watch now

Author Topic: 2012 Brides *Part 9*  (Read 83785 times)

health.gal

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #120 on: October 26, 2011, 10:04:37 pm »
^sis, saka na ako kukuha, tagal pa naman kami. thanks sis :)

chelle_peachy0524

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #121 on: October 26, 2011, 10:16:45 pm »
hi BBB's

ayan... bitin ang post ko last time hehe... kasi naman walang load walang internet hehe...

anyway, me bago pala... hi sis soontobe! dalasan mo ang tambay dito ha...mageenjoy kang talaga :) at LDR ka din and seafarer ang h2b? wow ha... dumadami tayo hehe at sana madagdagan pa... i feel you kasi ako rin mag isa lang din ako nag aasikaso...

re photo - well kaya pala 50% daw requirement nya is to shoulder the pre nup daw yun ang sabi nya... wala pa akong video...

alam ko OT pero share ko lang wala kasi ako mapagsabihan... the other day kasi nag away kami ni h2b dahil naitanong ko kasi kung naipadala na yung budget namin na kasamahan nya pauwi. kasi yun naman ang sabi nya. eh medyo nainis at nakulitan siguro. nagsorry naman ako. tapos biglang nashift sa baby namin. yung baby namin tamad pa maglakad mag-isa. inaakay ko pa. wala pang sense of balance. eh parang pinepressure nya kasi ako na bakit ganun daw 14 months na di pa naglalakad at gawin ko raw ang lahat ng paraan. ayun, nakapagtext ako ng di maganda. sabi ko sana maramdaman nya yung hirap kong mag alaga and am trying my best. nakakaiyak na rin kaya kasi nga naiinip na ako di pa matuto maglakad si baby mag isa. tapos eto naman si FMIL pasaway. text ng text kung nakakalakad na raw mag isa si baby ko. 2 consecutive days na. at nakakapuno na rin. gusto kong sabihin sila na lang kaya mag alaga... nakakapressure na rin naman on my part

cant go on the 29th :( again...

sis katrina - pwede bang makausap yang agent mo??? hehe...


night sisses! stay pretty.... wala pa akong powers sa backread pagod kasi hehe....

till nextime....
« Last Edit: October 26, 2011, 10:21:33 pm by chelle_peachy0524 »

soontobe

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #122 on: October 26, 2011, 11:24:10 pm »
@chubbycheeks17 - alanganin kasi sis na magpagawa kami ng invites since hindi pa sure ni H2B kung sino yung mga available na mga mates nya sa date ng kasal namin. kaya DIY na lang. ang siste hindi ako marunong gumawa kaya puro ako ngaun search ng mga tutorials ng photoshop. hehe..carry lang di bale mahaba pa naman ang time para magconceptualize ng design ng invites.

@michiness - thanks for the welcome sis. :)

@katrinac - wow sobrang mura naman ng p/v ng agent mo sis. para sa akin eh pag ganyan ang rate eh dapat kilatisin maigi ang output.

@chelle_peachy0524 - hello sis. matagal na akong nagbabasa basa ng mga posts then ngaun lang ako nagkaroon ng courage maki-join sa mga chika..:). yeah sis LDR din ako and seafarer din si H2B. saya nga kasi hindi pala ako nag-iisa. madami tayo dito. with regards naman sa baby mo eh i think normal lang na medyo late cya maglakad. kasi yung nephew ko nga around 2 years old na yata cya nung matutong maglakad. habaan na lang ang pasensya kay FMIL and H2B mo.  ^_^

ez4gotten

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #123 on: October 26, 2011, 11:33:04 pm »
chubbycheecks correct! i'm happy na habang buhay pa si FMIL ko feel na feel ko ang love niya for me. :)

lenierose congrats sa prenup. :) share naman ng pics. :D

vincris yep, super sulit ng package namin. :D

health.gal np sis. :) re candles, free din samin ang candles ng SS. :D

michiness swerte at mababait ang friends mo. :) if you need help baka meron din ako dito, pm mo lang sakin mga kailangan mo. :D

simplyme yep, 1pm @mega food court.

kat haha, lucky charm ko yung tyan ni h2b. :P nung di pa kami mag-on macho pa siya nun. wala pang tyan. lol. at ang mura ng PV ng officemate mo ah. weee!!! excited na ko para sa inyo. saya pag nakikita na puno ang calendar dahil sa wedding preps. hihi. or ako lang ba ang nasasayahan sa ganun? ???

