watch now

Author Topic: 2012 Brides *Part 9*  (Read 83780 times)

michiness

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #280 on: November 03, 2011, 10:19:29 am »
Good morning BBBs! :D Tambak pa din work load so for sure, OT-ness na naman ako today. Kaya daan muna sa bahay before i-ON ang WORK MODE.

Sis juice, nakakatuwa nga diba? Dun kami nakabili ng isang set ng outfit ni h2b. Super laki ng discount. ;) At dali! Hawahan mo na ko ng sakit mo! hehe. Jowk. Need to take care of ourselves lalo na at palapit na ng palapit ang 2012. Ingat lagi deary. You know you're sooo cute! Di ako makapaniwalang nasa 30's ka na. hehe...

Sis ez4gotten, mukhang malabo na kaming makasunod sa Dapitan. :( Anyways, there's always a next time naman.

Sis katrinac, keber na kahit taxable. Ang mahalaga, may pandagdag sa wedding showcase. LOL. ;) You are indeed so lucky! Congrats kay Papa M! Kebs na din yun. Gawa na lang ulit ng new sched if ever. Mahirap talaga kasi pag new employee pa sa isang company. Wala pang leave, at mahirap magrequest sa IS. Ikaw na lang ang mag-adjust sa sched nya dear. Kaya yan basta napapagplanuhan ulit ng maayos. ;D

Sis mawchan, 3 sets of outfit lang naman kami. Honga eh. For sure daming peeps sa Divi. Pero nabawas bawasan naman yun dahil tapos na undas. Agahan na lang namin. Eto na, hinga hinga.... LOL. Magastos din pala magprenup no? Dami ring iniintindi. hehe.

Sis chubbycheeks, hehe... If keribels naman ng budget nyo ni h2b, go for PC na. Ang isa sa mga dream suppliers ko, na hanggang dream na lang. LOL. Sige, pag may date na ang Makati kembot part 2, inform ka namin. ;D

Sis blueflame, sureness dear. ;D Text text na lang.

health.gal

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #281 on: November 03, 2011, 10:24:53 am »
good morning BBBs!

sis katrinac – Congrats kay H2B mo! Galing! When it rains, it pours talaga noh? Re sa canonical interview, hindi ba pwede ipa reschedule yun kay Ms. Ging?

sis mawchan, sis chubbysheeks  – wala pa naman akong stalker, nag-iingat lang, hehe. dami kasing bad people na ngayon!

sis mawchan - sige sis, i-post ko rin sa FB page natin mga matatanong namin na prices ng mga anik-anik.

sis blueflame – go, go, go ka na kay Rei. Wag ka na sumama sa amin para beauty rest ka. Kung gusto mo talaga mag Dapitan, samahan na lang kita ulit. Re pag-kembot sa Shaw tomorrow, pass muna ako at "buhay LDR ako" nakaschedule si H2B tumawag mamayang madaling araw, so for sure, malelate ako ng gising bukas.

lennie.bong

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #282 on: November 03, 2011, 10:29:02 am »
hi mga sis.busyness ako eh.later na backread promise.hehe

thanks sa mga nagcongratulate about sa house.ambilis ng araw! 35 days na lang makakasama ko na si h2b and 65 days na lang before the wedding!si sis juice ata kasabay ko ng wedding dito :)

i'm sooo excited na.hihi :) goodluck sa preps! :)

health.gal

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #283 on: November 03, 2011, 10:53:29 am »
^wow, 35 days na lang at HPP ka na! i can feel your excitement!  ;)

carmichael18

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #284 on: November 03, 2011, 11:07:27 am »
hello girls!!!

malapit na 2012!!! Happy preps everyone!!!

prehtsel14

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #285 on: November 03, 2011, 12:57:17 pm »
hi mga sisses, pakaway lang po muna, medyo busy busy han lang sa work. pero want to express my sincere gratitude dun sa mga mag advise po re: p&v. grabe lang, kaninang umaga pag check ko ng mga replies nyo, naiiyak ako, haha ;D ang saya lang kasi super maaasahan talaga mga sisses pag usapang wedding & suppliers. utang po muna ang mga replies ko. pero suuuper salamat. i'm always proud & feel lucky for having sisses na katulad nyo. shucks, ang drama ko, haha :P

kiz_me1109

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #286 on: November 03, 2011, 02:13:40 pm »
katrinac
- Buti ka pa sis may enough time ka. Ako na s stress na ako. hehe Hindi ko pa a contact si maricar. Busy pa yata siya sa work e. Hindi kasi siya masyadong nag f facebook na.

