watch now

Author Topic: 2012 Brides *Part 9*  (Read 83364 times)

qtpurple04

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #40 on: October 24, 2011, 03:39:19 pm »
hello unkabogable BBB's ..  ;) kaway kaway!  ;D new house .. taray!  ;)

sis michiness » uo nga sis e thanks! hindi na ako gaano sad .. :D kaya ko to .. hehe! thanks!

sis blueflame » uo nga e for sure kun si rockin pa dami fees mas madami gastos .. i super love all your pics super ganda .. ayaw pakabog mga posing ah ..  ;) nakakainggit naman mga prenup pics nyo ..

sis ez4gotten » bongga mga shots ah .. love it!  ;D

sis health.gal » medyo okay na ako sis .. hindi na masyado sad .. medyo nag aadjust kasi di sanay na hindi kami magkasama .. pero okay na nagtetext naman siya and nakachat ko na rin .. ;D wala din ako tulog kasi wait ko text nya at kun makapag online siya .. inabangan ko talaga siya .. thanks sis! ;)

sis chubbycheeks17 » tama sis! 1st day LDR .. :'( mukhang ako din mas mapapagastos pa ata kesa makatipid .. super nakakamiss e .. pinapaloadan ko pa roaming number nya .. para matetxt ko siya anytime .. hay konting adjustment pa .. kaya na! hehe! thanks sis!

sis vincris » tumpak si sis health.gal and sis michiness .. nangyari na e so hindi na mababawi .. hindi mo rin naman pwede sabihin na bakit mo ginaya yun sa akin .. or baka coincidence rin lang sis na pareho talaga kayo ng taste kaya nga kayo bff di ba .. ang isipin mo na lang sis nakatulong ka pa sa wedding preps nya .. kasi biglaan nga yun kanya so naging inspirasyon nya mga ideas mo .. tama dahil marami ka pang pwedeng maimprove sa wedding mo .. kumbaga mas mapapaganda mo pa para makita pa rin yun difference sa wedding nyo .. :D

Happy birthday sis androidk and sis princeszheng!  :D

thank you sissy sa lahat ng advices nyo .. buti na lang i have support group na super caring .. thank you talaga sa inyong lahat .. kaya ko to .. dapat kayanin .. although kahapon super sad ako na kun ano ano pumapasok sa utak ko .. feeling ko pagdating ni h2b dun dedmahin na ako .. pero mali ako nagtext sya sa akin nun stop over sila sa bahrain .. tuwang tuwa ako naiyak ako sa tuwa .. nagonline pa siya para makachat ako kaya ayun di ako makatulog kakahintay sa text nya at chat nya na nakarating na sya sa abu dhabi .. super thanks sissy sa help nyo! ;) dahil sa inyo sa mga inputs nyo nababawasan yun kalungkutan ko ..  ;)

lennie.bong

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #41 on: October 24, 2011, 04:04:43 pm »
^sis,umalis na siya?hinatid mo ba while crying?ako ganun nangyari sa akin.hay :( kaya mo yan sis,mas nakakamiss nga lang pag nagusap kayo.kaya mo yan,pag namimiss mo siya,ituon mo na lang muna sa preps saka paka busy ka.yun lang talaga ang magagawa mo kahit miss mo siya.ako nga,last friday na nag gateway ko at naghahanap ko ng cake topper tumawag siya,nag joke siya eh,un tipong pakiramdam ko kasama ko lang siya tapos ewan ko ba,nafeel ko lang na sana kasama ko siya magpreps.lam mo ba sis,maiyak iyak talaga ko.pinigil ko lang luha ko kasi tutulo na kasi nakakahiya naman saka sabi niya baka isipin ng mga tao pnapaiyak niya ko.hehe.wag mo tipidin sis,kung smart roaming ka,un unli load mo pwede sa kanya.saka pala,pag wala ng load roaming niya,di na siya makakareceive ng text mo kaya pag di na siya makareceive,paloadan mo lang siya :) mahirap talaga,kung kami ngang sobrang lapit na magkita,emotional pa din bout sa LDR na yan eh,kaya mo yan sis.basta trust mo lang siya. :)

sis michiness - naku sis! basta di ko maimagine na bulutong un dahil sobrang dami eh.haha.thanks.magkano quote sayo ng abbylyn's?pwede patingin ng design ng shoes mo? ;)

michiness

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #42 on: October 24, 2011, 04:17:04 pm »
Sis qtpurple, super miss na miss ka na din ni Papa James for sure. At ikaw talaga, napaparanoid ka pa na dededmahin ka niya, eh sa tingin ko pa lang, hook na hook siya sa kagandahan at alindog mo. LOL. Super glad at dami ng innovations sa technology. Kaya kahit magkalayo kayo, there are still lots of ways to communicate. Just keep in touch. And most importantly, hold on. ;)