chelle yung pamangkin ko 14months na din before naglakad mag-isa. i mean kaya na niya pero takot siya nung mga 12months pa lang. kaya okay lang yan. laruin mo na lang, kunwari takamin mo sa food para malimutan niya yung takot tapos maglakad siya. :) tsaka ganun lang siguro talaga pag nila lagi kasama, excited sila sa mga achievements ni baby.

last day of GY ko na sa thursday. yehey! :D kaya lang di na kami ulit sabay ni h2b pumasok at umuwi. :(

chubbycheeks17

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #124 on: October 27, 2011, 03:13:13 am »
@lenierose928 – excited to see your prenup pix, sis! congrats!  ;D

@michiness – super gusto na ni h2b ang PC. sa dami daw ng napag-usapan namin, 2 lang daw ang nag-stick sa mind nya, PC tapos eloquente because of the lamb. hahaha  ;D sana nga sis, matapos na ang caterer hunt para one item off the list na. correct, malapit na ang christmas kaya dumadami na naman ang mga magnanakaw. kalurkiss.  ::)

@vincris16 – goodluck sis! ako din slowly dumadami na ang workload kasi malapit na year-end, as in! *waaaaaaaa*  :o

@simplyme28 – thank you sis sa reminder. i’ll try to come, as in.  :-\ sabi ko pa naman count me in pero with the current workload, good luck sken. sabi pa naman ni h2b, I should go pero paano naman. huhuhuhu. ang sad!  :(

@katrinac – 30? *waaaaaaa* ang dami. best approach na nga yan, sis!  ;D btw, saan landmark, makati or qc? about your agent, napakamura naman ng p/v nya, to think na dalawa pa ang photographers!!! :o naghanap ba siya ng reviews about it? hmmm...

@chelle_peachy0524 – sis, na-share mu na ba yun sa pedia ni baby mo? baka she can suggest something, pero i think, normal pa yun na wala pa siyang sense of balance. ;) *hugs*

@ez4gotten – very nice feeling talaga. ako din super lucky sa fmil. yun brother ko, irish twin kami, iba naman ang swerte nya sa mil nya. maloloko siya sa sakit ng ulo.  >:(

i was kinda confused kanina sa OOT charge explanation ng p/v namin kasi from 5K magiging 6K na. buti sa second reply nya, nagbigay na ng deets about it, so okie na ako ngaun.

ciao sisses!

lenierose928

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #125 on: October 27, 2011, 08:21:39 am »
good morning mga sis! kaway kaway!

sis katrinac - sureness sis, share ko talaga once makuha ko un cd. parang gusto ko na tuloy sya puntahan mamaya hehe..at talagang special mention ulit ako sa entou gowns from landmark? hihi

sis ez - sureness din sis, same as the above hehe...see you sa 29 :), excited na ko makita ka :)

sis chubbycheeks17 - ako din sis excited na to share the pics sa inyo, lalo maiinspire mga kalahi ko jan, pag nakita mga prenup pics namin :)

kambal michi - thank you sis! kayo sis kelan prenup nyo, super kapagod talaga pero ang saya. parang after ng prenup super nainlove talaga sakin si h2b. hihi

lennie.bong

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #126 on: October 27, 2011, 09:25:17 am »
goodmorning BBB's  ;D

thanks talaga sa support niyo.dedma ko muna yun isyu nayun dahil busyness na ko.LOL

last day of work for me.nakaleave ko bukas eh,balik ko na sa wednesday.yey! :)