mawchan
- For my gown sis si Ms. Magda palang ang natanungan ko e. Siya din yung na meet ko na. :) medyo confused parin ako e. pero may ichecheck na ako sa divisoria and check ko much yung rate nila sa mismong gown na gusto ko.

chubbycheeks17
- Nagreply narin si Rei sakin. He quoted me Php12k for my gown only. Pero papakita ko muna yung picture ng gown sa kanya.

blueflame
- Wow! 10k sis? Ilang dozen ng doughnuts daw yun? Inform mo ako sis ha, hehe


juice406

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #287 on: November 03, 2011, 04:20:30 pm »
katrinac - onga sis. nagwoworry din ako kasi dati-rati naman kahit magkasakit ako hindi ako naglolose ng weight. waaah! yun din ang worry ko. pero sana hindi na ko magkasakit ulit. at yung remaining extra pounds e malose ko na through exercise. hingi na lang ako ng prayers niyo na huwag na ko magkasakit. ^_^ congrats nga pala sa new work ni h2b. *claps*

mawchan - thanks sis! oo cinderella ang drama. fairytale/enchanted forest wedding kasi kaya halo-halong kwento na! hahaha.. isa pa hindi ko kayang nakaheels ng matagal, masakit sa binti. hehe

chubbycheeks - oo 600 lang from 1400. nakikita ko pa yung style na yun sa mga malls e. kaya happy ako. haha. hindi naman masyadong mahal si ET mas mura pa rin siya kesa kina marc rancy. good for you ok c rei. as long as kasundo mo si designer mo at di pasasakitin yung ulo mo ok yun! :D

chelle-peachy - oo sis yun nga yung parati ko sinasabi na ang laki nga ng nalose ko kaso dahil sa sakit naman kaya instead na matuwa mas nagwoworry ako. buti na lang chubbelita ako kaya kahit gumaan hindi pa rin halata. bwahahaha..

thanks sis blueflame!

michiness - oo sis! gusto ko nga bumili ulit ng sandals nila. sana sale ulit. hehe.. thanks sis sa concern and sa cute ako. *blushes*

lennie.bong - ikaw ba yung kasabay ko? how's the preparation going? medyo panic mode na ko! tinatamad akong magbigay ng mga invites. hahaha.. congrats sa new house. naghahanap pa lang kami ng marerentahan ni h2b habang pinapagawa yung new house e. ang hirap kasi pag sabay. dami gastos! hehe...

speaking of... sino nga ba yung taga-pureza dito? baka naman meron kayong nakikitang apartment na for rent or may alam pahingi naman po ng number. tia!

happy preps BBBs! *waves to all*





princeszheng

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #288 on: November 03, 2011, 05:28:37 pm »
Hello mga sis, medyo busy-busyhan rin kaya hindi nakakapagpost pero nagbabasa na lang ako. haha, malapit na mag 2012, kinakabahan na ako. halos wala pa ko masyado nabobook. hopefully before december ends mareserve na namin lahat ng suppliers. At sana wala pa nagpapareserve sa kanila, nakapencil book lang kasi ko 90% of my suppliers lol. Sis blueflame buti ka pa naghihintay na lang ng big day hehe..

Sharing lang, naisip ko na cd na lang na laman ay soundtrack ng wedding namin for giveaways sa guests, mga PS na lang ang iniisipan ko, kaya sama pa rin ako sa dapitan. Wave wave sa lahat! mwuah!

juice406

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #289 on: November 03, 2011, 05:48:50 pm »
^^ parehas tayo sis! pero yung sa min isasama na namin sa invites yung cd. meron akong nakitang magandang panggawa ng menu para personalize. pm me na lang if you need it too. :D

ez4gotten

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #290 on: November 03, 2011, 06:18:37 pm »
kat oo sulitin niyo. kami nga 7am-7pm na di pa natapos eh. lol. congrats kay h2b. :D daming blessings.