Sis lennie, 1500 po yung shoes ko sa Abbylyn's. Gow ka lang sa wedsite namin below, then nasa Wedding Inspirations siya. Nandun yung sketch ko ng shoes. ;)

lennie.bong

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #43 on: October 24, 2011, 04:25:10 pm »
^ah ok sis,nakita ko na.ang cuteness naman.hihi.magwedge din ko kasi di ko sanay mag heels eh.sis!pareho tayo ng design ng damit ng flower gurls :) kailangan ba sketch talaga ipakita?di ko marunong :(

michiness

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #44 on: October 24, 2011, 04:36:33 pm »
LOL. Not necessarily naman sis. If may certain shoe design ka na and you have a picture of it, pwede naman yun lang ipakita mo. In my case kasi, 2 shoe design yun na pinagsama kaya I was inspired to do a sketch. hehe... Cute nung FG dress no? ;)

lennie.bong

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #45 on: October 24, 2011, 04:41:18 pm »
^yup.ganyan din yun nakita kong dress ng mga FG ko.ayoko yun mainit at mangangati yun mga bata.hehe.naku e 2 designs nga yun pagsasamahin ko.iseketch ko nga.LOL.baka sabihin sa akin,abstract ba yan?LOL.

qtpurple04

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #46 on: October 24, 2011, 04:44:15 pm »
sis lennie.bong » uo sis kahapon lang .. hindi naman ako umiyak sis .. super lungkot lang .. muntik na nga ako maiyak pinigil ko lang kasi umiyak mama nya .. e sila pa nanunukso sa akin na iiyak daw ako. umiyak ako sis nun andito na ako sa office .. un mga last text niya sa akin before magflylalu ang plane. dami bilin .. lahat para sa self ko .. tapos mga bandang 6 naiiyak na naman ako dito sa office as in always akong tumitingin sa door hinihintay siya pumasok .. ganon time kasi siya dumadating dito sa office ko tapos mag break time ako sabay kami kakain .. super luha ako di lang ako nagpapahalata .. jahe e! pero mukhang kaya ko na yan sis .. panatag na loob ko ..  ;) uo nga sis naka unlitext ako .. kaso ako mamulubi kakapaload sa kanya e .. hehe! pero atleast nagagawa ko pa rin na maitxt siya gaya dati .. thanks sis! ;)

sis michiness » natawa naman ako ng bongga sa alindog na yan .. haha! meron bang ganun?! uo naaning na naman ako kahapon kun ano ano talaga nasa utak ko .. meron pa na susunod ako dun tapos madatnan ko siya may ka-holding hands na ibang girl .. awts! erase erase .. panatag na ako kasi tinetext niya ko always then kachat ko na rin siya .. kaya konti na lang masasanay din ako .. thanks sis!

re wedding preps naku mukhang lie low muna .. siguraduhin muna namin na kun may chance na mapayagan siya makauwi next year .. sayang din kasi mga maida-down kun not sure naman .. pera pa rin yun .. if yes go go sa wedding .. if not baka di pa time .. kaso like ko talaga maging 2012 bride e .. pero syempre si God lang amy alam kun ano ang tama at dapat .. kaya makiki-osyoso muna ako sa wedding preps nyo .. hehe!  :)

michiness

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #47 on: October 24, 2011, 04:49:37 pm »
Sis lennie, LOL. Naku huh, baka nga mas magaling ka pa mag-sketch kesa sa akin. If you want, you can send me your inspirations. Try ko isketch. Try lang huh. LOL. Di naman kasi ako kagalingan. Let's just see what I can do for you. ;) Nakakapag-draw lang kasi ako pag may kopyahan. hehe...

