watch now

Author Topic: 2012 Brides *Part 9*  (Read 83894 times)

kiz_me1109

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #180 on: October 29, 2011, 04:08:46 am »
^^ Ako naman, hindi ko pa sinasabi kay hubby na may bad reviews akong nabasa regarding Ms. Magda. hahaha Kaya nga hindi pa ako makapag decide for now e. Ang alam ko may 2 pa na pupunta sa kanya for their second meet up. So, wait ko muna feedback from them.

Parang gusto ko nga tanungin si Ms. magda regarding dun sa nag complain e. Nahihiya lang ako and I dont know how to tell her. hehe

Naka ready na sana yung DP ko and yung pictures ng gown ko and mom ko. :-(

chubbycheeks17

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #181 on: October 29, 2011, 07:33:39 am »
^ gusto ko rin sana magtanong pero hindi pa ako nagpupunta sa kanya. check ko sa ibang b2b's kung naconfirm nila kay ate magda yun complain para lang 2 sides di ba? ;)

kiz_me1109

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #182 on: October 29, 2011, 09:55:28 pm »
^^ Oo nga e. Pero sabi kasi ng officemate ko talagang madaming wedding sa december and baka nagkataon lang na madami siyang gowns na gagawin. Pero since I still have 4 months pa naman e baka ok pa daw yun. Kampante narin sa kanya si Hubby e. Baka punta na ako dun next week sis. Kapag naka ready na yung picture ng gowns and lahat ng questions ko sa kanya. Magda down narin ako.

blueflame

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #183 on: October 29, 2011, 10:09:22 pm »
chelle_peachy - welcome sis!

katrinac - alam mo sis, pwede kasuhan ng officemate mo yun hospital pag ni-stop nila yun treatment eh. yun ang alam ko ha...

ez4gotten - sis, di ko mahanap yun kodigo ko. keri na yun. isang tumbling lang naman kami sa divi tsaka magkakalapit lang naman sila. mahal pa rin quote ni rei eh, 7.5k may tawad na daw yun. hehe! but h2b was impressed nung nakuta nya yun gawang suit ni rei, ginaya kasi yun style ng suot ni john estrada nung wedding nya. pulido daw pati ang gawa ni rei. we'll see kung san kami babagsak. divi bound kami sa monday naman.

chubbycheeks17 - gusto ko na rin sana bumili ng slimina kanina sa st. francis kaso kasama ko si mama. magagalit yun pag nalaman na kung ano2x ang iniinum ko. timing ko na ako lang mag-isa ang pupunta para sikretong malupit. i need to shed a few inches din para di mag-cupcake effect ang mga extra fat sa may rib/back area ko. yun kasi ang malapad sa akin eh.

ni-fit ko kanina yung base ng gown ko. nagpasukat na rin sila mama & sister ko kay rei. yung mga ento ko ipapadala na lang yun measurements. di pa naman daw rush yung sa ento, keri kahit 2nd week of november na. pero kelangan ko na sila ngaragin para di ako mangaarag sa kanila! hehe! i'm now doing my DIY doughnut bag label & updating our guestlists. excited much na akong magsulat ng names sa envelopes ng invitation namin! tee hee!! :)

it was nice seeing sissies michiness, papa D and health.gal kanina. sayang at di ko na kayo naabutan sissies mawchan, ez4gotten, papa P and simply. sorry if ever may namiss ako.

kiz_me1109

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #184 on: October 29, 2011, 11:06:44 pm »
^^ sis, na contact mo na yung krispy kreme?

ez4gotten

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #185 on: October 29, 2011, 11:28:36 pm »
@chubbycheeks waaahh, pag march na ibig sabihin wedding na din namin. lol. mas mabait yung dati kong boss, kaya lang na-promote at nalipat na sa ibang department. sayang. :D

blueflame yep, sayang at di ka na namin nahintay ni papa p. date mode on eh, sinasamantala at next month eh thurs-fri na naman off niya. goodluck sa paghunt ng suit supplier. ;) how's your fitting? ok ba yung fit ng gown mo? na-feel mo na ba ang pag-march sa aisle. hehe.

update sa preps we met with simplyme together with michiness and her papa d, health.gal and mawchan, ayun, may nakita na naman na invites si h2b na gusto niya. lol. kaya lang ang mahal! :o i told h2b di pasok sa budget yun. hihi. tapos we were talking kanina, mukhang malapit ko na ma-convince sarili ko to get drapes for rmc. lol. mukhang the arte side of me is winning over the practical side na when it comes to the drapes. ;)

michiness

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #186 on: October 30, 2011, 12:32:13 am »
Hello BBBs! Ay siya, madaling araw na pala. Di pa ako natutulog. Utang muna back read huh. Share ko lang yung lakad namin kanina ni h2b.