updates mag sis : natuloy na ang pagpunta ko sa abbylyn's.madali lang naman pala hanapin.hehe.nagpaquote na ko.ang gusto ko kasi ay peep toe na lacey black na wedge.ako daw magpoprovide ng lace tapos,kung may gusto ipalagay sa kanila like mga bato o any designs ng shoes,pwedeng tayo na ang magprovide para labor na lang bayadan natin and makakapili pa tayo.ang quote nila sa akin ay 1,400.pag magpalagay daw ng name sa loob ex : name niyo ni h2b.yun akin balak ko palagyan ng name namin saka date ng wedding.hihi.additional 75 pesos daw pag ganun. 2 weeks daw makukuha na yun shoes.sa mga gusto pa lang magpagawa dun,pagawa niyo na daw bago mag dec.16 ata kasi january 8 na ata balik ng gumagawa.try niyo sila icontact sa : 4928909 or at 09273881440. nabayadan ko na din yun cenomar ni h2b at idedeliver na din yun sa ilocos.kunin ko na lang pagbalik ko dun sa nov.18. nakabili na din ko ng cake topper sa blue magic.simple lang siya pero elegante naman.matangkad yun binili ko kasi matangkad kami pareho saka bilog yun base niya so makakatayo siyang mabuti sa cheesecake.LOL.89 pesos lang bili.hehe.medyo busyness na ko kasi bukas,magpapafit na ko para sa gown.ok yun modita ko kasi mura lang quote niya sa akin :

a.gown ko - 5 - 8k
b.suit ni h2b - pag made to rent - 2,500.pag to own : 4k
c.entou ko : 1k ( sagot na nila to ) - made to own na din yan
d.flower girls - 300 made to rent ( sagot ko )

all in na pala yan plus yun mga gagamitin like aras,garter,etc.sa bulacan ko papagawa :) saka sa bulacan ko din kukunin baptismal naming 2 ni h2b ;)

sis health - thanks sa info about the candles.ask ko na lang dun sa paoay paguwe ulit ng november to finalize things. :) paquote ka na din sis sa abbylyn's.nakakaexcite lang.haha.nagstart ka na magcereals?

sis ez4gotten - alam mo sis,happy naman ko sa work ko,petiks nga ko dito.ampangit lang kasi ng managaement eh mga anti - employee ata.saka mababa sweldo talaga eh,pang single lang.hehe

sis soon to be - welcome sayo sis!di ka nagiisa sa pagprepare ngwedding mag1.pareho lang tayo.LDR din ko sis pero uwe na siya sa december.yay!si h2b mo sis kailan ang uwe?when ba wedding mo?saka sis,mas malayo pa wedding ko sayo.ako kasi ilocos pa :)

sis mafia - thanks a bunch sa input ;) unahin namin yun mga garter and bouquet,after kasi kumain magmoneydance pa kami para makasabay yun mga mananalo sa pagsayaw.hehe.lapit mo na ah :) goodluck sis

sis katrinac - hindi nga kami friends eh.LOL.acquaintance lang.sa pathology kasi ako,siya sa ibang department.pero parehong pareho kami ng level and category kaya super unfair di ba?kasi pareho kaming licensed.nalaman ko kasi nga yun mga lab technicians dito under sa akin,eh union president yun 1 so nalaman kong hindi patas.ibig sabihin may under the table na usapan kasi labag sa CBA yun ginawa ng management.lagot sila sa dole. LOL

sis kizme - yup sis money lang siya pero pag ganitong madaming gastos,malaking bagay un 2,500 na short sa sweldo ko.LOL.ang kinaiinis ko sis,wala naman siyang lamang sa akin and months lang ang difference ng pagkakahire sa amin tapos ganun na offer sa kanya? di ba. >:(

sis blueflame - naku sis,i feel for you.wawa naman tayo.LOL.nakapunta na kong abbylyn's sis.hehe. medtech ako sis na nagdedemo/nagtuturo sa mga medicine students sa lab nila.eh yun mas mataas ang sweldo sa akin ganun din yun work niya pero ibang department.unfair kasi may hinire pa para maging assistant niya plus,kakaregular lang niya.kaya ngayong nalaman to ng union and against sa CBA,lagot sila.LOL.kundi lang dahil sa wedding noh?hmp :(

sis laireyes - tara na resign na tayo.LOL.hanap n lang tayo ng mas ok after ng wedding :) sayang nga naman ang work.hehe

sis chubbycheeks - mukhang aabot talaga sa dole sis pag di maayos dito kasi napakaunfair sis pati sa matagal ng employees  >:(

sis michiness - thanks!sis,alam mo ba,nakapunta na kong abbylyn's at prinint ko na lang at pinakita ko sa kanila yun nasa pic ng cp ko.di ko marunong magsketch talaga.LOL.papalagyan mo din ng name yun sa inyo di ba? :) yan sa work na yan,naku pareho lang kami sis talaga ng nature saka category dito eh,so unfair talaga sis,pareho naman kaming licensed eh.

sis lenie - congrats sa prenup mo sis! :)







soontobe

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #127 on: October 27, 2011, 09:54:10 am »
morning morning!