Sis qtpurple, awww... Naiiyak naman ako sa kwento mo. Mahirap talaga ang LDR pero kung kaya ng ibang mga sisses natin, for sure kaya mo din. ;) Erase erase na yang mga bad vibes. At sana nga, makauwi agad siya next year para gow na gow na sa 2012 wedding. Wee!

vincris16

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #48 on: October 24, 2011, 05:41:41 pm »
actually mga sis sinabi ko naman yun sa close friend ko na wala ako balak makipag competition yun nga lang may nagcocomment na agad na lumalabas ng gaya kami kasi si bff namigay na ng STD eh same kami ng tanungin nila ko kung ano sa akin..lague nila kami pinagcocompare kaya yun nahurt naman ako kasi ang lumalabas now ako ang ng gaya..want ko extraordinary tapos nangyari pa eh ako ang ng gaya :(

pinapagaan ko naman loob ko eh..iniisip at sinasabi ko sa bff ko na bff talaga kami kasi iisa taste namin..

anyway mga sis tenkuness kasi may napaglalabasan ako sama loob..si h2b kasi pinapangaralan ako maigi..sakit pala masabihan ng nang gaya lang ako at walang creativity..
« Last Edit: October 24, 2011, 09:16:10 pm by vincris16 »

michiness

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #49 on: October 24, 2011, 05:53:55 pm »
Aww sis vincris, don't be sad na. Masakit talagang masabihan na ikaw ang copy cat though ikaw naman talaga ang original. Siguro, ang lesson na lang dito, since you know na same taste kayo ni bff mo, if ever na manghihingi siya sa yo ng templates, gawan mo na lang siya ng ibang style or layout na sa tingin mo eh magugustuhan nya din, which is different from yours. Kumabaga wag mo i-spoon feed para lumabas yung own ideas niya. Eh since nandyan na yan, keber na lang sa mga taong mahilig mag-compare. Don't let them affect your friendship. ;) Tama ang mga sisses natin, try to change some na lang. I-level up mo na lahat ng pwedeng i-level up. But remember, the purpose is not to compete, but this is just to make you feel better. Mga pinoy talaga, mahilig sa rivalry. hehe...

chelle_peachy0524

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #50 on: October 24, 2011, 06:24:48 pm »
hi sisses...

 thanks sa insights about photo...
hmmm... medyo napapaisip ako sa dp ng photographer ko ah... 50% agad to block the date? karamihan nga ng nakikita ko 25%... ano yun para wala ng kawala? fear ko pa naman baka pangit ang kalabasan...

wala pa rin akong video na medyo pasok sa banga ang budget...  :(

malapit lapit na ang november at matapos na ang maliligayang petiks for the meantime hehe...

sis qtpurple - ganyan lang sa umpisa but then tiis lang. mag unli ka na lang para mahaba ang kwento  mo ke h2b

sis vincris - importante ang kasal. just stay pretty ok :) dont mind those people saying na ikaw ang gaya gaya...

health.gal

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #51 on: October 24, 2011, 06:35:41 pm »
wala pa rin akong video na medyo pasok sa banga ang budget...  :(

around how much ba budget mo sis?

ishi90210

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #52 on: October 24, 2011, 06:44:59 pm »
sis vincris hayaan mo na yun sis, isipin mo na lang ganun kaganda taste mo para magaya ng iba. hihi! ;)

sis michiness pede ba kita i-quote next time kausapin ko 2 mader ko? sa kanila kasi, tingin nila sa kasal namin competition sa kasal ng anak ng mga friends nila. pag nakausap ko sila, syempre minsan excited magkwento about preps, bigla sasabihin na "ay yun anak ni mareng ganito sa hotel ang reception eh kayo gagastos lang din bakit dipa dito, etc etc" hihi! kakaloka, pero kakatuwa naman sila pag minsan ;D

naku usapang ldr, 4 years din namin napagdaanan yan. kala mo pag nagtagal, di ka na iiyak pag naghatid, susme, nakakaiyak pa rin pero pag matagal na saglit ka na lang iiyak. pero mga sis, isipin nyo na lang na maswerte tayo kasi nga sa technology ngayon, napakadali ng makipag-communicate. and alam nyo pag malapit na ulit sila dumating, promise, para kayong bata ulit sa sobrang excitement.  ;D

mawchan

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #53 on: October 24, 2011, 06:54:59 pm »
page 3 agad! wow.. drop by lang at dalawa ang backread ko..  ;) helloo to all BBB

laireyes

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #54 on: October 24, 2011, 07:39:46 pm »
hi girls! super busy lately, sa sunod na ang backread! di ko namalayan part 9 na pala haha kaya umaattendance lang dito para makasali! hehe

sorry sa mga nagfriend request na sa FB di ko pa naaapprove, nakita ko palang yung email. busy busyhan lately :)

kaway sa lahat!

