Good afternoon BBBs!

Dysmenorrhea mode kaya absent ako dito sa thread yesterday. hehe...
Hi sis
kiz_me! Mas okay na ata yang ma-muscle kesa sa braso ko na puro taba. LOL.

Anyways, re entou dresses, keri lang na simple dress. Not unless may maginarte sa kanila at may gustong design for their gowns. hehe... Para ngang ang dami mo ng accomplishments sis so don't worry too much. Good luck sa dance troupe! Career talaga ito. hehe...
Sis
ez4gotten, LOL. Kaya nga hindi ko na isho-showcase yung legs kong pagkalaki-laki para di na ako ma-conscious. hehe. At tohmoh! Dapat talagang ienjoy. Mejo madami dami kaming kailangan na props pero nag-email blast ako sa aking mga friendlalus para tulungan na makumpleto. Manghihiram ng ibang items na meron na sila, para mabawasan ang ipu-purchase. So far, dami na sila na willing tumulong. Wee!
Sis
ishi, LOL. At ayaw pa nila dun huh? They have something in mind pa pala na mas bonggacious. hehe... Ang mga thunder lilies talaga. Anyways, at least supportive sila sa ibang mga bagay. Yun naman ang mahalaga. Excited lang siguro masyado kasi nga you're the first one to wed.

Hi sis
vincris! LOL. At nananabunot talaga si h2b mo??? Mag-pray na lang talaga tayo na maging okay ang service ni HMUA nyo sa mismong event. Tsaka di naman siguro ire-recommend ni MIL mo kung di siya magaling diba? Umayos kamo siya at baka hindi lang taas ang masabunutan ni h2b mo, pati baba din. hehe... Drink na agad ng calamansi juice sissy.

Pagaling ka.
Welcome sis
soontobe!

Dami tayong sisses dito na seafarer din ang mga h2b. And wow! You're getting married sa Baguio. Nice.
Hi sis
lennie! Naku, di na bago yan sa lahat ng companies. Sad reality of life. Dito nga sa company namin, yung mga newly hired, mas mataas pa ang sahod kesa sa mga old employees. Tapos sila pa ang magtuturo dun sa mga yun huh. Ang tagal din ng promotion. May politics din kasi. Ganun talaga. Pero ako, I don't mind honestly. Basta ginagawa ko lang yung trabaho ko. Bahala na silang mga bibo kids sa pagpapabibo para mapromote. Ang mahalaga, sumasahod ako para may panggastos sa wedding. LOL. There's been a lot of times na gusto ko na ding mag-resign due to a lot of factors. Pero konting tiis pa.

Alang alang sa wedding. hehe. Hugs for you dear.
Sis
chubbyheeks, mukhang peak season na nga talaga. Mabagal ng magreply mga suppliers. hehe. Hopefully makapag-FT na kayo sa mga chosen caterers nyo para makapag-decide na kayo kung sino ibu-book.

Aaaayyy, na-rob ang laptop nila Ms. Maja? My goodness. Lapit na nga talaga ang Christmas. Ingats tayong lahat mga sisses. And buti na nga lang pala they have back-up. Good luck sa meet up nyo sis.

Sis
health.gal, nalilito din ako kung ilang candles. Thanks sa help. Pero question lang sis, baka you can help me, hehe. Nakalagay kasi, kasama na sa church fee namin yung nuptial candles. Ito ba yung Unity Candles? So meaning, 4 na lang need ko iprepare? 2 for the SS then 2 for the offertory? Re sa question mo, parehas naman maganda yung venues. Pero personally, I'd go for Tagaytay Highlands.

Mukhang mas pricey nga lang. hehe...
Sis
mafia, lapit mo na! Wee! Thanks for sharing your program outline. At least we have an idea na.

Sis
katrinac, happy monhtsary!

Ayos sa date ah! LOL. Sabagay, I can relate. hehe. Date sabay wedding preps na lang palagi. At tohmoh! Go ka na sa Rosy's. Kayang kaya mo yan kasi may heads up ka na naman. Alam mo na ang dapat mong gawin. Mura ba talaga sa Landmark? Makatingin nga din ng cocktail dress for prenup. hehe... Re corsage/bouttonieres, it depends naman sa gusto nyo. Kumbaga pwedeng si groom, 2 fathers, at yung bestman lang for distinction. Pwede ring lahat. hehe. In our case kasi, wala ng bouttonieres yung mga guys since naka-Barong sila. Baka kasi masira if masyado mabigat yung ilalagay. Then yung mothers, at lahat ng female na PS, may corsage.
Sis
blueflame, sa November pa namin balak kunin yung wines. hehe. Sakto lang pala no? Kasi January kayo, February kami. LOL. Kelan pala kayo punta ng Divi? Di tayo natuloy eh no? Balak kasi namin maghanap ng pang-DIY materials for the wines. Tsaka barong suit supplier naman for Papa Denmark.
Sis
laireyes, uyyy, na-accept na niya ako as friend! LOL.

And I definitely agree, mahirap kumita ng pera. hehe...
Kambal
lenierose, wow! Tapos na ang prenup nyo. Share some pics naman jan! hehe...

Congrats deary.