@sis lennie.bong   - wow mura naman yung sa shoes mo sis.. ako sa perfect match ako magpapacustomize. sayang sa abbylyn's na lang din sana ako. ilocana ka sis? ilocana din ako pero sa pangasinan kami. :).. either sa feb or march pa uwi ni H2B ko sis. may 05, 2012 naman yung wedding date namin. excited na aketch! san ka banda sa ilocos sis? gusto ko sana mag-prenup sa vigan kaso malayo masyado ang byahe.

simplyme28

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #128 on: October 27, 2011, 10:05:57 am »
Morning BBB's ;-)

@Vincris - nagawan ko pa lang dito yung friend ni lenierose..  ;) yung mga sample na dadalhin ko on saturday eh mga samples na nagawa ko na hindi taga dito sa GT.. ;-)if you have samples din na gusto ipagaya pwede din naman yun..

@chelle - regarding sa baby mo.. boy or girl ba sya? based sa observation ko.. after having 3 kids na.. hehe (2 boys, 1 girl) mabagal talaga ang development ng boys sa paglalakad even sa pagsasalita.. yung middle son ko nakapaglakad ng maayos yun mga nasa 18-20 months na sya.. pero yung panganay ko who happens to be a girl.. wala pa 1 year old nakakalakad na magisa.. may certain degree/stage lang talaga ang bata sa paglalakad.. wag na sila iforce na maglakad magisa kahit hindi pa nila kaya.. kasi baka mas lalong makasama sa kanila. magworry ka na pagdating ng 3 years old eh hindi pa sya nakakalakad di ba? o para mas maganda punta ka ng pedia tapos kung ano ang sasabihin ng pedia yun ang sabihin mo sa h2b mo at sa [textspeak!] mo.. ang hirap kaya mag alaga ng bata sana maintindihan nila yun.. lalo na sa ganyang stage.

health.gal

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #129 on: October 27, 2011, 10:11:12 am »
good mawning BBBs!  8)

sis lennie.bong – thanks sa kwento about abbylyns. Na-excite naman ako, parang gusto ko na magpagawa ng shoes! Hehe. Re diet, oatmeal and tea pa lang nagagawa ko. Meydo hindi ko type texture ng cereals eh. Pero pag nasanay na ako sa oatmeal, pagaaralan ko na rin magustuhan ang cereals. Hehe. Thanks sis.  ;D

blueflame

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #130 on: October 27, 2011, 10:29:29 am »
good morning everyone!

chubbycheeks17 - sis, parang na-post ko na dati kung magkano yun rent sa gardini. maganda ang gawa sa gardini, pulido and malinis. maarte lang talaga si h2b! ayaw magpalit ng design para makamura. ganito kasi ang gusto nyang ipagawa - http://weddingguideasia.com/site/wp-content/uploads/2010/05/mandarin.jpg anyway, this is gardini's phone number sa mga gustong mag-inquire 314-5786

lenierose928 - congrats with our prenup! ang sarap ng feeling noh? sabi ng p/v ko dati na nakakapagod daw, pero kami ni h2b na-enjoy namin ng sobra! feeling ko pwede namin yung pagkakitaan kung pwede lang! hahaha! share naman some pics sis! please.......

vincris16 - buti pa si h2b mo open na mag-apply sa ibang bansa. si bebe ayaw. keri nya mga vacation lang pero never migration/residency. kaya naman daw kasing umasenso dito sa atin kung pagsisikapan. ako naman, ayaw ko na sa ibang bansa lumaki mga anak namin kasi iba ang environment kesa dito. no offense po sa mga lumaki sa ibang bansa. IMO kasi iba pa rin ang upbringing ng mga bata dito, tska gusto kong makalakihan nila ang paggamit ng po at opo.

soontobe - i agree sis, nakakatakot ang baguio pag tag-ulan. diba may gumuho ngang bundok ng basura dun recently lang. sayang at di na naaalagaan.  :( pero summer naman angw edding mo, i'm sure your wedding will be perfect! sa cathedral ba kayo?

michiness - we're planning to go to divi this coming Monday. pwede ba kayo nun/ double date tayo?

katrinac - honestly sis, parang di ko pa feel na malapit na. may times na super excited, may times na okay lang. hehe! labo ko noh?