maw may pasok kasi si h2b eh. pero dahil sa new development, baka mag-dec na lang kami. pag nagkataon sunday nga siguro kami. hihi. ang alam ko ang storyboard is yung parang summary ng story (if ever may story yung prenup video niyo) while mood board is yung parang theme lang ng prenup. ex. if you want a vintage themed shoot. may mood board kayo ng mga vinatge dress, props, pose, etc. please correct me if i'm wrong sisses. :D and wala kami prenup stylist, mahal bayad sa mga ganun eh. lol!

blueflame go na sa pag-rampage for rei! what time ba yun? baka sakaling after dapitan full support kami sa inyo ni rei. hihi. pmed you the pic of the rings. ;) actually ring yan ng isang GT sis natin. hihi, sakto pareho nung peg namin ni h2b. ;) pero nagpaalam naman ako na ganun din gusto ko. ;)

chubbycheeks di din kami nag-FT sa likha, nung nahanap ko kasi sila set na ang utak ni h2b sa madels. lol. take-outan mo naman ako ng food ng PC. lol!

lenierose sa adamson sis. where it all started. lol.

michiness sayang! anyways, next time na lang. :)

hi karmie :) may utang pa ko sayo. hehe. nwei, may pm po ko sayo. :D thanks.

phretsel welcome. :D

zheng see you sa dapitan trip. ;) sis, may sakit si fidji. :(

may nag-offer sakin ng business. very irresistable. lol! idi-discuss ko pa kay h2b. :D

princeszheng

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #291 on: November 03, 2011, 07:46:52 pm »
OO nga sis juice406, naalala ko parehas tayo hehe. para mas light at hindi mabigat pag bitbitin to church hehe. PM sent sis. salamat ng marami :D
Sis ez oo see you in dapitan. Naku may sakit si fidji :( Sana maging okay na siya kagad super hectic pa naman ng sked nilang dalawa hehe.. Di pa nga sila nagrereply sa hinihingi ko quotation for boudoir shot haha. okay lang di rin nman un priority lols kaartehan lang haha.

Hay, kalorkey magisip ng tema for prenup, minsan lang kasi, so dapat perfect din. lol

mafiapenguins

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #292 on: November 03, 2011, 08:31:54 pm »
gandang gabi mga kapatid... napadaan lang.

share ko lang po, kumpleto na yung pre-nup album namin sa fb page ko.  ;D ahihih  ;D

ano nang balita sa inyo? joskez, konti na lang 1 month to go na kami...  :o

chelle_peachy0524

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #293 on: November 03, 2011, 09:00:23 pm »
iniisip ko rin ano nga bang theme sa prenup? hehe... siguro anything goes na lang. parang magandang mag prenup sa pan de amerikana... tapos yung theme kumakain kami ng pandesal hehe...

katrinac

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #294 on: November 03, 2011, 09:16:05 pm »
Isang malamig na gabi !

mawchan - maraming maraming salamat sis. iba talaga nagagawa ng prayers ano? at talagang itatapat ni Lord kung kailan mo talaga kailangan. There was a time na feeling kasi namin ni h2b, anytime matatanggal na sya sa work kasi nga mukhang pasara na talaga. Top performer din sya, kaso nung mga Quality Assurance daw sa US, kahit tama ang mga sagot nya thru emails/chats, minamali parin. kaya puro dispute ang nanyayari. kaloka lang. buti nalang pinagtatanggol sya ng boss nya dito sa Manila. and thankfully, makaka alis na sya dun sa company na yun. :D

chubbycheeks17 - super super thank you sis. pagdasal nyo pa na ma qualify ako dun sa $2500 na annual bonus. naku po! kapag yun ang nakuha ko, mapapaaga ang kasal neto. haha! pero di na ako aasa, tama na nung bonus na ibibigay nila sakin this payday ;) san ako makakapulot non diba. same tayo sis, samin naman 3 MTVs daw. pero sabi ko, parang ayaw ko ng MTV, tama na ang SDE, nahihiya ako umarte sa cam. haha. :D about photobooth, hanap ka nalang ng mga promos online, mas makakamura ka. ako may mga nakikita ako online, kaso ayaw ko muna mag purchase, unahin muna namin ni h2b nung mga major expenses. ;)

