ako magbigay ng save the date tapos a week after formal invitations na. hehe

 

Latest Stories

Load More Stories
Close