laireyes

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #55 on: October 24, 2011, 08:27:02 pm »
sis chelle if around 20-30k budget mo for video try mo http://www.jakeolaso.com, we booked him for our wedding next year :)
« Last Edit: October 25, 2011, 12:04:10 am by laireyes »

katrinac

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #56 on: October 24, 2011, 09:21:41 pm »
wowowee, nagiging active na ulit ang mga BBB's! :)

First and foremost, i would like to great the two lovely ladies a happy happy birthday! :) Princess Zheng and AndroidK!!!  (with drum roll pa po yan, and trumpets) haha

ishi90210 - thank you sis, it was a success talaga (nung invites) pati si h2b, tuwang tuwa sakin at nayakap nya ako nung makita nya nung nagawa ko. sabi nya sakin, *galing ng magiging misis ko* haha. so kinilig naman ako diba. pati kay mama, approved narin ang design ;)

kiz_me1109 - sis, sorry, di ko alam ang GIMP. hehe. :D enlighten mo ako. lol. nung monogram ko kasi, sa weddingchicks.com ko ginawa yan. di kasi ako marunong. haha. correct sis, feelng ko pwede ko na gawing business yan. lol. pero yan at yan lang din ang design na gagawin  ko. haha! may nag email nga sakin sa personal mail ko, hinihingi nung template ko. share ko ba? :D

chubbycheeks17 - sis, how much ang pagawa ng wedding gown kay ate magda? parang nagdadalawang isip kasi ako sa Rosy's na di ko maintindihan. pero kasi agahan namin mag pa gawa ng gown eh. Next month na kami. ;)

shooting_star - thank you so much sis, sige checheck ko nung link. dapat maging active ka na ulit, nang di ka namin namimiss. hehe. ;)

Judessec - welcome back sis! :) naku baka maligaw ka ulit ha. part 9 na! :D sis mukhang kayang kaya ng fans digital yan nung balak mo na postcard ;) kasi halos lahat ng printing services naman kaya nila.

michiness - sis, congrats sa success na lakad ninyo. thank you sis sa input sa invites. sis, ang balak ko kasi sana wedding gown nalang ang ipagawa ko sa Rosy's, then for ento, buy nalang ako ng cocktail dress sa landmark. madami naman dun na magaganda diba? pinakita rin kasi sakin ni sis lenierose ento gowns nya, and bongga  din sis! :) and congrats sa pag kuha ng cenomar! ;)
aba, so ibig sabihin pwede na pala kami kumuha ng cenomar ng December sis :) akala ko kasi mga 3 months before the wedding. ;) by the way sis, di na pala kami sa Fansdigital mag papaprint, kasi si sis simplyme, sa kanya nalang ako papaprint, ;) and mas mura pa ang maging total namin. another blessing uli! ;)

vincris16 - sis, nasa FB Mo na ba?

ez4gotten - sis, super love the pre nup pics!!! :) nakakatuwa si Papa P, kasi game na game sya sis! di ko akalain. hahah ;) sana ganyan din sa Papa M sa prenup namin. huhu!!! mahiyain kasi yun ng sobra sobra. pero baka magbago pala kapag kaharap na ang camera. hehe ;) btw sis, pano ka pala nag pay sa bigtummycakes? kasi sabi ni ms. Aira, isend daw nya sakin nung details kung pano ako makapag down, eh until now wala parin syang email sakin. last week pa ako nag email sa kanya :(

health.gal - thank you sis! kailan mauulit ang coffee kembot natin? naku, na inspire kasi ako sa pag gawa ng invites. sabi ko sarili ko habang ginagawa ko yan, kailangan magawa ko to, dahil eto ang way para maka tipid kami. kasi diba, pag magpapagawa pa ng invites, mas mahal unlike pag may sarili nalang design. printing nalang ang iisipin. sis, yup teddy bear nalang. mas makakamura pala kami. dami daw sa market!market! sabi ng friend ko. wow sis, talagang natuloy ka pala talaga sa prenup. sa prenup din namin sama ka ha? heheh. :D
 