chelle_peachy0524 - heheh, secret nalang muna kung san sya nag wowork. or ibubulong ko nalang sayo thru PM. haha. pero pasalamat parin kami na napunta sya dun, kasi kung di naman sya dun nakapagwork, wala kaming maiipon for wedding. hehe. i agree sis, kaya nga todo pasalamat kami. sabi ko sa kanya, dapat this Sat, punta kami ulit Baclaran. Actually kasi nung last Saturday, nung pumunta kami San Sebastian, nag wish ako na help kami ni Lord pag dating sa alam mo na, money. kasi nag woworry na kami sa lumobong bisita. ahaha. come Tuesday, ayan, dumating nga ang blessing! tapos wednesday, natanggap sya dun sa isang work. ♥ balitaan mo kami sa meet up mo with rei ha? at sa pag book ng ibang suppliers.

blueflame - sis, regarding sa backdrop nyo for tarpaulin, may idea ba ikaw sis how much mag pa print ng mga ganon? regarding Tax: pwede bang wala nalang nito sis? kahit sa mga bonus. kasi ultimo bonus tina tax na. or sa amin lang nung ganon? maganda nga sis yung black fortuner, nakita mona ba to sis sa sulit? renta is only 3500 good for 8 hours na:  http://www.sulit.com.ph/index.php/view+classifieds/id/4395485/Fortuner+For+Rent?referralKeywords=black+fortuner+for+rent

bagay yun sayo, lalo nat fashionista ikaw. bonggang bongga. re: guests: sana nga samin may mag decline din. ahahahah. ang sama ko pero for sure naman, lahat ng sinulat namin sa guest list, di lahat pupunta dun. tapos may ibang biglang magsusulputan. hehe. sige sis, sabihan ko si h2b na sabihan na nya magiging boss nya. actually na open ko narin yan sa kanya kanina nung nag uusap kami sa cellphone, sabi nya, tulad ng sabi mo, valid naman talaga ang reason kaya for sure papayagan sya nun. sis, what time ang kembot mo sa shaw? 6AM kasi ang labas ko. hehe. waah, ang daming kamukha ni sis chubbycheeks17, kamukha naman sya ng asawa na ng ex ko dati. lol.

lenierose928 - hhmmm, ako nalang ang hihiram sis, si h2b, ahhh ehhh, naku baka kainin sya non. slim kasi si h2b. haha. slim talaga :D

michiness - actually sis, yan din ang plano ko, kahit ako nalang mamili ng mga kung ano ano, ang wish ko lang sana Sat Sun din ang restday nya. by the time na mabasa mo to, siguro nasa house ka na. rest well, i know tired ka from work! ;)

health.gal - thank you so much sis! ;) hhhm try ko tumawag sis kay Ms. Ging and check kung pwede pa resched. kaso kasi every Tuesdays lang ang Canonical interview. eh dito kasi sa office, bawal talaga mag file ng leave for December, gawa nga ng madaming work load. :( actually nung leave ko for Dec 6 pahirapan pa ako nag paalam kay boss. kaso next year naman sis, baka magahol kami sa time, :( pero sabihin ko nalang kay h2b, mag paalam nalang, tutal excited narin kami sa Canonical interview

lennie.bong - naku po! malapit na dumating si h2b!!! ehem

prehtsel14 - naku sis, yan nga ang nakakatuwa dito sa GT thread ano? kahit dito tayo madalas nagkakausap usap, every one seems to be very caring and concern sa mga problems natin. mas maasahan pa sa mga talagang nakakausap mo personally everyday. hehe.

kiz_me1109 - tinext mo nalang ba si MV sis? itetext ko rin sya tomorrow morning. balitaan kita.

juice406 - thank you so much sis. wag na mag diet diet ha. drink plenty of water, then eat vegetables tapos yung vitamins. naks parang nanay lang nag nagbibilin! haha! we'll pray for you, lalo nat malapit na ang wedding! ;) si sis blueflame ata yung malapit sa pureza. tama ba sis? or mali lang ako ng dinig nung nag EB tayo? hehe.

princeszheng - sis, okay nung ganon na give aways, makakatipid pa. yung BM ko ganyan din ang sinuggest, tapos andun na ang invites. ;) parang ganto:

http://quoindesign.com/2009/03/test-blog-post/

ang cute!

ez4gotten - thank you ng bonggang bongga sis! ;) speaking of business, good luck sis - maganda nga ang may business talaga, dahil kikita at kikita ka dyan.