health.gal - goodluck sa prenup venue hunting! aga ha :) speaking of diet, di ko na kinaya ito! tinigil ko na ang kahibangan ko sa pagdi-diet! nagiging grumpy ako eh! though may nirefer na pills yun officemate ko, Slimina yun name, nabili nya sa st. francis square. try ko yun, wag lang papahuli kay h2b kasi ayaw nya na kung [textspeak!]-ano ang iniinom ko.

lennie.bong - thanks for sharing the info about abbylyns! alanganin kasi ang uwi ko sa morning kaya di ko sila naabutang bukas. di ko na papalampasin ang week na ito para makapagpagawa sa kanila. and the cake topper! sana makahanap na rin ako.

konting tiis na lang sissies lennie.bong, laireyes, vincris16! pagna-stress ako sa work, minsan gusto ko ng sabihin kay h2b na gusto ko na lang maging housewife after ng wedding. kaso di naman pwede. huhuhu!  :(

excited lang! nakuha na namin yung wine for PS gifts yesterday sa ortigas! yipee! tapos for pickup na yung invitation namin today. yahoo! tapos bibili na rin ako ng materials para sa DIY ko na doughnut bag stickers & wine label. then this weekend naman first fitting & measurement taking na ng ento ko with Rei! excited lang ng sobra lalo na si mama! di na daw sya makatulog! naappreciate ko din yung ninang namin abroad na magpapa-proxy dun sa tita ko (yung nagtanong dati kung babayaran ko ba 1day na sweldo nya kung aattend sya ng kasal namin). nginangarag na nya sya na magpagawa na ng damit! yung tita ko pumepetiks pa dahil matagal pa daw kasal namin. pinagsabihan tuloy sya ng ninang namin! hehe!  ;)

wifey mode muna! cooking fried bangus and misua & patola soup for lunch!

lennie.bong

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #131 on: October 27, 2011, 10:35:23 am »
sis health.gal - ok sis,try mo sis yun nesvita na sweetcorn meryenda mo.masarap kasi.hihi :) oo sis nakakaexcite pag andun ka na.kung may lace lang ako ipinagawa ko na.hehe :)

sis soon to be - sa ilocos norte ang wedding namin.si h2b ko ang ilocano.ako taga bulacan lang.maganda sis sa vigan saka sa norte dami pwedeng pag pre nupan.kami sa windmills and lighthouse.magkano auote sayo sa perfect match?sure ka na dun sis? :)

sis blueflame - oo nga sis,pagawa ka na kasi aalis nga daw yun gagawa ata.kasi magpapasko eh,baka uuwe ng province :) yun sa blue magic kasi sis,mura lang saka simple and cute.ano bang type mo?yun sa precious moments try mo.yun cake ko kasi puro cheesecake plus sa ilalim may mga mini cakes so,hindi masyado bonggang cake topper ang need ko.ikaw ba sis fondant?congrats sa accomplishments sis,ilang days ka na lang before the wedding?

lenierose928

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #132 on: October 27, 2011, 10:48:25 am »
thanks sis lennie.bong! ;)

sis blueflame, yup sobrang saya at sarap ng feeling. tapos after ng prenup parang nafeel ko na mag naging deep un love sakin ni h2b...pupunta na nga ako mamaya sis sa photog, nappressure ako sa inyo hehe...pero teaser lang popost ko ha hihi ;D

health.gal

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #133 on: October 27, 2011, 10:53:17 am »
sis blueflame - re diet, naku, hindi mo na kailangan yun, sexyness ever ka na eh.  ;)

michiness

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #134 on: October 27, 2011, 11:21:18 am »
Good morning BBBs! :) Grabe, super pre-occupied na ang mind ko sa mga need pa naming i-accomplish. Di ako makapag-focus masyado sa work. Parang lahat ng naiisip ko is all about the wedding. LOL. Wedding jitters na ba ito?

Kambal lenierose, excited much na kong makita yung pics nyo. LOL. At kinabahan ako bigla para sa prenup photoshoot namin. hehe... Wedding jitters na nga ano? Sa November 21 pa ang prenup namin. So project props and outfit ang drama namin ngayon ni h2b.