blueflame ah i see, kasi sis, si h2b, nawawala din nung records nya sa simbahan na pinagkumpilan nya, kaya papakumpil nalang sya ulit. :( may mga seminar ka pa ba na inattendan sis? or diretso nalang? ang gaganda ng damit mo sissy. kami ni h2b, may ukay nalang din, sa may bandang Ever daw, madami daw ukay dun and sa Cubao. samahan daw ako ng friend ko na mahilig sa ukay. mas makakatipid kesa sa malls bibili diba? sana may makita ako na dress na may pagka vintage ang style, mala pang 1950's. :) thank you sis sa tip about sa pagkuha ng certificate sa church. naku, honestly, ang church minsan ang daming kaartehan ano? hhmmm. i mean daming regulations and restrictions. what if kung nawala nung nagrequest nung certificate na hiningi mo sa kanila diba? kalerky.

qtpurple04 - virtual hugs for you sis, we love you. alam mo yan. mwah!
:)

Mga sis, appointment ko na kay Ysabela Florist on Saturday AM. Sa may Hidalgo daw ito eh, familiar ba kayo dito mga sis? nitag nila ako sa FB ng map going to their office, pero promise, wala talaga akong alam sa quiapo. huhu.  pero sabi sakin ng kapatid ni Ms. Weng lapit daw ito sa San Sebastian Church eh. may ideas kayo sis? kung pano pumunta dun from Crossing. hehe.

vincris16

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #57 on: October 24, 2011, 09:29:38 pm »
maraming salamat talaga mga sissies sa advise..
mas okie na ko now..nadala lang siguro ko sa palagid na nagsasabi ng kung ano-ano kaya medjo nasad ako..
pero di naman po talaga ko nakikipagkumpetensya..tama kayo dapat maging happy ako na nakatulong ako..
salamat talaga ng marami..

naku sis chelle_peachy0524, ingat ka sa ganyan,.
alam mo ba yan ang pinagsisihan namin ni h2b now yan ganyan favtor..
yun kasi HMUA namin hiningan agad kami ng 50% na dp para maisara ang date..
tapos nito prenup naku sabi free trial ang gagawin sakin nun prenup ayun siningil kami 1k..
tapos di namin sya kasama iba nag ayos sakin HMUA na 2k siningil pero maghapon kami na sinamahan at todo ayos samen ever..
unlike dun sa 1k na minake upan lang kami yun na agad 1k..
hanep di tuloy kami makapag back out since 6k na nadown namin..
anyway thanks sis.. sakin naman talaga want ko kakaiba at maganda talaga yun wedding namin..
si h2b kasi effort na effort mag isip ng mga unique ideas for our wedding nasad ako kasi dahil daw sa kadaldalan ko di na sya unique..
iniisip lang daw nya ako..want nya the best wedding na ibibigay nya sakin..pero sinabi na lang ni h2b wag daw ako mag alala magiging prinsesa daw ang pakiramdam ko sa kasal namin na papakasalan ko daw ang prinisipe ahaha..

wow mga sis magkano ba budget niyo photog and videographer? kasama prenup? magkano po lahat.. parang ang bobongga ng sainyo ahehe..

sis katrinac, sowie naman medjo di ata me nakasunod.. alin po yung nasa fb?. hehe yun po ba sample prenup pics? naku nakatag lang me sis hehe.. check mo na lang po.. :)

magandang gabi at ako eh borlogs na borlogs na straight ako now na 2wiks na 7-7 5days whew sabagay dagdag budget din namin kaso bigat sa pakiramdam plus factor na di ako makasulyap sa inyo mga sis sana magkita-kita na tayo lahat ng bongga hehe

health.gal

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #58 on: October 24, 2011, 09:32:58 pm »
sis katrinac - oo ba, sama ako sa prenup mo. sabihin mo lang kelan. re coffee kembot, sabihin niyo lang kelan niyo ulit gusto. hehe. re sa pagpunta ng Quiapo from Corssing, commute ka ba sis? if yes, may mga jeep or FX along Shaw Blvd, Quiapo yung signage. dun ka banda sa harapan ng Lourdes School sumakay kasi umaakyat na sila ng flyover eh. sis michiness - help, mas kabisado mo ang Quiapo eh. hehe.

dishwalla

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 9*
« Reply #59 on: October 24, 2011, 09:37:50 pm »
hello mga sissies!..grabe ang dami agad kelangan iback read..dumaan lang :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close