We went to Megamall first to meet sis simplyme for the invitations. It was nice meeting you sis! Nice to meet you too sis mawchan! Regards kay Sarah. Magkita na lang kamo kami sa Globe pag nag-OJT na siya. hehe... :) Nice seeing you again sis health.gal and sis ez4gotten! Na-miss ko kayo ng bonggang bongga! Papa P was also there. Pero mukhang may iba siyang mundo na ginagalawan LOL. Pinuyat kasi ni sis ez4gotten eh! In fairness sis, lumiliit na ang tiyan. Mukhang naghahanda talaga siya. inggit much naman ako. LOL. Laki pa din kasi ng bilbil ko. hehe...

Then, after some discussions ng mga invitation layout and designs, we went to St. Francis Square na to look for prenup outfit. Gorabels din ang sis health.gal to look for the box supplier. Kaya lang di namin nakita. Sadness... Pero super thanks talaga sis sa pagjoin sa amin. ;) Bought 2 blouses na keri lang for the shoot. May nagustuhan akong gown (na thank God at kasya naman nung ipinilit) na freesize. Hongonda sana kaya lang ayaw magpatawad ni Ate. So di na muna kami nag-buy. Then we headed back to Megamall para imeet si sis blueflame, together with her mudrabels and sisterette. Super thanks sissy sa pag-lend ng boots (na thank God at nagkasya ulit nung ipinilit, LOL). May bonus pang bonbones yun. hehe. Halabshue sis! Mwah, mwah, mwah.

Afterwards, nagikot kami ng papalicious ko sa Department Store para maghanap naman ng outfit nya. La kasi siyang nagustuhan sa St. Francis. At kokonti din yung pang-Guys na outfit dun. Wala ring nakita ang choosy kong jowa. Then we found out na may factory outlet sale pala sa Megatrade Hall. Go naman kami dun. Nakabili siya ng polo sa Sahara na dating P1,000 pero ngayon ay P400 na lang. Nice diba? Pero ang isa pang sulit deal, yung white pants from Canadian Club na dating P799 at ngayon ay P180 na lang. LOL. Galing! Pati tuloy ako, napa-buy ng Grendha na sandals na dating P1400, at ngayon ay P600. So if intersted kayo, gow gow gow na dahil until Oct.31 na lang siya. ;D

Good mornyt! Sleep lalu na ko. Sakit ang binti sa kakalakad. Daig pa nag-treadmill. Nawa'y lumiit liit na nga para di na isang malaking pagsubok ang pagsusuot ng boots ni sis blueflame.
« Last Edit: October 30, 2011, 12:40:18 am by michiness »

health.gal

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #187 on: October 30, 2011, 12:42:44 am »
sis katrinac - sorry hindi ko napansin question mo about taper candles. yun ang ginagamit ng couple para sindihan ang unity candle/

sis chubbycheeks - prego sissy! oo nga sis, nagbabakasakali lang, until now, high pa rin ako kay Nicholas! hehe :D

sa mga nakasama ko kanina sa megamall - thanks for the date :)

hello sa lahat ng BBBs. Nytinyt  ;)

