Good morning BBBs! Absent ako since Friday ah. Busyness ever at di nakadalaw sa bahay.

Share ko lang ang pinagkaabalahan namin ni h2b. Friday night, nakuha na namin yung CENOMAR sa SM Makati. So far okay naman. hehe. Mahihimatay ako pag married na ang papalicious ko sa records ng NSO. LOL. We both got our cedula and baranggay clearance na din. Birth certificate, check naman na ito. So this week, ready na kami to apply for our Marriage License. Wee!
Divi trip naman was okay din. Buti nung umaga, di pa umuulan so we're able to tread Tabora St. ng walang hassle, aside from madaming peeps. Went to Well manson's to buy some props and accessories for our prenup. Check na check naman ito. Then next stop is sa 168 to look for h2b's formal wear. Nakabili naman kami ng long sleeves nya, then balak namin magrent na lang ng suit. Wala akong nakitang magandang RTW na gown so baka balikan na lang namin yung nasa St. Francis. We bought some props pa din dito na murang mura lang. Naisingit din namin ang knitted vest na pinapahanap ni sis ez4gotten. hehe. Then lastly, sa Cluster Building na kami for h2b's barong coat. Sa Cherry's Bridal yung nagustuhan ni h2b. 1 set is 4k, pina cocoon na yung material at armani naman yung sa pants. Sa ibang stalls, mas cheaper, nasa 3.5k lang, pero mas nagustuhan ni h2b yung tahi dito. Sa iba kasi, it's just simply barong na may lining sa ilalim. Sa Cherry's, suit talaga yung yari, then may lining sa loob. Balitaan ko kayo if maganda talaga ang finished product.

First fitting na ni h2b on Dec17. Isasama namin ang FFIL ko para masukatan din. 2k naman yung customized plain barong na pina cocoon. 3k pag may kasama ng armani pants.
Yung father dear ko naman, since di ko yun mapapasama sa Divi, binigyan lang nila ako ng pattern at tinuruang mag-measure para isusubmit ko na lang yung measurements nya pagbalik namin.

Re wine boxes and bags, nagcanvass pa lang muna kami. hehe. Di pa kasi ako decided sa gusto kong design.
Eto na, magbabackread na ko...
Sis
lennie, uuuyyy.... Darating na si h2b. For sure, sabik na sabik na kayo sa isa't isa. Yiheee...

Re couturier, sa may San Idelfonso po. At sayang naman, wala ng for sale na ganun kamura ang rate. LOL. Re change of venue, kung di mo naman talaga feel sa pamulinawen, i think you've made the right decision to decline. Mukhang okay na okay na kasi yung Java packages eh. At higit sa lahat, super kampante at satisfied ka na with them. Kung ako yun, mag side joke ako kay ninong na icash na lang pledge nya. LOL. Kapal ng fez. hehe.
Sis
prehtsel, naks, kakatouch naman yung sinabi mo. hehe. Teary eyed na din tuloy ako. Pero i super agree. Super thankful ako kay God na nakilala ko kayo. Sana mameet ka na rin namin.

Sis
juice, tee hee!... Totoo naman kaya. Mukha kang 24 lang. hehe.

Enjoy you're Caliraya trip.
Sis
princeszheng, keri lang yun sis kahit pencil bookings lang. Pag may naginquire naman sa date nyo, iinform ka ng suppliers if icocontinue mo pa yung booking sa kanila. So no worries na.

Okay din yung CDs for giveaways since super affordable nito. Gow na. hehe. Hopefully, makahanap na kayo sa Dapitan ng for PS. Good luck dear.

Re maps, si sis blueflame ang galing! hehe iprisinta ba daw.
Sis
mafia, ayy... Di ko pa nakita. Bisitahin ko nga later. hehe. 1month na lang. Wee! Excited much.
Sis
katrinac, wee! Congrats naman sa tall vases chorvalou na free. hehe. Laking help nun. So malamang ngayon ay nasa EK na kayo at ineenjoy ang mga rides. Buti tumigil na ang pag-ulan. hehe. Enjoy you're day dear.

Sis
chelle, naku, kahit yung sa guestlist namin, 70% ata eh puro sa side ko. LOL. Buti at mabait ang mga future in laws ko. Keri lang sa kanila, tutal, ako daw naman ang bride. hehe. Pero hiyang hiya din ako sa side nila.