karmie  - haller sis karmi! kaway kaway

mafiapenguins - sis, i saw your pre nup pics, and super bonggabels!!! gusto ko nung shot nyo na may flower ka pa sa ulo ;) ang cute!


share lang mga sis, tumawag ako sa Ysabela kanina, and nag tanong ako how much ang idagdag namin pag tall vases ang gagamitin sa presidential table. 700 per piece kasi ata sa kanila (sa natatandaan ko)  kasi nung original na kukunin namin sa kanila is yung maliliit na center piece lang. so para maiba ang table ng presidential dun kami sa tall vases nalang.  so ayun nga fast forward, sabi ni Sir Russell, wala ng extra charge! yey! ang bait talaga. ;)

ayun, excited na ako sa lakad namin ni h2b sa GEH. Sunday naman punta kami ng EK, kasama ang mga FSIL. bonding moments. di kasi kami natuloy last last week. mga voucher kasi ako na nabili sa Ensogo. sana lang wag umulan! kasi maulan ngayon :(

mga sis, question pala:  may alam ba kayo mga sis, na gumagawa ng balloon drop?  balak ko sana sa first dance namin ni h2b may magbabagsakan na balloons. lubusin ko na, tutal may pag ka fairy tale naman ang eksena pag ganon. parang ganto oh: http://africanwedding.blogspot.com/2011/06/balloons-galore-wedding-theme.html   -- third picture

http://www.google.com/imgres?um=1&hl=en&client=firefox-a&sa=N&rls=org.mozilla:en-US:official&biw=1366&bih=587&tbm=isch&tbnid=xhP6615T7tqNcM:&imgrefurl=http://www.prelude-entertainment.co.za/photo-gallery/events_and_people&docid=aXANEZoUUTCuRM&imgurl=http://www.prelude-entertainment.co.za/photo-gallery/events_and_people/Wedding%252520with%252520Balloon%252520drop.jpg/image_large&w=768&h=511&ei=FpayTvX-DcabtwefiPn6Aw&zoom=1

Happy preps satin!
« Last Edit: November 03, 2011, 09:57:03 pm by katrinac »

katrinac

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #295 on: November 03, 2011, 09:21:34 pm »
iniisip ko rin ano nga bang theme sa prenup? hehe... siguro anything goes na lang. parang magandang mag prenup sa pan de amerikana... tapos yung theme kumakain kami ng pandesal hehe...

ahaha! ayos yan sis, ang mga kuha nyo dun ay nag lalagay ng cheese spread sa pandesal. haha. pero maganda dun sa Pan de Amerikana talaga. pwedeng vintage, or pwedeng king and Queen. gustong gusto ko dun yung may chess board. ;)  kami theme namin sa prenup vintage.

chelle_peachy0524

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #296 on: November 03, 2011, 10:00:07 pm »
katrinac - pag nagkataon nyan kami na ang magiging print ad model ng pan de amerikana haha... kala mo naman kagandahan ako :) sana maqualify ka sa annual bonus :) another siksik, liglig umaapaw moment :) ang saya...

chubbycheeks17 - naghahanap ka ba ng photobooth? yung photographer ko me partner silang photobooth, 7,800 yung 4 hours nila plus stop time ng 1 hour. ilang hours ba yung gusto mo? kelangan ko pa kasi matapos yung major suppliers ko bago ako magdecide ng souvenirs...

bigla ko naisip ang visitors... it seems na talagang ang side ko ang madaming bisita! parang nahiya naman ako ke h2b... :(

kiz_me1109

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #297 on: November 03, 2011, 10:04:56 pm »
katrinac

- Ok sis.. inaabangan ko nga siya sa FB kaso hindi na siya madalas mag online Baka busy yun sa work. In case i cancel niya ok lang sakin. hehe Kasi parang gusto ko sa December nalang. hehe


Kwento lang ako mga sis...

Hayz, mixed emotions naman ako this week kasi may training ako. And after 1 year, nabalik ako sa morning shift for 1 week lang naman. Ayun, dahil nga sa antok ako lagi papunta sa office e wala ako sa sarili lagi. The first 3 days e hinatid ako kasi mahirap mag commute kasi holiday. then, kanina nung nag commute na ako (CAVITE - BACLARAN), mali yung binabaan ko. :( Dapat dun ako sa Beundia na bumaba kasi mahirap pala mag abang ng sasakyan sa baclaran. Kainis kasi na late ko ng 2 mins.