Judessec

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #188 on: October 30, 2011, 10:37:54 am »
Hi BBBs! :) haba ng backread ko ulit part 9 na kagad

sis qtpurple04 talaga nov din prenup nio...like ko yang photo opt na yan hehe
naku sobrang late greetings...anyway habol ako...belated happy birthday sis sis androidk and princeszheng
sis vincris16 ok lang yan kasi kht medyo preho details nio may pgkakaiba pa rin na lalabas dyan kasi mgkaiba nman kayo ng personalities.
hi sis soontobe welcome.carry lang yan sis dami taung LDR dito...sama-sama tayo. :)
sis katrinac kht small amount lang ok na big help din sa baby nila yun and siguro maiintindihan nman nla yun kasi ikakasal ka nga
sis mawchan ok ba KTG?actually ok nman sila kausap sa email pro need feedbacks din about them
sis patchi preho tayo wlang talent sa pagluluto mas magaling pa si h2b skn hehe pro practice na din kasi gusto nia yung pinagluluto talaga sabi ko nga tiis nga lang siya sa luto ko hehe
sis lenierose cute ng couple shirt nio dun sa prenup
sis chubbycheeks magkano qoute sayo ni tito boy?gusto ko sana mgpagawa sa knya kasi sa cavite din ako kaso bka way out of budget na din

update lang mga sisses...ng-inquire na ko ng caterer...madels wala pang reply sa email and text ko...eloquente ms.bheng called me yday and sabi nia hnd sila ng-aaccept ng OOT kpg december weddings...bigla tuloy ako na-sad pro sabi niya ask niya sa boss niya then inform nia kme kung ok...sana pumayag (crossfingers) sis michi sinabi ko pala sa knya na sayo ko nakuha no nia, ok lang ba? :)...anyway kung hnd sila pwede hanap ulit ng iba, prang like ko yung k by cunanan kaso according to reviews medyo pricey takot ako mg-inquire bka himatayin ako sa rate nila hehe pro like ko talaga yung setup nila lalo na yung may mga caricatures na nakita ko sa mga wedding pics nila

mawchan

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #189 on: October 30, 2011, 11:29:41 am »
hello BBB

yesterday hectic ang sked namin ni cousin out of 3 supplier's meeting we booked two of them. :)

1. Kiss the girls events our WC set appointment was 11 am @ mega, along the way i texted her mukhang late kami kasi wait ko si cousin coming from cavite pa, btw isa lang wc i-meet namin si cece she's from las pinas naman. 11am mrt palang kame ni cousin :) cece texted me stock daw sya sa traffic kaya ok lang pareho naman kaming late :) sa shaw mrt station kami bumaba which is according to cousin mas malapit daw kung ortigas station, (bihira lang kame mapadpad bandang ortigas/pasig) since sa shaw kame bumaba hanap kame ng way palabas ng mall papuntang mega and the journey continued kasi nawala na kame!haha :) buti nalang di naman bawal magtanong kaya nahanap namin yung way palabas, @ mega were looking for a place where to eat dahil sa pagod, gutom and dun narin namin meet si cece, i ordered meals lang for me and my cousin kasi i'm not sure kung ano gusto ni cece.. almost 1pm na yun nahiya naman ako di sya  pakainin.hehe after few minutes while waiting for the food, dumating na si cece syempre i asked her what she wants to eat pero wag naraw at gagastos pa ko since nagmamadali sya at need nya makabalik by 3pm sa las pinas dahil may final detailing with other
client.. ayun parang may checklist sya then interview nya ko an0-ano napabook na namin, almost complete na nga raw kame.. mabilisan na getting to know each other tapos signed na kame ng contract and paid dp..:) sa mga wala pang coordinator check nyo KTG, very accomodating and bilis sumagot sa emails and texts FYI may full time jobs sila sa makati kaya usually weendend weddings lang sila pwede pero according to cece case to case basis daw pag weekday wedding, talagang mag leave pa sila sa office just to make sure worry-free ang couples sa wedding day. actually one member GT bride din si Abby cruz march 17 big day nya, sya madalas kong ka exchange ng messages always willing to help kasi nga were on the same boat.. they also offers flexi payment scheme na convenient sa budgeted brides :) they do emcee services din na kasama sa package either cece or arbee.. kahit otd lang kunin ko, were allowed to have 5 pre-event meetings or sabi ni abby pwede more than 5 pa raw.. plus factor they are all presentable, well-educated, and very knowlegable to wedding details both objective and creative sides..:) in short i'm happy to be KTG bride..