Goodluck pala sa mga suppliers! Busy ka na sa mga bookings this week.
Sis
kiz_me, hopefully nga maging okay na yung kay Ms. Magda.

Re colors ng mother's gown, we'll stick with the traditional off white/beige colored gowns po.
Sis
chubbycheeks, naku, magastos talaga. At effort pa. LOL. At buti meron kang engagement stylist. hehe. Kami kasi, wala. Sariling sikap. LOL. Bahala na kung ano kalabasan. hehe. Pero buti, yung mga friends namin, very much willing to help. Yung mga props, may mga nagpledge na bibili at magpapahiram. Outfit na lang talaga ang mejo need pagtuunan ng pansin. Arte kasi ni h2b. Ayaw magukay-ukay. Kaya tiangge at divi ang sinusuyod namin. LOL. Goodluck sa FT sa PC. If okay sa budget at panlasa niyo, gow na kayo dito. Para na ring natupad ang mga pangarap ko thru you. LOL.

Bro
ylronchar, wow goodluck sa prenup. Super lapit na!

Re food, I guess kami, sa mga fast food na lang din namin sila pakakainin. Ang mahalaga, di gugutumin yung suppliers.

Sis
lenierose, wow, for distribution na ang invites. Wee! Gow na gow na talaga. hehe. Paging sis
simplyme. May quote na po ba for our invitation? hehe. Di naman kita pinepressure. LOL.

Sis
blueflame, sayang at di ka namin nakasama yesterday. Di bale, di pa rin naman kami nakabili ng materials for wine packaging eh. hehe. Congrats naman at settled na ang caterer nyo. Yan naman ang bubunuin namin ngayon ni h2b. You're so lucky at nagpledge ang parents mo! Inggit much. LOL. So kelan na tayo magkikita? Sa prenup na? Text text na lang. Mwah. :* Good luck pala sa mga DIYs dear! Ikaw na talaga ang best in DIY dito. LOL. La pa akong ideas for my own DIY Unity candle at wine bags/boxes. Natanggap mo ba text ko yesterday about dun? Get well soon bebe karl!
Sis
ez4gotten, PM sent na regarding knitted vests!

At wow! Good luck sa iyong project wedding cord! Pwamis, super mura lang ng magagastos mo for an all crystal wedding cord. For starters, mag nylon chord ka na lang po muna at wag yung chains na need pang icrimp.

Na-excite din tuloy ako na makita yung finished product mo. hehe.
Sis
menggay, and you are soooo back!

Congrats sa dami ng bookings! Almost complete na. And wow, sa Shrine of Jesus pala ang wedding nyo. Super nice church dear. Congrats po ulit ng bonggang bongga!

Lucky lucky naman at may band pala si hubby mo. Nagpeperform din ba sila sa mga weddings? hehe. Kulang pa kasi kami ng musicians. LOL. Baka may discount sila. hehe.
Sis
qtpurple, hamishu na. At senti sentihan mode ka nga nowadays. Kayo talaga utoy at ineng, papaluin kayo ni ate michiness nyan. Hold on lang dear. Hold on lang. I know it's really hard. First time nyo kasi na magkalayo. Pero just be extra extra extra understanding. Kaya nyo yan. Unang tingin ko pa lang kay Papa James, i just know, head over heels ang pagka-in love nun sa yo.

Sis
judessec, naku sis, chill muna sandali at baka nga magkasakit ka nyan lalo. Peak season na kaya busyness ever na ang mga suppliers. I'll see what i can do with eloquente dear.

Try mo din yung mga suggestions ng sisses natin. Para habang di pa nagrereply yung iba, you get to deal with others pa muna, para mas madami kang choices. We had more or less 10 caterers na napag-FT-han before. LOL.
Ayan, ang haba tuloy. hehe. Anyways, rest mode na muna ako today dahil super napagod sa lakad namin ni h2b yesterday. Borlogs muna ako dahil ilang hours lang ang tulog ko. Kakauwi ko lang kanina sa bahay. Paggising, aayusin ko na ang mga wordings, ento at PS list for our invitation. Need ko ng ibigay sa friend ko para masimulan na din nya yung layout. Good vibes everyone!