Wala din ako masyadong nagawa this week. Ang maganda lang e kasama ko matulog yung baby ko sa gabi. Sana maka get over ako sa 2 mins na late ko no.

Regarding naman sa gown... I contacted some mananahi from divisoria (kasama na yung nirefer ni sis blueflame.. thanks sis!).

Kaso, lahat sila sabi yung gown daw na gusto ko e baka 15k up. :( Kasi daw mahaba yung train and madaming tela ang gagamitin.... I guess I have to trust Ms. Magda with my gown. Nabasa ko din sa mga reviews na mostly naman na nadedelay sa fitting e yung madaming orders for the netourage. E yung sakin kasi gown ko lang naman. And I still have 4 months... Ill just cross my fingers and hope na maging smooth and ok naman kami nila Ms. Magda. :)

prehtsel14

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #298 on: November 03, 2011, 11:26:22 pm »
Hi mga sisses, again thanks po uli sa mga replies nyo sa P&V questions ko kahapon. After reading all your comments, h2b & I decided na pag-aralang munang mabuti ang mga P&V requirements before we decide. As per him, kahit wala muna prints & albums kasi wala rin kami paglagyan pa, hehe. Baka kasi sa kanila muna kami tumira for the first few months after our wedding. Late 2013 pa kasi kami makalipat dun sa hinuhulugan naming condo. Eh sureness na limited space din yun. Tsaka para makaisip pa kami ng lay-out nung pictures before printing.

Upon comparing din ng mga packages, I realized na bukod sa 2 photog, gusto ko rin ng SDE, AVP & music video, hehe. Goodluck naman sa budget, haha! Lambing ko kay h2b, sya maghanap ng mga packages then ako maglatag sa excel for comparison. Ayun, sipag naman ng bhe ko, dami emails sa akin, haha.

Gusto ko rin sana, super okay yung Photobooth na makuha namin, yung may tarp na & good quality. Yun kasi plan namin na souvenirs. Share ko lang, last Thursday, may party akong in-attendan sa Makati, hindi okay yung Photobooth, pag nakunan ka na gumagalaw, yung print out para kang mumu, hehe. Ang alam ko yun yung nag sale sa Ensogo (?) last time.

Last Saturday nga pala, nag-Divisoria kami ni h2b kasi buy sya ng barong pang-office. Dun lang kami sa side ng Cluster Mall, building next Tutuban. Grabe, dami gown dun ha in fairness. So nagtanung-tanong na rin kami. Nag range from 6k – 15k yung mga gown. Yung other side ng Tutuban, di na namin pinuntuhan. Ang alam ko, dun talaga yung puro wedding gowns & dresses, “Oh My Gown” na area ang tawag dun. Dun kasi kami nagpatahi last December for wedding of my friend, sa Vecca of Pandi.

katrina c – hi sissy, congrats samga career accomplishments nyo ni h2b, you are both so blessed & I’m really happy for both of you. Natutuwa rin me na malaman na you’re going back to the grand ballroom ng GEH. Though, we gave up nasa GEH, close sa heart ko yung place kasi sya yung first choice namin before. Another blessing yung sa Ysabella, free na yung tall vases. Galing. I just feel your happiness.

lenierose928 – tama sis, hehe. I have a feeling na know mo na yung tinutukoy ko eh, hehe. Nag-inquire ka rin ba sa kanila? Wag ka na ma-sad sis, okay lang naman na medyo late yung wedding, at least more romantic na yung reception since dinner time na.

chelle_peachy0524 – digit.eys po sya, eto link sa fb page nya - https://www.facebook.com/pages/diGiteyEs-photography/319121319501

Again, thanks mga sisses – blueflame, chubbycheeks17 , mawchan, michiness, ez4gotten & health.gal. Na miss ko kayo. Naging busy kasi sa work since nag quarter closing last September. At least this morning, done na sa Board meeting ang mga bossing, hehe!
« Last Edit: November 03, 2011, 11:31:27 pm by prehtsel14 »

blueflame

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #299 on: November 04, 2011, 12:06:47 am »
Queuing!!! 70 calls waiting! Hahaha!  >:(

Later na ko mag-backread. Mwah!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close