 nice meeting you sis ez4gotten with famous papa p, sis michiness with papa dm, simplyme and sis lenierose.. sayang at di tayo nag abot sis blueflame gusto ko pa naman makatikim ng bonbones,, hehe
next kwento nalang ulit :)
« Last Edit: October 30, 2011, 11:35:03 am by mawchan »

ez4gotten

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #190 on: October 30, 2011, 01:50:41 pm »
congrats michiness at nagkasya ang boots! ;) sorry can't offer my boots to you kasi size 5.5 lang ako. lol! at ngayon ko lang naalala na may boots ako.  ???

nabitin ako sa EB natin health.gal, michiness, at mawchan. hehe. kaya lang sleepy na si papa p ko eh, wawa naman. lol. pag uwi sa bahay ka-chat ko pa, after a minute wala ng reply, borlogs na pala. haha.

judessec sorry, san nga ba ulit wedding mo? if south wedding, you might want to try queensland catering. masarap food nila pero so-so lang ang setup. when i inquired last time 100 per pax daw additional for upgrade ng setup. try mo din likha catering. i can email likha's rate if you want, pm mo lang po email add mo. :)

congrats mawchan sa mga accomplishment! it was nice meeting you. :) see you on our prenup sa adu. re fullblooms, pwede pala kita masamahan sa 26. ;) i thought prenup naman yun, 25 nga pala prenup namin.

question po masyado bang mahal ang cord na 1k? puro crystals na ang beads nun. i love sis eyzel's cords kasi. gusto ko sana itry gayahin kaya lang baka mag-fail ako. doble doble gastos lang. lol.

dishwalla

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #191 on: October 30, 2011, 03:39:08 pm »
sis ez4gotten : ke sis eyzel ako nagpagawa ng cord!..bilang tight budget yung pinakamura ang kinuha ko pero ang ganda ng gawa niya!..eto yung samin :)]
http://www.facebook.com/photo.php?fbid=219878084741618&set=a.219878024741624.57355.150245298371564&type=3&theater

patawa lang si mother kase allergic sya sa black..nung nideliver ang cord sa haus nakita niya bakit daw black!..when i confirmed to sis eyzel navy blue daw kase..kaloka parang ayaw pa ipagamit ..sayang naman ang 500! :)

michiness

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #192 on: October 30, 2011, 06:59:25 pm »
Happy Sunday everyone! Movie time lang muna sa bahay. Daming naka-line-up. hehe. Pantanggal stress at wedding jitters. Stop muna ako sa pagwo-worry. Relax relax lang muna. ;)

Sis patchi, LOL naman sa pang-wrangler na game. Knows ko naman yung Ragna at iba pang RPGs. Pero di ako naglalaro. Yung mga games lang sa FB. Re cooking, practice ka lang dear. hehe. For sure, kayang kaya yan. ;)

Hi sis soontobe! Sorry at now lang nakareply. I'll PM you the details of our wedding ring supplier in Bulacan. ;)

Sis katrinac, wow, congrats pala at may prenup venue na kayo. Nice naman yung fascinator na pinost mo. Swak na swak sa naiisip mong outfit. hehe...

Kambal lenierose, wow naman. Thanks for sharing your prenup pics. I love the bride and groom shirt! :) 

Sis kiz_me, congrats sa mga accomplishments! ;) At ang sipag mo naman. During your restday, career pa din ang wedding preps. Good luck sa dance! :D

Sis health.gal, winner talaga yung pag-invite kay Nicholas Sparks! How I wish ma-invite ko din si Dan Brown o kaya si Rick Riordan sa wedding namin. LOL. Pati na rin si Paulo Coelho. hehe... Galing galing. Ano kaya gagawin mo pag dumating siya on your wedding day no? Kung ako, baka himatayin ako sa tuwa at surprise. hehe...

Sis chubbycheeks, LOL. Pero seriously, kumakain ako ng kambing. hehe. Anak kasi ng manginginom. LOL. Kalderetang kambing, papaitan, etc. Pero dahil di siya pwedeng ihanda sa wedding, dun na nga lang naman tayo sa tutchal na kambing, ang lamb. hehe... And I agree. Ang hirap talagang magfinalize ng caterer. We spent two months or more pa nga ata sa pag-scout. Over 10 catering services ang napag-FT-han namin ni h2b. At yun ang isa sa stage ng wedding preps na naenjoy talaga namin. LOL. ;)

Sis judessec, aww... Di pala sila tumatanggap ng December OOT wedding. Sana mapakiusapan ni Ms. Bheng yung bossing nya. hehe. Kasi it worked naman nung sinabi namin na Chicken Cordon Bleu yung chicken dish namin. Di kasi dapat yun pwede dahil sa mas higher package siya included. Sana magawan ng paraan ni Ms. Bheng if ever. Tutal sa Antel din naman kayo diba sis? At nabanggit na rin naman kita sa kanya. Sabi ko interested din yung friend ko. 

