health.gal - hoki doki sis, kuha nalang ako ng extra para mabigyan kita ng sample. canonical interview pala nung appointment namin. btw sis, nung misalete ba na ibibigay nila may babaguhin pa tayo dun?
chelle_peachy0524 - awww sis, wag na ikaw ma badtrip ha. hhhm, kaunting practice pa siguro kay baby sis, ang impt unti unti na sya natututo diba? naku, sa sobrang curious ko nga, pati sa PV namin, tinanong ko kung kaya nyang tapatan yun. haha.
soontobe - correct sis, nakakatakot narin. ang sabi naman ng PV ko, kaya baka mura yun, as in plain shots lang, wala ng enhancements. minsan kasi nung edit and album talaga nakakapamahal. ok lang sis kahit di ka marunong sa photoshop. ako nga microsoft ginamit ko sa invites namin. haha. so far, okay naman ang kinalabasan. di rin kasi ako marunong sa photoshop eh. even paint nga, wala ako katalent talent. haha.
ez4gotten - pwede bang ipahipo ko si Papa M sa tyan ni Papa P? baka sakaling swertehin sya sa pagpapalaki ng katawan. sabi ko nga, kahit kaunting laman lang! para lang sa prenup namin. lol. actually sis, ako din masaya dahil madaming dates ang blocked sa calendar namin ni h2b, kasi ibig sabihin, nausad talaga ang wedding preps. sana lang, sa dinadami dami ng sinulat ko, masunod yun lahat at wala kaming ma miss!

congrats sa last na GY mo today sis. bakit sis, GY din ba si Papa P?
chubbycheeks17 - correct sis, 30 kapag kasama na ang GM, BM, SS. kaya di ko na sila bigyan, ang dami at mamamahal yan. sa landmark makati sis, dun ako malapit lapit. pero just in case, wala kami makita or out of stock sa Makati, we'll try sa QC. correct, ang mura talaga sis, pero baka walang edit kasama yun. as in kung anong shots na, yun na yun.
lenierose928 - yes sis, at di mo ako pipatulog sa pics na sinend mo. gustong gusto ko na pumunta ng landmark. haha.
lennie.bong - sis, pano makapunta ng abblyns? along edsa lang ba sis? gusto ko ata pagawa, kahit flats lang.

di kasi ako sanay ng mataas talaga. takot ako baka matumba ako pag nag march. bet ko nung name na ilalagay ha. kaso di ba magara yun? kasi maapakan mo?
blueflame - ganyan ata talaga sis kapag papalapit na eh. ako naman, excited na excited na. nahihirapan na ako matulog kakaisip. pag naiimagine ko na nag lalakad ako sa aisle, parang naluluha ako na di ko maintindihan. btw sis, what time nag oopen ang abbylyns? pinagiisipan ko kasi kung papagawa ako or buy nalang ako mismo sa SM. flats lang naman bilhin ko. hehe.

good luck sa paghanap ng cake topper sis!

waaah, favorite ko patola sis na may misua!!!
michiness - tama sis, isama mo na yun sa agenda mo. ask ko sa kanya sis kung sinong supplier nya ha? then balitaan kita.

at sana sis, di kami maligaw pag punta sa San Sebastian. pero dito sa crossing may sakayan naman papuntang Quiapo kaya go go lang.
patchi2012 - wow sis, congrats sa accomplishments mo!
vincris16 - hay naku, nakakainis nga ang ganyan sis, kaya ako, lesson learned, sa notepad nalang ako muna mag type, kasi dati diretso na sa FN, tapos biglang nag crash gamit ko browser. haha. ang haba pa naman non
BTW mga sis, san pala kayo kukuha / bbibili ng candles, matches na gagamitin sa wedding ceremony? may nakita kasi ako na complete package kaso ang mahal naman. 2500 ata.
Share ko lang mga sis, nakapag pareserve na ako ng slot namin sa Philippine Airforce Museum!

para sa prenup namin on January 28.

afternoon kami nag pa sched, tapos morning naman sa Intramuros. hehe. lulubusin ko na ito.

.
share ko lang mga sis ha? kasi may officemate ako dati sa dati kong company na pinag tatrabahuhan. kakapanganak lang nya, pero unexpected na mag CS sya. all the while, kala nila ng BF nya, normal ang delivery. kaso on the day mismo during nag lalabor na sya, sabi dapat CS. so nag CS na, kaso di nila alam, nung anak nya nakakain ng poo-poo habang nasa loob ng tummy, so nag ka complications. eh super wala na silang funds talaga, and kung kanino na sya nag aask ng money. di kami ganon ka close dati sa work, pero naawa naman ako. i really want to help her. nagpapatulong sa pag down para ma treat daw nung baby nya. kasi pag di nabayaran until tomorrow, i stop daw ng hospital ang treatment sa bata.

which is super heart breaking. i really want to help her out, pero no assurance kung when pa mabayaran

eh ang savings lang din naman namin dito, para sa wedding eh

kapag ginalaw ko, baka kami naman ma short, lalo nat mag down kami.

naawa talaga ako, sama ba kapag di ako makapagbigay. nakakahiya naman kung maliit na amount lang. kasi as in wala na daw talaga sila pambayad

kaso na guguilty naman ako.