Sis health.gal, ayan, na-enlighten na ako. Better ask the church na nga lang. Na-confuse kasi ako sa Nuptial Candles na included sa package nila eh. Thanks a lot dear. :)

Sis simplyme, present kami jan ni h2b ko. See you. Be good to us. LOL. Give us a very sulit deal. hehe... ;)

Sis katrinac, maisama nga sa agenda namin yang pagpunta sa Landmark. hehe... Good luck sa Quiapo trip nyo ni h2b. ;) At wow huh. Ang mura naman ng package na yan nung agent mo. Anong supplier yan? At naku, maloka-loka ako sa paggawa ng schedule namin ni h2b. Super busy na din kami pagpasok ng November. As in! Good luck sa atin. hehe...

Sis chelle, awww.... na-sad naman ako sa kwento mo. Ang hirap talaga pag ganyang pinepressure ka about kay baby. 14months pa lang naman si baby, bakit wala silang patience? Naalala ko yung bunso namin, as in hindi nagsasalita nung 14months pa lang siya. Pero nung nag 2 years old, derecho na agad ang speech. Basta do what you think is best na lang for your son. Wag kang pa-pressure sis. :)

Sis ez4gotten, ay wow, touched naman ako. :') Sige sis, if ever na may kulang pa akong props, I'll email you for help na. hehe... Halabshue! Mwah!

Sis chubbycheeks, at di naman nya masyadong likey like ang lamb no? LOL. Pa-sched na lang kayo ng FT sa mga caterers sa short list nyo. Then try to ask them to customize their packages according to your needs. Para less hassle na. ;) Good luck dear!

Sis lennie, wow super daming na-accomplish. Congrats deary! :D At super affordable ng quote sa yo ng Abbylyn's! :) Nagpagawa ka na ba? And yes, papalagyan ko din po ng name namin yung shoes. :D

Sis blueflame, awww... Cannot be kami pag weekdays. We're planning to go to Divi on Nov5 naman. hehe... Yun palang sa wines, kelan dapat magpa-reserve bago i-pick up? Baka last week ng Nov namin kunin eh. Punong puno na ang schedule namin. Ngiii... Ayan na naman ang jitters. 0_o Ang swerte naman talaga ni bebe Karl oh! Sarap nyang misua-patola tapos fried fish. Ginutom ako bigla. LOL.

May mag-aaply ba dito ng Marriage License sa Imus? Natuwa kasi ako at may website na pala ang aking hometown. May requirements na at downloadable forms for application of marriage license:

http://www.imus.gov.ph/how_to.asp?R=12

Galing! :) hehe...

soontobe

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #135 on: October 27, 2011, 12:52:31 pm »
@blueflame - hindi ko alam bout dun sa gumuhong bundok sis..hindi kasi ako nanonood ng news. hehe..hopefully nga sis hindi abutin ng tag-ulan yung wedding namin. Hindi kami catholic ni H2B sis kaya hindi kami sa cathedral. ours will be held in Resurrection Church (Anglican) along magsaysay road. :D

@lennie.bong - wow ok prenup location nyo sis. gusto ko din dun kaso baka hindi pumayag si H2B and magastos masyado pag dun. hindi ko rin kasi inavail yung prenup dun sa package ng p/v namin. inalis ko cya kasi i have friends who are into photography din. plan ko kasi if nandun silang lahat sa cebu eh dun na lang kami mag prenup. di bale madami namang seat sale ang CB and mura lang mga pension house dun. hindi ko pa napapaqoute yung gusto ko na shoes sa perfect match sis pero sa tingin ko 3K+ un and ako din yung bibili ng tela na gagamitin. nakapag-down na rin kasi ako during the wedding expo kaya go na lang. ;)

patchi2012

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #136 on: October 27, 2011, 01:13:17 pm »
hello mga dear,,
kinabahan ako kasi baka pag next na visit ko sa ibang bahay na tayo, buti naman at page 7 palang naabutan ko, tagal ko di naka post, hinintay ko kasi na may ma kwento ako e,,so eto na