Sis mawchan, congrats sa dami ng na-accomplish nyo yesterday. :) It was really nice to have finally met you. :D Sayang nga at di mo pa na-meet si sis blueflame. Solong solo ko tuloy yung bonbones. LOL.

Sis ez4gotten, honga bitin. Di tayo masyadong nakapag-chikahan. Sana matuloy na yung Precious Moments kembot natin. hehe. Yung gising naman sana ang diwa ni Papa P mo. hehe. Kaaliw talaga siya. Re wedding cords, I agree! Ang gaganda ng creations ni sis eyzel! Pero yung nabili naming beads for our cord, puro crystals din. Di naman aabot ng P1000. Kasi yung sa amin, P800 yung nagastos namin but kasama na pati design sa couple's table. At sabi nung friend ko, sobra2 na din yung nabili namin. Yung labor lang talaga ang mahirap. Kaya siyempre, yun yung nagpamahal ng price. Mabusisi kasi gawin. Pag plastic beads, mas makakamura ka pa.

Sis dishwalla, ganda naman ng cord! :) Galing talaga ni sis eyzel.

princeszheng

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #193 on: October 30, 2011, 07:48:31 pm »
Sis Judessec thank you! Huli man at magaling nahahabol parin  :D
Sis michiness di ako nakasunod hay. wow sale sa megamall, mapuntahan nga bukas. kanina nagtitingin ako ng damit for h2b for prenup din, hay, wala ako makita msyado sa landmark. Thanks sa info sis.

sayang di ako nakasunod  :( may next time naman diba??? ;D

Judessec

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #194 on: October 30, 2011, 09:28:29 pm »
sis ez sa cavite wedding ko...pahingi nman rates ng likha na-pm ko na sau email add ko.thanks.ganda nung cord ni sis dishwalla so go ka na din sis ez 500 lang yun pwede na
your welcome sis zheng. :)
sana nga pumayag sila sis michi dpa siya tumatawag ulit kulitin ko ulit after ng long wikend.thanks sis ha

ez4gotten

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #195 on: October 30, 2011, 10:12:04 pm »
dishwalla wow sa inyo pala yun. :) i was looking at that album kasi parang swak sa motif namin. hehe. hmmm, need to discuss it with h2b. ;)

michiness yes, at nawala sa isip ko ang bonbones ah! lol! maitext nga ang friend ko na nasa legazpi ngayon. papabili din ako. hahaha. sige go ako. pero kung ngayong nov yan, mukhang di makakasama si h2b. weekdays off na naman siya eh. dec pa ulit ang weekend off. i agree! ang galing ni eyzel. stalker ako ng blog niya nung di pa ko registered sa GT. hehe. ganda ng mga DIYs niya. sis favor pala, pwede pa-pm din ng contact info ng ring supplier mo? papa-quote ako, may gusto kasi akong ring, walang makitang ganung style ate ko sa dubai. haist. TIA!

judessec email sent sis. :)

blueflame

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #196 on: October 31, 2011, 06:10:14 am »
good morning everyone! happy halloween!

lenierose928 - saw your prenup photos! sweetness! :) lapit na natin sis! excited na kong maging misis! hehe! :)

kiz_me1109 - hi sis! yes, kausap ko na si karina, marketing officer ng krispy kreme. we'll meet her after the holidays na lang to finalize our order.

ez4gotten -  okay na yung suit ni h2b! thanks sis! anyway, yun ni-fit ko last saturday, at in wala pang form, its never even close to my gown.  :D pero kahit ganun, nakita ko na kelangan ko pa talaga mag-loose ng weight! especially mga natatagong baby fats sa may back and rib area. ang lapad kasi ng likod ko! sabi ni mama mga tig-2 inches daw on both sides, so that's 4 inches! kalerky si mudra! papatayin yata ako, grabe sa pressure!

michiness - welcome sis! i talked to thoffy yesterday, sabi ko full force kami sa prenup mo! hehe!

mawchan - naku sis, sorry late na ko nakarating sa megamall. pagbalik namin ng legazpi bili kita ng bonbones  ;)

ez4gotten - i got our wedding cord kay sis aimee P960. you might want to checkout her FB page - http://www.facebook.com/LovemeknotsCords. super dali nyang kausap. may mas mura din syang packages. PM mo na lang sya for details.

dishwalla - love your cord!

success ang divi trip namin ni h2b kahapon! we found a supplier ng suit nya. we got a complete set for only 4.5k! karamihan ng pinagtanungan namin, 6k ang bigay sa amin. being mabusisi at matanong, nasatisfy naman si h2b sa supplier na napili namin. fitting na nya november 20. then nakabili na rin kami ng necktie for our male secondary sponsors & best man, 135 each, buy 3 take 1 pa so sakto! hehe! pagbalik namin sa 20, bibili ko na yun groomsmen & bearers namin.  ;D

some of our invitation will be out distribution sa mga relatives sa bulacan! pagpunta ng mama ko dun bukas, ibibigay na nya sa mga tito/tita ko. weee!  :D

hay... nalulungkot ako. may P1 sale ang CebPac. bili sana ako ng ticket para sa oot trip namin sa bday ko. hinarang ni h2b, pass na daw muna at after na ng wedding mag-book. sadness! sana may sale ulit!   :'(

kiz_me1109

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #197 on: October 31, 2011, 06:21:22 am »
^^ Ano sabi ni Karina sayo? How much daw yung pagawa ng cake? And may picture ba siyang binigay sayo?

michiness

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #198 on: October 31, 2011, 07:13:31 am »
Good morning BBBs! Happy halloween! :D Aga ko no? Gorabels kasi kami ni mudrabels sa palengke to buy flowers at chicha for tomorrow.

Sis princeszheng, honga, sayang at di ka namin na-meet. Hopefully next EB makumpleto na tayo. hehe. ;) At laki talaga ng discount dun sa factory outlet sale sa Megatrade Hall. Nakakatuwa magikot. Mejo masikip nga lang kasi daming peeps.

Sis judessec, hehe. Sana nga. Super likey kasi namin si Ms. Bheng. Madali siyang kausap at susundin talaga lahat ng gusto namin. ;)

Sis ez4gotten, agree! Lagi ko nga chinecheck mga albums nya sa FB. Kumukuha lang ng ideas. hehe. Kahanga hanga talaga. Uber talented siya. Pero since nagprisinta nga si officemate na siya na gagawa ng cord, dun syempre kami sa makakatipid. LOL. If keri lang naman sa inyo yung plastic beads, mukhang okay na yung P500 kesa ikaw pa ang gagawa. hehe...  Ischedule na lang natin yang Precious Moments sa December. Mukhang busyness ever din kami this November. Pero minsan nga, mas natutuloy pa biglaang lakad. hehe. Let's see. Makati area lang naman ako most of the time. I'll PM you the contact details of our ring supplier. ;)

Sis blueflame, so happy nga at free sila Thoffy nun. Super lapit lang din naman ng hauslalu mo dun diba? 1 ride lang. hehe. Text text na lang. Kinakabahan nga ako eh. hehe... Need to complete the props and outfit pa. This coming Saturday, Divi trip ulit kami. Sino nakuha nyong supplier ng suit sis? Share naman please... Gumagawa din naman sila ng barong coat diba? Okay ba kausap? TIA! Congrats din pala sa mga accomplishments. Pray tayo na may P1 fare ulit hehe....


blueflame

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #199 on: October 31, 2011, 07:36:13 am »
kiz_me1109 - once ko pa lang sya nakakausap. she said they are getting inquiries for them to sponsor or at least mag-ayos ng cake tower but for now, they are not entertaining proposals like that.  :( she's giving me the same price ng original glazed sa stores nila. P4905 for 18 dozens. i will call her again after this long weekend. pwede mo ba kami tulungan sis para makakuha ng discount?  :-\

michiness - gumagawa din sila ng barong suit sis. PM ko sa yo details.  :D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close