1. na book ko na si mitch desunia for may bridal gown plus entou gowns, last fri pa na recieved ni soon to be sis in law ang pinadala ni h2b na money, kaso di nya na habol so naabutan ng weekend kaya nung monday lang na recieved ni mitch, nung weekend pa naman pumutok ang bad review sa kanya, but never akong nag alinlangan, go pa din ako, buti ngayon lumabas na ang side ng bawat isa...
2. naka pa reserved na din ako sa wc, na recommended ni cousin, so ok na. plus happy ako kasi, dati sumasakit ulo ko, where namin ipatahi ang suit ng mga male entou, before kasi plan ni h2b bumili nalang kung san sya naka based, kaso, if di sukat then pa alter nalang daw kaso sabi ko double gastos yun, but if sa pinas naman, wala naman may mag asikaso, naku sagot talaga ng langit ang wc ko na eto, meron pala syang kakilala sa divi, so sya nalang daw mag ayos nun, kaya naman nabawasan na naman ako ng palaisipan, minsan magugulat ka nalang, you'll meet a stranger then, eto na pala ang taong sagot sa mga worries mo.

parang na inspired uli ako sa preps, kaya eto kinalikot ko na naman ang wed coord ko, na 4mos na atang naka tambak lang, kasi nawalan ako ng gana, minsan kasi naisip ko na, kami lang talaga ni h2b ang nag asikaso, wherein wala naman kami dyan, feeling namin sariling laban namin, minsan nagbiruan kami, na ano nalang ba sila? kakain?,..lol

Alpha Events Management pala ang na booked ko na wc, maya naku mag backread, laro muna ako ng starcraft, na miss ko na e,,wave sa lahat, maki pag kwentuhan nalang ako next, anyways, nagkikita kita naman tayo sa fb page natin,

showermist

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #137 on: October 27, 2011, 01:32:26 pm »
Mga sis meron ba sa inyo  wedding package ng Edsa Shang? Or any hotel na okay naman ang wedding package. Thanks! :)

vincris16

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #138 on: October 27, 2011, 02:00:06 pm »
hello BBB's
bakit ganun nahihirapan ako magpost dito sa GT as in napakahirap..
haba haba ng pinopost ko nawawala haaayzt..

sis katrinac, tama sis maganda talaga may mga back up tayo hehe para in case of emergency hehe..

sis chelle_peachy0524, tama lam ko kaya malaki ang singil ng p/v na down para sa prenup session yun eh.

re sa FMIL na pasaway naku naman wag mo na lang muna pansinin.. may mga baby talaga na ganun.. chillax lang kayo.. baka magulat kayo natakbo na yan hehe.. smile na :D

sis chubbycheeks17 gudluck satin hehe. uber sa antok at pagod pa ko kasi niyakag ako ng 2 ko bff na mag stay sakanila kasi may problem ayun bagsak me past 1 na ata ng magkatulugan.. musta naman tapos 7 pasok na naman..

wow re: abbylyn's parang want ko na din magpa quote jan..tagal tagal ko na kasi hinahanap yun sandals na want ko sa mall diko na sya makita :(

sis lenie, congrats sa prenup.. picture picture picture! hehe

sis simplyme28, wow kaw pala mismo nagawa akala ko friendship mo ang nagawa hehe..
sis pa pm naman po mga rates ng invites tia

naku sis blueflame, hmmm wala pa kasi kami house hehe lot palang ahahaha kaya need namin mag try ng swerte sa ibang bansa para makapag pagawa agad kami ng house..ayoko kasi tumira sa inlaws namin although wala naman sila kasama sa bahay eh better nasa ibang bansa kami habang nag iipon pang pagawa ng bahay.. pero syempre want din namin dito lumaki ang mga junakis namin.. nag iipon lang kami pang start ng business ng di na ko magtrabaho sa iba :)

sis mich, ganyan din kaya ang requirement dito sa indang hehe..

gudluck sa preps natin mga sissies palapit na ng palapit. November na nextweek yiheee

health.gal

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #139 on: October 27, 2011, 03:58:22 pm »
Mga sis meron ba sa inyo  wedding package ng Edsa Shang? Or any hotel na okay naman ang wedding package. Thanks! :)

Sis, meron ako copy ng wedding package ng:

Bayview
City Garden
Crowne Plaza
EDSA Shang
Makati Shang
Mandarin
Manila Pen
Aberdeen
Dusit Thani
G Hotel
Garden Plaza
Intercon

Pero 2010 rates ito ha. When we started out kasi with the planning, hotel una namin kinonsider, pero during the preps, nagbago na direction namin. Hehe. If still interested to have a copy kahit old rates, pm mo sa akin email mo. I'll send it to you.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close